"Kathleen, ano gang pagkakabagal mo.Bilisan mo at naghihintay si Jimuel."sabi ni Aling Mona sa anak.
Isinasabay ni Jimuel si Kathleen sa motor niya, papuntang bayan kung saan siya nagtatrabaho.
Pinsan niya si Jimuel.Anak na panganay na kapatid ng tatay niya.
"Oho inay andiyan na."Lumabas na si Kathleen at nagpaalam sa magulang.
"Inay,aalis na ho ako,pasabi sa tatay ako 'y paalis na.San ga yun nagsuot? "Palinga linga at hinahanap ang ama,di naman niya makita."Hoy,Lexi tulungan mo mamaya si tatay at ang inay sa pagbababoy pag maaga ka lumabas.At ikaw Margarita, ang exam mo ha, naku,ayos ayusin mo, kung gusto mong bilhin ko yung sapatos na gusto mo."bilin ni Kathleen sa mga kapatid.
Si Kathleen ay 22 taon na,.Nakatapos siya ng kursong engineering.Masipag siyang bata.Sa katunayan ay tumutulong siya sa magulang niya sa pagbababoy at pagmamanok sa mansyon ng mga Angono nung siya ay nagaaral pa.Tuwing Sabado at linggo ay nagpapart time siya sa mansyon na tagalinis.Kaya kapag may project siya hindi na siya humihingi sa magulang.Baon na lang at tuition ang iisipin ng magulang.
Hanggang sa nakatapos nga siya ng kurso at nagkatrabaho.
Alas otso hanggang alas singko ang kaniyang trabaho.Kapag pauwi na siya ay nagbibiyahe na lamang siya.Minsan lang siya makasabay kay Jimuel pag hapon.
Isang sakay lang siya ng jeep at maglalakad na papasok sa loob.Pwede naman magtricycle pagdating sa kanto subalit mas gusto niya maglakad,nanghihinayang sa pamasahe.Napakamahinayangin ni Kathleen sa paggastos lalo na kung para sa kaniyang sarili lamang.Pero pag sa pamilya naman ay hindi ganoon.Hanggat kaya niyang ibigay ay ibibigay niya para sa mga ito.
Pauwi na si Kathleen at naglalakad na siya papasok sa kanto nila.May nakasalpak pa na headset sa tenga niya.Masarap maglakad magisa kapag may music,hindi mo mamalayan na sa tapat ka na pala ng bahay niyo.
Hindi pansin ni Kathleen na may kotseng asul sa likod niya.Bibihira kasi ang kotse sa barangay nila.Kotse lamang ng mga Angono ang malimit dun, puro tricycle ang karaniwang dumadaan.
Bumusina ito ng malakas at nagulat siya.
"Ay anak ng tokwa!!!!!"biglang sambit niya.Napalundag pa siya sa gulat.
Lumingon siya.Mamula mula pa ang mukha niya sa pagkapahiya.Madami pang nakakita.Bumusina ba naman ng pagkalakas at pagkahaba,ay di agaw atensyon.
"Ms.Ganda ,makikiraan ako ha".Nakangisi niyang sabi at umandar ng deretso.
"Kathleen,anong nangyari doon,ako ay nagulat din."tanong ni Aling Susan.
Sa barangay kasi nina Kathleen ay magkakakilala ang mga tao,mapwera na lamang sa mga bagong dating na tao.
"Ah ah naku kayo Aling Susan,pag sa ulaga naman ng lalaking yun,akoy papatayin sa nerbiyos eh.Kaluwang luwang pa naman ng daan eh.Diyos ko,sa ulaga talaga!"nabbwisit niyang tugon sa matanda.
"Oo nga ineng,ayun gay anak ni Marites na kapatid ni Marife" Tanong ulit ng matanda.
"Oho,di ko laang alam bat ga yun ay nandito pa.Iniwan po ata yun sa mansyon ng mga magulang eh,"sagot ni Kathleen
"Baka sa bayan na din nagaaral,bay ga parang nakauniporme?"
"Ay hindi ko ho laang napansin ang uniform,at ako'y sobrang nagulat."sabi ni Kathleen at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pagkarating ni Kathleen sa bahay, nadatnan niya na andun si Mikay,pinsan niya kapatid ni Jimuel,na kaedad niya.
"Mikaykay, ano gang kukusihin sa inyo bukas?"tanong ko.Birthday kasi ng kaniyang ina bukas,60th birthday.Andito siya at nangungumbida.
Sa barangay nila ay imbita ang buong barangay kapag may handaan, kaya kailangan kung magookasyon ay madaming panghanda.
"Ala'y hindi ko alam.Patay baboy daw at patay dating."pagbibiro nito.
"Ikaw gay madami ng nakumbida?."
"Dito pa laang ako nakapunta,yayagakin sana kita ng ako 'y may kasama.Madami ng ginagawa sa amin,wala ng akong makalikar."
"Sa antay,ako laang ay magpapalit ng tsinelas."Nagtanggal siya ng sapatos at kumuha ng tsinelas."Nasa inyo ga ang inay at ang tatay? tanong niya pagkatapos niyang magpalit.
"Ang iyong ina laang,nagawa ng mga matamis.Ang iyong ama ata ay nasa farm kasama si Lexi."sabi ni Mikaykay.
"Ahh ay si Margaret kaya.?"
"Nasa amin din,patikar ng patikar dun, kalaro si Kitkit."
"Siya tara na,baka tayo ay gab-ihin pa."pagyaya na ni Kathleen kay Mikay.
Sinasabihan nila ang tao sa bawat bahay na sakop ng kanilang barangay.Sa lugar na ito,kapag hindi ka nasabihan halimbawa at may okasyon,ay hindi ka pupuntahan.Aba mahihiya sila pumunta kung walang kumbida.Kapag naman inimbita ka at di ka pumunta, hindi ka din pupuntahan kapag ikaw naman ang nagokasyon, ika naman bahala ka diyan di ka din napunta pag may okasyon samin.
Huling bahay na pinuntahan ng dalawa ang sa mga Angono.Ito kasi ang pinakadulo.Madilim na kaya sarado na ang gate ng mansyon.
Nagdoorbell na lamang si Kathleen,at ilang saglit din naman ay pinagbuksan sila.
Biglang nagbago ang mood ni Kathleen ng makita niya na si Alvin ang nagbukas ng gate.
"Mikay,ikaw na ang kumausap sa ulagang yan,"pabulong na sabi ni Kathleen kay Mikay.
"Ha?bat naman naging ulaga are?"nagtatakang tanong naman ni Mikay.
"Basta,Kausapin mo na.. "at pinanlisikan na lamang ni Kathleen ng mata ang pinsan.
"Magbubulungan na lamang ba kayo diyan?Anong kailangan niyo? "may pagkaantipatikong tanong ni Alvin.
Narinig naman nina Mikay at Kathleen na tumatawag si Ginang Marife.
"Alvin,sinong tao diyan?"pasigaw niyang tanong habang naglalakad palabas.
"Yung pong taga-alaga niyo ng baboy tita",sagot ni Alvin na sinalubong ng tingin ang tiyahin na palapit sa kanila.
"Oh mga ineng,gab-i na ah,bay kayo'y napaparto."tanong ng ginang sa dalawa.
"Magandang Gab-i ho sa inyo,Te Marife.Kayo hong lahat diyan sa mansyon ay pupunta samin bukas ng pahapon,"pagimbita ni Mikay.
"Bakit anong meron ineng?"
"Birthday ho ng inay,ipaghahanda ho at senior na."sagot ni Mikay.
"Ay siya sige.Pupunta kami pag may pagkakataon.Pag hindi ay di baka sina Allan at areng si Alvin na lamang."sabi ng ginang.
"Siya sige po, aalis na po kami "paalam nina Kathleen at Mikay.
Ng makalayo layo na ang magpinsan,kinurot ni Mikay si Kathleen ng mahina.
"oh ano ga mikaykay?basta ka nangungurot.."naiinis kunwaring sabi ni Kathleen,na lumayo ng kaunti kay Mikay
"May crush ka dun sa Alvin ano?
"Ha???Ako magkakacrush sa ulagang yun....never...."pagsasalita niya ng tapos.
"Bat ga naman naging ulaga Yoon?"pagtatakang tanong ni Mikay.
"Ay paano ga naman kanina........."ikinuwento niya ang nangyaring pagkagulat niya dahil sa malakas at mahabang busina ni Alvin.
"Naku yun ay may crush laang sa iyo.Nagpapansin laang yoon pinsan."komento ni Mikay.
"Shhhh, itigil tigil mo iyang bunganga mo Mikay.Hindi ako natutuwa sa asbag na yoon",nanggigil na sabi ni Kathleen.
Ilang saglit lamang ay nakabalik na sila sa bahay nina Kathleen.Nasa likod lamang ng bahay nila ang bahay nina Mikay kaya magkasabay na silang umuwi.
"Salamat Kathleen sa pagsama.Tara samin dun ka na kumain.Nagluto pihado samin para may makain ang mga nanulungan."sabi ni Kathleen.
"Hindi na Mikay.Akoy pagod na.Bahala na mamaya kung anong makain dine samin. "sagot naman ni Kathleen.
"sige bukas na laang,pagkalabas mo sa amin ka na dumeretso."
Tumango na lang si Kathleen at pumasok na ng bahay nila.