C7: Hardship Of Courting Jyreen 3

1004 Words

C7: Hardship Of Courting Jyreen 3 Pagkatapos ng trabaho ni Jyreen, syempre nakaabang na si Vinn na laging proud manliligaw. Lagi itong excited sunduin si Jyreen at ihatid. Isama na rin natin ang makasama at makausap ang dalaga. Nabubuo lagi ang araw ng binata kapag ganoon. "Nasa loob pa si Jy." Sabi ni Fae kay Vinn nang makita itong naghihintay. Nasanay na rin ang mga kaibigan ni Jyreen sa trabaho na laging naghihintay si Vinn. "Okay lang." Kaswal na sagot ng binata dito. "Ay, Vinn, bago pala naming kasamahan si Lanna." Pagpapakilala ni Mylyn sa bago nilang kasama dito. Maganda si Lanna. Matangkad. Mukhang modelo. Tinanguan lang ito ng binata. Halatang ayaw makipag-usap. Wala itong pakialam kung gaano pa kaganda ang ibang babae. Si Jyreen lang ang pinakamagandang babae para sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD