Chapter 20 Hindi Ako

1909 Words
"Ate Pat sorry po di nakauwi si Sir Davis kasi po nasukahan ko ang damit niya.Nilabhan niya pa po sa unit."Paghingi ko ng paumahin kay Pat sa chat. "Oo nga daw ,naulit sa akin ni Love.Ok lang naman no worries."reply nito sa akin. Nakuha ko na ang tiwala ni Pat kaya naman medyo iba-iba na para sa amin ni Davis ang kumilos. Dumaan ang mga araw at naging malimit pagkikita namin ni Pat kaya naman mas madami din ang naging oras namin ni Davis.Sa mga nagtatanong pala bakit wala kaming endearment ni Davis,it's just that nakilala ko lang si Davis sa kaniyang pagiging babaero..Oo alam ko naman na naging babaero siya ... natanggap ko yun ...pero ngayon alam ko naman na ako lang at asawa niya ang babae sa buhay niya .Ayaw ko ng endearment dahil sa dami na siguro ng naging babae niya baka nagamit niya nang lahat ang mga salitang iyon kaya mas gusto ko sa pangalan na lang namin. Mahigit na din ang isang buwan ng magsimula kaming magtalik ni Davis ng walang ginagamit na anumang proteksyon.Expected ko naman na posible talaga akong mabuntis pero ewan ko ba bakit nakakaramdam ako ng kaba ngayon habang hinihintay ko ang resulta ng pregnancy test ko.Naisipan ko na kasi magtest kasi never naman ako nadelay ng one week menstruation. Habang unti -unting nagdadalawa ang guhit ng pregnancy test sobrang bilis ng t***k ng puso.Mag-isa lang ako sa unit at hindi ko nasabi o naulit man lang kay Davis na magtetest ako. Dapat masaya ako sa part na magkakaanak na kami ni Davis pero may part din na malungkot ako dahil hindi ko alam kung matutuwa ba si Davis pag nalaman ito.Alam ko naman na ayaw niya pa mabuntis ako ,ako lang siguro may gusto magpabuntis sa kaniya pero gayunpaman di naman ako nagsisisi sa mga ginawa namin. Pumasok din ako ngayong araw kahit medyo masama ang pakiramdam ko.Ayaw ko magmukmok sa bahay mag-isa.Balak ko din magpacheck -up pagkatapos ng trabaho. Kakatapos ko lamang magfile ng mga documents at nakaramdam ako ng pagod kaya naman sumandal muna ako sa upuan at inilapat ko ang aking ulo sa headboard nito. Ipinikit ko din sandali ang aking mata para ipahinga ito saglit.Napamulat lang ako dahil sa sound ng notif ng phone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan. "Masama ba pakiramdam mo?"message ni Davis. Pag nasa loob ng opisina bihira kami nito mag-usap ng harapan unless kaming dalawa lang .Malimit ay thru private message.Umiiwas kami sa tsismis kahit alam namin na nahahalata na ng iba.Pero ang sabi nga namin hanggang wala Kang ebidensya hindi kami aamin..Hanggang kaya naming lusutan lulusutan namin hahaha "Medyo...Pwede mo ba ako samahan mamaya?"reply ko "Saan?" "Papacheck -up ako sa OB?" ",Bakit?" "Papacheck-up nga." "Buntis ka?" "Hindi ko alam.. Palagi kasi akong masama ang pakiramdam tapos delayed ako."Hindi ko pa din masabi kay Davis na positive ang pregnancy test ko.Natatakot kasi sa magiging reaction nito.Mas gusto ko na siya mismo makaalam sa doktor .. Kinahapunan ay sinamahan naman ako ni Davis sa Ob. "Mister, congratulations 6 weeks pregnant si misis."announce ni Dra. kay Davis Bahagyang ngiti lang Ang nakita Kong reaction Mula kay Davis. "Talaga po Dra.Magkakababy na kami.."di makapaniwalang tugon ni Davis kay Dra. "Yes po Mister...Heto po ang mga reseta na kailangan na bilhin na gamot para sa pagbubuntis ni misis."Sabi ni Dra.Na iniabot pa kay Davis ang mga reseta. Dumaan lang kami sa pharmacy para sa mga gamot ko at pagkatapos ay umuwi na.Ramdam kong hindi masaya si Davis sa pagbubuntis ko.Sabagay ano bang aasahan ko.Alam ko naman iyon. Tahimik lang ito sa byahe at hindi ako kinakausap.Kahit ang pagusapan ang pagbubuntis ko ay hindi man lang ito nagsalita. Nang nasa parking na kami ng condo doon ko pa lamang naisipan na kausapin ito. "Davis....ok lang sakin na hindi mo tanggapin pagbubuntis ko ...o kung makikipaghiwalay ka na sa akin ...Mas masakit kasi sakin kung hindi ko itutuloy itong pagbubuntis ko.Sabihin mo lang kung ayaw mo ....at wag mo sanang iparamdam lang ..",Deretsa ko dito. "Hindi naman sa ganon Felicity...Andyan na yan ,wala na tayo magagawa ...hindi naman pwede na hindi ko din panindigan yan kaya lang hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko."explain nito. "Bakit iniiisip mo kung hanggang saan ?Kung ano ang kaya mong ibigay tatanggapin ko...Kung hanggang kailan tatanggapin ko din..Masaya ako kung sasamahan mo ako sa pagdadaanan Kong ito kahit nanghihiram lang tayo ng oras sa asawa mo." "Paano kapag nalaman ni Pat? "Hindi niya dapat malaman na ikaw ama nito ."Sabi ko "Paano hindi malabo malaman niya ay lapit ka pa ng lapit sa kaniya.?"tanong nito "Yun na nga ...Magdududa ba siya na may relasyon tayo ?Kung gayong kaibigan turing niya sa akin.Di naman niya siguro ako pagiisipan ng masama."explain ko sa kaniya. "Hindi natin masabi yan.Pero sa ngayon ..Mag-ingat tayo please Felicity...Kasi hindi lang tayo nakasalalay dito kundi pati anak natin."seryosong Sabi nito.. Napangiti naman ako sa huling sinabi nito. "Oh bat nakangiti ka?"dagdag pa nito "Wala lang ...Sarap lang pakinggan mula sayo....ANAK NATIN...thank you...love you....Sige na uwi ka na.. Ingat ka.." Gumanti din ito ng ngiti sa akin at mabilis na halik sa labi ang iginawad sa akin. "Hatid lang kita sa TaaS tapos uwi na din ako.Ingat ka palagi.Wag magpapagod ..Makakasama kay baby ang pagpapagod saka pagsstress..Matulog maaga,inumin mga binili nating gamot at vitamins."bilin nito sa akin. "Yes po .....Baby oh naririnig mo ba daddy mo...napakaover protective naman..",At hinimas -himas ko pa ang aking tiyan. Pagkahatid sa akin ni Davis sa taas ay nagpaalam na din ito at umuwi na . Kahit paano naman ay naging masaya ako dahil alam ko na kahit ano pa sitwasyon namin ni Davis ay tanggap niya anak namin.Panghahawakan ko ang kahit kaunting pag-asa na darating ang araw ay magiging maayos din ang sitwasyon..Kahit dalawa kami sa buhay ni Davis handa akong makihati maramdaman ko lang at ng anak ko na buo kaming pamilya. Sa padalawang buwan ng paglilihi ko ay nahihirapan ako dahil kung ano -ano ang hinahanap ko.Maraming beses ng nagkagalit si Pat at Davis dahil sa pag-alis alis nito sa gabi para mabili ang kailangan ko at gusto ko. Ewan ko ba ganito pala magbuntis minsan di mo talaga mapigilan cravings mo..Masama sa pakiramdam kapag hindi napagbigyan. Tulad ngayon hindi ako nakapasok dahil masama talaga ang lasa ko.Gusto ko nakahiga lang ako .Tapos ang cravings ko pa ay tuna pasta na luto ni Davis .Hindi naman marunong magluto ng ganon si Davis. Ayan napilitan tuloy siya magsearch sa you tube ng process ay nagttry siya magluto ngayon. Dahil sa akin hindi na pumasok si Davis. Kakatapos ko lang maligo at naghahain na si Davis ng niluto niyang tuna pasta ng may magdoorbell. Ako na nagbukas ng pinto dahil busy sa paghahain ang aking kasama. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng ang presensya ni Pat ang bumulaga sa akin. "Asan si Davis?"bakas sa tono ng boses nito ang galit. Hindi ako makahugot agad ng sasabihin kaya dumeretso ito sa loob at hindi ko na siya napigilan. "Sinasabi ko na nga bang hayop ka!Andito ka lang!!!! Kailan niyo pa akong niloloko mga hinayupak kayo!!!!"Galit na galit na sigaw nito. "L-love......magpapaliwanag ako."si Davis "Magpapaliwanag ??Akala niyo ba hindi ko kayo nahahalata?Ilang araw ko na kayong sinusundan para makumpirma ko ang aking hinala...Pucha!!!Felicity!!!Hindi ko akalain na ganyan ka pala kalandi at kakati para kumabit sa asawa ko..Nagawa mo pang makipagkaibigan sakin para lang makuha ang loob ko..Tang-ina....Dalawa kayong nangloko sa akin...Mga Demonyo kayo!!!Akala ko pa naman Felicity napakabait mong bata...Nasa loob pala ang kulo mO.. Masarap ba asawa ko sa kama ha!!!!Wala na bang ibang lalaki na pwedeng bumomba sayo para sa asawa ko ikaw magpabomba...Napakalandi mo!!!!Hayop ka!!!"Galit na galit na sigaw sa akin ni Pat at lumapit pa sa akin at akoy sinabunutan. Inawat naman kami ni Davis pero malakas talaga si Pat kaya nahila hila niya ang buhok ko. "Ano ba nasasaktan ako?"sigaw ko "Masasaktan ka talagang malandi ka sa akin..Alam mo ba nakakaawa ka Kasi kay bata bata mo pa kumabit ka na sa may asawa ..Sobrang ta**a mo!!!Alam mo ba lahat na naging babae ng malibog Kong asawa hanggang pangkama lang...Kasi kahit anong mangyari sa akin pa din siya uuwi..."Galit na galit na sigaw nito sa akin Nagpanting ako sa mga sinabi nito kaya Hindi ko napigilan ko ang sumagot. "Ahhhh ganon kaya pala binalak ng asawa mo na magsama na kami Hindi lang ako pumayag dahil sa mga anak niyo...At kung gusto mong malaman kung masarap ba ang asawa mo..Oo sobrang sarap!!!!LUMAYAS KA na dito!!!"Galit na sigaw ko din dito "Kapal talaga ng mukha mo!!!At pinagsasabunutan talaga ako nito kahit nasa gitna pa namin si Davis. "Love tama na...Umalis na tayo."Yaya na ni Davis. ",Hindi pa ako tapos sa babaeng ito at sayo ..."Bumaling siya kay Davis at pinagsasampal ito . Kung ilang sampal iyon ay hindi ko na nabilang sa dami.Hindi gumaganti si Davis bagkus tinatanggap niya lamang lahat ng iyon Mula sa asawa niya. "Ano ba umalis ka na?Baka gusto mong tumawag pa ako ng security para ipakaladkad ka."sigaw ko kay Pat "Lakas ng loob mo...Baka gusto mo ako ang tumawag ng pulis...At ipapulis ko kayo Labag sa batas ang pangangabit para sa kaalaman mo .." "Felicity enough na....Love Tara na..." "BUNTIS AKO AT SI DAVIS ANG AMA!Sigaw ko kay Pat. "Felicity!!"pagpipigil sa akin ni Davis pero huli na ang lahat.Tutal nalaman na din naman ni Pat ay di mabuti nang alam niya din na buntis ako. "Anong sabi mo?Buntis ka???Nagpabuntis ka pa???",Hindi makapaniwalang sigaw ni Pat sa akin. "Binuntis mo pa talaga to Davis??Huh!!!!Grabe ka!!!Anong klase kang tao???Bat ganyan ka???Nagkulang pa ba ako sayo???Hindi pa pala ako sapat sayo!!!!Akala ko nagbago ka na!!!!Wala Kang pinagbago!!!!Babaero ka pa din!!!!NAPAKAHAYOP mo!!!!!"baling nito kay Davis na pinaghahampas na naman nito kung saan man nito tamaan. "Kaya hayaan mo na kami ate Pat....Pleasee....."Pagmamakaawa ko sa kaniya. "Tsssss!!!!"Singhal nito sa akin. "Pabayaan kayo???? Napakalaking ta**a mo!!!Nagpabuntis ka sa may asawa .Alam mo ba na hindi lang Ikaw Ang nabuntis nito..At alam mo ba na ang mga batang ipinanganak na si Davis ang ama ay nagkulang sa pagmamahal ng isang ama.Kaya sinasabi ko sayo maging yang anak mo magkukulang yan ng pagmamahal ng kaniyang ama.Hindi magiging masaya ang anak mo dahil bunga siya ng kasalanan...Tandaan mo yan!!!!Your such a pathetic!!!!Sobra!!!!Nakakaawa ka!!!Hindi ako!!!Ikaw!!!!Ang Nakakaawa!!!"Galit na galit na sigaw nito sa akin. "Alam kong mali pero minahal lang namin ang isat -isa....Kaya pleasee....Sira na din kayo ni Davis....please ate Pat." "Felicity Tama na!"Pagpapatigil sa akin ni Davis.. "Sige...Kung ikaw pipiliin ni Davis ....Pababayaan ko siya sayo....Pero kung kaming pamilya niya...Wag ka ng umasa na magtutuloy-tuloy pa ang nakakadiring relasyon niyo."Sigaw nito sa akin. "This is your last chance Davis ..AKO !!KAMI NG MGA ANAK MO!!!OR ITONG BABAE NA ITO.....KUNG SIYA STAY HERE!!!!PERO KUNG KAMI YOU CAN STAY WITH US PERO WAG KANG UMASA NA MAGIGING MAAYOS AT MADALI PARA SA AKIN NA TANGGAPIN ITO."Baling nito kay Davis. Umasa akong ako ang pipiliin ni Davis over her pero sobrang sakit na sumunod ito sa asawa niya. Posible naman na mangyari ang sitwasyon na ito dahil kabit lang naman talaga ako pero hindi ko ito pinaghandaan dahil ayaw ko siya paghandaan dahil ayaw ko mangyari .Kaya naman na nangyari ngayon sobrang sakit ..Yung halos magmakaawa na ako ,magmukha na akong tanga para lang ako piliin pero Hindi pala sapat ang mga iyon . Isa ito sa pinakamasakit na binigay sa akin ng tadhana ang magmahal ng maling tao sa maling panahon at pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD