Chapter 7

945 Words
Unang araw pa lang ng pasukan,ay naging busy na agad si Alvin.4pm siya lumabas ng school.Naisipan niyang daanan si Kathleen.Hindi pa sila nito nagkita simula nang dumating siya sa lugar,pagkadala niya kasi ng mga gamit niya kanina sa mansyon ng tita niya,nagmadali na siyang pumasok kasi baka malate siya. Hindi pa din sila nito nakapagusap simula nung magkausap sila sa phone. Pakiramdam ni Alvin ay galit ito sa kanya gawa ng napikon siya dito. Hindi naman niya namataan sa daan kanina baka nakasabay na kay Jimuel. 30 Minutes pa bago lumabas si Kathleen.Naghintay lang siya sa kotse niya habang ginagawa niya assignments niya. Eksaktong tapos ang assignments niya, labasan na ang mga empleyado.Nakita niya agad si Kathleen kasabay ni Ella. Hindi siya ata nito napansin kasi dere deretso siyang paglakad.Hindi naman siya makasigaw, parang nahiya ata siya.Maya maya lang ay naiwan na siya ni Ella kasi sumakay na iyon sa jeep. Pinaandar niya ang sasakyan at huminto sa harap ni Kathleen.Binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya. "Woww...deadma ah..."bungad ni Alvin."halika ka na.tara na..."yaya nito. "wag na...."sabi niya ng hindi man lang tumitingin."may pupuntahan pa ako."pagdadahilan niya. "tsssss....samahan kita.." "wag na Alvin, baka may gagawin ka pa,"sabi niya at lumakad ng kaunti sa dulo dulo. Pinaandar ulit ni Alvin ng kaunti ang sasakyan niya hanggang sa harap ni Kathleen.At pagkatapos ay bumaba.Hinila niya si Kathleen pasakay.Walang nagawa si Kathleen,kundi ang magpatianod dito hanggang sa makasakay na siya. "San ang punta mo pa?"tanong ni Alvin bago paandarin ang sasakyan. "uuwi na. "maikling sagot niya ng hindi man lang tiningnan si Alvin. "akala ko ba may...."hindi na naisundo ni Alvin ang sasabihin "wala na...nagbago na ang isip ko."at itinuon na niya ang pansin niya sa cellphone niya. Hindi sila naguusap hanggang sa makadating na sila sa may kanto nila.Wala silang pansinan,nakatuon sa pagmamaneho si Alvin samantalang si Kathleen naman ay nagfafacebook. Hindi nakatiis si Alvin at siya na unang nagsalita. "baka naman gusto mo akong kumustahin,," "salamat Alvin sa pagsabay ha...next time ay wag mo na laang akong isabay..." "tsssss...."napasinghal siya sa narinig."Ano naman yan Kathleen...?"tanong ni Alvin. Hindi na nakasagot si Kathleen kasi nasa tapat na sila ng bahay niya. "salamat Alvin..."sabi niya pagkababa.Hindi na siya lumingong pang muli kay Alvin.Dumeretso na siya sa loob ng bahay nila. Si Alvin naman ay wala ng nagawa kundi dumeretso na sa mansyon. Tama nga ang hinala ni Alvin galit nga sa kanya si Kathleen. Gusto niyang makausap ito pero parang ayaw naman siya kausap nito. Sa totoo lang,hindi niya alam kung bakit ganon na lang ang pakikitungo niya kay Kathleen.Pakiramdam niya nahuhulog na ang loob niya dito. Hindi naman niya maamin ang totoo kay Kathleen,dahil hindi naman ito maniniwala sa kanya. Kinabukasan,tumigil siya sandali sa tapat ng bahay nila Kathleen.Kahit sabi nitong wag na siyang isabay,ay gusto niya pa ding itong isabay.Binuksan niya ang bintana. "Mang Amado,kamusta ho kayo...si Kathleen po pala" malakas na sigaw ni Alvin sa ama ni Kathleen, na nakaupo sa bangko at nagkakape. "ay naku iho ayos laang naman ako..ay are awa ng diyos ay malakas pa...ano ga... tayo gay babarik na...."napakamot sa batok si Alvin at napatawa"si kathleen ay kaaalis laang...kasabay ni Jimuel...baka abot mo pa sa daan.."dagdag ni Mang Amado. "oho...pag ho ako'y walang pasok kayo 'y aking dadayuhin ng barik "pag punto ni Alvin.Alam na kasi niya ang salitang barik. "ay oo naman iho,ikaw naman ay hindi iba na..maanong ike dumayo dine...ay di kahit tagalog na manok ay ike aking ipagpapatay" "ay siya sige ho,,sa susunod na lamang ho,baka ako ay malate na ho." At pinaandar na niya ang sasakyan.Naisip ni Alvin na ayaw ni Kathleen na Sumabay talaga sa kaniya.Dahil dati rati naman, mga ganitong araw sa kanya ito sumasabay,hindi talaga siya nagpapaaga. Ng siguro nakaisang kilometro na siya,natanaw niya ang motor ni Jimuel.Tama nga si Mang Amado, kaaalis lamang ni Kathleen.Sumunod lamang siya. Sumunod siya hanggang sa binababaan ni Kathleen kapag kay Jimuel siya sumasabay. Sabi niya kasi dati, hindi daw siya nagpapahatid kay jimuel hanggang opisina niya kasi nahihiya naman daw siya. Pero ngayon,bat hindi sila huminto.Dere deretso lang sila.NagU -turn na lang si Alvin pabalik sa way sa papuntang school niya.Ihahatid niya kasi sana si Kathleen kung ibinaba siya ni Jimuel dahil medyo malayo layo pa din naman iyon sa opisina niya. Kinahapunan,dumaan siya opisina nito.Hinintay niya itong lumabas.Ng maglabasan na ang mga empleyado, walang Kathleen na lumabas. Nakita niya si Ella at tinanong niya ito.Nag half day daw ito. Kinabukasan,hindi na naman niya nakasabay at maaga na naman daw umalis. Hanggang sa naging isang linggo ng hindi sila nagkakasabay. "Mang Amado, malalaki na ang inyong mga alagang baboy ah.." puna ni Alvin.Nag gala kasi siya sa farm kasi wala siyang magawa. "oo iho,,hari nga't tumubo dine ng malaki laki at ng maipagawa ang aming bubong,ba'y ga doon ay may natulo na." "siguro naman ho ay ayos ang tubo ninyo diyan.." "asan si boss Allan,nasa mga baka niya.?"pagiiba ni mang amado. "oho,pero baka pabalik na din yun,tapos na din nung iniwan ko doon." "alam mo iho sa totoo lang masarap dito sa probinsya,kaysa Maynila ano?" "sa tingin ko din nga ho..sa manila puro bar,parties ,at gala lamang.hindi kagaya dito madami kang magagawa.Natututo na nga din ho akong magkumpay ng baka." "aba'y talaga... ay ike mag-iingat at hindi ka sanay humawak ng gulok."paalala ni Mang Amado "oho naman,mahirap sa una.kalaunan ay nakakaya na din ho. "ay sadya iho,wala pating madaling trabaho.." "ay ano ho tayo'y babarik na?" "aba ay ikaw iho.pumar-on ka sa amin mamaya...mga hapunan at magpapatay pa akong manok." "sige ho" "isama mo si boss Allan, nakikipagbarikan din yun sakin minsan." "talaga ho, sige ho." "sige iho,kami ay paparne na " At umalis na ang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD