"Tumigil nga kayo! Wag niyo isisi kay Macy lahat! Hindi rin naman niya ginusto ang mga nangyayari.. T-tsaka! Kung hindi tayo nagpunta dito.. umpisa pa lang. Hindi magkaka-ganito!"
Pagtatanggol sakin ni Darlene.
"Wag na tayong magsisihan, wala ring mangyayari.." Si Zeik.
Umupo na lang ako sa hagdan habang pinagmamasdan silang lahat na naka-upo din. Hindi ko alam kung paano kami makaka-alis dito.
Sinara na nila ang pinto na sana ay exit namin.
"May mga bintana. Basagin niyo ang mga bintana"
Utos ng Head.
Kaya nagsikilos halos lahat ng estudyante.. Maging ako ay sumunod narin.
Naghanap kami ng bintanang basag na oh marupok na para madali na lang sirain.
Hindi pa man kami nakakalapit sa iba ay may tumakbo na palapit kay Mr.Gonzales.
"Sir! Wala kaming mahanap na bintanang basag na"
"Huh? Anong wala? Eh halos lahat ng bintana sa lugar na 'to ay basag na. Anong nangyayari?"
"Lahat po.. ng bintana.. Maayos at walang basag. May mga bakal nang nakatakip. Hindi namin alam paanong nangyari pero-
"Yaahhh!!"
Nawindang kaming lahat nang magtakbuhan ang ibang estudyante papunta samin. At may lalaki sa dulo, yun ba ang tinatakbuhan nila?
"Anong nangyayari?" Ani Mr. Gonzales na animo'y kabado na.
Nakita naming duguan na ang isang estudyante papunta sa direksyon namin.
"Aahhh! Ano yan? Anong nangyari??"
May nakatarak sa katawan niyang isang mahabang bagay. Parang tubo.
Napahawak ako sa bibig ko.
Nataranta rin maging sina Zeik.
Napahawak ako kay Darlene.
"T-tulong.. m-may.. Huma..Ha..bol..-
Naubo siya habang nagsasalita.
Lahat kami ay hindi alam ang gagawin. Naka-awang lang ang mga bibig namin.
Walang nagsasalita.
"Sa..kin..-
Tuluyan na siyang bumagsak noon. Nagkalat ang napaka-raming dugo sa sahig.
Napa-atras ako.
Nangangatog ang buong kalamnan ko. Sobrang naguguluhan ako. Ganyan din ba...ang mangyayari.. Samin?
"Yyyaaaahhhh!!!!"
Nang magkasigawan ang mga estudyante dali-dali silang nagtulakan. Kami ay hindi pa tuluyang nakaka-alis ng hagdan.
Kaya napa-akyat kami papuntang second floor.
Nagsunuran ang mga estudyanteng nagkatulakan na. Yung iba ay nadapa. May naapakan. May nadaganan, may umiiyak. May sumisigaw.
Para na akong mababaliw. Para akong nasa isang Asylum.
Madali kaming umakyat hanggang makarating kaming hagdan. Medyo marupok narin ang kahoy sa hagdan kaya habang nagmamadali kami ay may pag-c***k kaming narinig.
"Wag! Wag kayong aakyat! Delikado! masisira na ang hagdan!"
Sigaw ko nang kami ang mauna sa taas.
Pero dahil sa pagkataranta nila ay di nila ako pinakinggan.
Ang akala ko ay magiging okay lang dahil marami narin ang naka-akyat sa hagdan pero..
"Ahhhk! gh!"
Sa harap ko mismo.. Bumigay ang hagdan.. Sa harap ko mismo. Nakita ko ang mga ka-eskwela kong nahulog papuntang 1st floor. Ang dami pa nila.
Sa lakas ng impact.. May dugo pang tumalsik sa mukha ko.
Ang mga estudyante at ibang teacher na napasama sa pagkahulog.. Lahat ay namatay. Namatay nang kahit hindi ganoon kataas ang nahulugan nila dahil natusok sila ng mga pirasong kahoy mula sa hagdan.
Nakakapanghina ang mga nakikita ko.
Natulala ako, naramdaman ko na lang na may tumakip sa mga mata ko at niyakap ako.
"Wag mong tignan Macy. Wag ka nang tumingin pa"
"Zeik.."
Halos nasa pitom-pu kaming nakaligtas.
May ibang gumagalaw pa pero may nakatusok na kahoy sa mga katawan. Ang iba ay nabalian ng paa.
"H-hindi.."
Tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Ano na ang susunod na mangyayari? Makakalabas pa kaya kami? Pakiramdam ko hindi ko kakayanin pa, lalo na sa mga nakita kong nangyari ngayon.
Ma, Pa. Mahal na mahal ko kayo.
"Macy, tara na.. wag mong tignan yan.. Please. Kailangan nating magpatuloy"
Inakay ako ni Zeik habang nanghihina parin ang mga tuhod ko. Hindi ko akalaing magiging mahina ako sa mga ganitong pagkakataon. Wala akong magawa.
Inalis ko ang kamay ni Zeik sa braso ko at humarap sakanya.
"Sabihin mo.. Saan tayo pupunta?? may malalabasan pa ba tayo?? Wala na diba? I-ibig-sabihin, mamamatay narin tayo gaya nila!"
"Macy, huminahon ka! Buhay pa tayo! May paraan pa. Hindi ko alam kung ano, pero habang buhay pa tayo.. May magagawa pa tayo.. Hindi makakatulong kung titignan natin s-sila"
Sabay turo ni Darlene sa baba.
Kasama si Mr.Gonzales sa mga namatay.
Karamihan din sa teachers at students ay nandoon.
Ang mga kasama namin ngayon ay ang prof. naming babae at ang iilang estudyante na tulala din. Napa-upo lang ang iba at hindi alam ang gagawin.
Napalunok ako sabay punas sa luha ko.
"A-anong gagawin natin?"
----
Sa ngayon ay nilisan na namin ang lugar kung saan nangyari ang trahedya. Malagim na trahedya. Hinding-hindi ko makakalimutan yun.
Siya ba ang may gawa nito samin? Ang Akuma na tinatawag nila? Bakit niya ginagawa 'to?
Tumingin ako sa relo ko..
Alas-dos na.
Hapon na pala. Tama, kanina pa kami nandito. Idagdag pa yung hinimatay ako at di ko alam kung gaano katagal.
Wala kaming kahit anong meron ngayon, yung mga gamit namin ay naiwan sa loob ng bus.
Magkakasama kaming naglalakad sa hallway, naisip naming pumunta sa rooftop. Baka doon, pwede kaming maka-alis. Kung paano? yun ay hindi ko pa alam. Basta.. ang importante.. Makahanap kami ng lalabasan.
"Nagugutom na ako.. Kanina pa tayo nandito"
Reklamo ng isa naming kasamang babae.
"Wala tayong dalang pagkain. Nasa bus yung mga gamit. Mukhang kailangan nating magtiis ng gutom dito"
Ang prof. namin na babae.
Karamihan ay nangangamba kung ano ang mangyayari samin. Walang nakaka-alam.
"Dito! Papuntang 3rd floor! Dalian niyo"
Turo ni John kaya nagmadali kami.
"Teka, dahan-dahan lang huh. Baka kasi bumigay din ito"
Pa-alala ni Darren.
Marahan kaming umakyat hanggang makatung-tong kami sa 3rd floor. Madali kaming naglakad papuntang 4th at nakita nga namin ang hagdan. Mabuti at buo pa ang ibang hagdan.
Dahan-dahan din kaming umakyat.
Pero biglang nabali ang isang kahoy at nahulog ang isang paa ng babae naming prof.
"Ah! Tulong! Yung paa ko!"
"Dali! Tulungan niyo si ma'am!"
Maging ako ay tumulong. Dahil baka tuluyang masira ang buong hagdan kaya hinila na namin siya.
Hindi nga ako nagkamali. Parang isang papel na napupunit at dumaus-dus pababa ang hagdan. Hindi na kami makakabalik pa sa baba.
"Malapit na tayo sa rooftop!"
Nagmadali na kami at halos takbuhin na namin ang hallway. Paika-ika naman si Ma'am na inaakay ng ilang kalalakihan.
"Heto!"
Turo ni Zeik.
May nakalagay na sign na..
"Rooftop"