
Si Alvin ay ang black sheep daw ng kanilang pamilya.Ibinigay na nga sa kanya ang lahat, ang pagaaral na gusto niya ,kotse, condo,allowance ngunit hindi pa din siya marunong magtino.Tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso.Palibhasa bunso, naspoiled kaya naman nagsisisi ngayon ang kanyang mga magulang sa ugaling meron ang anak.
Si Alvin ay 22 taon na,ngunit hindi pa din siya nakakagraduate ng college.Hindi pa nga niya matapos tapos ang unang taon.
Kaya naman sinubukan na dalahin siya ng mga magulang sa Batangas.May kapatid doon ang kanyang ina,baka sakaling kapag nalayo siya sa mga masasamang impluwensya ay magtitino na siya.
Dito niya nakilala si Kathleen,isang babae na umpisa ay hindi maganda ang kanilang unang pagkakakilala ngunit naglaon ay naging maayos din.
Subalit sa hindi inaaasahang pagkakataon isang mabigat na pagsubok ang sumubok sa kanila.Nagkaroon sila ng hindi magandang pagkakaunawaan, dumating sa puntong naging takot, galit at sari saring emosyon ang naramdaman nila sa isat isa.

