Tahimik lang si Kathleen habang bumibyahe.Kwentuhan ng kwentuhan naman ang dalawang mag-asawa ,si Allan ay nakikisabat minsan.
Minsan naiintindihan niya ang pinaguusapan ,hindi lang siya nakikisali.
"akala ko ba hindi ka sasama?"pabulong na tanong ni Alvin.
"nahihiya nga ako..napilitan lang."sagot nito.
"tssss....pag ako magyaya ayaw mo...pag iba go ka."sabi niya sa mahina pa ding boses.
Kinurot na lang ng mahina ni Kathleen si Alvin Sa tagiliran nito.Sinalag naman nito ang pangungurot.Hindi sila makapagkulitan ng malakas kasi mapapansin sila ng mga kasama kaya pasimple lang sila.
"Kathleen,ok ka lang ba dyan?"tanong ng ina ni Alvin.
"ah ...ok lang po ma'am.."sabi nito.
"tita na lang iha,,,"sabi nito "salamat nga pala ha sa pagtulong mo sa anak ko."dagdag nito
"wala po yun t-tita.Bayad ko na po yun sa laging pagpapasabay nare sakin."
"si Alvin ba iha,ay madami pa din kalokohan dito?"pagkuway singit na tanong naman ng ama ni Alvin.
"kagaya ho ng?"
"sa manila kasi iha ,yang si Alvin ay puro bars,babae,cutting classes.at saka hindi ko na alam kung ano pa mga ginagawa niyan."sabi ng ama nito.
"dad...."pagpipigil ni Alvin.
"sa tingin ko naman ho ay hindi siya ganon dito.,minsan ho pag napunta samin nagkakayaan sila ng tatay mag-inom."
"ok lang naman yun,pakikisama na yun ,masama kasi kung pupunta sa bar."sabi ulit ng ama nito.
"wari ko naman ho ay hindi ko pa nakikita aring mag bar dito..hindi ko lang ho alam pag hindi ko kita."sabi ni Kathleen na tumingin pa kay Alvin.
"sige Kathleen,siraan mo ako ..."natatawa niyang sabi at nangiliti pa sa tagiliran ni Kathleen.
Maya maya ay bumalik na ulit sa pakikipagkwentuhan ang mga magulang ni Alvin sa magasawang Angono.
Tumahimik na ulit si Kathleen.Nakaramdam ng gutom si Kathleen,kasi naman biglaan ang pagsama niya ,hindi pa siya kumain.
"gutom na ako ..."bulong ni Kathleen,yung tamang si Alvin lang talaga ang nakarinig.Nahihiya pa rin talaga kasi si Kathleen.
Pasimpleng umabot na lang si Alvin ng sandwich sa likod at binigay kay Kathleen..Wow ang sweet....hahahaha.
Kumain lang si Kathleen ng isang sandwich maibsan lang ang gutom niya.
Pagkatapos maubos ang sandwich may nakita itong tubig sa bote na nasa tabi ni Alvin.
"sayo yang tubig."tanong ni Kathleen sabay nguso dun sa bote.
"ah eto ..oo...wait ikukuha kita."akmang kukuha na sana siya ng abutin na lang niya ang boteng hawak ni Alvin at uminom .
Napangiti naman si Alvin at umayos na muli ng upo."Aamo ka ngayon sa akin".pangaasar ni Alvin.
Tumawa na lang ng mahina si Kathleen.
6pm sila nakarating ng beach .Saktong papalubog na ang araw at napakagandang pagmasdan ang paglubog nito.Hindi pa masyadong matao sa lugar.Maganda pa din ang lugar kagaya ng sinasabi ni allan na unang pumunta siya dito.
Inilapag lang nila ang mga gamit sa cottage na kanilang kinuha.Safe naman sa lugar at bawat cottage ay may cctv.Kaya maari nilang iwanan ang mga gamit nila..Mahahalagang gamit lang ang dinala ng bawat isa.
Nilibot agad nila ang lugar.Naglakad lakad sila sa tabing dagat.Sumunod si Kathleen pero nasa huli lang siya.Si Allan ay may sariling mundo.Magkasabay ang dalawang mag asawa na puro sweet sa isat isa.Si Alvin naman ay sinabayan lang si Kathleen.
"masarap pala ang maglakad sa tabing dagat kapag palubog na ang araw."sabi ni Kathleen.
"oo lalo na at kasama mo ako."biro ni Alvin
"sure ka....?hindi naman ehh.'"ganting biro ni Kathleen.
"Alvin ,salamat pala dun sa tablet na regalo mo kay Margaret nung nakaraang birthday niya.Akala ko sayo yun,bat yun binigay mo.?"
"Mahilig kasi manood sa you tube kapatid mo.Para yun na lang gamitin niya ,malaki laki."
"Hindi rin naman niya lagi nagagamit,dahil bawal."
"ay di pag pwede niya gamitin ,yun ang ipagamit niyo."
"pero salamat,kahit nakakahiya ...bat late mo na binigay?"
"kasi alam ko na ang iisipin mo,baka magalit ka pa kapag may nakabalitang ganon ang binigay ko.."
"tssss... pero salamat talaga."
"wala yun..."
"bat kayo nakaisip mag ganito?"curious na tanong ni Kathleen.
"Bonding daw.. saka natuwa si mommy,third year na ako next pasukan."
"puro ka pala bars at chicks sa manila ha..."
"oo dati..."walang alinlangan niyang sagot
"wala ka pang alam na bars dito?"
"may ilan na akong alam at nadadaanan.."
"nakapunta ka na?"
"hindi pa.."
"bakit?"
"tinatamad ako eh.."
"kaya mo naman pala eh,sana kahit nasa manila ka na ganyan ka pa din.."
"ayaw ko na sa manila,gusto kong dito na tumira sa batangas."
"Masarap mamuhay dito sa probinsya no."
",Oo...mamimiss ko ang buhay dito,mamimiss ko kayong lahat kapag pumunta na ako ng Manila."
"Bakit babalik ka na ba ng Manila?"
"Hindi pa naman..Kung sakali lang na bumalik na ako."
Makalipas ang isang oras bumalik na ulit sila sa cottage.Inihanda na nila ang mga dala nilang pagkain.Tumulong si Kathleen sa pagpprepare.Ng maihanda na nila ang mga pagkain ay kumain na sila.
Kumain na din si Kathleen,panay naman ang alok sa kanya ni Alvin,baka daw kasi mahiya pa ito.Inabutan niya na din ito ng tubig.Kumain na din siya at tumabi kay Kathleen
Pagkatapos nilang kumain ay namahinga lang sila.Magswimming daw sila.
Ng makapahinga na nga ay nagswimming na sila.Ayaw pa nga ni Kathleen pero napilit din naman.
Shorts and spagetti strap ang isinuot ni Kathleen kasi nahihiya siya.Kahit may dala naman siyang swimsuit at pangpatong na see through.Gayunpaman ay makikita pa din ang kasexyhan nito sa ganoong suot.
Matangkad,maputi at makinis si Kathleen.Ipinusod na lang niya ang buhok niya kahit hindi pa nasuklay.
Akala ni Kathleen ,siya na lang ang naiwan sa cottage,susunod na sana siya sa dagat ng makita niya si Alvin na nasa labas pa pala ng pinto.
"oh andyan ka pala ,akala ko andoon ka na din."
"inaantay kita ,baka di ka sumunod."sabi niya at napatitig talaga siya dito pero agad ding nagbawi.
"bat naman di ako susunod,alam ko namang hahanapin nila ako.. ?"at lumakad na siya papuntang dagat.
Sinabayan naman siya ni Alvin "ang sexy mo pala."pagkuway sabi nito.
"matagal ko ng alam...."
"bat di ka nagswimsuit?"
"wag na baka maglaway ka pa..."pang aasar ni Kathleen.
"wow....too confident!"
"tssss.....bumawi ka laang. sinabi ko na yan sayo dati eh..."natatawang sabi niya.
Ng makarating na sila sa dagat,naunang lumusong si Alvin.Biglang nilamig daw si Kathleen.Hindi siya agad makapagbasa ng tubig.
Enjoy na enjoy ang mga kasama nila sa pagswimming .
Hinila ni Alvin sa Kathleen ,at binasa niya ito ,kaya wala na itong nagawa.Nawala na din naman agad ang lamig ng makapagsimula na siyang magswimming.
Makalipas ang isang oras,bumalik na muli sila cottage.
May inilabas silang alak para sa mga lalaki at meron din mild para sa babae.
Naginuman na ang mga lalaki.Inalok at inabutan ng ina ni Alvin si Kathleen ng wine.
"iha,try mo ito."sabi nito.
Kinuha ni Kathleen iyon at sinubukan.Hindi naman siya matapang.Tama lang.
"Everyone,pwede bang isang cheers diyan,para kay Alvin...Third year na siya next pasukan.Alvin,anak salamat ha.natutuwa ako sayo."emosyong sabi ng mommy niya.
Nakipagcheers naman ang lahat ,maging si Kathleen.Si Alvin naman ay napasimangot na laang sa mommy niya.
"Mom...."
"Anak,hayaan mo na ako,natutuwa lang ako at proud ako sayo."
Ipinagpatuloy na lang muli nila ang pagsasaya.Nageenjoy din naman si Kathleen kahit hindi siya kapamilya ng mga ito.Hindi kasi siya hinayaan ni Alvin na ma -out of place.
Sa kabilang banda masaya naman si Kathleen na makilala ang pamilya ni Alvin.