Chapter 12

1159 Words
Masaya ang magasawang Marites San Juan at Fernan San Juan, dahil sa awa panginoon, nakatapos na ng ikalawang taon sa kolehiyo ang anak na si Alvin.Mukhang nagiimproved ito dahil sa palipat dito sa probinsya ng Batangas .Nakabuti sa kaniya na napalayo ito sa magulong buhay sa Maynila.Ang tanging dalangin lamang naman ng mga magulang ni Alvin ay makatapos ito ng pag-aaaral at magawang pag-aralan ang pagmamanaged ng negosyo nila. Kursong Business Management ang kinuha ni Alvin dahil gusto ng mag asawang San Juan, ito ang magpatuloy ng negosyo. Ang panganay nilang anak ay nasa California.Ang sumunod naman ay nasa Cebu.May mga sariling pamilya at negosyo na ang mga ito,kaya si Alvin ang tanging tagapagmana. Mukhang effective ang pagtigil ng anak nila sa Batangas. Dahil bakasyon na ng anak nila ngayon ay napagpasyahan nila na sunduin ito,at makapagbonding muna sila sa Batangas kahit dalawang araw. "mom,anong ginagawa niyo dito?"nagtatakang tanong ni Alvin.Kakarating lang kasi ni Alvin ,galing school,nagclearance. "susunduin ka namin,para iwanan mo na ang kotse mo dito."sabi ni Mr.San Juan. "tsssss...hindi naman na ako bata...disin sanay nagbyahe na lang ako kung iiwan ko ang kotse dito..sinundo niyo pa.."sabi nito na may kaunting inis. Napatingin naman sa kanila ang mag-asawang Angono na nakaupo sa sofa.Nagkukuwentuhan kasi sila ng dumating si Alvin. "Alvin,balak din kasi ng mommy mo na magbeach tayo .Family bonding kahit wala ang mga kapatid mo."singit ng tita Marife niya. "oo anak,kasi gusto kong magpasalamat at sabihin sayong proud ako sayo...3rd year ka na next pasukan."tuwang sabi nG kaniyang mommy. "hindi niyo naman kasi agad sinabi,akala ko pumunta lang kayo dito para sunduin ako." "syempre ,yun na din yun..," "kailan naman yang swimming na yan?saka saan?"tanong ni Alvin. "mamayang hapon na ,para makapaghanda pa tayo ng mga dadalahin dun,Tayo lang naman anim."sabi ng mommy niya. "sa Lemery na lang tayo Ma,may magandang beach dun,kontakin ko na gusto niyo,"singit ni Allan habang nagbbrowse siya sa internet . "sure kang maganda diyan anak,"singit ni ama ni Allan. "nakapunta na ako dito nung college ako,maganda talaga siya,wag lang nagbago."sagot muli ni Alvin. "patingin nga ng picture iho,"sabi ni Mr.San Juan. Lumapit si Allan,ipinakita niya ang mga picture.Tiningnan na din iyon ng dalawang magkapatid na babae,pati si Alvin ay nakisilip na din. "pwede ba akong magsama?"pagkuway tanong ni Alvin. "sino isasama mo tol?"tanong ni Allan "si Kathleen..."sagot agad ni Alvin "sinong Kathleen?"curious na tanong ng mommy ni Alvin. "ah si Kathleen,yung engr. na anak ng taga alaga ng aking mga baboy at manok.Naku napakasipag na bata at napakasinop pa."sabat ng tita ni Alvin "tol,ano bang meron sa inyo nun?"biglang tanong ni Allan. "tssss.....bro. ano namang tanong iyan?syempre kaibigan,kakilala dito sa barangay niyo ..."sagot ni Alvin. "alam mo ba auntie,yang si Alvin halos dun na tumira sa bahay .Uuwi lang dito,kakain at magbibihis."pagbibiro ni Allan. "Allan,baka maniwala ang auntie at uncle mo niyan sayo..wala naman akong nakikitang masama sa pagkakaibigan ng dalawa."singit nG ama ni Allan. "pinapayagan ko na ate marites at kuya fernan yang si Alvin,kilala ko naman si Kathleen,matinong tao iyon ,katunayan magna cumlaude iyon nung college."sabi naman ng ina ni Allan. Si Alvin ay nakikinig lamang sa kanilang pagpupulong,hindi siya nagrereact kahit siya pa ang topic at si Kathleen. "tol kung sakin ,ok lang naman isama si Kathleen,ewan ko lang sa kanila."sabi ni Allan at tumingin siya sa mga naroroon . "isama mo anak,kung sasama."sabi ng mommy ni Alvin. Kinuha ni Alvin ang phone niya at nagtxt. Samantala ,tuloy pa din ang kwentuhan ng mga kasama niya tungkol sa kanila ni Kathleen. "magandang impluwensya ata Marife yang Kathleen na yan kay Alvin."sabi ni Marites,kapatid niya. "siguro...at saka sabi ko nga sa inyo,kilala ko iyan,,saka kilala yan dito sa barangay na mabait,masinop,matalino at may pagkapa sa magulang."sabi ni Marife "at saka parang kapag may mga project o assignments yang si Alvin ay nagpapasama daw ito kay Kathleen,tama ga ako Marife"singit ni ama ni Allan. "oo ate,,kaya hinahayaan ko na din kapag napunta yan dun sa kanila.Mabait din mga magulang ni Kathleen."sagot ni Marife. "ay baka naman nakakahiya na yan dun sa pamilya nung Kathleen,baka kung ano pa isipin ng mga yun sa laging paglapit ni Alvin dun ,"singit ng ama ni Alvin. "sa tingin ko naman uncle ay hindi ho.,,ayos naman pakikisama ni Alvin doon."sabi ni Allan. "Alvin,ano... nasabihan mo na ba si Kathleen?Dapat nga ay ayain mo ng makilala ko naman yang girl of your life..."pagbibiro ng mommy niya. "Mom....hindi ko yun nililigawan,,,hindi naman ako nun gusto...sira ulo daw ako....."natatawang sabi niya..."hindi daw ho nasama at tinatamad." medyo walang gana niyang sabi. "baka naman iho nahihiya lang..."sabi ng tita niya. "hindi ko ho alam,sabi tinatamad daw ho eh." "subukan na lang natin daanan mamaya."sabi ni Allan."baka pag andun na tayo hindi na maka hindi."dagdag pa nito." Kinahapunan,ay paalis na nga sila.May inupahan na sila na magiintindi ng mga baka ni Allan. Dumaan sila kina Kathleen. "Aling Mona,magandang hapon sa inyo.Asan si Kathleen ?tanong ni Marife . "ay madam,kayo pala ho..magandang hapon din ho..Nasa sala ho si Kathleen ,naglilinis ata ng kuko."sabi ni Aling Mona."Teka ho,aking tatawagin."sabi niya pa at pumasok sa loob ng bahay nila. Lumabas din naman agad si Kathleen,pati si Mang Amado ay sumunod sa mga ito,na galing sa kusina. "Tita,napadaan ho kayo."sabi ni Kathleen at tumingin pa sa likod kung sino kasama. "niyaya ka daw kasi ni Alvin na sumama samin ay tinatamad ka daw.Baka kako nahihiya ka laang.Dumaan kami dito para sana yayain ka ulit."walang pagaalinlangan nitong sabi "ay wag na ho,yan ho ay pampamilya ninyong bonding,,nakakahiya naman ho."pagtanggi ni Kathleen. "ay gusto daw ikaw makilala ng ate ko,magpapasalamat daw at sinasamahan mo lagi si Alvin kapag may mga kailangang bilhing mga kung ano ano sa school."sabi nito. "naku 'y maliit na bagay ho laang yun." "Mang Amado ,Aling Mona papayagan niyo ga ho aring si Kathleen.Bukas ng umaga kami ay narito na ulit."pagpapaalam nito sa mga magulang ni Kathleen. "aba'y wala hong problema samin ,malaki na yang si Kathleen at alam na ang tama sa mali,,kaya hindi namin toong hinihigpitan."sabi naman ni Mang Amado. "Kathleen,kung ike sasama ay gumayak ka na,maiinip ang mga are..,may gagawin ka ga ?kung wala ay di sumama ka.,"sabi ni Aling Mona. "gayak na ikaw iha,dun na ako maghintay sa sasakyan.Mga damit mo laang dalhin mo at madaming pagkain na doon."sabi ni tita Marife. "sige ho..saglit lang ho."sabi na lang ni Kathleen.Nahihiya man siyang sumama ay napilitan na din ,mas nakakahiya na dinaanan pa talaga siya tapos tatanggihan niya lang Mga 10 minutes lang siya nakapaghanda.Bahala na kung may nakalimutan siyang dalahin. Pagkalabas ni Kathleen,dala ang isang bag na backpack. Nagpaalam na siya sa mga magulang at lumabas na ng gate. Pumasok na siya sa van.Isang sasakyan lang ang dala ,kasya na naman daw dun lahat. Si Allan ang driver.Sa unang hilera ay ang magasawang Angono ,sa sunod ay ang mga magulang ni Alvin at sa huli ang dalawa. Pagkapasok ni Kathleen sa loob ng sasakyan,bumati naman siya sa magulang ni Alvin pati na din kay Allan at sa ama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD