Nailabas din agad ang ama ni Kathleen makalipas ng ilang araw.Nakapasok na din ito sa trabaho.
"Kathleen,ano gang hitsura mo yaan,gandang ganda ay panget na panget."puna ni Ella kay Kathleen na hindi malaman kung nangaasar ba o ano.
Hindi umimik si Kathleen at itinuloy ang ginagawa niyang blueprint of 5-storey apartment.
"Bah,,,may dalaw areng babaeng are.deadma eh."salita ulit ni Ella.
"Hay naku beshy...kadami kong pinagiisip ngayon,ilang oras pa laang tulog ko."pagkuway tugon ni Kathleen.
"Baken naman?anong nangyari?"pagtatanong naman ni Ella
"Paano ga naman si Alvin,...."hindi na niya itinuloy, parang ayaw niya ikuwento
"si alvin,yung pogi na naghatid sayo at sumunod sayo ng ilang beses dito."
"oh anong meron naman dun?"
Mas lalong napasimangot si Kathleen,naalala na naman niya ang lahat ng narinig.
"pinaglalaruan laang ako."matamlay na sagot niya.
"ano????"napamulaga si Ella sa narinig."si Engr.Kathleen pinaglaruan ng isang lalaki."hindi makapaniwala niyang sabi
Napatawa ng kaunti si Kathleen sa naging reaction ng kaibigan.
"alam mo kathleen, kawalan ka niya.madami dito sating company nanliligaw sayo at hinahangad ka na maging kanila.Tapos yung Alvin na yun gaganyanin ka laang."pagpapatuloy ni Ella.
"pero masakit, alam mo ga..?akala ko ngay nagbago na sa loob ng dalawang taon mahigit.kaibigan na nga turing ko sa kanya.tapos malalaman kong may masama laang pala siyang motibo."
"Beshy,hindi pa pala kayo,kaibigan mo lang naman pala siya nasasaktan ka na.....at saka..... anong motibo?"
"s*x lang habol niya sakin...."pag -amin niya.
"pano mo nalaman?"curious na tanong ni Ella.
"narinig ko may kavideo call siya syota niya ata yun sa maynila.namimiss niya na daw s*x life niya.Hindi naman daw siya makauwi ng maynila para dun sa kung sino mang babae yun na kausap niya."pagkukwento niya
"hindi makauwi dahil...."paghihintay ni Ella sa kasunod na sasabihin ni Kathleen.
"dahil magagalit ang magulang ni alvin pag nalaman na wala siya sa mansyon.di gay nakwento ko na sayo dati yun.,black sheep yun."
"oh tapos....."seryoso sa pakikinig habang ginagawa ang trabaho niya.
"sabi ni alvin,meron naman daw siya dito na gustong tikman.Tikim lang daw kaya pumayag yung babae.At ako ayun,,sinabi mismo ni alvin ang pangalan ko sa babae."Nabubuwisit niyang pagtatapos sa kwento.
"May pagkasayad din pala ang ulo ng Alvin na yun pati nung babae niya.Bay naman papayag yung babaeng yun na ang kanyang nobyo halimbawa ay makikipagsex sa iba.Bagay sila,parehas may sayad..."naiiyamot na komento ni Ella.
Habang busy sila sa kanilang ginagawa, may bumukas ng sliding door ng opisina at pumasok ang kanilang boss.
Nagbigay sila ng bati sa medyo may katandaan boss nila.Siya ang branch head and supervisor.
"Good morning everyone!!!All of you in the conference room."pagkasabi niya dumeretso ito sa conference room.
Nagsisunudan naman ang lahat ng mga empleyado.
"ano kayang meron,?bulong bulungan nila.
Ng nasa conference room na sila.Umupo silang lahat at nasa una ang boss
"Kamusta kayo""bati ng boss
"sir ayos lamang po,dumadami ang client natin."sabi ng isa
"oo nga,magaling mambola si Ms. Kathleen Sir eh."sabat nman ng isa at tumingin nman ang boss sa gawi ni Kathleen at ngumiti.
"ang bilis makahakot ng client ni Kath sir,"singit naman ng isa na nasa kalikuran.
Halatang naoverwhelmed si Kathleen sa mga papuri na kanyang narinig.
"hindi naman guys,tayo lahat nagtrabaho niyan."humble niyang pagkakasabi.
"Well,everyone kaya ko kayo ipinatawag ay may special announcement ako.Good news ito para isa ,at alam ko masaya kayo para sa kanya."sabi niya at nilibot ng paningin niya ang empleyadong andoon.
"I would like to congratulate you Kathleen Mateo.May promotion sayo na pinadala ang main office,kagaya ng kay Engr.Christopher Mariano."sabi nito na nakatingin kay Kathleen.
Hindi akalain ni Kathleen na magiging ganoon pala kaganda ang kaniyang magiging performance sa trabaho.
Sa halos magtatatlong taon na niya dito,nabigyan siya agad ng promotion.
"And everyone,kaya kasama kayo dito ,gusto kong maencourage kayo ,at mag strive hard pa kayo para kagaya ni Kathleen,makamit niyo din ang promotion na iyon.And habang wala pa kapalit ni Kathleen dito,kayo munang lahat ay magtulong tulong."pagpapatuloy ng kanilang boss.
Ng matapos ang maikling announcement na iyon ay nagsibalikan na ulit sila sa kani kanilang trabaho.
Nagstay pa si kathleen kasi kinausap pa ito ng boss.
Masayang masaya si Kathleen sa promotion na natanggap.Tuwang tuwa para sa kanya ang kaniyang mga katrabaho,kahit malulungkot sila pag napunta na itong Manila.
Mas malalaki kasing clients ang nasa Maynila.At mas malalaking client mas mataas na sahod.
Natuwa ang kaniyang mga magulang ng ibalita niya ito sa kanila.
Ibinalita niya din ito kay Topher,at tuwang tuwa ito para sa kanya.Masaya din ito at magkakasama silang dalawa sa Manila.
"Anak,magiingat ka doon ha.....wag mo papabayaan ang sarili mo..wag basta kakausap ng taong di mapapagkakatiwalaan."sabi ni Aling Mona
"ay ang iyong kwarta,baka ike basta basta laang ha.dyan sa Maynila ay sari sari ang tao.."si Mang Amado habang binababa sa tricycle ang bag ni Kathleen.
"Aring inay at tatay wag kayong magalala sakin,kayo ang magiingat...si Margaret wag niyo laging ipagtablet,namimihasa, baka hindi magaral.Si Lexi,sabihin niyo ayusin at pagkuway sa Maynila ko siya pagaaralin ng college."bilin ni Kathleen.
Nagpaalaman na sila sa isat isa at umakyat na sa bus si Kathleen.Susunduin daw siya ni Topher.
May sariling condo ang company para sa mga ilang empleyado.Kaya may libreng condo si Kathleen.Isang condo lang sila ni Topher,magkaiba lang unit.
Umalis na ang bus na sinasakyan ni Kathleen.
"Lord,ingatan niyo po ako."dasal ni Kathleen.
Mahaba haba din ang byahe.Naalala niya ang maiiwan sa batangas.Pamilya niya ,kaibigan ,kabarangay,at katrabaho.Mamimis niya ang mga ito.Naaalala niya si Alvin.Dalawang linggo na din silang hindi nagusap.Hindi nga nito alam na umalis siya.Mabuti na din ito para kay Kathleen.Sa totoo lang,nasaktan siya ng sobra,mahalaga na kasi sa kaniya si Alvin at sobrang malapit na ito sa kaniya.
Ng makarating na siya ng terminal sa Manila ay sinundo naman nga siya ni Topher
"Engr. Welcome here at Manila."pormal na sabi ni Topher.
"wow,,salamat naman,,kailangan pala iniwanan ko ang punto ko sa Batangas."sabi nito.
"mahirap yang mawala kasi punto na natin yan,"natatawang sabi ni Topher.
Si Topher ang naging kasama ,kaalalay ni Kathleen habang ginagamay ang galawang Manila.
Confident si Kathleen sa trabaho kaya nagagawa niya ito ng maayos .Nakakuha din siya ng malalaking clients by her own word of mouth.Kaya nakarating iyon sa kaniyang CEO at natutuwa ito sa kanya .
Naka -6 na buwan na din siya sa Manila at malaki na din talaga ang pinagbago niya.