Nagising si Kathleen sa sigaw ng ina.Araw naman ng Linggo, walang pasok kaya tinatamad pa siya bumangon.At saka parang hindi pa nga siya nakakatulog ng ayos.
"Kathleen,kami 'y paalis na ha.Si Lexi kamo ay mangangahoy kapag nagising.Si margaret tulog pa.Papunta na kami sa farm.Si Alvin pagkapehin mo naman bago umalis."sigaw ni Aling Mona na nasa labas ng kwarto niya.
"oho."tugon niya.Kapag kasi hindi pa siya sumagot agad, sisigaw na naman ito,ika nga naman ay baka hindi narinig ang unang sigaw.
Pagkaalis ng kanyang ina at ama ay bumangon na din siya.Nadaanan niya si Alvin sa sala na natutulog pa.
"hindi man lang namahay,pagkakasarap nareng tumulog" bulong ni kathleen sa sarili.Dumeretso siya sa lababo,nagtoothbrush at naghilamos.
Pagkatapos nagtimpla siya ng kaniyang kape.
Maya maya lang,nakita niyang bumangon na si Alvin.Tanaw kasi sa kusina ang sala.Tumayo si Kathleen at nagtimpla ulit ng kape para kay Alvin.
Dinala niya ito sa sala.Habang palapit siya kay Alvin na mumukat mukat ay nakatingin ito sa kaniya.
"kape mo."sabi niya pagkalapag ng tasa sa mesang nasa harap niya."kung gusto mong magmumog, dun sa lababo."
Hindi si Alvin sumagot.Nakatingin lang ito sa kanya.
Si Kathleen naman ay bumalik na sa kusina at umupo ulit na nakataas ang dalawang paa.Humigop siya muli ng kape.Kinuha niya ang phone niya na nasa harap niya .
Nakita niya sa pheriperal vision niya papuntang kusina si Alvin, kaya nagbusy busyhan siya sa phone niya.
Inilapag niya ang tasa ng kape sa mesa at dumeretso sa lababo.Nagmumog siya at naghilamos.Pagkatapos kinuha niya ang panyong nasa bulsa niya ang pinunasan ang mukha.
Habang si Kathleen naman ay ikot ang paningin habang kunwari ay busy sa phone,ngunit ang totoo tinitingnan niya ang ginagawa ni Alvin.
Umupo na din si Alvin sa tapat na upuan ni Kathleen.Hindi sila nagpapansinan,pero panay ang maya't maya' y sulyap nila sa isa't isa.
Mga siguro limang minuto silang ganon.Si Alvin na din ang unang nagsalita,kasi wala atang balak mauna magsalita ni Kathleen at pansin yun ni Alvin.
Pansin ni Alvin na hindi naman ito busy sa phone niya.Panay lang ang scroll.
"anong oras ka umuwi?"tanong ni Alvin habang nakatingin
"ha...h-hindi ko na alam kung anong oras yoon,di ko na natingnan ang oras."pagsisinungalin niya.
Samantalang hindi nga siya makatulog kagabi,nagcellphone pa.
"Kathleen,sorry...nabasa mo....."napatigil siya sa pagsasalita kasi nagsalita na agad Si Kathleen.
"Alvin,ok na..ayos na,wag mo ng isipin yun,"sabi niya agad.Ayaw niya na kasi pagusapan pa ang tungkol sa txt na yun.
Hindi naman siya talaga dapat maniwala dun sa sinabing mahal siya nito, dala lamang iyon ng kalasingan kaya nasabi.
"hindi ka na galit..o tampo..?"paglilinaw ni Alvin
Umiling na lamang si Kathleen.Tapos na siyang magkape,kaya papunta na siya sa sala.Sa tapat ni Alvin siya dumaan, hinawakan nito ang kamay niya na ikinagulat niya naman.Agad din namang binawi iyon ni Kathleen at nagmadaling nagpunta sa sala.
Sumunod naman sa kanya si Alvin.
"napadami ang inom niyo ni tatay,sa susunod pag gay-ong babarik ay magtitira naman ng pang-uwi."pag-basag na lang ni Kathleen sa katahimikan nilang dalawa.
Pinipilit niya din na mawala muli ang pagka-ilang niya dito kay Alvin.
"nakakatuwa kasi kainuman ang iyong ama.Ang daming kwento."tuwang sabi ni Alvin.
"naniwala ka naman sa kwento nun,?"natatawang tanong ni Kathleen habang nililigpit ang ginamit ni Alvin sa pagtulog.
"oo naman,tatay mo yun eh.Si Margaret tulog pa?"pagkuway tanong ni Alvin.
"oo,hindi pa nalabas eh,tulog pa yun pihado. "
"cute ng kapatid mo,kumanta ng kumanta. "pagkukuwento ni Alvin.
"mahilig yun kumanta kahit 8 taon pa lang,madami na ding alam na kanta."
"nakihiram nga sakin ng cellphone,nakinood sa you tube."
"bat mo pinahiram?mamimihasa yun...."
"ha....ano na naman yang term mo Kathleen?"natatawang sabi ni Alvin.
"masasanay lamang yang si margaret na kapag nakita ka manghihiram ng cellphone."paglilinaw ni Kathleen
"oh ay ano namang masama dun,ibig sabihin pwede ulit ako pumunta dito."tuwang tanong ni Alvin.
"hindi nga kita pinapunta dito,nagpunta ka.Malay ko kung yayain mo na namang magbarik ang tatay sa sunod."pilosopong sagot niya.
Ng matapos na siya sa pagliligpit.Lumabas naman siya ng bahay at nagwalis ng harapan.Sumunod naman si kaniya si Alvin at umupo sa duyan na nasa ilalim ng punong mangga.May puno kasi na malapit sa kanilang bahay, hindi naman sobrang laking puno, tama lamang mapagkabitan ng duyan...
"Kathleen,hintayin mo ako bukas ha.Sabay tayo."sabi ni Alvin
"Kapag di ako maagang umalis."
"wag ka ngang umalis ng maaga,hintayin mo ako.akala mo naman malalate ka."
"minsan ay maaga si Jimuel nakakasabay na ako."
"sus,Wag din Ako Kathleen..alam kung iniwasan mo ako ng isang linggo."
Biglang sumigaw si Margaret na kakagising lamang,nasa b****a na siya ng main door.
"kuya alvin,andito ka pa??"tuwang sigaw ni Margaret.Tumakbo naman ito sa kinaroroonan ni Alvin.
"bakit ayaw mo bang andito ako.?"
"hindi naman po,masaya nga akong andito ka.Pahiram ulit akong cellphone mo kuya Alvin."sabi agad ni Margaret.
Narinig ni Kathleen ang pangungulit nito kay Alvin.
"Margareta,agang aga cellphone cellphone ka diyan,namimihasa ka.. "medyo malakas na sabi nito sa kapatid.
Napasimangot na lang si Margaret,si Alvin naman ay nakatingin lang sa dalawa.
"hindi mo kasi ako pahiramin ate."pagtatampo ng kapatid nito.
"pinapahiram kita,hindi laang pwede ang malimit ,masisira ang iyong mata,gusto mo ga mawalan ng mata."pananakot niya sa kapatid.
Umiling naman si Margaret.
"oh yun naman pala eh,anong gusto mo milo o gatas pagtitimpla kita?"tanong nito sa kapatid.
"milo..ate"sagot ni Margaret.
Papasok na ng loob ng bahay si Kathleen,kasunod niya si Margaret.Napansin ni Kathleen na sumunod din si Alvin.
"hoy Alvin,ikaw ga'y hindi pa nauwi.?tanong nito nung nasa kusina na sila.
"pinapauwi mo na ba ako?"
"hindi sa pagtataboy ha,aba masamang tingnan na ike andito pa din tapos andito pa ako.may mga taong masasama kung mag-isip."explain niya.
"siya cge, paalis na ako... bukas ha???"paalala niya.
"anong bukas?"
"sabay ka sakin..."
Hindi sumagot si Kathleen,bagkus ibinigay niya na ang tinimpla niyang milo sa kapatid.
"ok,mamaya na ako aalis."pagkuway sabi ni Alvin
"tssss....oo na....umalis ka na"pagpayag na ni Kathleen.
"wag mo akong iiwanan,hindi ako aalis sa harap ng bahay niyo pag di ka kasabay.Pag hindi ako nakapasok kasalanan mo."natatawang sabi ni Alvin.
"nanakot ka pang sira ulo ka...umalis ka na..."natatawang sabi na lang ni Kathleen.
Umalis na din naman si Alvin na mukhang masaya talaga.