Chapter 14
Nagmadali akong naglinis agad.
Dahil tumupad siya sa usapan. Ngayon ako naman. Kahit gutom na ako ay tiniis ko muna. Ibinuhos ko lahat ng pwersa ko. Pagkatapos sa sala, sa mga kwarto naman.
Hanggang mapadpad ako sa isang kwarto na napasukan ko kanina na walang kalaman-laman. Ito na ang huli. Para maka-kain narin ako.
Habang nagwawalis ako ay may biglang kumaluskos sa loob.
Ano nanaman ito??
Pero hindi ko na muna pinansin dahil nawala din. Baka guni-guni ko lang.
"Hindi ko akalain na magsasama siya ng tao dito"
Sumulpot bigla ang isang tila maliit na nilalang. Sing liit ng ibon sa langit na lumilipad at may pakpak na parang sa paniki. Tao ang hugis niya. At may patulis sa tenga. Madumi ang suot.
"Eh?"
Natulala ako sakanya.
Hanggang..
"Aahhh-
Tinakpan niyang bigla ang bibig ko gamit ang mga maliliit niyang mga kamay.
"Wag kang sisigaw! Malalaman niyang nagpakita ako sayo!"
Anong klaseng nilalang ito?
"S-sino ka? Tsaka.. Ano ka?"
"Isa akong.. Basta hindi ko pwedeng sabihin ngayon. Mananagot ako sakanya"
Aniya
"Kanino ka mananagot?"
"Doon sa Akuma na nag-utos sayong gawin lahat ito"
"T-teka, ano kaba niya?"
"Alipin.."
Malungkot niyang sabi.
"H-huh?"
"Kami... Alipin kaming lahat"
biglang nagsilabasan ang napaka-rami niyang kauri na nagtatago lang sa pader.
"K-kayo? Saan kayo galing?"
"Sa labas.. Ginawa niya ang mundong ito, kung saan ka gumagalaw ngayon. Lahat ng nilikha niya ay alipin niya. Kaya kami nandito ay dahil alipin niya kami na di nagawa ang gusto niya at ayaw kaming palabasin. Nakatakda na kaming ibigay sa isang mas demonyo pa sakanya. Dahil bigo kami"
"A-anong gusto?"
Medyo naguguluhan ako.
"Nang gawin niya ang mundong ito.. Gusto niyang matulad ito sa langit. Ang langit na gawa ng Diyos. Gusto niyang higitan yun. Ang kagandahan nun. Sinubukan naming gawin lahat. Ang pagandahin ang lugar niya. Gawing masigla.. Pero hindi tumalab. Ilang beses kaming sumubok.. pero bumabalik lang ito sa dati. Kahit pa ginamit namin lahat ng mahika namin. Ginawa niya itong lahat na ganito na ang itsura. Napakasaklap"
Paliwanag niya..
"P-Pero pano yung kahapon? Nung nagising ako dito. Maganda pa ang itsura ng mansion niya"
"Gawa namin yun at pansamantala lang. Gamit ang kakayahan namin. Nagalit siya dahil hindi namin kayang gawing permanente. Kaya ikinulong kami dito. Walang pagkain. Walang inumin"
Nakadama ako ng awa.
"K-kailan pa kayo nandito?"
"Kahapon. Hindi ko akalaing magdadala siya ng tao dito, ayaw niya sa tao.. Sobra.. baka may pinaplano siya.. Oh baka may gusto siyang subukang gawin.."
Napapa-isip ako kung ano ang sinasabi niya.
"Ibig-sabihin gusto niyang sumubok ng tao.. para mapaganda ang lugar na 'to?"
Aniya sabay diretso ng tingin sakin.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Ikaw, yang ginagawa mo.. Walang magiging epekto yan dito. Napansin mo naman siguro na kapag naglilinis ka.. bumabalik lang din sa dati. Para sa taong gaya mo.. Mahihirapan ka lang, oras lang ang itatagal ng lahat ng ginawa mo at babalik lang din sa dati"
"Yun ang gusto kong malaman, b-bakit bumabalik sa dati? Alam kong hindi ko nga talagang kaya ibalik lahat, pagandahin lahat pero pinipilit ko dahil tumupad siya sa usapan, kaso.. mukhang mababalewala lang lahat ng pagod ko"
Huminga siya ng malalim. Ang mga kasama niya ay malungkot. Katulad saming mga tao. May matatanda at bata rin sakanila.
"Yung galit at inggit sa puso niya ang dahilan kung bakit ganito kalungkot at kapangit ang mundong ginawa niya. Pinapakita lang nito ang nilalaman ng puso niya. Napaka-itim"
Tama nga ang hinala ko. May biglang sumagi sa isip ko.
"Ibig mo bang sabihin.. kailangang mawala ang galit at inggit sa puso niya.. Para gumanda ulit ang lugar na ito?"
"Ganun na nga, nakuha mo. Mukhang matalino ka namang tao. Kaso mukhang sinasaktan ka niya"
Napahawak ako sa leeg kong may sugat.
"S-sabihin mo.. Paano ko aalisin ang galit sa puso niya?"
Umiling-iling siya.
"Yun ang hindi ko na alam.. Pero may sekreto akong sasabihin sayo.. Ang Akuma na yun ay isang Anghel.. Dati"
"H-huh?? Anghel?"
Anghel na naging demonyo? Totoo ba 'to?
"Anghel na ibinagsak mula sa langit. 'Di ka ba nagtataka sa lahat ng nasasaksihan mo? Dahil sa isang pagkakasala. Kaparusahan niya ito. Kailangan niyang matutunang tanggapin ang mga tao, gumawa ng mabuti sa mga tao. Pero kabaliktaran ang ginagawa niya. Kaya mas lumalala siya, maging ang anyo niya ay nag-iiba"
Malungkot niyang sinabi
Ngayon naiintindihan ko na.. Pero mahirap paniwalaan. Kahit harap-harapan ko nang nakikita ang lahat. Parang.. panaginip lang.
"Ang hindi ko lang malaman eh.. Bakit ka sumama sakanya dito?"
"P-para sa mga kaibigan ko. Na trap kami sa lumang school-
"Dun kayo galing. Hindi na dapat kayo nagpunta. Wala na dapat taong nagpupunta sa lugar na yun..Walang makakapigil sakanya sa pagpatay. Iniingatan niya ang bagay na yun"
"Anong bagay?"
"Hindi ba't yun ang ipinunta niyo dun? Yung kayamanan niya"
Umiiling-iling siya.
"Hindi kami ang may gusto. Estudyante lang kami. Nadamay lang kami"
"Kapag pumasok kana sa lumang eskwelahan, hindi kana makaka-alis ng buhay.. Pero mukhang iba ang nangyari sayo..Sinabi mo na tumupad siya sa usapan niyo. Ibig-sabihin.. Hinayaan niyang makalaya ang mga kaibigan mo?"
Tumango ako.
"Kung ganun, ihanda mo ang sarili sa mga susunod niya pang gagawin dahil alipin ka niya. Lalo na't tao kapa"
Napalunok ako..
Hindi naman niya siguro ako papatayin dahil patay narin naman ako. Tulad ng sinabi niya.
Biglang tumunog ang tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako.
"Mukhang pareho tayo ng kalagayan" Sabi ko
"Nakakadama tayo ng gutom, uhaw, lungkot at takot dahil narin sa kagagawan niya. Wala tayong katahimikan. Malamang sinabi niya sayong patay kana.."
"Oo, paano mo nalaman?"
"Hindi siya pwedeng magdala ng tao dito maliban na lang kung kaluluwa ang kukunin niya sayo. Hindi tayo maglalaho sa gutom, sa uhaw, sa lungkot at sa takot. Pero papahirapan tayo nito. Parang impyerno"
Lumilinaw na ang lahat sakin.
"Babae! Nasan ka?! Tapos kana ba?! Ipaghanda mo ako ng makakain!"
Halos mapatalon ang puso ko sa kaba.
"Ah sige, lalabas na ako. Baka mahuli pa tayo..Salamat sa lahat ng sinabi mo"
"Wag kang magpasalamat, sa bandang huli wala rin kaming magagawa para sayo. Iniisip ko lang na baka ikaw ang maaaring makatulong samin. Wala namang masama kung susubukan. Salamat sa pakikinig"
Ngumiti ako.
Tsaka ako nagmadaling lumabas.
Pero kahit papano, binabagabag parin ako sa iba pa niyang sinabi.