"Macy! Gising! Macy!"
May nag-eecho sa tenga ko. Sino yung tumatawag sakin?
"Macy! Naririnig mo ba ako?"
"Darlene..."
Bahagya na akong nagising dahil kay Darlene.
Pero ang diwa ko ay tila lutang pa.
Binigyan nila ako ng tubig, tsaka inalalayang maka-upo.
Nasa hagdan na kami naka-pwesto, lahat ng estudyante.
Naka-upo kami sa sahig sa tapat ng entrance.
Nag-uusap ang iba. Yung iba nakatingin samin. Ang mga teachers ay tila balisa. Maging ang head namin.
"A-anong nangyari?"
"Nawalan ka ng malay sa may Cr. Ano bang nangyari sayo? Tsaka nasaan si Liza?"
Biglang bumalik ang diwa ko.
Si Liza. Nawawala si Liza.
Napayuko na lang ako.
"Nasaan si Liza? Magkasama kayo diba? Macy?" Tarantang tanong ni Darlene.
Umiling-iling ako.
"Hindi ko alam kung nasaan siya. Naghihintay lang ako sakanya sa labas ng Cr. Ilang minuto na akong naghihintay pero.. Walang Liza. Kahit nung pumasok ako.. Wala siya.. P-pero.."
"Ano??.."
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Dapat ko bang sabihin ang nakita ko kanina?
"Miss Jimenez, bakit kayo humiwalay samin?"
Biglang singit ni Mr.Gonzales.
"Sir, na-ccr na po kasi ang kaibigan ko. Si Liza. Sinabihan ko naman na tiisin niya muna pero hindi niya na daw kaya, kaya sinamahan ko po siya. Nagpa-alam naman po ako sa mga kaibigan ko-
"Bakit 'di kayo nagpa-alam samin?!"
Napapikit ako sa pagsigaw niya. Nakuha nito ang atensyon ng lahat.
"S-sorry po. Kasi siguradong hindi niyo kami papayagan.."
Mahina kong sabi. Kinakabahan ako. Natatakot parin ako.
"Talagang hindi ako papayag, dahil delikado! Ngayon! Asan yang kaibigan mo?"
Umiling ako.
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga, tsaka napakamot sa ulo.
"Sorry sir, hindi naman po ginusto ni Macy yung nangyari. Sinamahan niya lang po si Liza" Si Zeik
"UGhhh! Teachers! Tumawag kayo ng rescue dali!"
"P-pero sir-
"Ano?!"
"Wala pong signal sa lugar na ito"
Noon ay mas nag-igting ang inis ni Mr.Gonzales.
"Manong, paki-buksan na ang pinto. Aalis na tayo lahat dito, hindi na tayo pwedeng magtagal"
Aniya na ikinagulat ko.
"Sir! Paano ang kaibigan namin? Hindi natin siya pwedeng iwan basta-basta"
Humarap siya sakin at lumapit.
"Anong gusto mong gawin ko? Hanapin ko? Saan? Ni ikaw nga hindi mo alam kung saan hindi ba?"
Magsasalita pa sana ako nang mabuksan na ang pinto palabas. Kung saan din kami pumasok kanina.
Biglang namayani ang katahimikan samin habang nakatingin doon..
"Anong nangyari? asan ang labasan? Bakit hallway pa ito? Hindi ba dito tayo pumasok kanina?!"
Natataranta na ang caretaker maging ang pito naming prof. na kasama.
Nagkabulungan at nagkatakutan na ang mga estudyante doon.
"D-dito yun..Dito tayo pumasok kanina Sir. Hindi ko alam.. Paanong.. Hallway agad. Heto pa po ang palatandaan ng pinto kanina na may pangalan ng dating school na 'to"
Mas kinabahan ako.
Nagsi-tayuan lahat ng balahibo ko.
"Anong.. Paano na yan? Ibig-sabihin wala tayong ibang lalabasan?"
Tanong ng isa naming teacher.
"W-wala po. Dito lang po talaga"
Bahagyang lumapit si Mr.Gonzales papasok sa pinto kung saan may madilim na hallway. Yun ang hindi ko maintindihan. Dapat labas na yung makikita namin, pero biglang.. Isang hallway??
Ilusyon ba 'to? Oh panaginip ko?? Kung panaginip man, please Macy! Gumising kana!
-----
Hindi tumuloy si Mr.Gonzales sa pagpasok sa pinto na dapat sana ay labasan na namin, bumulaga saming lahat ang isang hallway.
"Anong gagawin natin? Saan na tayo lalabas? Makakalabas pa ba tayo?"
Daing ng mga estudyante.
Nanlalamig ang buong katawan ko, maging ang mga kamay ko.
Hinawi ko ang kwelyo kong natatakpan ang leeg ko at hinawakan ito.
Napapikit ako sa hapdi.
Pinagmasdan ko ang kamay ko.. May dugo..
"Oh? Macy? Bakit may dugo yang kamay mo?"
Nakita ni Darlene.
Isang takot na reaksyon ang ibinigay ko sakanya.
Naagaw naman ang atensyon ng iba at tumingin sakin.
Hinawi ni Darlene ang buhok ko at nakita ang leeg ko.
"Anong nangyari sa leeg mo? Bakit.. Parang tinusok yan? Macy?"
Nagsi-lapitan din sina Zeik, John at Darren sakin.
"Macy, sinong may gawa niyan sayo?"
Ani Darren.
Sasabihin ko ba?
"Anong nangyayari diyan?"
Lumapit samin si Mr.Gonzales at ang ibang mga teachers. Nakita nilang may dugo ang kamay ko.
"Dugo? Ba't may dugo ka sa kamay?"
"S-sir.. Kasi.."
Tinapik ako ni Darlene sa balikat.
"Anong nangyari? Ikwento mo..wag kang matakot"
Kinagat ko ang labi ko at lahat sila ay nakatingin sakin. Yung iba naman ay pilit na tumatawag ng tulong kahit na walang kasignal-signal sa lugar.
"K-kanina, nung nalaman kong wala si Liza sa loob ng cr. Hinanap ko siya. Pumasok ako sa loob. Pero.. kinabahan ako dahil di ko nakita ang kabigan ko kaya.. Nag-decide akong lalabas na sana, P-pero.. Biglang sumara yung pinto. Pabagsak. N-natakot ako, 'di ko alam paanong nangyari yun. Nagsisisigaw ako, pilit kong binubuksan yung pinto na halos sirain ko na. Dapat nasira na yun, dahil marupok na pero.. Parang mas lalong tumibay"
"Yung sigaw mo. Yun ang narinig namin, kaya dali-dali namin kayong hinanap"
Si John
Seryoso silang nakikinig sakin.
Habang ako ay nakayuko.
"P-pagkatapos. May narinig akong lalaking tumawa sa likuran ko.. Nangilabot ako noon. Hanggang makita ko siya. Harap-harapan ng dalawang mata ko.. Pulang mga mata, matatalim na pangil. Sinakal niya ako, at ibinaon ang kuko niya sakin.. A-akala ko m-mamamatay na ako-
"Kung ganun, nakita mo ang Akuma? (Demon) Nagpakita sayo?!"
Biglang tanong ng head namin.
Naalala ko.. Mukhang tama nga, siya yung tinutukoy na Akuma. Ang nagbabantay dito.
Tumango ako.
Narinig ko ang iba't-ibang klaseng hiyawan ng mga estudyante, sa sobrang takot yung iba ay napa-iyak na.
Maging ako ay gusto kong umiyak.
Umiyak ako sa harap ng demonyong yun. Anong klaseng nilalang siya? Demonyo nga ba talaga?
Nahahawakan niya ako, sinaktan niya pa ako. Ibig-sabihin, totoo ang mga demonyo??
At dahil walang may dala ng First Aid dito, pinahiram na lang ako ni Darlene ng panyo at ibinalot sa sugat ko. Sa leeg ko.
Nagkaroon ng konting commotion sa loob ng lumang school.
"Mamamatay na tayong lahat!"
"Tumahimik ka nga! Wala pang kasiguraduhan kung totoo ang sinasabi ng babaeng yan!"
"Maipapaliwanag mo ba ang nasa leeg niya? Yung sugat?"
Natahimik ang ilan.
"Kasalanan mo 'to! Kasalanan niyo! kung hindi kayo humiwalay! Kung nakinig lang sana kayo! Eh di sana.. Makakalabas pa tayo! Ngayon, saan na tayo lalabas? Makukulong na tayo dito! Walang signal. Walang tulong. Walang kung anuman!"
Sigaw sakin ng babaeng ka-eskwela ko habang umiiyak.
Hindi ko akalaing.. kasanalan ko nga lahat.. ng ito.