"May questions and answers portion pala ako dito?"natatawang sabi ni Davis.
"ikaw punta ka ng punta dito.."natatawa ko ding sabi sa kaniya."actually madami pang kasunod yan,humanda ka lang sa pagsagot.?"And yes!!nakatiming din..haha.
"Ako lang sasagot?ako nga nagtanong kanina hindi mo sinagot...?may himig tampo niyang sabi.
"Anong tanong mo?"Nakalimutan ko na eh.
"Sasamahan kita dito in 3 days...ang tanong ko kanina kung ayaw mo ba?kasi parang ayaw mo ..at gusto ko lang linawin iyon....
"tssss..yun lang pala eh....sinadya ko di sagutin iyon..mahirap kasi magdepende ...sana maintindihan mo ako....Kung sakin gusto ko...pero syempre ayaw kong magpakasigurado o umasa sayo na maaari mong matupad iyon dahil hindi lang naman ako ang nasa buhay mo.Gets mo....pwedeng oo sasabihin mo ngayon sasamahan mo ako kasi ok pa ang sitwasyon,paano kung bukas bigla tumawag ang asawa mo o ang anak mo at pauwiin ka kasi kailangang kailangan ka nila...di ba sasabihin mo sakin pasensya na kailangan mong umuwi...babawi ka na lang next time...Ayaw kong umasa Davis...kaya kong ano ang present siya ienjoy natin.Alam ko ang kalagayan ko sa buhay mo."mahaba kong explain sa kaniya.
Matalino naman siya para maintindihan ang sinabi ko.
"kaya minahal kita dahil diyan sa malawak mong pang-unawa ."nakangiti niyang sabi sakin.
"kaya nahulog ako sayo dahil diyan sa magaling mong pangbobola."nakangiti kong balik sa kaniya.
"totoo yun ha..."seryoso nitong sabi sakin.
"anyway ...back to the question number four..answer it..."pagbabalik ko sa unang topic namin
"gusto mo talagang sagutin ko iyon??"paniniguro niya.
"malamang nagtanong ako eh."pabalang kong sagot sa kanya.
Tapos na kami magkape ,kaya lumakad na ako sa sala.Umupo lang ako sa sofa .Umupo din siya.Kinuha ko ang phone ko ,at nagtry maglaro habang nag-uusap kami.Siya naman wala lang,nakaupo lang.
"minsan."sabi niya..
"anong minsan?"tanong ko..
"minsan may nangyayari sa amin,natural asawa ko yun ..aminin nyo man o hindi ,kayong mga babae ay naghahanap din ng s*x,lalo na dun sa mga nakaexperience..."pag-amin niya.
May naramdaman akong kirot sa puso ko..syempre wala naman ako magagawa dun dahil alam kong tama siya ,asawa niya iyon ,di ba..
"hindi naman ako naghahanap...kaya hindi lahat nangangailangan niyan..."pagbara ko sa sinabi niya.
"siguro ngayon,kasi wala ka pang nakasex...hindi mo hinahanap yan,pero kapag nakaexperience ka na hahanap hanapin mo na."prangka niyang sabi sakin.
Hindi ko mahanap sa isip ko ang pwede kong isagot doon.Wala pa naman talaga akong experience ,kaya malamang nga baka kaya nasabi ko iyon .
"Fifth questions..."Di pa ako nakakatanong pinutol niya na agad ako.
"wala kang comment sa sinabi ko...?"
"kailangan ba lahat ng sasabihin mo may comment ako..?"
"hindi naman kaya lang baka naoffend kita...Im sorry.."
"sira!!! hindi naman!!hindi lang ako ngcomment kasi baka tama ka..."explain ko.
"so anong next questions mo?"
"simula ng mag-asawa ka...pang-ilan ako sa naging babae or should I say naging kabit mo?"
"tsssss...tama na ikaw sa kakatanong ,baka mamaya masaktan ka na...paalisin mo ako bigla."seryoso niyang sabi.
"akala ko ba,gusto mong maging honest ka sakin,"
"oo ,gusto ko..gusto kong sabihin at alamin mo ang buong buhay ko para maturn off ka na sakin hanggat maaga pa,hanggat hindi pa sobrang attach ang feeling natin sa isa't isa."
"bakit mo ginagawa yun?"
"pang-sixth questions mo na yan."tatawa tawa niyang sabi.
"sige lang go..."
"kung ilan ang magiging questions mo sakin ,yun din ang bilang ng magiging questions ko sayo ,"sabi niya.
"wala kang karapatang magtanong ngayon,pagkakataon ko to..."natatawang sabi ko naman sa kaniya.
Oh di ba ang cool namin...hahaha
"ok sagutin ko muna kung bakit ko ginagawa yung maturn off ka sakin at hindi ka maattach pa ng sobra sa feelings natin.Kasi alam ko sa huli ,sa ating dalawa ikaw ang pinakamasasaktan at hindi ako...ayaw kong mangyari yun kaya mas mabuting maturn off ka na lang..at isuko mo na ako.."medyo malungkot niyang sabi.
Oh my God...bakit ganon sa halip na maturn off ako ,mas naturn on pa ako...
"to be honest,pang sampu ka na sa kanila kung hindi ako nagkakamali ng bilang"
Napatingin ako sa kanya,hindi siya makatingin sa akin.Ang dahilan hindi ko alam.Basta sa nakikita ko sa kanya seryoso siyang ipaalam sa akin ang lahat ng tungkol sa kaniya.
Napatawa naman ako ng malakas.Hindi ko alam na babaero pala talaga siya.
"bat ka tumatawa?"medyo asar niyang sabi.
"ay kasi hindi ka sure....may pagsa babaero ka pala talaga..."natatawa ko pa ding sabi.
Ano ba irereact ko dapat dun...tawanan ko na lang ,di ba...mababago ko pa ba yung katotohanan ,hindi na naman...
"at list ngayon alam mo na....pwede ka ng sumuko sakin..."sabi niya
"bat parang proud ka pa?"tanong ko..
"Felicity pang 7th question na yan..."
"sige...go lang.."
"hindi ako proud...alam mo kung papipiliin ako ng attitude na gusto ko...pipiliin ko yung attitude na may pagka stick to one...dahil sa totoo lang ayaw ko naman magkalamat ang samahan naming mag-asawa kasi kahit anong mangyari magkadugtong na kami dahil sa mga anak namin."mahabang sagot niya.
Natahimik ako sa sagot niya.Kumirot ang puso ko...akala ko talaga hindi ako masasaktan sa kahit na anong magiging sagot niya basta magsabi siya ng totoo...then bakit ang sakit nun!!!
Nakakainis pa yung luha ko...bigla bigla nabagsak..Ayaw kong makita niya iyon na nasasaktan ako...di ko alam kung bakit..gusto ko lang na alam niya na naiintindihan ko kung ano ang sitwasyon namin,at hanggang maari ako ang magaadjust,kasi mahirap na siya ang magaadjust dahil pamilyadong tao na siya ,at alam ko yun from the start.
"natahimik ka na....sabi ng wag ng magtatanong..."
"hindi ah,,,nagiisip pa ako ng itatanong no"Pagsisinungalin ko.
8th questions"may nabuntis ka na sa kanila?"
"oo."maikling pag-amin niya.
Napatigil ako sa paglalaro sa cellphone ko,at hindi napigilan tumingin sa kanya.
Nagulat naman siya sa reaction ko.
"seryoso ka?"
Tumango siya..Tsssss!!!!ito ba ang lalaking minamahal ko!!!isip isip ko...
"paano???bakit nangyari???asan siya??"sunod sunod kong tanong.
"pang-ilan na yan?"tanong niya.
Nakakaasar naman to,seryoso na ako may pagbilang bilang pa.
"wag mo ng bilangin,baka abutin tayo ng isang milyong katanungan sa sobrang komplikado mo...."medyo asar kong sabi.
"sige para pagkatapos nito ,pwede mo na akong iwanan.."sabi niya.
Sus!paawa effect pa ang babaero...sana nga makaya ko..
"si Myra yun,ex gf ko nung college ako.Nagkakachat pa din kami kahit kasal na kami ni Pat.Nagkareunion kami nun,nagkainuman ,lagi pa din kaming tinutukso ng mga hudas kong kabatch,na bagay pa din daw kami.Wala siyang boyfriend,hanggang sa nagoffer ako na ako maghatid sa kanya sa apartment niya.Magisa siya dun.Hindi niya ako agad pinauwi,kwentuhan daw muna ,hanggang sa yun na...sa kakakwento namin kung san san na napunta..basta yun na..."Tumigil siya saglit at tumingin sakin.
Seryoso naman ako nakikinig sa kaniya.
Nagkwento siyang muli."Nalaman ko na lang buntis siya.Sinabi naman niya sakin yun ,hindi naman niya ako pinilit akuin ang responsibilidad.Inilayo niya nga sakin ang bata.Wala na akong magawa dun.Ngayon nasa America na silang mag-ina."pagtatapos niya sa kwento.
Sa totoo,naturn off ako dun sa kwentong iyon..Ano yun???wala lang??kawawa naman ang bata...
"kaya mo pa?" tanong niya..
"may mas worst pa ba?para dun na lang muna tayo..."sabi ko.
Gusto ko kasing alamin ang pinakaworst para isang BOOM!!! na lang...
"Nung magfull force ang mag-iina ko pati ang nanay ko ,sinugod nila si Tina sa bahay nila.Si Tina yung nabuntis ko.Pinaalam nila sa magulang ni Tina ang relasyon namin ,pinahiya nila ito sa kapitbahay.At halos masaksak siya ni Pat (asawa ni Davis) kasi may dala pala itong kutsilyo,mabuti napigilan ng mga tao doon."Huminto siya at tumingin sakin kung nakikinig pa ako.
"tapos ...."sabi ko.
"Siya na nga ang halos mapatay ng asawa ko,napagalitan pa siya ng nanay niya.May anak yung isa,hiwalay lang din sa asawa.Matinding kahihiyan naranasan niya noon."kwento niya.
"ano naman ang naging eksena mo sa pangyayaring iyon.?"curious kong tanong
"humiwalay ako...alangan pa..mapapatay na siya ng pamilya ko ,alangan naman..."
"tapos hindi ka pa tumigil ,,,naghanap ka ulit..?tanong ko.
"hindi ako naghahanap Felicity dumating lang kayo..."
"tsssss....kasalanan pala namin..."inis kong sabi.
"yan mabuti yan ,,,magalit ka ..mainis ka ..."
"tsssss."