C38: Back To Normal 2 Hindi mapakali si Vinn nang mawalan ng malay ang kanyang asawa pagkatapos maipanganak ang kanilang panganay na lalaki. Oo, panganay dahil gusto pa nila itong sundan sa susunod. "Kailan po ba magkakamalay ang asawa ko, Doc?" Pag-aalala ni Vinn sa asawa. Awang-awa si Vinn sa asawa niya noong nakita niya itong nanganganak. Pinagpapawisan naman siya ng malamig sa mga oras na 'yon. Nagdarasal ang isip at puso niyang makayanan ng asawa niya at anak na mairaos ang panganganak ng safe ang dalawa. "Any minute from now, Mr. Rivero. Don't worry, she's just recovering. Masyado lang siyang napagod sa panganganak." Kalmadong sabi ng Doctor saka lumabas ng room ni Jyreen. Nakaupo siya sa tabi ng kama ng asawa habang hawak-hawak lang niya ang isang kamay nito. Ang ina ni Jyr

