
Kapag nagmahal ba tayo mapipili ba natin ang taong pwede natin mahalin.Kaya ba natin na turuan ang ating mga puso na wag nang mahalin ang isang tao na nakakasakit sa atin.Katulad na lamang ni Felicity na minahal niya si Davis.Makakaya niya ba mapanindigan ang kaniyang pagmamahal sa lalaki sa kabila ng pagkakaroon ng asawa 't anak nito.Lahat ba ay kaya niyang gawin mapasakaniya lamang ang buong pag-ibig ng lalaki o magiging masaya na lamang sa kung ano ang kayang ibigay nito.Sabi nga nila masarap ang bawal.Sobrang minahal ni Felicity ang lalaki at nagawa pa niyang hilingin na buntisin siya nito sa pagbabakasakali na maaring madagdagan ang oras na binibigay nito sa kaniya.Ngunit ang inakala niya ay naging maling akala lamang pala ...nanatili pa din siyang nanghihiram ng oras ni Davis sa asawa nito.Mas masaklap pa umusbong ang balita na buntis siya at nakarating ito kay Pat, ang asawa ni Davis.Nagkaroon ng hidwaan sa pag-itan ni Pat at Felicity na naging dahilan para mahirapan si Davis kung sino sa kanila ang pipiliin.Sa huli si Felicity pa din ang luhaan at desperadong mapasakaniya si Davis pero ang naging desisyon ng lalaki ay manatili sa panig ni Pat.Walang choice si Felicity kung hindi tanggapin ang katotohanan na hindi kailanman magiging buong pamilya sila ni Davis . Hanggang sa nakilala niya si Edward .Si Edward na kaya ang maging susi para tuluyang makalimutan ni Felicity si Davis?O isang panakip butas lamang ito dahil hanggang sa huli ay nakakulong pa din Ang puso niya para sa lalaking nakauna sa kaniya.

