Chapter 4

1185 Words
Hindi naman masamang kilalanin muna ang isang tao.Sabi ng iba,First impressions are always unreliable.Malay niyo naman nagpapakatino na talaga si Alvin at nagkukunwari na lamang na badboy. "Kathleen,halika na sabay na ikaw,mahihirapan ka lang maglakad pa-kanto."pag-anyaya ni Alvin. "hindi na Alvin,sanay na ako."pagtanggi ni Kathleen at dumeretso na ng lakad. Bumaba si Alvin at hinila si Kathleen sa sasakyan niya. "Alvin wag na ga nakakahiya, sanay na ako sa paglalakad, kahit mapurpor pa ang takong ko."pilit niya pa ring pagtanggi. "sumakay ka na,,pasasalamat ko din sa pagsama mo sakin nung isang araw na nagpaload ako."sabi ni Alvin. Wala ng nagawa si Kathleen kundi sumakay na din. "Anong course mo?"pagkuway tanong ni Kathleen "Business Management".maikling sagot ni Alvin "nahihirapan ka sa course mo?"tanong niya ulit "hindi naman,malimit tinatamad lang ako."honest niyang sagot. "alam mo ga dapat siniseryoso mo din,para ike makatapos na agad."sincere niyang sabi. Tumawa siya ng kaunti."kung alam ko lang na may sermon ka sakin,di na kita pinasakay".natatawa niyang sabi. "Tssss.....nanghihinayang laang ako sa mga taong pinagaaral ng magulang,tapos ayaw nila." "siguro kung alam ko na wala akong pupuntahan o kumpanyang imamanage soon baka kagaya mo din ako,pursigido..." "kahit pa..... dapat may kaalaman at pinag-aralan ka man laang para mapatakbo mo ng ayos ang negosyong meron ka." "puro sermon na ako sa mom at dad,pati sayo sermon din,nakakabingi .Pwede bang relax lang muna tayo...cool lang..para walang stress..."halatang pag-iwas niya sa topic. "ikaw ang bahala....ako nama'y nagsasabi laang ng aking opinyon." "alam mo hindi bagay sayo ang mag-alaga ng baboy?"pag-iiba niya ng topic. "bakit may binabagayan ba ga naman yoong pagbababoy?" "oo sayo,di bagay sa ganda mo." "alam mo ga....iyang pag-aalaga ng baboy ang dahilan bakit ako naging engr.At proud akong ipagmalaki yoon." pagmamalaki niyang sabi. "well,wala akong masasabi sa ganyan.wala naman akong experience na naghanap-buhay ako para makapag -aral." "kaya maswerte ka at meron ang pamilya mo.Kaya dapat ikaw ay nagtitino." "Hindi ba ako matino?"nakangiti niyang tanong "Sa totoo,ang tingin ko ga'y hindi.Kasi kung matino ka dapat ike tapos na ng pag-aaral,magkasing edad lang tayo."walang pag-aalinlangan niyang sabi. "wow!!!so very honest!!!!tssss."sabi niya nagpipigil mapikon. "ay wag ka maaano sakin ha...ike nagtanong,sumagot laang ako." "ganyan ba sadya ang punto niyo...natatawa ako pag nagsasalita ka." "oo,bakit ga?masama gang pakinggan?" "hindi naman,minsan lang may term akong di maintindihan". "syempre taga dito ako,ganito salita ko.pero kapag mga clients or boss na may pagkasosyal, medyo nagpapakaformal naman ako ng kaunti,gawa ng baka nga hindi makaintindi.Meron salita kaming Batangeño na hindi alam ng iba."pagexplain ni Kathleen. "si mom kasi Batangeña pero hindi naman siya ganyan kapunto." "nasanay na laang ang mom mo sa maynila,tapos ang kausap pa malimit ay hindi kapwa Batangeño." "so kapag nasanay ka sa manila,posibleng maging ganon ka?" "hindi ko ga alam,depende sa tao yoon,kung ako hindi ko ga masasabi pa." "Anyway,san ba office mo hatid na kita.?" "naku wag na,aking lalakadin na laang o magsasakay na laang ako ng isa pa.Malapit na laang yun,baka ike malate pa."pagtanggi. "sige na, sabihin mo na.7:30 pa lang oh, 8:30 pa class ko." Pumayag na din si Kathleen kaysa naman nga magsakay pa ulit siya ng isa.Total mapilit naman si Alvin. Pagkarating sa opisina."salamat Alvin ha." at bumaba na siya ng kotse."Mag-aral kang mabuti, sayang ang kagwapuhan mo."pahabol niya pang sabi. "tsssss.. ma'am engr. ingat sila sayo".at nag wave pa siya kay Kathleen. Pinaandar na ni Alvin ang sasakyan papuntang school. Naging medyo magana ng araw ni Alvin ngayon.Nasa focus siya sa lahat ng subjects.Hindi naman siya toong nahihirapan sa mga lectures.Siguro dahil sa ilang beses na siyang nagtake ng first year. 2pm natapos ang klase niya.Dadaan pa siyang mall.Nakaramdam na siya ng gutom at may kailangan din siyang bilhin para sa project niya. Hindi pa siya sanay sa lugar dito sa Batangas.Una niyang ginawa ay kumain muna. 3:30 na ata siya lumabas ng restaurant,alam niyo kung bakit.Nagpalipas ng oras,nagfacebook.Napagpasyahan niyang hintayin si Kathleen.Magpapasama siya sa pagbili ng mga kailangan niya. Nagpaalam na din siya sa tita niya,alam niyo na strict ang parents.Hahaha Ang hirap talaga pag sira ulo,hindi ka na pagkatiwalaan pa.Kaya dapat malinis ang ikikilos. Pagkalabas ng restaurant,dumeretso siya sa opisina ni Kathleen. Sa sasakyan na siya naghintay.Isang oras na lang din naman at kalahati, mag-a-out na si Kathleen. 5pm,Lumabas na si Kathleen kasabay niya si Ella,katrabaho niya.Nagulat siya ng may tumawag sa kanya. "Kathleen....."sigaw ni Alvin dahil medyo malayo sila sa isa't isa. Napagawi ang tingin ni Kathleen kay Alvin at nagulat siya kung bakit andito siya.Nagpaalam na siya kay Ella at lumapit sa kinaroroonan nito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "inaantay kita,magpapasama ako sayo.May bibilhin akong project.Alam mo na di naman ako taga rito,di ko alam ang pasikot sikot." "sus,ano bang mga bibilhin mo?" "sumakay ka muna,ang hirap magusap ng andito ako at nasa labas ka." Pumasok naman si Kathleen.Sinabi na din Alvin ang mga kailangan niya. "Gusto mo sa SM na lang tayo."sabi ni Kathleen "sige kung meron dun eh ng mga kailangan ko." "oo naman meron doon," Pagkadating nila ng SM,binili nila agad ang mga kailangan ni Alvin.7pm na sila nakatapos mamili. Nagtxt na si Kathleen sa kanila na gagabihin siya at kasama niya si Alvin. "Oh ano Alvin,ok na yaan,tara na... "pagyaya na ni Kathleen "tara muna kumain." at hinila ni Alvin si Kathleen sa Bulalo Fiesta. "Alam mo ga gabi na,,hindi ka pa sa inyo kumain eh..." "gusto lang kita itreat, isang sabi ko lang sayo na samahan mo ako,sinamahan mo ako.pasasalamat ko lang,pagbigyan mo na." "ay ano pa gang magagawa ko, nakaorder ka na.."natatawa niyang sabi. Habang naghihintay sila ng pagkain kwentuhan sila. "Kathleen,tignan mo yung babae at lalaki na yun,sa palagay mo magkaano -ano yun?"sabi ni Alvin sabay nguso niya dun sa itinuturo niya. Tumingin si Kathleen sa tinuro ni Alvin.Ang lalaki ay disable,mukhang bata pa,siguro mga 25,ang babae naman siguro ay 22.Kumakain sila habang naglalambingan.Maganda ang babae at sexy.Ang lalaki ay gwapo din naman yun nga lang may kapansanan. "magjowa,,halata naman kung maglampungan ano ka ga hindi marunong makapansin."sagot ni Kathleen. "ang ganda nung babae, tapos ang lalaki ganon ang kalagayan,swerte nung lalaki,"komento ni Alvin. Sasagot na sana si Kathleen ng dumating na ang pagkain. Nagumpisa na silang kumain. "paano ka naman na nakakasigurado na ang lalaki lang ang swerte.?"pagbalik ni Kathleen sa topic. "ano pa gang magagawa niya sa kalagayan niyang iyon?" "grabe ka naman,judgemental.." "ay bakit ikaw hindi ka ba judgemental?kanina nga sabi mo hindi ako matino." "iba yoon ha..medyo may alam ako sa pagkatao mo,ikaw wala kang alam sa pagkatao nung disable na yoon.Ang opinyon mo ay base laang sa nakita mo ngayon,pero yung kalaliman ng pagkatao niya wala kang alam.."pag-explain niya. "sus yun na din yun..."natatawa niyang sabi. "Hay naku, bilisan mo na,Ng tayo'y makauwi na.Hindi ko na aabutang gising si Margaret." "kapatid mo?" sabi niya pagkatapos isubo ang huling pagkain na nasa kutsara niya. "oo,hinihintay ako malimit nun,nagpapaturo sakin ng assignment."sabi niya habang nakaharap sa pocket mirror.Tapos na kasi siya kumain. Nagaayos na para makagora na pauwi. Pagkatapos,pumunta na sila sa sasakyan at umuwi na. Ibinaba ni Alvin si Kathleen sa tapat ng kanilang bahay.Una kasi madadaanan ang bahay ng mga ito sa knila.Kasi nga di ba dulo ang bahay ng mga Angono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD