Chapter 5

1254 Words
Naging karaniwan na ang pagsabay ni Kathleen kay Alvin.Kapag wala si Jimuel ay dito ito sumasabay.Lagi na din kasi ito nakaabang sa kanya.Wala na din siya magawa o maisip na dahilan para tumangi "hoy congrats ha,"sabi ni Kathleen. Sakay sila ng kotse, umagang umaga umuulan kaya hindi kay Jimuel nakasabay si Kathleen. "congrats sa?"takang tanong ni Alvin "congrats at patapos na unang taon mo.kaya mo naman pala.Ikaw laang itong ayaw " Napatawa si Alvin."gustong gusto mo maging maayos ang buhay ko.. "natatawa niyang sabi. "bakit ikaw gay ayaw mong maayos ang buhay mo,may pagka sira ulo ka talaga." "alam mo sa lahat ng mga babaeng nakilala ko ikaw itong bastos manalita sakin."sabi niyang nakangisi "anong gang gusto mo?yung binobola bola ka para di mo alam na may mali na sayo o yung pinaprangka ka para alam mo ang babaguhin mo" "both" "Ha??" "minsan naman mambola ka din,wag naman laging seryoso ang sabihin mo,nakakasakit din." Medyo natahimik si Kathleen."Totoo?"pagtatanong ni Kathleen "Totoong ano?" "Totoong nasasaktan ka...." "tssss. joke lang" "ay awan ko sa iyo..." "di ba half day mo ngayon sa work mo?" "oo" "may ipapasa lang akong project,tapos wait ko lang result ng mga final exams namin.Mga lunch o baka wala pa tapos na ako,.Sunduin kita." "mapipigilan ga kita?" "hindi " "ok sige,kita kits." Pagkatapos ni Alvin sa school, sinundo niya na si Kathleen at sakto ang dating niya,palabas na ito ng building. Lumapit na ito sa kanya at pumasok sa sasakyan niya. "kanina ka pa?"tanong ni Kathleen "hindi naman,kakapatay ko lang ng makina". "kain ga muna tayo o deretso uwi na."tanong ni Kathleen habang nilalagay ang seatbelt niya "parang masarap ang lomi ngayon,kanina pang umagang umulan na ng umulan." "sige tara lomi,sagot ko."sabi ni Kathleen na parang agad ay nagcrave sa lomi. "bat mo naman sasagutin,palagay mo sakin walang pambayad,"natatawang si Alvin "lagi na laang ikaw ang nagbabayad pag kumakain tayo, naisipan ko laang ako naman ngayon lomi laang naman ang kakainin natin." "tssss.....ok ikaw bahala.. "pagsuko na lang ni Alvin. Habang nasa biyahe pa lang sila papunta sa Lomian ay nangumusta si Kathleen kay Alvin. "kamusta naman ang result ng mga exams mo?"tanong ni Kathleen. "buksan mo bag ko,"itinuro niya ang bag na nasa backseat."andyan ang mga test paper ko." Kinuha naman ni Kathleen ng bag at binuksan. Isang book,isang notebook,ballpen ,notepad,pamango at yung testpapers ang lamang ang laman ng bag. Tiningnan niya ang mga resulta,lahat matataas ang nakuha niya. "matalino ka naman pala eh,"papuri ni Kathleen "ikaw lang naman nangmamahina sakin." "hindi kita minamahina,ikaw ang nangmamahina sa sarili mo,kasi ayaw mo ipakita sa mga tao ang mga kaya mong gawin." "uuwi ka ga sa inyo ngayong bakasyon.?" "hindi ko pa alam,kung papayag sila." "sino ga?magulang mo o tita mo?" "parehas,di ba nagfull force sila sakin para magtino ako." "mahal ka laang nila,wag kang magtampo o anupaman." "hindi naman ako galit o tampo sa kanila,kaya nga heto na oh nagtitino na.....para sayo......"at kumindat pa kay Kathleen. "sira ulo."napapatawang sabi ni Kathleen. "May boyfriend ka na?"seryosong tanong ni Alvin. "may nakita ka?"pilosopong sagot nito. "wala nga,kaya nagtatanong...." Pumarada na sila sa isang bakanteng space sa harap ng lomian. Si Kathleen na ang nag-order at nagbayad.Si alvin naman ay naghanap ng mauupuan nila. "madami kumakain dito no?"puna ni Alvin "oo,masarap kasi dito magluto at tingnan mo malinis pa." "medyo matagal lang dumating ang order." "eh madami ngang kumakain kaya ganon." "may classmate ako, iyak ng iyak kanina."pag-kwento ni Alvin "bakit umiyak?" "buntis daw,hindi pa alam ng magulang niya." "ilang taon na?" "kaka 18 lang ata." "pananagutan daw ng boyfriend?" "hindi ko alam,di naman ako nagtanong,narinig ko lang na kaya umiiyak ay buntis daw." "nagbigay ka ga ng opinyon mo." "hindi rin,hindi ko naman mga kaclose kaklase ko,mga isip bata." "dapat minsan ike nakikisalumuha ka sa kanila.May matutunan ka sa kanila at may matutunan din sila sayo." Oh di ba napakatsismoso din naman nitong si Alvin ..pati nangyayari sa kaklase ay ikinuwento na. Dumating na ang order nila at kumain na sila habang nagkukuwentuhan. "ay ikaw ano ba magiging opinyon mo dun? o magiging advise mo sa kanya kung sakaling naging magkaibigan kayo."tanong ni Alvin. "para sa akin,advise ko,sabihin sa magulang.oo nakakatakot ,may takot yun pihado sa dibdib,at pihadong mapapagmura yun ng kanyang magulang,kaya lang andoon na yung bata sa tiyan niya,wala na siyang magagawa doon.Hindi namang pwedeng ipaglaglag yoon at kasalanan yoon sa Diyos." "hmmmm,nasasabi mo lang yan kasi wala ka sa sitwasyon.mahirap magsabi sa magulang." "hmmmm baka ikaw naman ang ama nun Alvin...."nanlalaking matang sabi ni Kathleen. "ikaw porket nakilala mo akong sira ulo,hanggang ngayon sira ulo pa din tingin mo sakin.Hindi ko nga nahawakan kahit hibla ng buhok nun."sabi ni Alvin na pawisang pawisan sa pagkain ng lomi. "oh tissue magpunas ka ng pawis mo,kayat na eh"natatawang sabi ni Kathleen. "ha????"hindi niya naintindihan ang term,kayat. "wala magpunas ka ng pawis mo."ulit ni Kathleen."pasensya ka na napaghinalaan kitang ikaw nakabuntis dun sa classmate mo" "tssss...mapanghinala ka... " "kahit wala ako sa sitwasyon na yun,naiintindihan ko naman na mahirap talaga magsabi sa magulang, kaya laang mahirap din naman na mag-isa mong haharapin ang bagay na yoon.Hindi laang sarili ang iisipin mo dun pati ang bata."pagexplain niya. " makakapag-aral pa naman siya kapag nakapanganak siya."komento ni Alvin "oo naman,mahirap laang pagdaanan ang mga ganoon na hindi ka handa.." "ikaw, wala ka pang balak mag-anak?"pagkuway tanong ni Alvin,habang sarap na sarap siya lomi. "jowa nga eh wala,paano mag-aanak?"natatawang sagot ni Kathleen. "anakan kita, gusto mo.....?"natatawang pagbibiro ni Alvin. Nagulat si Kathleen sa biro ni Alvin,kaya nabato niya ito sa mukha ng balat ng kalamansi"oh itong sayo,,,sapul....ano ka????"natatawang asar ni Kathleen. "aaawwwww.....ang bastos mo Kathleen..."sabi ni Alvin na pinunasan ng tissue ang mukha.Napapatingin naman sa kanila ang katabi nilang kumakain, pero wala silang pakialam. Natatawa naman si Kathleen kasi nakikita niyang asar na asar sa kanya si Alvin."sino ga kayang bastos sa ating dalawa."natatawa niyang sabi.At tumayo na siya at nagpunta muna sa cr. Si Alvin naman ay inayos niya pa din ang mukha niya pati damit niya.Ilang saglit lang ay tumayo na din siya at nagpunta na sa kotse niya. Hindi na muna siya pumasok sa loob.Nanalamin muna siya sa side mirror ng sasakyan.Sinigurado niyang wala ng dumi. Napapailing na lang siya sa ginawa ni Kathleen.Hindi naman siya pikon,kasalanan niya naman din yun kaya nagawa ito sa kanya. Nakita niyang papalapit na sa kanya si Kathleen na natatawa pa din sa kanya. "sayang saya ka ha, sa ginawa mo..."sabi ni Alvin na kunwari naiinis. "tssss....wag mo kasi akong gugulatin " "bawal ka palang ginugulat,kaya pala nagalit ka sakin nung nagulat ka sa pagbusina ko." "oo, pasalamat ka hindi kita nabato noon." "tsssss....sakay na... tara na....mga paandar mo walang kagaling galing.. kaya hindi ka magkajowa....."pang -aasar ni Alvin. "kung gusto kong magjowa,magkakajowa ako..ayaw ko laang... " Sumakay na si Alvin at sumunod na din si Kathleen.Pinaandar na ni Alvin at pauwi na sila. "Ayaw mo lang kasi......"pagtutuloy ni Alvin sa topic nila. "wala akong gusto sa kanila..."seryoso niyang sabi. "bakit naman?ang choosy mo naman,akala mo maganda ka..."pangaasar na naman ni Alvin. "gusto mo gang mabato ulit???" "kathleen, wag ka ngang mapanakit ha.nagmamaneho ako baka mapunta agad tayo sa langit." "sus,, magaling ga nga kung sa langit ka pupunta."ganting asar ni Kathleen. "baka gusto mo isama talaga kita sa langit."tumingin siya kay Kathleen habang sinabi yon at kumindat pa saka ibinalik ulit pansin unahang daan. Si Kathleen naman, parang asar na asar.. "awan ko sa iyo...gisingin mo ako pag nasa tapat na ako ng bahay namin."at nagkunwari na lang siyang natutulog. Si Alvin naman ay napapailing na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD