Chapter 14

1109 Words
Hindi inaasahan ang biglang pagsakit ng tiyan ni Mang Amado,ama ni Kathleen na siyang dahilan ng pagkasugod nito sa ospital.Mabuti na lamang at araw ng linggo.Nasa bahay si Kathleen at nakasama sa pagdadala sa ospital sa ama. Mabilis naman natingnan ng doctor si Mang Amado.Appendisities daw.Kailangan maoperahan agad. "Anak,umuwi ka nga muna satin.Puntahan niyo muna ni Lexi ang mga baboy at manok sa farm.Baka hindi pa alam ng mga taga mansyon ang nangyari sa iyong ama."sabi ni Aling Mona sa anak. "sige ho inay,mamaya na laang ako babalik dito."sabi ni Kathleen at lumabas na ng ospital. Pagkadating ni Kathleen sa bahay,, tinawag niya agad si Lexi at Margaret. "Lexi,Margaret asan ga kayo.?"tawag niya pagkapasok sa loob ng bahay. Wala kasi ang mga kapatid niya sa loob ng bahay. "oh ate kathleen,bat ga andito ka na?"tanong ni Lexi. "asa-an si margaret?"tanong niya muna bago sagutin ang tanong ni Lexi."samahan mo ako sa mansyon,tayo magpapakain sa mga baboy at manok.Ooperahan si tatay,hindi pa sila makakauwi. "ah gay-on ga.ako'y papar-on na nga sana.inihihabilin ko laang si margaret kay mikay." "ay sya tayo na.baka kainamang lahuga ang mga baboy, gab-ihin pa tayo. Lumakad na ang magkapatid sa mansyon.Pagkadating ay kumilos agad sila.Si Kathleen ang nagpasirak ng de motor na makina habang si Lexi naman ang nagbubuhos ng pakain at tubig. Pagkatapos nila sa baboy ay pinagtulungan na din nila ang mga manok. Pagkatapos ng kulang kulang tatlong oras ay patapos na sila.Naglalagay na lamang si Lexi ng painom sa mga manok. "Lexi,dyan ka muna ha,tapusin mo na yaan,pupunta laang ako sa mansyon at magpapaalam,para dito na tayo sa gate na yan dadaan mamaya."pagkuway sabi ni Kathleen. "sige ate,larga na..." Ng malapit na si Kathleen sa b****a ng mansyon may narinig siyang dalawang boses.Sinilip niya kung sino ang mga yun.Nakita niya si Alvin may kavideo call.Walang headset si Alvin kaya naririnig niya ang boses ng kausap. Hindi muna siya agad lumapit. "Babe,parang nagenjoy ka na dyan?"sabi nung babae. "wala naman ako magagawa.hindi naman ako makakaalis dito."tugon naman ni Alvin. "di ba madaming mga resorts dyan,invite mo naman ako dyan?"naeexcite na sabi nung girl. "isang beses pa nga lang ako nakakapagresort,nung kasama lang ako nina tita at mommy.wala akong extra allowance sa pangliwaliw."medyo malungkot na sabi ni Alvin. "ha!!!bakit?di mo ba ako namimiss?"pabebeng tanong ni girl. "miss na kita, di ba galit sakin si dad.tinuturuan niya ako ng leksyon.tamang allowance lang sa pagaaral ang meron ako." "hmmp, miss na kita "nagpabebe naman si babae. "i miss you too...miss ko na s*x life ko with you."malibog na pagkakasabi ni Alvin. "hmmp!baka meron ka diyang iba.Sa loob ng dalawang taon nakatiis kang walang sex.?"nagdududang tanong ni girl. "oo, kaya nga namimiss na kita.meron ako dito gustong tikman.kaya lang masyado pang maaga.pahard to get pa."malibog na naman niyang sabi. "ay naku basta hanggang tikim ka lang,di naman kita masisisi kasi lalaki ka.maganda ba?" "maganda din,, oo tikim lang, sabihin ko pa ba sayo kung hindi yun lang ang intensyon ko.Selosa ka pa naman." "buti alam mo.love u."nagpout pa si girl with sound. "anong pangalan nung girl na maswerte na gusto mong tikman?"pagkuway tanong naman ni babae. "wag mo ng alamin.baka awayin mo pa.i know you." "name lang,wag mo na sabihin surname." "Kathleen" Napako si Kathleen sa kanyang kinatatayuan at naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga pisnge. At iyon pala ang motibo ni Alvin kaya nakikipaglapit sa kanya,ang matikman siya. Binalikan na lamang ni Kathleen si Lexi. "oh ate bat ga naman ganyan ang mukha mo pagkabungasot?"bungad agad sa kaniya ni Lexi. "Tapos ka na ga?tara na...."tanong na lamang ni Kathleen at hindi pinansin ang unang sinabi ni Lexi. "oo hinihintay na nga laang kita " "siya tara na, dine tayo dadaan sa main gate."sabi niya at tumuloy na sa paglakad "akala ko ga ate dine na tayo dadaan sa likod na gate, kaya nga nagpaalam ka na eh.."pagtataka ni Lexi "Hindi pa ako nakapagpaalam,magpapaalam pa laang,kaya tara na,maghahanda pa tayo ng pagkaing dadalhin sa ospital."dumeretso na siya ng lakad at hindi na inintindi kong may sasabihin pa si Lexi o wala na. Ng malapit na sa may mansyon,nakita nila si Alvin na nakaupo na lamang sa couch na nasa terrace.Wala na itong kavideo call. "Alvin,pasabi na laang kina tita Marife kami ay umalis na.Bukas na uli kami babalik.Nasa ospital ang tatay,baka kamo tanghaliin ang kung sino magpapakain sa mga alaga."walang gana niyang sabi at tumalikod na palabas ng gate. Nakasunod sa kaniya si Lexi na tahimik.Nanibago ata sa inaasta ng kapatid. Pagkadating nila sa bahay, mabilis silang nag-asikaso sa mga dadalhin sa ospital.Ipinaghanda din ni Kathleen ng damit ang kaniyang ina at ama. Maya maya pa lang,ay nakaligo na siya at nakagayak na.Paalis na siya at nagbilin kay Lexi. "Lexi,si margaret ha,wag mong pabayaang litar,hapon na baka mamaya ay landangin.Kaunin mo na dun kina Mikay.Pag aralin mo na at bukas ay may pasok na.Uwi din ako mamaya."sabi niya at paalis na siya. Hindi alam ni Kathleen na sumunod pala si Alvin.Palabas na ito ng gate ng makita niya ito. "Kathleen,saan ang punta mo?"tanong nito. Hindi ni Kathleen ito pinansin.Nilampasan niya na lamang ito.Sobra ang nararamdaman niyang galit para dito. Dumeretso na lang ng paglakad si Kathleen ,hanggang sa may tricycle na at sumakay na siya. Hindi naman maintindihan ni Alvin kung bakit naging ganoon ang inakto nito sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang sundan ito ng tanaw. Pagkuway pumasok siya sa loob ng bahay nina Kathleen at hinanap si Lexi.Inalam niya dito ang nangyari. Samantalang si Kathleen naman ay nakadating na ng hospital.Nasa OR na daw ang kanyang ama. 10pm na ,pinauwi na siya ng kaniyang ina ,gawa daw ng mga kapatid niya.Paglabas niya ng hospital ,ay namataan niyang andun si Alvin.Agad din naman siya nitong nakita. Inalis ni Kathleen ang paningin niya dito,lumakad na siya sa papuntang sakayan. Hinabol siya nito,mas binilisan niya pa ang paglakad,ngunit naabutan din siya . "Kathleen,ano ba takbo ka ng takbo?pauwi ka ba ba?may kotse ako,tara na ..."sabi niya. "kaya kong umuwi mag-isa "pagalit niyang sabi. "ha....10pm na oh...ano bang problema mo?"naguguluhan nitong tanong. "WAG KANG SUMUNOD". galit nitong sagot. May dumating ng tricycle ay sumakay na agad siya. Ng makarating siya sa kanila,andun na naman si Alvin.Nauna ito sa kanya kasi nakakotse ito. Mabilis siyang pumasok sa gate at isinara agad yun.Hindi na nagpumilit pa si Alvin. Nag-ayos lamang ng sarili si Kathleen pagkatapos ay sinilip ang dalawang kapatid.Nang makita niyang ayos ang mga kapatid , lumakad na siya sa kaniyang silid. Hindi niya naiwasan ang pagbagsak ng mga luha niya ng maaalala niya ang narinig mula mismo sa mga bibig ni Alvin.Sobrang napakasakit niyon para kay Kathleen kung kailan naging malapit na ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD