Chapter 1

1015 Words
Naguusap ang ina ni Alvin na si Aling Marites at ang kapatid nito na si Marife . Babalik na kasi muli ng Manila ang kanyang mga magulang,dahil may mga aasikasuhin sila sa kompanya nila. "Marife,ikaw na bahala kay Alvin. "sabi ng ina ni Alvin sa kapatid. "Sige ate Marites, basta kapag hindi nakaya ng aking powers ang ugali ng iyong anak,wag kang magtatampo at talagang isasauli ko iyan sa iyo.Aba'y ayaw ko naman na sakin yan mapapahamak."pagsang-ayon at paliwanag ni Marife sa kapatid. "Walang problema,tatawag ako ng malimit dito."sagot naman ng kapatid niya. Lumabas na si Marites at ang asawa nito sa gate.Tinawag lang nila si Alvin at sinabing sila ay papaalis na. Kumaway naman si Alvin,at bumalik muli sa paggagala sa paligid ng mansyon ng tiyahin. Unang beses na titigil ng matagal sa Batangas si Alvin. "Tol,gusto mo gang bumarik tayo mamaya dito."tanong ni Allan ,ang anak ng kanyang tita Marife. "Bro.Ano yun?Anong barik?" nakakunot noong tanong niya sa pinsan. Napatawa ng kaunti si Allan."Inuman tol".Palibhasa ay laking Manila si Alvin, may mga term siya na hindi alam sa Batangas. "Bro. gusto ko yan.May mga chicks ba dito? "tanong naman uli ni Alvin.Si Alvin ay playboy sa Manila,two timer kaya minsan nagaaway ang mga babae dahil sa kanya. "Naku yun lang, wala nga akong chicks na mapusuan dito,ay ikaw pa kaya.Wari ko naman ang mga tipo mo ay yung mga sexy at sosyal."sabi ni Allan na abala sa pagbibigay ng kumpay sa baka. May alagang dalawampong baka,limang daang piraso ng baboy , dalawang libo na manok na puti at hindi mabilang na tagalog na manok sina Allan.May mga katulong naman sila na inuupahan para alagaan ang mga iyon. Bukod sa mga sariling alaga nila,may paiwi pa sila sa kung sino sino. Malawak ang lupain na tinitirhan nila, at medyo malayo layo naman sa mansyon nila ang farm.Inilayo talaga nila para hindi maamoy ang baho ng dumi ng mga alaga nila. "Bro. kayo nagkakatay diyan sa mga baka ."pagiiba ng usapan ni Alvin "Hindi, binebenta namin iyan pag mataba na."sagot niya habang patuloy pa din siya pagbibigay ng kumpay. "Ay yung mga baboy dun sa kabila ,binibenta din ng buhay?"Nacucurious kasi siya kung ano ang mga ginagawa dun. Ang dami dami. "Oo, minsan pag may okasyon dito sa mansyon,nakuha na laang dun,at di siyang pinapatay at hinahanda."paliwanag niya. "May babae kanina akong nakita dun sa babuyan niyo, anong ginagawa nun dun, ka age ko lang ata yun, " "Ah si Kathleen yun.Tumutulong yun sa magulang niya dito kapag wala siyang pasok sa opisina niya.Napakasipag ng babaeng yun,wala akong masabi." "Sayang ang ganda nun Bro.Nagbababoy lamang."sabi niya habang patayo na siya. Patapos na si Allan sa ginagawa niya at pabalik na sila sa mansyon. "Walang masama sa pagbababoy tol.Iyon ang dahilan kaya nakapagtapos si Kathleen ng kursong engineering."paliwanag ni Allan. "Tol, nagandahan ka kay Kathleen?" "Oo bro.Bakit hindi ka ba nagandahan sa kaniya." balik na tanong nito sa pinsan. "Maganda naman,hindi ko laang siguro napapansin, gawa ng malimit ko nakikita." Malapit lang ang bahay nina Kathleen sa mansyon.Naglalakad lang sila kapag pupunta sa farm. Nakadating na ang magpinsan sa mansyon.Naabutan nila dun sina Kathleen at mga magulang nito. Minsan kasi dumadaan sa mansyon ang mga iyon para magpaalam sa amo nila. Ang mga magulang ni Kathleen, ang nagaalaga ng baboy at mga manok sa farm ng pamilya Angono.Si Allan lang ang in -charge sa baka at sa mga paiwi. "Bah si Engr.Kathleen pala ay kasama dito." pagpupuna ni Marife,ina ni Allan "Ay awan ko ga madam dine sa anak kong are,at may pagsama sama pa, ay kalamok lamok."sabi ni Aling Mona. "Anla ako ho ay naiinip laang samin tita Marife at saka medyo daw hindi ayos ang pakiramdam ng inay ,ay di akong sumama na."Sabi ni Kathleen habang nagpapagpag ng damit niya na nadumihan. "Ikaw Kathleen ay yayaman agad.Engineer na ay kasipag sipag pa sa pagbababoy."pagpupuri ni Gng. Marife "Ay naku'y harinawa ho."pagsagot ni Kathleen Si Alvin naman ay lihim na natatawa kay Kathleen.Paano naman ay hindi sanay sa puntong Batangas kaya napapatawa siya dito kung magsalita. Nag-paalam na sina Kathleen at umalis na. Pagkaalis nina Kathleen at ng mga magulang nito.Kinumusta ni Marife si Alvin. "Alvin,kamusta ang pasyal mo sa farm." tanong ng tita niya habang naglalakad paloob ng masyon. "Mabuti naman tita,kalawak pala ng inyong farm tita"tugon naman nito. "Oo, at masarap mamuhay dito kaysa Maynila. Kung ako ang papipiliin,dito talaga ako."sabat ni Tito niya. "Meron naman po ditong pasyalan? "pagkuway tanong naman ni Alvin "Madami,kaya laang ay hindi kita mapapayagan na mag gala gala,"sabi ng tita niya. Sila na lang magtita ang naguusap.Si Allan at ang ama nito ay pumunta ng kusina. "Tita naman,minsan lang naman.Papayagan niyo ako sa ganda niyong yan."Pambobola niya. "Wag mo akong mabola bola Alvin.Magaaral ka otoy ha.Awa mo na sakin." "Opo tita,masusunod ."Ganyan naman siya.Hindi nakikipagtalo pero pag kuway susuway na lamang. Sumunod na ang dalawa sa kusina. "masasanay ka din dito iho,"sabi ng tito niya. Opo Tito...Mukhang masaya naman po dito . "oo bro......at pag wala tayong gagawin,gagala tayo dito sa barangay ng may maging kakilala ka naman"singit ni Allan. "Sige Tol ..Gusto ko yan..Baka magkakachicks din ako dito."natatawang sabi nito. "Oo nga Bro baka dito mo makikita ang makakapagpatino sayo."Pang-aasar ni Allan. "Bro matino ako..Yung mga chicks lang kusang lumalapit sa akin ..Di ko lang sila mapahindian.."Pagyayabang nito sa pinsan. "Makakahanap ka din ng katapat mo Tol .Pag nahanap mo yun ..Ewan ko naman kung makapambabae ka pa."Balik na biro naman ng pinsan niya. "Titingnan Bro...Masarap ang mga babae Bro ...Sinasabi ko sayo.Samahan mo ako nga Bro ..Hanap tayo ng chicks."Halos pabulong nito sa pinsan ang huling sinabi. "Uii!!!!Uiiii!!!!Alvin !!!Ikaw na bata ka..Malalagot ka sakin!!!Wag kang kung ano -ano tinuturo mo sa pinsan mo."Bulyaw ng kaniyang tita sa kaniya. "Tita malaki na po si Allan .Kahit di ko to turuan.Hayaan niyo naman tita makaexperience si Allan ng masarap"Nakakalokong sagot nito sa tita niya. "Ay naku Alvino!!!Magtigil ka !!!Baka ike maigapos ko..Pag hindi ka umayos."Halos lumabas na ang ugat nito sa pagsaway kay Alvin. "Joke lang tita..Hindi na mabiro.Wag na kayong magalit at napangit."Pang-aalo nito sa tiyahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD