Story By Miss. A
author-avatar

Miss. A

ABOUTquote
Filipino, 34yrs Old. Married with one daughter. A part time call center agent. I love to write stories especially when I am bored and nothing to do. I think this is better than to do chismis haha. Facebook:Ana Sanchez Villanueva Tiktok:havenaniela02
bc
One Million in a Night
Updated at May 14, 2025, 12:18
Habang papalapit ako ng papalapit sa numero ng unit na binigay sakin ng lalaking kausap ko kanina sa telepono,samut saring emosyon ang aking nararamdaman.Hindi ko maintindihan para bang matatae ako sa sobrang kaba ,kasabay nun ang takot para sa aking sarili. Nasa labas na ako ng unit na aking patutunguhan.Ang instruction sakin ay kumatok ng tatlong beses ,pagkatapos ay maari ng buksan ang pinto at pumasok na roon. Ngunit naka sampung minuto na akong nakatayo sa labas ng unit at wala pa din akong lakas ng loob na kumatok doon. Dumaan pa ang dalawampung minuto ,tatlumpong minuto at talagang wala pa din akong lakas ng loob para sa aking gagawin. Napapitlag ako sa pagkakatayo ng tumunog ang aking cellphone. "Ate Sunny ,si mama umalis ,di ko alam kung saan nagpunta."bungad agad sa akin ng kapatid kong si Rina. "Huh!!Bakit siya umalis?" "Maghahanap daw siya ng pera.Hindi daw pwede na tutunganga lang siya sa bahay at walang gagawin.Kailangan daw makalabas si Papa ngayon sa kulungan." "Rina,hanapin mo si mama.Kakaopera lang niya.Hindi siya pwede mapagod.Sabihin mo ginagawan ko na ng paraan.Lalabas si Papa sa kulungan ngayon."Mando ko sa kapatid ko. Pagkasabi niyon ay pinatay ko na ang tawag.Sunod sunod na luha ang dumaloy sa aking mga pisnge. Kumatok ako ng tatlong beses.Pinihit ko ang doorknob.Pumasok ako sa loob ng unit. Isinara ko din iyon ng makapasok ako. I was standing near at the front door .I still don't know what to do.I was mesmerized by the minimalist interior design of the unit. Ang kabuuan ng unit ay naliliwanagan lamang ng apat ng led light sa bawat corner ng kisame.Ganunpaman ay makikita mo pa din ang ganda at linis nito. Inilibot libot ko pa din ang aking paningin sa kabuuan ng unit.Walang tao.Wala din akong naririnig na kahit anong kilos. May isang nakasaradong pinto pa doon at hindi ko alam kung papasok ba ako doon o hindi. Nakakailang minuto na din ako sa posisyong iyon at wala pa ding pumapasok sa aking isip kung ano bang aking gagawin . Maglalakad na sana ako upang buksan ang nagiisang kwarto nang biglang lumiwanag at bumukas ang malaking TV. "This is my night!It's up to you kung anong gagawin mo para mapasaya mo ako. This night is worth one million pesos.Make me satisfied!I'm here at the room.Im waiting!" Tila sasabog ang aking dibdib sa bilis ng tibok ng aking puso pagkabasa sa nakasulat sa TV. Kung kanina ay lalakad na ako para buksan ang nasabing kwarto, ngayon tila napako akong muli sa pwesto. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ako sa ganoong pwesto...May nabasa akong muli sa TV. "I'm tired of waiting! Kinakabahan man at kahit wala pa akong alam kung ano bang gagawin ko dun sa loob ng kwartong iyon ay binuksan ko iyon at pumasok ako. Madilim sa dulo ng kwarto pero nakikita ko ang isang bulto ng lalaki na nakahilig sa armrest single sofa sa tabi ng kama. Liwanag lamang mula sa isang led light wall frame ang nagbibigay aninag sa bagay bagay sa kwartong iyon.
like
bc
Meant To Be
Updated at Jan 9, 2025, 20:39
Si Alvin ay ang black sheep daw ng kanilang pamilya.Ibinigay na nga sa kanya ang lahat, ang pagaaral na gusto niya ,kotse, condo,allowance ngunit hindi pa din siya marunong magtino.Tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso.Palibhasa bunso, naspoiled kaya naman nagsisisi ngayon ang kanyang mga magulang sa ugaling meron ang anak. Si Alvin ay 22 taon na,ngunit hindi pa din siya nakakagraduate ng college.Hindi pa nga niya matapos tapos ang unang taon. Kaya naman sinubukan na dalahin siya ng mga magulang sa Batangas.May kapatid doon ang kanyang ina,baka sakaling kapag nalayo siya sa mga masasamang impluwensya ay magtitino na siya. Dito niya nakilala si Kathleen,isang babae na umpisa ay hindi maganda ang kanilang unang pagkakakilala ngunit naglaon ay naging maayos din. Subalit sa hindi inaaasahang pagkakataon isang mabigat na pagsubok ang sumubok sa kanila.Nagkaroon sila ng hindi magandang pagkakaunawaan, dumating sa puntong naging takot, galit at sari saring emosyon ang naramdaman nila sa isat isa.
like
bc
My Invisible Lover
Updated at Jan 7, 2025, 01:34
Hindi makapaniwala si Farrah na si wizard na kaniyang nakamabutihan sa chat ay nakakasama na pala niya.Isang milyonaryo dahil sa may sariling negosyo kaniyang pinapatakbo lang naman ang nasa likod ng pangalan ni Wizard.Hindi akalain ni Farrah na si Sir Ally Ang nasa katauhan nito .Si Cavin Ally Boone, isang negosyate at boss ni Farrah .Bagaman ,humahanga sa lalaki si Farrah never niyang naisip o pinagpantasyahan na makarelasyon ito dahil sa sobrang layo ng estado nila sa buhay.Sino ba naman siyang isang hamak na estudyanteng nagpapartime job lamang,makatapos lamang ng pagaaral at maabot lamang ang pangarap na nais niya para sa pamilya. Anong kakahantungan kaya ng love story ni Farrah at Ally ?
like
bc
Affair with a Married Man
Updated at Dec 27, 2024, 12:16
Kapag nagmahal ba tayo mapipili ba natin ang taong pwede natin mahalin.Kaya ba natin na turuan ang ating mga puso na wag nang mahalin ang isang tao na nakakasakit sa atin.Katulad na lamang ni Felicity na minahal niya si Davis.Makakaya niya ba mapanindigan ang kaniyang pagmamahal sa lalaki sa kabila ng pagkakaroon ng asawa 't anak nito.Lahat ba ay kaya niyang gawin mapasakaniya lamang ang buong pag-ibig ng lalaki o magiging masaya na lamang sa kung ano ang kayang ibigay nito.Sabi nga nila masarap ang bawal.Sobrang minahal ni Felicity ang lalaki at nagawa pa niyang hilingin na buntisin siya nito sa pagbabakasakali na maaring madagdagan ang oras na binibigay nito sa kaniya.Ngunit ang inakala niya ay naging maling akala lamang pala ...nanatili pa din siyang nanghihiram ng oras ni Davis sa asawa nito.Mas masaklap pa umusbong ang balita na buntis siya at nakarating ito kay Pat, ang asawa ni Davis.Nagkaroon ng hidwaan sa pag-itan ni Pat at Felicity na naging dahilan para mahirapan si Davis kung sino sa kanila ang pipiliin.Sa huli si Felicity pa din ang luhaan at desperadong mapasakaniya si Davis pero ang naging desisyon ng lalaki ay manatili sa panig ni Pat.Walang choice si Felicity kung hindi tanggapin ang katotohanan na hindi kailanman magiging buong pamilya sila ni Davis . Hanggang sa nakilala niya si Edward .Si Edward na kaya ang maging susi para tuluyang makalimutan ni Felicity si Davis?O isang panakip butas lamang ito dahil hanggang sa huli ay nakakulong pa din Ang puso niya para sa lalaking nakauna sa kaniya.
like
bc
My Husband is my Ex
Updated at Nov 10, 2024, 20:06
Palaging sinasabi na kung ano man ang nangyayari sa buhay natin ngayon ,nakatadhana iyang mangyari at may dahilan ang panginoon kung bakit pinahihintulutan niya na mangyari ang bagay na ito.Nagmahal ,nangarap lamang naman si Lindsey na sana ang taong makakasama niya habang buhay ay may stable na pamumuhay para sa magiging future ng kanilang mga anak.Ngunit ,bakit ang pangarap niyang iyon ay naging bangungot lamang na kay hirap takasan ng maging asawa niya si Leonil,dating kasintahan at kababata na din.Ang pagmahahal na kaniyang inaasam mula sa asawa ay tila ba naging poot at himagsik sa damdamin ng lalaki na halos araw araw niyang ipinagdarasal na sana baguhin ng panginoon ang ikot ng mundo at palitan ito ng tunay na pag-asa at pagibig.
like