Chapter 3

791 Words
"Alvin,uwi ka ng maaga ha.Wag ka ng gumala pagkatapos ng klase mo.Punta tayo sa handaan mamaya." sabi ni Allan habang nagaayos ng sarili papunta sa farm. "sige bro. hanggang 2pm ang klase ko."sagot naman niya at sumakay na ng kotse niya. Pinaandar na ni Alvin ang sasakyan at nagpatunog siya ng music . Habang nagmamaneho si Alvin, napansin niya si Kathleen na naglalakad palabas ng kanto. Huminto siya at binuksan ang bintana ng sasakyan niya. "Ms.Ganda sakay ka na."yaya niya "Wag na Alvin, salamat na lang."pagtanggi ni Kathleen. "Bahala ka,parehas lang naman na bayan ang pupuntahan natin."Isinarado niya na ulit ang bintana at pinaandar na. "Pag sa asbag naman.Mayaman nga,walang modo naman. kuh ah ah.. agang aga pag mukha niya ang makikita nakakairita."naiinis na bulong ni Kathleen sa sarili. Mabilis na natapos ng maghapon.Nakauwi na din si Kathleen at dumeretso na siya kina Mikay. May dala siyang cake para sa auntie niya.Ibinigay niya iyon dito at nagpasalamat naman sa kanya. Pagkatapos niya ibigay ang cake, ay kumuha na siya ng pagkain at umupo na sa isang bakanteng table. Nakita niya ang kaniyang ina na tumutulong sa pag-asiste sa mga bisita. "Ms. Ganda pashare sa table ha."sabi ni Alvin na agad namang umupo na. Hindi sumagot si Kathleen at deretso lang siya sa pagkain. "Bat ang taray mo?maganda ka pa naman.."Pagkuway sabi ulit ni Alvin. "Ms. Ganda ikuha mo naman ako dun ng desert.Nahihiya na akong bumalik."Napatigil sa pagsubo si Kathleen at tumingin kay Alvin. "May hiya ka pala..."pang aasar na lang ni Kathleen.Tumayo siya."Pakibantay ng plato ko,senyorito."at lumakad na siya sa mahabang mesa ng mga pagkain. Maya Maya ay bumalik din siya agad na may dalang dalawang platito na puno ng mga deserts,ibinigay niya kay Alvin ang isa at kanya ang isa. "Salamat Ms.Ganda "sabi ni Alvin na ngumiti ng pagkalaki laki. Hindi na muli sumagot si Kathleen.Ipinagpatuloy na niya ang pagkain. "Ms. Ganda san ang paloadan dito.Nakalimutan ko magpaload kanina.Hindi ako makadata."tanong ni Alvin "Dun sa malapit sa may kanto."walang siglang sagot ni Kathleen. "San dun, parang hindi ko pansin kapag dumadaan ako." "Basta dun,maglakad ka, bandang kaliwa "pagbibigay direksyon ni Kathleen. "Samahan mo naman ako." "Ay naku sa maas naman nare,ikaw na laang,ako'y busog pa." "Ms. Ganda pakiayos nga ng salita mo.Hindi ko intindi ang iba." "sabi ko ikaw na lamang,ako'y busog pa." "please pag ako'y nakagat ng aso konsensya mo pa." "At saka hindi ako taga dito baka makursanada pa ako."pahabol pang sabi ni Alvin. "Pag ganyan ka nga kayabang ay hindi malabo mangyari."pabulong na sabi ni Kathleen. Nauna ng tumayo si Kathleen."saglit lang,dalahin ko lang itong mga plato sa hugasan."sabi niya at lumakad papunta sa kitchen ng bahay nila Mikay.. Pagbalik niya kay Alvin ay niyaya niya na ito.Magkahiwalay silang naglalakad,nasa kaliwang part si Alvin at siya naman ay nasa kanan. "Ms.Ganda bat ang sungit mo?" "Lumakad ka na lang ng makabalik tayo agad." "Dahil ba sa nagulat kita nung nakaraan sa pagbusina ko.Sorry na,ikaw kasi dun mo ako papadaanin sa lubak, hindi naman sanay kotse ko sa ganon."pagexplain niya "Malapit na ang tindahan, ayun oh lumakad ka na doon.Dito na ako."sabi ni Kathleen. "Hindi mo ako sasamahan dun?"tanong ni Alvin "Hindi na baka matsismis pa akong jowa kita." "Tssss, "singhal ni Alvin."sige antayin mo ako.".Lumakad na si Alvin sa tindahan at nagpaload. Ilang saglit,bumalik na ulit siya kay Kathleen. "Salamat sa paghihintay,Ms Ganda."sabi ni Alvin habang tinitingnan sa phone kung dumating na ang load "masaya pala dito sa inyo pag may handaan,madaming tao.Hindi kagaya sa manila,kami kami lang."pagpupuna ni alvin. "ganon talaga dito.magkakakilala lahat ng tao dito." "Anong apilyedo mo Kathleen?" "Bakit? " "i -add friend kita sa fb." "naku wag na.Hindi din ako nagffb. minsan laang." "oh anong masama,iadd lamang naman." "Mateo" sinabi na lamang din ni Kathleen ng matapos na ang pulong. "civil engineering ka? " "oo " "ilang taon ka na?" "22" "same age" "same age pero first year college ka pa din." Medyo natahimik naman ng kaunti si Alvin.Nasaktan ata. "oo, at nakakahiya sayo." Natahimik na din si Kathleen.Napaisip na baka naoffend niya si Alvin.Nakakaoffend naman talaga. "bat kasi nagloloko?" "salamat sa pagsama."sabi ni Alvin at lumapit na siya kay Allan na nasa inuman. Nakarating na din pala muli sila sa bahay nina Mikay "Palibhasa'y loko loko, ayaw pagusapan kung bakit siya nagloloko ."pabulong na sambit ni Kathleen. Umuwi na si Kathleen sa kanilang bahay.Hindi na siya tumigil ng matagal kina Mikay dahil gusto na niyang magpahinga. Nag open muna ng sss si Kathleen kagaya ng karaniwan niyang ginagawa kapag nagiisa siya. You have a new friend request. Si Alvin ang nagfriend request.Napailing na lang si Kathleen sa bilis ng pag aadd request ng lalaki. Inaaccept na din naman niya ang lalaki at wala naman siguro masama kung I accept niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD