Chapter 1

1476 Words
Umupo ako sa sahig na nakasandal sa pader .Niyakap ko ang aking mga tuhod at iniyuko ang mga ulo ko doon. Kay sarap pala sa pakiramdam na minsan nasa ganitong pagkakataon,napakapeaceful ng paligid. "oh sabi ko na nga ba andito ka.."napaangat ako ng tingin. Huminto muna siya sa bungad ng pintuan ng kwarto at nakatingin lang sakin. "Davis,how did you know that I am here?"I asked him. Lumapit na siya sakin at umupo din sa sahig na nakatuwid naman ang mga paa. "di ba sabi mo kagabi may site visitation ka with client at dito yun."sagot niya sakin. "paano mo naman nalamang andito pa din ako sa oras na ito?"sabi ko sa kanya habang nasa ganoon pa din ang position ko . "kanina pa kita hinahanap ,kaya naisip ko baka andito ka pa nga." Ginaya ko na ang position niyang nakatuwid ang mga binti. "Where 's your client?"tanong niya. Nakatingin lang kami parehas sa pader na nakaharap samin. "Im with them earlier pero umalis na din sila." "naclosed mo.?" Tumango lang ako. "wow!!!congrats!!!"he said to me with excitement. "Then why are you still here,"he added. "I just want to enjoy the view.Pumayag naman ang may-ari." "enjoying the view????"he doubtedly asked. "dapat nasa labas ka o sa terrace man lang kung yung view ang inienjoy mo.Why are you here in this empty room.?"he sincerely asked. "this place is so peaceful,and relaxing.. "kaya nga naclosed mo ang deal dahil iyan din siguro ang naramdaman ng client mo." "kung bibili ako ng bahay..,I will choose place like this.Para kang nasa province ,ang daming puno at malamig ang simoy ng hangin." "do you have a problem or is there something bothering you?"tanong niya.Marahil napapansin na naman niya ang lalim ng iniisip ko. "wala to...this is the usual thing na lagi nating napapagusapan."pag-amin ko. "tssss...."pagsinghal niya. "pinahihirapan ba kita?tanong niya. Hindi ako sumagot.Di ko kasi alam kung pinahihirapan niya ako.Pakiramdam ko minamahal niya lang ako ng buong buo at walang kulang. "Nagkulang ba ako sayo sa time?"sunod niyang tanong. "yun nga eh hindi ka nagkukulang ,you spent most of your time with me,para kang walang pamilya na nangangailangan ng oras mo,I feel so guilty."sabi ko. "pag binawasan ko naman ang time sayo,,sasabihin mo may iba ako dahil wala na akong time sayo..saan ba ako lulugar Felicity.?" "so naiinis ka sakin?"tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Hindi ko lang kasi alam kung saan ba lulugar, Felicity" "Davis pinili natin to kaya kung minsan nahihirapan ka sakin o naguguluhan ka,unawain mo naman din ako.Kasi nakakapagod din ..wag mong sabayan ang pagkapagod ko kasi..... "kasi baka umalis ka na at iwanan mo ako..," "yan naman lagi ang sinasabi mo,,kasi alam mong mas mahal na kita kaysa mas mahal mo ako.Alam mong masasaktan ako kapag ginawa ko iyon kaya hindi ko magagawa ang iwan ka." "Felicity maari mo naman akong iwanan." "ewan ko sayo...Tara na...lilipas din ito...wag na natin pagusapan pa... Tumayo na ako at lumabas na ng kwartong iyon.Sumunod sa akin si Davis at nilibot namin ang paligid. Bumalik din naman agad sa ayos ang mood. ko.Magkahawak kamay kami ni Davis na naglalakad at inenjoy ang magandang view sa paligid. Ilang saglit ay napagpasyahan na naming umalis.Isinuot niya sakin ang helmet at pinaangkas niya na ako sa motor niya. Habang nasa biyahe pabalik sa opisina ay nakayakap lang ako sa kaniya. ----Felicity McKenzie POV Ako nga pala si Felicity.Mula sa simpleng pamilya.Simple hindi mayaman at hindi din mahirap. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Isa ang lalaki kong kapatid at dalawa kaming babae.22 years old na ako. Nagkafirst boyfriend ako noong 18 pa ako.Isang lalaki pa lang naging boyfriend ko.Ibig sabihin 5 years ang tinagal namin ng ex ko . Ako ay ipinanganak sa Nueva Ecija.Ang aking ina ay pure Filipino samantalang ang aking ama ay isang Scottish.Nagkakilala sila noong magtrabaho si mama sa UK kung saan sila nagkatagpo.Ngayon ay dito na sila sa Pilipinas nakabase kung saan pinamamahalaan nila ang aming munting negosyo. Lumuwas ako ng Maynila para makapagtrabaho.Isa akong real estate agent.Nagpapart time din ako as agent ng life insurance.Sabi ni Papa at mama ay ako na daw magmanaged ng negosyo namin kaya lang kagaya nina kuya at ate mas gusto ko maexperienced yung sa ibang environment.Hindi ko pa din kaya ihandled ang pressure kaya di ko tanggapin ang sinasabi ni Papa. Dalawang buwan na ang relasyon namin ni Davis. Mahal ko siya at ramdam ko mahal niya din ako. It's complicated! Our love to each other is complicated. Why? Kasi po may asawa na siya Yes....Tama po ang sinabi ko may asawa na si Davis Isa po siyang pamilyadong tao. Nakatali na siya sa isang babae na alam kong sobrang minahal niya dati pa. Mahal niya pa din naman ngayon kaya lang panigurado ako na hindi buong pagmamahal kasi nagawa niya nga pa akong mahalin. Kailanpaman ang pangarap kong makasal sa isang lalaki ay hindi matutupad dahil siya ang minahal ko. I don't know why. Bakit siya? Madami namang iba. Maganda ako at alam ko yun ,hahaha Hindi sobrang talino ,pero matalino. Madami ang nagsasabi na deserve ko magmahal ng gwapo ,mayaman, at mabait kasi hindi naman ako ang tipo ng babae na simple lang. Hindi simple ang ganda ko. Nanalo kaya akong Ms. Nueva Ecija.Oh di ba!Meaning hindi simpleng ganda. Then,why sa isang lalaking may asawa na ako pumatol. Wag niyo naman ako husgahan sana agad. Kapag pala nagmahal ka,hindi mo mapipigilan. Kahit gusto mong kumawala o bumitaw,mahihirapan ka.Kailangan mo pang ihanda ang sarili mo at maging determinado. Pero paano ba maging handa ,kung ayaw talaga papigil ng puso mo. It's really complicated. Im 22 and Davis is 39.17 years age gap. Why do I love this kind of relationship? He is married,with son and 2 daughters.We are not compatible in age. Then why? I have so many questions na hirap na hirap akong hanapan ng sagot. Baka lang dahil masyado siyang mabait at nahulog lang ako sa bitag niya. Pero kung sa bait lang ,pwede ako makaiwas pa.Kaya lang bakit hindi ko kaya. Alam ko naman sa bandang huli ,ako din ang masasaktan dito. ----David Hofsman POV May nagtanong sakin minsan bakit daw ako nambababae pa.May maganda naman daw akong asawa,mabait at alam kong mahal ako.May anak na din daw ako so what for... Actually I really don't know,ayaw kong sabihin na madali akong matukso kapag nakakita ako ng sexy kasi hindi naman.Nahihiya nga ako magapproach agad pag sexy yung babae. Ilang babae na ba ang dumaan sa buhay ko,pagkatapos kong mag-asawa.Hindi ko na nga mabilang .Meron pa nga ata akong nakalimutan na ang pangalan. Maswerte ako at ang asawa ko ay may malawak na pangunawa at mahabang pasensya kasi kung wala maghanda na akong daang libo para sa annulment namin. Pero siguro yung katangian niyang iyon ang dahilan kung bakit patuloy ako sa mga ginagawa ko. Noong unang malaman ng asawa ko na may babae ako,nakikipag-away talaga siya. Sinusugod niya yung babae at pinapahiya.Ilang beses niya din ginawa iyon,pero nung naglaon hindi na.Nagsawa na ata. Ok naman kami sa bahay.Hindi kami nag-aaway pero alam kong alam niya na may babae ako. Ewan ko ba,ang dali dali ko mahulog sa babae kapag nakaclose ko na.Magkaroon lamang kami ng koneksyon sa isa't isa like may mapagkasunduan kaming bagay o gagawin ,nahuhulog na ako. Hindi ko nga alam kung normal pa ako.Baka madami akong puso sa katawan ko,kaya naging masyado akong mapagmahal ,ika nga nila,hindi ako babaero ,mapagmahal lang. Ako si Davis ,isa akong real estate agent coordinator.Ako ang nagpasok kay Felicity sa company. Isang buwan pa lang niya sa company naging close na agad kami.Palibhasa lagi niya akong kailangan sa trabaho. Ako ang coordinator niya,kaya naging malimit kami magkasama ,lalo nat bago pa lang siya.Ako ang nagtuturo sa kaniya kung paano makipagusap sa clients. Kung ano ang tamang sagot sa mga tanong nila.Kung paano sila mapa OO. Sa loob ng dalawang buwan naming magkasama nahulog na agad ang loob ko sa kaniya. Nagpahiwatig ako sa kaniya na gusto ko siya sa loob ng dalawang buwan na iyon.Kaya lang hindi siya naniniwala at tinawanan lang ako. Hindi niya iyon sineryoso ,binawala niya lang yung sinabi ko.Pero hindi nagbago yung closeness namin,siguro akala niya joke lang yun. Hanggang sa mag-anim na buwan na siya sa company.Sinabi ko ulit sa kaniya na gusto ko siya. Akala ko babaliwalain niya ulit ako.Alam niya kasi na may asawa ako at mga anak na ako. Sobra ang naging tuwa ko nung sinagot niya ako. Sino ba naman ang magaakala na ang isang kagaya ko ay sasagutin ng isang single na si Felicity. Hindi ko siya nagustuhan lang dahil sa maganda siya. Masarap kasi siyang kasama,walang arte sa buhay at napakacool. May mga bagay na pinagkakasunduan kami like sa pagkain.Mahilig siya sa mga maaanghang na pagkain.Mahilig din siya sa magstroll kung saan saan. Mabilis din kaming nagkapagaanan ng loob umpisa pa lang magkakilala kami sa ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD