Chapter 13: His Own World

1150 Words
Chapter 13 Naisipan kong silipin kung ano ang nasa labas ng mansion na yun. Kaya pumasok ulit ako sa kwarto. Nasa 4th floor ang kwartong 'to. Kung saan ko din nakita ang lalaking yun. Nakatakip ang mga kulay pulang kurtina kaya hinawi ko yun. Nasilaw ako sa nakita ko. Araw.. palubog na.. at.. Isang napaka-gandang tanawin mula sa labas. Katulad ito sa eskwelahan na may napakalaking bakanteng-lote. Pero dito.. may napakalawak na dagat sa harap. "M-may ganito pala kagandang lugar dito! Pero parang doon parin sa lugar kung nasaan ang lumang eskwelahan. Parang napalitan lang ng kaunti" Maganda nga sana ang dagat at ang papalubog na araw pero.. ang mga d**o sa paligid. Ang lupa.. Wala palang d**o dahil mukhang hindi tutubuan ng d**o ang tuyot na lupa. Nakaramdam ako ng lungkot sa nakikita ko sa paligid. Nakakalungkot. Walang kabuhay-buhay. "Anong ginagawa mo diyan?!" Sa sobrang gulat ko ay halos mapasigaw ako. Humarap ako sakanya na ngayon ay biglang namula ang mata sa galit. "Isara mo yan! wala kang pahintulot galing sakin na buksan ang bintana!" "Pero.. sinilip ko lang- Itinapat niya ang kamay niya sakin at nung mga oras na yun ay di ko mai-galaw ang buong katawan ko. "Wala kang karapatang suwayin ako! Alipin kita dito. Susundin mo ang sasabihin ko. Lahat-lahat, at wala kang gagalawin ni alinman dito nang hindi ko sinasabi.. kaya wag na wag mong bubuksan ang kurtina!" Tsaka niya ako tinigilan. Napaluhod ako. Para akong sinakal. Hindi ako nakahinga. Ano bang problema niya? Bampira ba siya? Malulusaw ba siya pag nakakita ng araw? "Ayokong nakikita ang liwanag sa labas! Yun ang problema ko!" Tama nga pala, n-nababasa niya ang iniisip ko. "Tumayo ka diyan" Kinaladkad niya ako patayo at inihagis sa labas ng kwarto. Halos mapasub-sob ang mukha ko. "Ang sama.." Bulong ko. Nakaka-inis! Wala akong magawa! Dahan-dahan akong tumayo. May galos na ang kamay ko dahil sa pagtukod ko sa sahig. Hindi parin pala nawawala ang mga galos sa palad ko, maging ang sugat sa leeg ko. Ang ilang beses niyang pagsampal sakin ay nagdulot ng sugat sa gilid ng labi ko. Naiinis ako sakanya, hindi.. Nagagalit ako sakanya! Hindi ba't patay na ako? Bakit nakakaramdam parin ako ng sakit? Ng takot? Ng lungkot? Hindi ba dapat.. manhid na ako? Oh baka akala ko lang na ganon ang mararamdaman ng mga taong namatay na? Mabuti na lang at hindi niya nababasa ang iniisip ko ngayon. Nasa loob pa siya ng kwarto. Sinubukan kong maglakad-lakad sa buong mansion. Pakiramdam ko ay may iba pa kaming kasama dito dahil sobrang nakakatakot ang lugar. Bumaba ako at naghanap na ng pwedeng magamit. Para matapos na 'to. Hanggang makakita ako ng pupwedeng gamitin. Kinuha ko ang mga gamit doon tsaka ako lumabas agad. Inumpisahan ko sa unang palapag. Naglampaso ako. Nagpunas, nagwalis, nagligpit ng bubog, at ang buong palapag na yun ay natapos kong linisin magdamag. Inabot ako ng gabi, madaling -araw, at umaga. Natapos ako ng tanghali. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sofa doon sa baba. Hindi pa ako kumakain, pero.. nagugutom ako?? "Hoy! Gising! Hoy! Babae!" Napabalikwas ako ng bangon ng bumuhos sakin ang napakalamig na tubig. "Ah! Ano ba?!" "Anong, ano ba? Tignan mo? Akala ko ba ginawa mo na pinapagawa ko? Bakit ganito parin ang itsura??!" "Huh? Ano bang sinasabi mo? Naglinis na- Tinuro ko ang buong-sala. Nagulat ako sa nakita ko. Ang alam ko nalinis ko na. Ni-hindi na nga ako nakatulog at nakakain dahil sa paglilinis. Naligpit ko na lahat.. Hindi ko man nabalik ang maganda at masiglang kulay nito eh nalinis ko naman ang mga naka-kalat. May mga bubog, napakadaming alikabok. Kakaibang paglilinis dapat ang ginagawa dito. Lahat yun.. Bumalik. Hindi ako makapaniwala. "A-ang alam ko nalinis ko na ito? anong nangyari?" "Oo, anong nangyari? Bakit ganito? bakit napaka-pangit parin ng mansion na 'to.. Alalahanin mo.. Isang buwan ka lang" Madiin niyang sinabi. Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko. "T-teka.. Pwede ba akong kumain muna? N-nagugutom na kasi ako" Napangisi siya sakin. "Wag kang mag-alala, kahit di ka kumain, hindi ka mawawala. Mamamatay ka pero dito ka parin pag nabuhay kang muli. Parang impyerno" Sabay ngisi niya. Natigilan ako noon. Ibig-sabihin.. Hindi, hindi! Hindi! Habang-buhay akong magdudusa dito?? Paulit-ulit? "P-pero kagabi pa- "Hindi ka kakain hanggat hindi nalilinis ang unang palapag ng mansion ko!" Halos manlumo ako sa sinabi niya. Tumutunog na ang tiyan ko. Nakakaramdam ako ng gutom kahit patay na ako? Hindi ko maintindihan. May bigla akong naisip kaya pinuntahan ko siya, kung saang kwarto man siya nagpunta dito sa 1st floor. Inisa-isa ko ang mga kwarto. Ang daming kwarto. Yung iba walang kagamit-gamit. Yung iba bakanteng kwarto lang na may gamit at walang natutulog. Dalawa lang ba kami sa napakalaking mansion na 'to? Nakarating ako sa isang kwarto na napakalaki ng pinto. Dahan-dahan kong binuksan yun. Nasilip ko mula doon ang likod niya. Nakatalikod siya habang pinagmamasdan ang hawak na.. "Feather?" Isang puting feather. Na parang galing pa sa isang malaking ibon. Nabigla na lang ako nang mawala siya sa paningin ko. "Anong sinisilip mo diyan?" Halos mayanig ako sa gulat, napasandal ako sa pinto at humarap sakanya. Noon ay kinorner niya ako sa isang sulok. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang-gilid ko at malalim na nakatingin sakin. "Hindi ka pa tapos. Ano pang ginagawa mo dito?" Humugot ako ng konting lakas. "M-may gusto lang sana akong malaman" Hindi siya sumagot. "Gusto kong malaman kung.. Tumupad ka sa usapan.." Ngumisi siya. Tsaka dahan-dahang inilapit ang palad niya sa mga mata ko na ikinatakot ko. Napapikit na lang ako hanggang maramdaman ang palad niya. May kung anong nangyayari. May nakikita ako, kahit na nakapikit ako. Nakikita ko si Liza.. Sina Darlene, Zeik, Darren at John. At ang iba pa.. Nakalabas na sila ng school na yun. At may mga dumating na rescue. Nasa ambulansiya sila. Ang iba namang bangkay doon ay isa-isang kinuha.. Hindi ko mapigilang mapa-iyak. Masaya ako dahil nakalabas na sila. Pero malungkot parin dahil sa dami ng namatay. At dahil nandito ako ngayon. Isinakripisyo ang sarili ko. Mas naluha ako nang makita ang mga magulang ko doon. Sa school. Kasama ang ibang magulang. Nakita ko rin ang sarili kong katawan na dala-dala ng mga rescuer. Umiiyak si mama. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Na-aawa ako sakanila. Iniwan ko sila kaagad. Patawarin niyo ako. Nawalang bigla ang mga nakikita ko nang alisin ng Demonyong yun ang palad niya, pero nagulat ako nang punasan niya ang luha ko gamit ang palad niya.. Tsaka ito tinikman. Napa-awang ang bibig ko. "Ang sama ng lasa" Aniya na nakasimangot. Sino ba kasi nag sabing tikman mo ang luha ko? Napayuko ako, nakakuyom ang mga kamay. Mabuti narin at.. tumupad siya sa usapan. Muli akong tumingin sa mga mata niya.. "Salamat" Sabi ko habang nakangiti at nagpupunas ng luha. Mas mabuti pa pala demonyo tumutupad sa usapan, kaysa sa tao. Hay! Ano ba 'tong iniisip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD