Chapter 8

1214 Words
Abalang abala si Mang Amado sa paglalagay ng sahog na papaya sa kaniyang tinola.Nagpatay ito ng tatlong manok at tininolang lahat.Si Aling Mona naman ay may iniihaw na tatlong malalaking bangus. Nagsaing na din ng madami dami si Aling Mona. "Lexi ikaw nga'y manguha muna ng kalamansi sa likod bahay."utos ni Mang Amado sa anak. Sumunod naman agad si Lexi. "hmmmm..anong meron at may tinola..."natatakam na tanong ni Kathleen na kakarating lamang. "oh Anak andyan ka na pala,ba'y kaaga mo ngay'on?"tanong ni Aling Mona. "paano ho'y ako ay nakasabay kay Jimuel.Dinaanan ako sa opisina."sabi ni Kathleen na sumilip sa niluluto ng ama "paparto daw dito si Alvin, naghamong bumarik ay di aking pagbibigyan."sabi ni Mang Amado. Natigilan si Kathleen sa narinig sa ama.Mas lalo pa siyang hindi nakakibo ng may kumatok. "tao po....."at lumabas si Mang Amado at tiningnan ang dumating. "halika iho,ike pumasok sa aming maliit na tahanan.,maupo ka muna..paluto na ang tinola."sabi ni Mang Amado. Umupo naman si Alvin sa upuang kawayan.Simple lamang ang bahay nila Kathleen.Hindi naman sobrang liit hindi din malaki,katamtaman lang.May apat na kwarto, 2 sa baba at 2 sa taas,Ang pangalawang palapag ay kahoy ang sahig at ang ibaba naman ay puro sementado.At masasabing malinis ang pamamahay nila.Ang mahabang upuan na kawayan ay napakakintab. May mga kasangkapan din naman na kagaya ng tv,karaoke, at computer sa isang gilid.Sa kusina naman ay may ref,water dispencer at rice dispencer at washing machine. Masinop kasi ang mag-asawang Mateo,saka nagkatrabaho na si Kathleen kaya naipilit nila ang mga gamit na ganoon.. "Kathleen,magbihis ka na at tayo 'y sabay sabay na nila Alvin kakain."sabi ni Mang Amado sa anak. Hindi naman na sumagot si Kathleen, dinaanan niya si Alvin sa sala na nakaupo at dumeretso na siya papuntang kwarto niya. Habol naman ang tingin sa kanya ni Alvin pero hindi niya ito pinansin. Ilang saglit lang ay nakapaghain na si Aling Mona. Tinawag na nila si Alvin,at lumapit naman ito sa hapag kahit medyo nahihiya. "siya ako ho'y hindi tatanggi sa inyong biyaya."natutuwang sabi ni Alvin. Umupo na ito, umupo na din ang mag-asawa, pati si Margaret at Lexi. Nagsimula na silang kumain. "Mona,asan ga iyang si Kathleen?ano gang pagkakatagal magbihis.?"tanong ni Mang Amado matapos isubo ang kapirasong manok. Sasagot na sana si Aling Mona,ng lumabas na ng kwarto si Kathleen. "oh kathleen,aba'y kumain ka na."sabi ni Aling Mona. "mamaya na ho ako..."sabi ni Kathleen. "kathleen, kain na ikaw,masarap ang tinola ng tatay mo" paanyaya ni Alvin. "sige, kumain ka lang diyan,busog pa ako."walang ganang tugon niya. "ako ho'y pupunta laang kay mikay.pagbalik ko na ako kakain."paalam ni kathleen at deretso ng lumabas. Napahabol na laang ng tingin si Alvin pero hindi siya nagpahalata. "iho kain ka laang wag kang mahihiya. "sabi ni Mang Amado. Pagkatapos kumain ay bumalik na sa sala si Alvin at naupo na muli.May dalang Alfonso si Alvin kaya tinolang manok at inihaw na bangus na lamang ang inilabas ni Mang Amado. "iho, ba'y nga pala hindi mo isinama si boss Allan.Masarap din yong kabarikan ."tanong ni Mang Amado "naku ho,parang may date ata ng chicks niya." "ay naku, yun laang."tila nanghihinayang na sagot nito. Nagsimula na silang magtagayan.Kung ano ano na ang kanilang mapagkwentuhan.Nanonood din sila ng basketball habang natagay. Samantalang nagulat naman si Mikay kay Kathleen at nangahanggan "oh kathleen,himala at ike nangahanggan."bungad agad ni Mikay "ala 'y may barikan dun sa amin". "sino namang kabarikan ng iyong ama?"isyusong tanong ng ama ni Mikay na malapit sa kanila. "ala'y si Alvin ho." "Aba'y naman umalis ka doon ay manliligaw mo ata yoon ."sabi ulit ng ama ni Kathleen "hindi ko ho yoon manliligaw,,,kanina daw ay nagkayakagan sila nung nasa babuyan." "hindi ga yoon nanliligaw sayo Kathleen.?"pabulong ni Mikay sa pinsan "hindi nga." "Kumain na kayo at hain na. "tawag ng ina ni Mikay sa mga ito. "Kathleen, kumain ka na dine, madaming kanin.Naggata ng langka ang iyong kakang Mitoy,tapos nag-gisa akong bagoong."anyaya ng auntie Lilia niya,ina ni Mikay. "makakain nga,magaling pa dine at masarap ang pang-ulam.Namiss ko iyan."at nauna pa siyang dumulog sa hapag kaysa sa dalawang pinsan niya. Ganon talaga si Kathleen sa bahay ng mga ito, at ang mga pinsan niya ay ganoon din pag nasa bahay nila Kathleen. Pagkatapos nila makakain ay hindi pa umuwi si Kathleen.Nakipagkwentuhan pa siya kay Mikay at sa mga auntie niya. "Jimuel ,pumar-on ka samin at ike bumarik."sabi ni Kathleen. "anla....ay hindi ari....ako'y may pasok bukas kahit Linggo,yun namang si Alvin ay wala."tanggi ni Jimuel. "lalo namang hindi ari si kakang mitoy ,kung gustong maospital.." Siguro'y mga tatlong oras na tumambay si Kathleen kina Mikay. 9:30pm nagpaalam na si Kathleen at umuwi na.Nadatnan niya ang kanyang ina na nagliligpit na ng pinagbarikan. Si Alvin ay prenteng nakahiga sa kawayang upuan,tulog na tulog na. "oh asan na ang tatay,lasing na..??.ba'y naman ari eh dine na dumali ng tulog.."magkasunod na tanong ni Kathleen na ang tinutukoy ay si Alvin. "ala'y hindi na kaya umuwi.Paano ga naman ng maubos ang alfonso ay lambanog naman isinunod,di ga'y naglahuga na sa tiyan."sabi ni Aling Mona habang nagliligpit pa din. "baka naman yan eh hinahanap na ni tita marife.babarik barik, hindi nagtira ng pang-uwi,kainaman na din nga ah ah." "pinapunta ko kanina si Lexi sa mansyon sabi ko'y sabihin na bukas na ang uwi ni Alvin at nakatulog na." "ay oho magaling na yung alam nila.Alam niyo naman under the supervision ni tita iyan." "kumain ka na, iinit mo ang tinola."sabi ng kanyang ina. "ala'y busog na ho ako.kadami kong nakain kina auntie,langka at bagoong ang ulam." "ah kaya pala may bitbit kaninang niyog si kuya Mitoy." "asan si margaret?tulog na?"pagkuway tanong ni Kathleen. "siguro....kanina ay naglalaro pa eh...ba'y nawala na..Silipin mo nga muna,baka hindi nagelectricfan at pawisan na."sabi ng ina niya. Sinilip muna nga ni Kathleen si Margaret sa kwarto ng kaniyang ina.Dun pa kasi ito natutulog.Ng makita niyang ayos na naman ito umalis na siya.Dumeretso siyang kusina, nagtoothbrush at naghilamos. Bago siya umakyat sa kwarto niya sumulyap muna siya sa natutulog na si Alvin. "inay,ako'y paakyat na ho.kayo'y tumulog na din."at umakyat na siya sa kwarto niya. Nahiga na siya sa kama niya.Hindi pa siya makatulog.Naiisip niya si Alvin na natutulog sa baba. Isang linggo niya itong iniwasan,ano kayang nakain nun at nakipagbarikan sa kanyang tatay,naisip ni kathleen. Kinuha niya ang phone niya at magmumusic sana siya.Ang daming messages galing lahat kay Alvin. From:Alvin bat ka umalis? 7:20pm From:Alvin lasing na ang tatay mo hehehe 7:35 From:Alvin sorry na please,bati na tayo..miss na kita 7:40pm From:Alvin ang kulit pala ng kapatid mong si margaret kumanta na ng kumanta.hehehe 7:45pm From:Alvin Sorry na naman,tagal mo namang magtampo. 7:47pm From:Alvin 7:48pm From:Alvin Alam mo kathleen,mahal na ata kita,wag ka naman ganito sakin. 7:50pm From:Alvin Tagay pa more...sarap pala ng lambanog..pucha. 8:00pm From:Alvin Uwi ka na, usap tayo 8:10pm From:Alvin Wala ka talagang pakialam sakin,alam mo ba kaya ako nakipaginuman sa iyong ama para makita at makausap ka... ngayon asan ka..pucha.. nilayasan ako... 8:30pm From:Alvin Kgshstlebbhshhshsjbdh 8:40pm Napakunot noo na lang si Kathleen sa nabasa.Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nitong mahal siya nito,dahil baka nasabi niya lang yun dahil lasing ito. Sa totoo, may parte sa puso niya na masaya at natutuwa kaya lang may doubt pa din siya. Ilang oras niya din inisip ang mga nabasa niya.Hindi na niya alam ang oras na nakatulog siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD