Chapter 10

1187 Words
Kinabukasan,saktong pagdaan ni Alvin sa tapat ng bahay ni Kathleen ay ang paglabas nito sa gate. Pinagbuksan siya ni Alvin ng pinto sa loob ng sasakyan niya. Sumakay na si Kathleen at umalis na sila. Naging malimit na ulit makisabay si Kathleen kay Alvin.Hindi na din ito naiilang sa kaniya.Bumalik na ulit sa normal ang samahan nila. "Alvin,wag mo na akong sunduin mamaya ha"sabi ni Kathleen. "bakit?"takang tanong ni Alvin. "may bibilhin pa ako,baka matagalan ako at mainip ka pa." "kailan na ba ako nainip sayo..?ano bang bibilihin mo at bakit matatagalan."usisa ni Alvin "malapit na magbirthday si margaret, maghahanap ako panregalo." "ay di samahan na kita,yun laang pala eh,hanap din ako panregalo." "ha...bat naman magreregalo ka din,di ka naman imbitado." "ay kahit na ba,kung hindi imbita, anong gagawin ko,basta bibili ako. " "joke lang,sa makalawa yun,sa linggo..pumunta ka.."pagimbita na ni Kathleen "sige hindi ako mawawala dun,,kita kits later.."nagpaalam na sila sa isa't isa. Kinahapunan, ay magkasama silang nagpunta ng SM.Naghahanap si Kathleen ng mga damit. Kakaunti na daw kasi ang damit na pang-alis ni Margaret.Ng may makita siya isang ternong kikay na palda at blouse ay kinuha niya iyon.May nakita pa din siya dress, at alam niyang bagay iyon sa kapatid niya kaya kinuha niya na din. Si Alvin naman ay sunod lang ng sunod sa kanya. "Alvin, oh ano susunod ka na lang sakin?"tanong nito "sige lang mauna ka maghanap,mamaya ako." "ano.....paguuliin mo ako ulit mamaya...nakakapagod din ha.."reklamo nito "hindi....basta tapusin mo na ang sayo...alam ko na ang bibilihin ko...." Nagpatuloy na ng paghahanap ulit si Kathleen.Sa mga shoes naman naman siya nagpunta.Nagrequest kasi daw dati si Margaret sa kanya ng barbie na rubber shoes. Kaya ngayon yun ang hinahanap niya.Nakakita din naman siya agad.Pagkatapos,pinagift wrap niya iyon at nagbayad na siya. "oh ano saan na tayo?"tanong ni Kathleen. "dun...."tinuro ni Alvin ang bilihan ng mga gadgets. "ha...bat dun bibili ka ng cellphone?"takang tanong ni Alvin. Dahil dere deretso si Alvin papunta dun, sumunod na lang si Kathleen. Panay naman ang paghahanap ni Alvin.May nakita siyang Samsung Galaxy tablet.Iyon na ang pinili niya at nagpaassist siya sa saleslady para tingnan niya ang specs,nang sa tingin niya ay ok na sa kanya. Nagbayad na siya. "magtatablet ka?"tanong ni Kathleen. Hindi Naman sinagot ni Alvin ang tanong ni Kathleen bagkus ay nagyaya na itong kumain. "tara na kumain,gutom na ako."yun ang sagot niya sa tanong ni Kathleen. "akala ko bibili ka pa ng panregalo mo?"takang tanong ni Kathleen "meron na ako panregalo." sabi niya at hinila niya na ito sa Yneng's restaurant. Pagkatapos nila kumain ay umuwi na sila.Sinigurado ni Kathleen na hindi makikita ng kapatid nito ang regalo niya.Dapat sa mismong kaarawan niya ito ibigay. Kinabukasan naman,half-day lang si Kathleen.Akala ni Kathleen ay makakauwi na siya ng maaga.Hindi niya inexpect ang biglang pagbisita ni Engr.Christopher Mariano.Dating sa Batangas Branch ito nakaassigned, napromote kaya napalipat ng main office sa manila. "wow, sir engr.Topher ,bigatin ka na ngay-on ah"sabi ni Ella. "Hindi naman, Engr. Ella.pumapayat na nga ako ngayon kaya hindi na bigatin."pagbibiro niya. "hmmm....ay bakit ike napadalaw dito engr."sabi ng isa pa nilang katrabaho. "tumawag ka kanina dito at alam mong wala si supervisor,sino ang ipinunta mo dito?"nasa boses na may panunukso. "ay ikaw ga engr. ay hanggang ngay-on ay hindi pa sinasagot ni Kathleen."walang prenong sabi ng isa pa. "mga luko luko talaga kayo....wala kayong pinagbago..magsiuwi na kayo..."natatawang sabi na lang ni Topher. Si Kathleen naman ay nakangiti lamang silang pinanonood.Si Topher kasi ay nakatrabaho ni Kathleen dati.6 months din ata yun,bago pa lang si Kathleen noon,tapos napalipat nga ng Manila si Topher.Noong magkatrabaho sila, kahit anim na buwan pa lang yun ay naging malapit sila sa isa't isa.Bago umalis si Topher ay umamin siya kay Kathleen na may gusto ito sa kanya. Hanggang sa nung umalis na nga si Topher,patuloy pa din ang komunikasyon nilang dalawa. Pero hindi pa din siya sinasagot ni Kathleen.Magtatatlong taon na din itong nanliligaw siguro sa kaniya. Isa isa ng nagpaalam ang mga katrabaho ni Kathleen at ang naiwan na lang ay siya at si Topher. "Engr.kamusta ga?long time no see."sabi ni Kathleen "ito...ayos lang....ikaw ang kumusta...balita ko'y ikaw ang mabilis makahakot ng client dito." "hindi naman,,,grabe namang balita na agad...sakto lang,"sabi niya habang isinakbit ang bag niya. "ahhmmm Kathleen,pwede bang bago ka umuwi ,labas muna tayo.kakain lang..date na rin.."nakangiti niyang sabi. "pwede ba akong tumanggi?"natatawang tanong ni Kathleen "No...."natatawang sagot din naman ni Topher. "sa tayo na...hagya ka na nakapagyaya ng date ha...first date natin to ah...kaya hindi kita sagutin.."natatawang biro ni Kathleen. Lumabas na sila ng building.Naaalala lang ni Kathleen na may Alvin nga palang naghihintay sa kanya nung makita niya lang ang sasakyan nito.Nasa loob si Alvin. Nagpaalam lang saglit si Kathleen kay Topher.Lumapit siya sa sasakyan ni Alvin.Kinatok niya ito at pinagbuksan din naman siya agad nito.Dumungaw na lang siya sa pinto ng sasakyan. "Alvin,una ka na,sorry nakalimutan kitang itxt.Biglaan din,may nagyaya lang sakin..Ingat ka ha." "sino kasama mo.?"tanong ni Alvin. Napalingon si Kathleen, at nakita niyang nakatingin sa kanila si Topher.Si Alvin naman ay tumingin din sa nilingon ni Kathleen. "ok sige,ingat ka..kita kits na lang bukas."agad din namang bawe ni Alvin. Ng makaalis na si Alvin, sumakay na din si Kathleen sa kotse ni Topher. "ang gara ha... may kotse ka na,.."sabi ni Kathleen. "naipilit lang,,kalahating taon ko pa itong babayadan," "at list, ilang buwan na lang... "makakaya mo din bumili ng ganito pag napromote ka,kahit nga ngayon kaya mo na kumuha nito." "hindi pa...may binabayadan akong lupa ngayon,sa may amin din,binili ko na,magaling at mura pa,1/4 pa ang babayadan, malaki pa ding halaga ang kailangan..." "ohh kitams....ikaw pala itong magara eh..." Maya maya pa lang ay nasa restaurant na sila.Hindi na napansin ni Kathleen kung anong restaurant iyon,basta ang alam niya first time siya dito. "Kailan ang balik mo ng Manila,?tanong ni Kathleen habang kumakain. "Bukas ng maaga.May new client ako na imemeet." "sanay ka na din agad sa manila no,? "oo naman,2 taon na din naman ako dun.,malay mo soon ikaw naman mapunta doon." "sana nga...mas malaki ang sahod..." "pagbutihin mo lang trabaho mo ngayon ,pag napromote ka matutupad mo ang pangarap mong hog raising pag nagkataon." "ay hari nga...magdilang anghel ka...." "salamat ha,,,pumayag kang lumabas kasama ako..kahit ganito lang.." "baliw ka Engr Topher,,ako nga nagpapasalamat at di mo ako nakakalimutan.." "hindi naman kita makakalimutan,Engr. Kathleen, namiss kita... hindi ako nakatawag lately sobrang busy." "ok lang yoon,ang mahalaga eh yung ganito tayo minsan, nagkikita, nagkakausap,..ano nga".natatawang sabi ni Kathleen. "gusto mo manood tayo ng sine pagkatapos nito?" "gagabihin ako pag-uwi Topher." "ihahatid naman kita sa inyo." "sure ka...ang layo layo ng sa amin... " "dati ngang wala akong sasakyan, naiihatid kita .....ngayon pa ba hindi kita maihatid..." "wow...yabang talaga oh...."natatawang biro niya. "hindi naman.... " "siya dalian mo,,, ng tayo ay makapanood na...nakakahiyang tanggihan ang Engr.Christopher Mariano." "nakakahiyang hindi ayain ang isang Engr.Kathleen.."balik niya naman dito. Pagkatapos nga nilang kumain ay nanood sila ng sine. 7pm na nakauwi ng bahay si Kathleen.Inihatid siya ni Topher at umalis na din kaagad. Nagtxt naman siya sa mga magulang na hindi siya makakauwi agad kaya hindi naman na nagtanong ang mga ito nung nakita siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD