Chapter 2 First Met

1577 Words
Felicity 's PoV Flashback "Felicity maiwan muna kita dito ha,uuwi lang ako saglit satin ."sabi at paalam sakin ni ate na asawa ni kuya Tyler panganay kong kapatid. Andito kasi kami sa ospital dahil naconfine ang pamangkin kong si Mariah,2 years old.Naconfine siya sa sakit na pneumonia. "sige lang ate,Ako bahala dito sa aking pamangkin na cute na cute."sagot ko sa kaniya. Pagkaalis ni ate,nakatulog na din si Mariah.3 araw na kami dito sa ospital kaya maayos ayos na si Mariah. "kumusta ang pamangkin mo.?"tanong ng lalaki na nasa kabilang bed. "ok lang po,maayos na din baka malapit na kami lumabas."sagot ko sa kaniya. "mabuti naman ,kami ay baka matagalan pa.Madami pang test ang kailangan ng anak ko."sagot niya. Siya si Davis ,nagpakilala siya sakin noong isang beses na lalabas siya kasi daw may bibilhin lang.Magisa siyang bantay noong gabi ,kasi ang asawa niya ay nasa trabaho sa isang call center.Inihabilin niya saglit sakin ang anak niya. Palibhasa dalawa lang ang pasyente sa room namin ,kami lang ang nagkakausap. "May awa din po ang Diyos,gagaling din ang anak niyo.Ang hirap po siguro pag anak niyo na ang magkasakit ano." "oo naman,lagi mong iisipin ang kapakanan niya." "Kawawa din po ang asawa niyo ,pagod sa work tapos dito ang deretso pagkalabas." "oo ,pero ganon talaga, kailangan niya ako palitan dito kasi ako naman ang magwowork." "Ano pong work niyo?" "Agent coordinator ,ikaw may work ka na?" "wala pa po.Kaya po ako napapunta dito sa Manila naghahanap po ako ng work kaso nagkasakit nga itong pamangkin ko,kaya siguro kapag nakalabas na kami ako magapply." "Ahh...ano bang course mo.?" "Business management po." "magnegosyo ka na lang sa inyo." "actually po may negosyo na ang mga magulang ko,kaya lang ayaw ko dun kasi masyadong pressure." "anong bang negosyo nila.?" "May ukay-ukay business po mga magulang ko." "ah sabagay saka bata ka pa...Magenjoy ka muna na malayo sa parents mo para matuto kang maging independent." "tama po...actually yan naging dahilan ko kaya gusto dito sa Manila.Gusto ko matuto maging dependent sa sarili ko." "anyway baka gusto mo mag apply sa company namin." "ano naman po mga hiring dun?" "agent." "naku ayaw ko po ng ganun kasi hindi ako magaling makipagusap sa tao." "hindi magaling?nagawa mo ngang makipagusap ng ayos sakin ." "ay iba po yun,hindi ako magaling makahiyakat ng tao." "tuturuan ka naman doon.Mga coordinator na kagaya ko ang magtuturo sayo.Saka lahat naman ng trabaho mahirap sa una." "sabagay po,pagiisipan ko." Kumuha ng calling card si Davis sa wallet niya. "Oh heto tawagan mo ako pag nakadecide ka na." Inabot ko naman iyon . "sige po ,salamat po.Baka subukan ko.Pwede naman po ata magresign din diyan agad kapag hindi ko nagustuhan." "oo naman ,pero alam ko magugustuhan mo at makakaya mo,mas malaki ang kikitain mo sa commission ." "Sige po ,pagiisipan ko kapag nakalabas na kami dito." Sa dinami -dami ng lugar sa ospital pa talaga kami nagkakilala ni Davis. Iyon ang aming unang pagkikita ni Davis.Hindi ko akalain na ang pagkikita pala naming iyon ay magkakaroon ng isang malalim na ugnayan sa pag-itan naming dalawa. Nalaman ni Davis na mag-isa ako ngayon sa condo.Umuwi kasi ng province si Vianca at tatlong araw siya doon. Kanina magkasama kaming dalawa pero hindi ko sinabi na wala akong kasama. Nagassume kasi ako na baka samahan niya ako ay syempre ayaw ko na pumunta siya dun dahil magisa nga lang ako.. Alam niyo na..baka hindi ako makatanggi ..pag..pag...inihiga na niya ako sa kama..hahaha Nalaman niya ngayong 10pm na ng gabi kasi itong si Vianca nagpost ng picture niya na nasa province nga siya. Friend sila nila Davis sa social media kaya ayun nakaupdate siya tungkol sa akin. Tinanong niya ako kung gusto ko ba daw siya makasama...sabi ko syempre oo..pero ang ibig sabihin ko sa OO na yun ,ay yung makasama siya pag lalabas kami ,mamasyal ,manonood ng sine ,kakain ,yung mga ganon..hindi iyong makasama ko siya sa condo na kaming dalawa lang.. Yes tama kayo ,pumunta siya sa condo ko sa dis oras ng gabi. Nagulat ako kasi tumawag siya,pagbuksan ko daw siya ng pinto nasa labas daw siya. Binuksan ko nga andun siya,anong magagawa ko alangang di ko patuluyin. Kaya hayan nakahiga ako sa kama siya nasa couch...bahala siya dun...hahaha..wag lang siyang makalapit sakin...patay ako nito..hahaha "hmmmm..."pagbasag ko sa katahimikan namin."Anong paalam mo?"tanong ko. "wala ang asawa ko sa gabi di ba?" Oo nga pala,nagtatrabaho sa call center asawa niya at panggabi ito kadalasan. "ay sa mga anak mo ,anong paalam mo?" "sabi ko hahabol ako sa swimming ng company."natatawa niyang sabi. "what!!!"napatawa ako sa dahilan niya."alam mo ba kung ako ang anak mo,hindi ako maniniwala sayo.."pranka kong sabi sa kanya. "ok lang yun...di naman matanong ang mga anak ko eh." "tssss...kahit pa.. " "ayaw mo bang andito ako.?tanong niya. Syempre gusto ko ano....ayaw ko lang aminin kasi baka magtake advantage siya hahaha. "iniisip ko lang kasi na baka hanapin ka sa inyo..."explain ko. Ayan na nga at lumapit na siya sakin sa kama.Umupo siya sa tabi ko .Tumagilid ako patalikod sa kanya,ayaw ko kasi makita niya na kinakabahan ako. "pwede bang hayaan mo na lang akong makasama ka...minsan ko lang naman ito magawa..wag mo ng isipin pa kung anong dahilan ko...kasi ako naman ang haharap sa kanila...di ka naman nila kilala kaya wag kang mag-alala."pagpapalubag loob niya sakin "sigurado ka...baka mamaya may bigla na lang sumugod sakin at pagsasampalin ako ha..."paniniguro ko sa kanya. Syempre alam ko naman ang kalagayan namin,masaya naman ako na nakakasama ko siya kahit sa trabaho lang ,kahit yun lang yun ok na yun sakin ,kaya kahit itong andito siya ngayon ay hindi ko hiniling pero binigay niya pa din. "nagawa iyon ng asawa ko dati sa mga nauna kong babae,pero nung naglaon na hindi na...napagod na ata sakin ."sabi niya. Bumangon ako at umupo sa kama.Hindi naman ako makakatulog nito eh. "Kumain ka na pala?"tanong ko sa kanya. "oo,pagkauwi ko kanina galing trabaho ,kumain ako ,naabutan kong kumakain ang mga bata,sumalo ako..ikaw ba?" "kumain na din..bago ako umakyat dito"sabi ko naman. Kapag kasi nag-iisa ako ,tinatamad na akong magluto.Kaya ang ginagawa ko,kumakain na lang ako sa baba o magtatake out. "May dala pala akong donut ,nakalimutan ko sa compartment ng motor...pwede bang kuhanin ko muna.?"medyo napaangat siya sa pag-upo ng maalala niya ang donut niya. "tara samahan kita sa parking."yaya ko sa kanya. Bumaba kami sa parking ng motor niya.Kinuha niya ang donut at inabot sakin.Kinuha ko syempre,alangang hindi binili niya yun for me.May kinuha pa siyang isang plastic at binitbit. "anong laman niyan ?"tanong ko sa kanya.Nasa loob na kami ng elevator at paakyat na. "damit ko..alangang wala akong damit."may pagkaano din itong lalaking ito.Tinatanong lang naman ,agad na may kasunod na ganon eh hahaha. "wala naman pasok bukas,uuwi ka na rin naman bat nagdala ka pa ng damit.?"curious kong tanong. "Kailan ba ang balik ni Vianca,di ba 3 days siya dun?" "And so.....don't tell me sasamahan mo ako dito in 3 days ..."paglilinaw ko. "ayaw mo ba?"balik niyang tanong. Nakapasok na kami sa loob ulit ng unit ko.Dumeretso ako sa kusina ,sumunod naman sakin si Davis. Nilapag ko ang donut sa table.Kumuha ako ng dalawang tasa at nagtimpla ng kape. Nakatingin lang sakin si Frank sa ginagawa ko. Ng matimpla ko na ang kape,binigay ko na sa kanya ang isa at umupo na din ako sa kaharap niya. Kumuha ako ng isang donut at kinain.Yeah..donut at kape...yummy....gusto niyo,(bili....hehehe) "Hoy,Davis donut oh ..ayaw mo..?pag-aalok ko sa kanya. "sobrang tamis niyan,,ayaw ko ng ganyan kasabay ng kape."sabi niya.Ayaw niya pala ng ganon ,haha ok di wag!!! "anong oras nauwi ang asawa mo?"tanong ko sa kaniya. "7am...tapos magbibihis lang tutulog na..ako naman karaniwan paalis na." "bakit ang aga mong umalis sa inyo,9am pa naman start ng work natin?"tanong ko uli. Gusto ko kasi magtanong ako ng magtanong,Actually,madami akong gustong itanong sa kaniya hindi ko pa lang matimingan. Bilangin ko ha mga tanong ko,nakadalawa na ako.. "alam mo na yan eh,tinanong mo pa ulit..."natatawa niyang sabi. Oo alam ko na nga yun,baka kasi nagbabago ang mga sagot niya kaya tinanong ko uli.Nakakainip daw kasi sa kanila,wala na siya makausap pagkagising pa lang kasi ang mga bata gumagayak na for school.,at ang asawa niya,alam nyo na din...wag ng paulit ulit din..haha Third questions."Nagtatabi kayo ng asawa mo kapag matutulog kayo?"tanong ko at tumingin ako sa mga mata niya Nagulat ata siya sa tanong ko,kasi muntik na niya akong mabugahan sa mukha ng kape..bastos ito!!! Tumawa din siya ng kaunti.. "Ano bang tanong yan Lindsey?"Aba ayaw niya ata pag-usapan ang mga ganon. "Bakit masama ba ang tanong ko?"balik kong tanong sa kanya. "sigurado kang gusto mong sagutin ko.?paniniguro niya sakin. "oo..nagtanong ako kailangan ko ng sagot.."pilosopo kong sagot sa kaniya. Kumakain at humihigop pa din ako ng donut,habang seryoso kami sa paguusap. "di ba panggabi nga siya,twice a week lang kami magkatabi matulog.Every Saturday at Sunday night."seryoso niyang sagot. Kontento naman ako sa sagot niya.haha..at list twice lang.Hindi everyday,mabuti na lang night shift asawa niya ..haha Fourth Questions"Nagkkuwan pa din kayo ng asawa mo?"medyo nahihiya hiya pa ako ng kaunti itanong iyon "Anong nagkukuwan?"He looked into my eyes."yung ganon...?"at nagkaintindihan na kami sa nais kong ipunto. Hindi agad siya nakasagot.At syempre naman ,nagsesex sila..magasawa pa din sila.Maganda naman asawa niya..oo maganda at nakita ko na sa ospital dati ..parang si Dawn Zulueta...haha..hindi kamukha ni Dawn Zulueta ha...ang ibig kong sabihin parang kagaya niya ,may edad na pero ang bata pa ding tingnan ng hitsura.Palibhasa siguro dahil may trabaho nakakagayak ng ayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD