C6: Hardship Of Courting Jyreen 2
"Naglilihi ka ba? Wala pa namang nangyayari sa atin ah!" Pagbibiro ni Vinn na hinihiling niyang sana hindi mapikon si Jyreen.
"G*g*! Akin na nga 'yan!" Inis na sabi ng dalaga dito saka kinuha ang dala ng binata na isang plastic na puno ng 50 pieces of yum burgers saka kinuha nito ang resibo sa loob ng plastic para makita kung magkano. Babayaran niya ito.
"Hindi ka talaga mabiro 'no? Ano ngang gagawin mo sa burgers? Hindi mo naman 'yan mauubos ng isang araw lang. Maliban na lang kung naglilihi ka nga." Dahilan ng binata. Napapakamot siya ng ulo.
Kinuha ng dalaga ang wallet niya saka kumuha ng pera.
"Dami mo mong alam! Ito na ang bayad. Salamat." Pag-abot ng bayad ng dalaga dito.
"Hindi ako nagpapabayad." Seryosong sabi ng binata dito na hindi kinukuha ang inaabot sa kanya ni Jyreen.
"Tatanggapin mo 'to o hindi ka na makakapasok dito? Hindi mo na din ako mahahatid-sundo at lalong hindi na rin kita papansinin!" She warned. Alam talaga ng dalaga ang puwedeng panakot sa binata.
"Ang dami namang blackmail 'yan! Sapilitan talaga." Reklamo ng binata na wala namang magagawa.
"Tatanggapin mo lang kasi, dami mo pang arte! Ang yaman mo naman!" Komento ng dalaga.
"Fine. Tatanggapin na." Napipilitang sabi ng binata saka kinuha ang perang inaabot ng dalaga, " 'Wag ka ng magalit! Ano ba kasing plano mo sa mga 'yan?" Tanong pa nito out of curiosity.
"Wala ka na doon." Sagot ng dalaga.
"Sa'n ka pupunta? Sunday ngayon. Wala ka namang pasok." Pagtataka pa ng binata.
"Ang kulit mo. Lumabas ka na lang. Makikita mo pagpunta natin."
"Natin?"
"Bakit? Ayaw mo?"
"Gusto kong sumama syampre kahit saan pa 'yan. Let's go." Excited na sambit ng binata.
Pinagbuksan ni Vinn ang dalaga ng pinto saka sumakay sa kotse.
"Daan muna tayo sa cebuana. Magpapadala ako kina Mama." Abiso ng dalaga nang magsimula nang umandar ang sasakyan.
"Okay." Sagot naman ng binata.
Nagpadala muna ang dalaga ng pera saka pinabili ng 50 pieces na coke mismo si Vinn bago sila tumuloy sa kanilang pupuntahan.
"Dito na?" Tanong ni Vinn nang pahintuin na siya ng dalaga.
Tumigil sila sa isang orphanage named Angels Haven. Sampong taon na rin ang orphanage na ito.
"Yes. Nandito na tayo." Masayang sagot ni Jyreen. Isa ang orphanage sa mga nagpapasaya sa kanya.
Sinalubong sila ng dalawang madreng matanda. Sina Sister Elissa at Sister Vicky na parehong 55 years old na. Kasama nila ang mga bata bakas ang excitements sa mga mukha nang makita si Jyreen.
"Pasensya na po kayo, kaunti lang po ang nadala ko." Bungad ng dalaga s mga ito.
"Okay lang ija. Nag abala ka pa. Hinahanap ka nga ng mga bata dito." Sagot ni Sister Elissa ng nakangiti.
"Mag-i-story telling na lang po muna ako. Next time na ang palaro." She suggested.
"Sige lang ija." Sabi ni Sister Vicky.
"Jyreen, saan ko 'to ilalagay?" Tanong ni Vinn nang makapasok. Dala ng pasalubong nila sa mga bata.
"Dito na lang ijo." Sabi ni Sister Elissa, "Salamat." Nakangiting binalingan ng tingin si Jyreen.
"Sino ito ija?" Tanong ni Sister Vicky, "Boyfriend mo ba? Buti naman at nagka-boyfriend ka na." Patawa-tawang sabi pa nito.
"Halah! Hindi po, Sister!" Pag-tanggi ng dalaga dito.
"Maliligaw pa lang po. Vinn Rivero po." Pagpapakilala nito.
Pagkatapos ng pakilalahan ay tinipon-tipon na ni Sister Vicky ang mga bata.
"Mag-i-story telling daw si Ate Jyreen niyo." Anunsyo ni Sister Vicky saka nag siupuan ang mga bata, "Ito naman ang Kuya Vinn niyo, manliligaw ni Ate Jyreen niyo."
Bigla namang inasar sila ng mga bata. Ang mga bata ay nasa edad pito hanggang labing tatlo.
"Maiwan ko muna kayo dito. Tutulungan ko lang sa pag-aayos si Sister Elissa." Sabi ni Sister Vicky.
"Sige po, Sister." Nakangiting sagot ni Jyreen saka tumango si Vinn dito.
Nakiupo naman sa pinakadulo sa tabi ng mga bata si Vinn para makinig.
Nasa kalagitnaan na ng pagkikwento si Jyreen ng biglang kausapin si Vinn ng mga batang katabi niya sa pinakadulo.
"Kuya, manliligaw ka ba talaga ni Ate?" Tanong ng batang lalaki na si Owen.
"Opo. Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman po. Akala ko kasi nagbibiro lang si Sister Vicky."
"Bakit ngayon ka lang nanligaw sa kanya, Kuya?" Tanong naman ng batang babae dito na si Mary.
"Ngayon lang ako nagkalakas ng loob eh. Bagay ba kami ng Ate niyo?"
"Opo! Opo!" Sagot nito sa kanya.
Pagkatapos ng story telling ay nag distribute na sila ng mga pagkain sa mga bata.
Magkatabi na sila sa upuan habang pinagmamasdan ang mga batang kumain at magkulitan.
"Madalas ka dito?" Biglang tanong ng binata sa dalaga. Nakatuon ang mga mata ng dalaga sa mga bata.
"Oo, since after college graduation pumupunta na ako dito. Nakilala ko sila dahil sa isa kong professor. Nagpafeeding program kasi kami. Masaya akong kahit papaano ay nakakatulong ako sa mga batang napabayan at pinabayaan ng kanilang mga magulang sa kahit na ano pa mang dahilan kung bakit sila mag-isa at napunta dito." Sagot nito habang nakatingin pa rin sa mga bata. May mga batang nagsusumbong tapos sinusuway niya.
"Once or twice a year ka dumadalaw?" Tanong pa ni Vinn. Curious siya masyado. Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa dalaga.
"Hindi. Kapag may pagkakataon ay dumadalaw ako. Naging parang stress reliever ko na dito. Napalapit na rin kasi sila sa akin. Magaan ang loob ko sa kanila. Parang ipinanganak ako para makilala sila at makatulong." Kuwento ni Jyreen dito na buo ang atensyong nakikinig. Nakikita sa mukha ng dalaga kung gaano siya kasaya habang nagkikuwento at sumasagot sa mga tanong ng binata. Nakikita 'yon ni Vinn.
"Mas lalo lang akong naiin-love sayo." Mahinang komento ng binata na hindi naman narinig ng dalaga dahil sa ingay ng mga bata at hindi buo ang atensyon ng dalaga dito. Nasa mga bata ang atensyon talaga ng dalaga.
Ibang-iba talaga si Jyreen sa lahat ng babaeng nakilala ng binata. Ngayon lang siya nakakilala ng babaeng sobrang selfless. Inuuna ang lahat kaysa sa sarili at hindi nakakalimot sa pamilya lalo na sa Diyos.
-