SPECIAL CHAPTER 1 Habang naglalaro ng basketball sina Vinn at ang anak nitong si Javin, nagluluto naman ng meryenda si Jyreen. Nagluluto siya ng pancit na itinuro sa kanya ng kanyang ina na ngayon na lang niya muling nailuto. Bigla na lang kasi siyang nag-crave sa pancit at ayaw niya ng pancit na luto ng iba. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok ang mag-ama ni Jyreen sa kusina kung saan naglalagay na siya ng pancit sa kanilang mga plato. "Vinn, magpalit muna kayo ng damit. Matutuyuan kayo ng pawis eh." Baling ni Jyreen sa kanyang mag-ama. Buhat ni Viin si Javin na pareho silang pawisan. "Yes, Ma'am!" Nakangiting sabi naman ni Vinn dito saka umalis ng kusina. Pagkatapos magbihis nila Vinn at Javin pinuntahan nilang muli si Jyreen na nauna ng kumain. "Mommy!" Tawag ni Javin sa ina.

