Nagsisimula ng magbarikan ang mga lalaki na tumulong kanina sa paghahanda ng mga kailangan para bukas sa pagluluto para sa birthday ng kapatid ni Kathleen.
Nakita ni Alvin, na dumating na si Kathleen.Alas dos pa ata siya dun sa bahay ni Kathleen.Tumulong kasi siya sa pagiipon ng kahoy,magpapatay daw kasi bukas ng umaga ng baboy.
Tumagay muna siya ng isa,bago pasimpleng tumayo.Naglakad lakad muna ,at kunwari ay kukuha ng tubig na dadalhin sa inuman.
Lumapit siya kay Kathleen at bumulong."grabe ka...anong oras na oh..kakadating mo lang.."hindi na niya naantay sumagot si Kathleen,bumalik na siya sa inuman.
Si kathleen naman ay napasimangot na lamang sa kaniya.
Ilang saglit lang nagpaalam na din ang mga magiinom,babalik daw sila bukas ng alas singko para magpatay ng baboy.
Si Alvin naman ay tumambay pa at humingi pa ng kape.Feeling at home na din siya.
"Kathleen,bigyan mo nga ng kape aring si Alvin,at parang masarap daw ang kape.Dalawa na timplahin mo akin ang isa."utos ni Mang Amado sa anak.
"sige ho. "tugon niya at pumunta na siya sa kusina.
Sumunod sa kanya si Alvin.Si Mang Amado at Aling Mona ay may ginagawa pa sa likod kung saan nagkainuman.Doon din bukas, magpapatay ng baboy at magluluto .Maluwang kasi doon at madali kumilos.Nilagyan na nila iyon ng ilaw.
"kanina ka pa dito?"tanong ni Kathleen kay Alvin habang nagtitimpla ng kape.
"ay oo....madami na kaming nagawa, wala ka pa din..."medyo may pagkainis na sabi niya.
"pagkakain kasi namin, nagyaya pa siyang manood ng sine..."
"sino ba yun?"iritang tanong ni Alvin
"bat ga tanong mo pa?"kunwari nagtaray na si Kathleen.
"kape mo pala.. dalhin ko lang are sa tatay sa likod. "pahabol niya
"nanliligaw yun sayo?"tanong ni Alvin habang nakasunod ito papunta sa likod.
"oo...."maikling sagot niya."tatay, ari ho ang kape niyo,inumin niyo na medyo malamig na pala ang tubig."
Si Alvin ay umupo muna sa bangko habang nainom ng kape.Si Mang Amado ay umupo din at ininom din muna ang kape.Si Kathleen naman ay tinulungan na si Aling Mona at sa ginagawa nitong paghahanda ng mga lutuan na gagamitin.
Maya maya ay natapos na si Aling Mona at pumasok na din sa loob,pagkuway sumunod na din si Mang Amado.
Ng maiwan ang dalawa,umupo si Kathleen sa tabi ni Alvin.
"bat hindi ka pa nauwi? "tanong ni Kathleen.
"sa susunod wag ka ng sumama dun ha..."inis na sabi ni Alvin.
Natatawa naman si Kathleen."ano gang masama sumama dun?"
"Sus....pahingi ngang kape"..inagaw niya ang tasa kay Alvin ngunit wala ng laman."ubos na..takaw mo..."natatawang sabi ni Kathleen.
"malay ko bang hihingi ka...malamig na ang tubig kaya nun.di ka nagpapainit ng tubig,,inuna pa makipagdate.."
"tsssss.....aring si Alvin...selos ka laang....ay di idate mo din ako..."Tatawa-tawang sambit nito.
"ayaw mo naman pag ako ang mkikipagdate,pero pag ung lalaking yun pd.."
"tara na sa loob,,,baka kung ano pa isipin ng mga inay..."tumayo na siya at pumasok na.Sumunod na si Alvin.
"pwede ga hong dito na ako matulog,maaga din naman bukas ako pupunta dito..kahit dito na ulit ako sa upuan."sabi ni Alvin kay Mang Amado ng makapasok sila.
"aba'y oo naman iho.....may bakanteng kwarto pa dito sa baba...katabing kwarto namin.dun ka na matulog."sabi ni Mang Amado."Kathleen, ayusin mo muna ang kwarto at baka magabok...."utos ng ama sa anak.
"hindi ka magpapalit ng damit at saka ng underwear?medyo napalakas na tanong ni Kathleen kasi biglaan lang naman na naisipan nito na dito matulog.
"bukas na ako magpapalit,,wala namang aamoy sakin...ano nga ho tatay.?"walang hiyang sagot ni Alvin.
Wow tatay na ang tawag ni Alvin sa ama ni Kathleen.Feeling sila na..
"yuckssss...."pang aasar ni Kathleen."Maka "tatay" ka naman."
"anak,hayaan mo ng tawagin ako ni Alvin na tatay,at parang anak ko na din yan..."sabi ni Mang Amado.
"Alvin,ari oh magpalit ka na...maayos ayos aring damit na ari....pagtyagaan mo na laang....aring brief ay bago pa..wag kang maaano at tunay na bago pa iyan."sabi ni Aling Mona at iniaabot ang mga iyon kay Alvin.
"yan kasi hindi pa umuwi,may bahay namang kanila.."pangaasar ni Kathleen.
"ay naku iho,wag mong papansinin yang si Kathleen,kaya hindi magkajowa napakasuplada.."sabi ni Mang Amado.
"sanay na ho kami niyan sa isa't isa,pag napikon ako jan talo ako...magaling mang-asar"sabi ni Alvin.
Maya maya 'y nagpaalam na si Alvin na magbabanyo muna. Si Kathleen naman ay inayos na ang kwartong tutulugan ni Alvin.
Mabilis lang nakaligo at nakabalik si Alvin.Pumunta na siya sa kwartong itinuro ni Mang Amado.Naabutan niya pa si Kathleen dun na nagaayos ng kama.
Medyo nailang si Kathleen kaya nagmadali na siyang nag-ayos.
Ng matapos na siya, palabas na sana siya ng harangan siya ni Alvin.
"tabi tayo..."natatawang sabi ni Alvin.
Itinulak siya ni Kathleen,at halos mamula mula ito sa hiya.Tawa naman ng tawa si Alvin.
Lumabas na din kaagad ng kwarto si Kathleen na pakiramdam niya ay pulang-pula ng mukha niya.
Pumasok na din siya sa kaniyang kwarto upang makapagpahinga na din.Kinuha niya agad ang kaniyang phone dahil tumunog ito tanda ng may mensahe na dumating.
To.Kathleen
kinabakahan ka noh hahahha
7:20pm
From :Kathleen
Sira ulo ka!!!
7:21pm
To:Kathleen
hahahahah
7:22pm
To:Kathleen
Tagal mo magreply
8:00pm
From:
May ginawa pa ako.
8:01
To:Kathleen
Anong ginawa mo?
8:02
From:Kathleen
may pagpasok ka na agad sa kwarto,hindi ka naman pala pa tutulog,disin sanay alam mo ang ginawa ko.
8:03
To :Kathleen
nasa labas ka pa?
8:04
From:Kathleen
wala na,pinatulog na ako ng tatay at maaga daw akong gigising at mauutusan din.
8:05
To:Kathleen
anong suot mo?
8:06
From:Kathleen
___________
8:06
To: Kathleen
Hahahaha
8:07
From:Kathleen
Matulog ka na
8:08
To:Kathleen
Goodnight
8:09
From:Kathleen
Goodnight.
8:10
Kinabukasan,maaga nga sila nagising,may mga ilan na din na dumating na kabarangay para tumulong sa pagpapatay ng baboy at pagluluto.Kung hindi ko pa naulit sa inyo,sa barangay nila Kathleen ay ganon talaga pag may handaan,tulungan ang magkakapitbahay.
9am na natapos ang pagluluto.Tulong tulong sila sa paghahanda sa buffet.
Si Alvin ay umuwi muna, magpapalit daw muna siya ng damit.
11am nagsisimula ng magsidatingan ang mga tao.Abalang abala si Kathleen sa pagtulong at pagaasiste ng mga bisita.
Tuwang tuwa naman si Margaret sa okasyon na ibinigay sa kaniya ng kaniya ng pamilya.Ng mga 2pm na, medyo kakaunti na ang tao,medyo nakakaupo na din si Kathleen.Ibinigay na niya kay Margaret ang regalo niya at natuwa naman siya.
Bumalik na ulit si Alvin na kasama si Tita Marife at ang asawa nito ,Si Allan na pinsan niya ay nakapunta na.Pagkakain umalis na din at gawa daw ng mga baboy, hindi kasi makakaganap sa pagbababoy ang mga ina ni Kathleen kaya si Allan at Lexi na lang ang magtutulong.
Si Alvin na daw ang nagpatuka ng manok bago bumalik kina Kathleen.Naks!Natuto din naman eh sa mga gay-on ang mokong .
Pinaderetso na ni Kathleen sa buffet ang magasawang Angono.Si Alvin daw ay maya maya pa at busog.
"Alvin,baka ike nagugutom na, kumain ka na."alok ni Kathleen.
"busog pa ako."
"siya diyan ka muna,,ako'y kakain lang .hindi pa ako nakain simula kaninang umaga."paalam ni Kathleen .Dumeretso ito sa loob ng bahay.
Nagsisimula ng kumain si Kathleen ng sumulpot si Alvin sa kusina.
"bat diyan ka nakain?"tanong ni Alvin
"ay mas gusto ko dito,umay na ako agad sa karne.May isdang sinaing at bulanglang pa tira kahapon,are inulam ko."sabi niya at sumubo ulit.
"akala ko'y ayaw mo lang makita ng mga tao kung gaano ka kadami kumain."pangaasar ni Alvin.
"nakakahiya dun dalahin areng pang-ulam ko,baka may humingi pa ay wala na.."sabi niya at sumubo ulit."kain na ikaw,tanghor ka dyan ng tanghor."natatawang sabi ni Kathleen
"ano na naman yang tanghor mo Kathleen.."tanong ni Alvin.
Napatawa na naman si Kathleen."ala kumain ka na..."sabi na lang nito.
Inagaw naman ni Alvin ang kutsara ni Kathleen at sumubo ng kung may ilang beses.
"ginamit mo yang kutsara ko may laway na....Aamo ka niyan sakin.."natatawang sabi ni Kathleen.
"nagaalok ka kasi wala ka naman hain.."sabi ni Alvin."matagal mo na akong napaamo".tatawa tawa niyang sabi.
Sumubo muli si Kathleen."Ipaghahain pa kita,ay may hain na sa labas.ano ka VIP??"sabi niya at sumubo ulit.
Inagaw na naman ni Alvin ang kutsara sa kaniya."gusto ko'y ito."at sumubo na naman siya ng ilang beses.
"ano ba yan hindi ako mabubusog sayo,agaw ka ke agaw."sabi niya at tumayo siya.Dinagdagan niya ang kanin at ulam.Kumuha pa siya ng isang kutsara .
"oh kutsara mo .."kinuha ni Alvin ang kutsara at sumalo siya sa pagkain dito.
"masarap pala kumain ,kapag kasalo ka."sabi ni Alvin habang puno pa ng pagkain ang bibig niya.
"mamaya ibubuhos ko ito sayo,kumain ka na lang."
Panay kulitan lang silang dalawa hanggang makatapos kumain.