C22: Cheesy Kinausap ni Vinn ang kanyang ina na nag stay pala sa hotel for three days lang dahil marami pa itong inaasikaso sa probinsya. Hindi naman niya magawang magalit ng todo sa ina dahil hindi naman talaga nito kilala pa ang asawa niya kaya pinalagpas na muna niya ito pero sinabihan niya ito na 'wag magsalita ng masama sa asawa niya. Nagpaliwanag pa rin naman siya, respeto din sa kanyang ina. "Talk to me please bago sa asawa ko." Paki-usap niya sa ina bago ito umalis ng Manila. Hindi naman umimik ang kanyang ina. Kahit papaano ay nagiging maayos na din naman na ang pagsasama nilang mag-asawa simula nang magkausap sila. Nayayakap na niya ito na hindi siya nito tinutulak, nahahalikan na hindi tumututol o naiirita sa kanya at hinahayaan na siya nitong magtanong at magsalita na sina

