Bakasyon na si Alvin ngayon.Pinauwi muna siya ng kaniyang magulang sa Manila.Balak daw kasi ng mag-asawang San Juan na habang bakasyon ay turuan si Alvin sa pamamalakad ng kompanya.
Isang linggo na siyang nasa Manila pagkatapos ng kaniyang bakasyon.Ang kompanya nila ay isa sa sikat na event coordinator sa kabuuang Maynila maging sa ibat-ibang lugar.May sarili silang event place/venue sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.Sa Qc,Camanava ,Pasay Makati maging sa Davao,Cebu, at ilan pang mga lugar.Mayroon din silang sariling catering services .Magagaling at kahanga hanga ang mga staff na bumubuo sa kanilang kompanya kaya naman succesful ang business nila.
May mga koneksyon sila sa magagaling na event entertainments kagaya ng music,performers and guest speakers.
Mayroon din silang magagaling na coordinator pagdating sa wedding,birthday,debut,anniversary,parties,and any event of your life.
You will never regret na kukuhanin mong coordinator ang San Juan Company Event coordinator,because they will offer you a best memories pagdating din sa photography,event concept,design of the venue and many more.Kung kaya nga minsan na silang naging coordinator ng Abs Cbn star magic ball.
Maging sa mga suppliers ng food,materials design,flowers ,costumes,dress,gowns ,suits, ay mayroon din sila at kahanga hanga ang inooffer sa kanila.
"Alvin,kamusta ka sa company sa loob ng isang linggo?"tanong ni Mrs.San Juan.
"nakakainip....alam ko na naman yung mga itinuro ng mga staff sakin."walang ganang tugon niya.
Sunday ngayon at nagbbreak fast silang tatlo kasama si Mr.San Juan.
Magsisimba daw silang tatlo at hindi na nila iyon nagawa simula ng pumuntang Batangas si Alvin.
"anak,hayaan mo lang ituro ulit sayo ang naituro na sayo dati,magagamit mo yan pagdating ng araw."sabi naman ni Mr.San Juan.
"opo dad"maikling tugon niya.Ayaw kasi ni Alvin ng paulit ulit kaya naiiyamot siya.
Pagkatapos nilang kumain,ay nag-ayos na sila ng sarili at umalis na para magsimba.
Wala pang lunch ay nakabalik na muli sila ng mansyon nila.
Simula ng dumating si Alvin sa Manila ay hindi pa siya nakakagala kasama ng mga dati niyang kaibigan.
Hindi sa ayaw siyang payagan ng magulang niya kundi ayaw niya lang talaga.
Dumeretso na si Alvin sa kwarto niya at ibinagsak ang katawan sa kama niya.
Pumikit siya at pinilit makatulog ngunit di naman siya dalawin ng antok.
Kinuha niya ang phone niya sa kanyang bulsa at may dinial.
Ilang saglit lang ay sinagot na din naman agad ang kabilang linya.
"Hello,,oh bat ka ga natawag? "sabi ng nasa kabilang linya.
"namiss ga kita laang.."nagtonong batangeño si Alvin
Natawa naman ang nasa kabilang linya."hahahaha wag mong pilitin,hindi ka tagadine.. "
"anong ginagawa mo?" tanong ni Alvin.
"are nakahiga,,kakatapos ko laang maglaba."
"wow,,sipag...naiinip ako dito.."boring na sabi ni Alvin
"bat ga naman maiinip ka dyan?Dyan ka na nga lumaki, maiinip ka pa..."
"hindi ko alam,gusto ko na ulit umuwi diyan...namimis ko na....."pinutol agad ni Kathleen
"namimiss mo na ang mga baboy at manok,,pati baka ni Allan hahahha,"natatawang sabi nito.
"oo, pati nga ikaw...."
"maniwala sa iyo,,,baka ike nakapunta na sa iyong chicks dyan."
"wala akong chicks dito no"
"Napaglamangan ka ni Allan... "
"bakit?saan?"
"Dumayo ng inuman dine sa kabarkada niyang sa tapat ng bahay namin ."
"anong meron?"
"birthday ata...inuman laang naman sila at kantahan.Wala namang handa,ba'y hindi nagimbita samin."
"ahh hayaan mo na, magaling din sa inuman yang si tol allan."
"sus kung ike andine baka ike kasama din.."
"alangan naman, kung wala din naman akong gagawin eh..magaling nga pag sinasama ako ni tol, madami ako nakikilala."
"oo nga halos kilala ka na nga mga tao dito."
"gwapo kasi.."
"wag maasbag ha.."
"hindi naman ah, ikaw ba hindi nagwapuhan talaga sakin."
"bah, alam na ang ibig sabihin ng maasbag."
"isang taon na akong dyan ha, baka akala mo."
"tara tumulog.... "sabi ni Alvin.
"ay tulog ikaw, ba'y ga ike may pag tawag tawag pa."
"miss ko nga ikaw..."
"ika nga ni ivy aguas, wag ako!
mangaasar ka laang."
"ang hirap mo naman paniwalain... "
"awan ko sa iyo....wala ka laang magawa."
"may sasabihin ako sayo.."
"ano? baka yan eh kalokohan na naman ha.."
"video call tayo..."yaya ni alvin.
"anla ayaw ko,,, di ga'y ayos na areng tawag.ba'y ga magvivideo call pa"pagtanggi ni Kathleen."ano gang sasabihin mo?
"yun na nga video call tayo "natatawang sabi ni Alvin at natawa na din si Kathleen.
"Sira ka talaga Alvin....!"
"natatawa pa din ako sa punto mo..paano ka pag formal ka,sample ka nga...."
"hindi ko naman kayang magpakaformal sa iyo,at ike sira ulo.."tawang tawa si Kathleen sa pangaasar kay Alvin.
"tingnan natin kung hindi ka mainlove sa sira ulong ito.."
"woww....too confident..."
"then,let us see...."paghahamon ni Alvin..
"wag mo nga akong machallenge challenge Alvin at madami ka ng challenge na kailangang unahin sa buhay mo."seryosong sabi ni Kathleen.
"ito naman,napakaseryoso mo talaga palagi.."
"ay paano naman ayaw mong piliin yung mga salitang bibitawan mo..."
"takot ka laang...."
"takot sa...."
"takot kang mainlove sakin dahil sira ulo ako.."
"pano mo naman iyan nasabi....?"
"basta.....anyway ...never mind.. "
"oh kita mo walang kang masabi...."
"oh sya na...talo naman ako lagi sayo...."pagsuko ni Alvin.
"akala ko ga tutulog ka?"
"ayaw mo ga akong kausap?"
"kung ayaw ko di sana pinatay ko na o di ko na sinagot..."pilosopong sagot ni Kathleen.
"alam mo ang tapang mo,daig mo pang lagi kang may dalaw eh.."
"oh eh bat mo ako kinakausap....? "may kaunti na siyang pagkaasar.
"ay bye na kung ayaw mo akong kausap..."at ineend call na ni Alvin.
"Bastos talaga itong si Alvin..."bulong ni Kathleen sa sarili.
Samantalang si Alvin naman ay napikon din sa inasta ni Kathleen.Hindi naman siya galit,napikon lang.
Mabilis na natapos ang dalawang buwang bakasyon.Bumalik na ulit si Alvin sa unang araw ng pasukan.Nagenroll siya via online kaya pasukan na siya bumalik.