Chapter 16

1139 Words
"Bro. long time no see."bungad agad ni Mike kay Alvin at nakipag-apir. Nasa isang bar sila sa Manila.Nakailang shots na si Alvin bago dumating si Mike.Si Mike ang pinakamalapit niyang kaibigan dito sa Manila.Matagal na sila nitong hindi nagkikita.Magtatatlong taon na simula ng sa Batangas na mag-aral si Alvin. "ang tagal mo bro.akala ko nagtampo ka na sakin ."sabi ni Alvin at inabot sa kaibigan ang baso ng alak. "malapit na bro.kung hindi ka talaga nagpakita,wala ka ng mike na kaibigan."natatawa niyang asar dito. "anong balita sayo?"pagkuway tanong ni Alvin. "nakagraduate na ako tol.May restaurant akong minamanaged ngayon.Bisita ka dun bro.next time".sabi ni Mike at tumungga ulit ng alak. "congrats naman bro.Magaling ka pa.Ako ay isang sem pa at isang taon pa magaaral." "wala naman kaso yun sayo bro.May company kayo,mapapasayo din yun balang araw." "kung makatapos ako ng pag-aaral.." "kaya mo yan,,mabilis na yung isang taon at kalahati." "nakakatamad bro. pag walang inspirasyon." "tsssss...talaga lang bro ha....nagseseryoso ka na.....may inspirasyon ka ng nalalaman dyan...."pang-aasar nito. "porke't strong kayo ni Ylona.Umalis ako kayo na ,bumalik ako kayo pa din." "nagbreak na kami,nagkabalikan lang din."confess nito "at list kayo pa din..." "ay maiba ako..for good ka na ba dito sa Manila."tanong ni Mike. "hindi may reresbakan lang ako."seryosong sabi niya. "ha....kailangan mo ba ng mafia...."natatawang biro ni Mike "tssss....sira....kaya ko itong mag-isa..."sabi niya .Iba na ang aura ni Alvin dahil madami dami na din ang nainom nito.Mapupula na ang mga mata nito.Ang gulo gulo ng buhok ,at inamo'y miserable ang hitsura. Makalipas pa ang 30minutos ay nagpaalam na sila sa isa't isa.Umalis na si Mike at si Alvin naman ay sumakay na sa kotse niya.Kahit madami na siyang nainom ay nakaya niya pa ding magmaneho. Mabilis narating ni Alvin ang condo ni Kathleen.Sembreak ngayon ni Alvin.Pagkarating niya ng Manila ay hinanap niya agad si Kathleen.Nung makita niya ito,ilang araw niya itong sinusundan sa hanggang malaman niya kung saang condo ito nakatira. Pumasok si Alvin sa building.Hinarang siya ng guard. "saan ka boss."tanong ng guard. Umayos ng kilos si Alvin,hindi siya nagpahalatang lasing,kahit amoy naman sa kaniya. "sa 31fl boss.Kay Kathleen Mateo."sabi nito. Akala niya di siya papayagan nito,pero pinaderetso na din siya ng guard.Sumakay siya ng elevator. Ng nasa tapat na siya ng pinto ng unit ni Kathleen,dahan dahan niyang kinalikot ang doorknob hanggang sa mabuksan niya ito.Pagkapasok niya inilock niya ulit iyon. Ng makapasok na siya,nilinga linga lang niya ang paligid.Walang siyang naririnig na anumang ingay maliban sa ingay na nanggagaling sa isang pinto.Cr siguro iyon kasi may naririnig siyang nagbubuhos. Pinatay niya ang lahat ng mga ilaw.Ang switch ng ilaw ay nasa malapit sa main door kaya hindi din agad mabubuksan iyon ni Kathleen kung sakali. Tumayo lang siya sa may pader na malapit sa may cr.Hinihintay niyang lumabas si Kathleen.Tanging liwanag lamang mula sa labas ang nagsisilbing tanglaw sa loob ng unit. Lumabas na si Kathleen at nagulat siya na patay ang lahat ng mga ilaw.Maglalakad na sana siya papunta sa may switch ng biglang may humablot sa kanya at takpan ang bibig niya. Malakas ito kaysa sa kaniya kaya nahihirapan siyang makalaban.Sinipa niya ito patalikod at siniko kaya nabitawan siya.Amoy na amoy ni Kathleen ang alak sa katawan ng kung sino mang nilalang iyon. Nakatapis lang siya ng towel niya at wala na siyang anumang suot pa,kaya nahirapan siya kumilos.Tumakbo siya papunta sa pinto palabas kaya lang dahil sa madilim ay natakid siya sa may sofa.Naabutan siya ng lalaki at hinila sa buhok.Pakiramdam niya ay matatanggal ang buhok sa anit niya.Hinila siya ng lalaki sa buhok hanggang sa maitulak niya ito sa may sofa.Napaumpog pa ang labi niya sa kahoy sa may sofa ,at ramdam niyang dumugo iyon sa lakas ng tulak nito. Natanggal na ang tapis ni Kathleen.Pinaibabawan siya ng lalaki hawak hawak ang dalawa nitong kamay.Napaiyak na lang si Kathleen.Sumisigaw siya ngunit wala namang makarinig sa kaniya. "parang awa mo....kung sino ka man....please... wag mong gawin sakin to...."pagmamakaawa niya habang umiiyak. "alam mo ba kathleen,ang tagal kong hinintay na kusa mo itong ibigay sakin..."sabi niya at pinilit niyang halikan ito kahit nanlalaban pa ito. Nagulat si Kathleen,kilala siya ng lalaking ito at malamang kilala niya din ito.Tanda niya kung kaninong boses iyon.Naalala na naman niya kung ano motibo nito sa pakikipaglapit sa kaniya.Akala niya titigil na ito sa paglapit sa kaniya kasi magkalayo na sila,pero hindi pa din pala. "A-alvin....."naisatinig ni Kathleen. "tssssss.....akala ko nakalimutan mo na ako.."sabi niya habang patuloy pa din siya sa paghalik kay Kathleen. Hindi na nanlaban si Kathleen.Hinayaan niyang gawin ni Alvin ang halik halikan siya.Iyak lang siya ng iyak...Hanggang sa lumuwag ang pagkakahawak ni Alvin .Akala siguro ay pumapayag na si Kathleen sa gusto nitong mangyari.Patuloy pa din siya sa paghalik. Ng makatyempo si Kathleen,sinipa niya ng malakas si Alvin sa pang ibaba nito,nahulog ito sa baba ng sofa at hindi agad makabawi ng tindig.Mabilis niyang dinampot ang towel at tumakbo palabas ng unit. Pinindot niya ang elevator.Hindi pa agad magbukas.Kinatok niya ang unit ni Topher kasi magkatabi lang sila.Hindi rin naman agad ito lumabas ,baka tulog na. Bumukas na ang elevator at saktong palabas na ng unit niya si Alvin at hinahabol siya nito.Naisara niya din naman agad ang elevator.Nakita niya ang kabuuan ni Alvin sa hallway kasi maliwanag na.Si Alvin nga yun at hindi siya pwede magkamali. Ng makalabas na siya ng elevator ,lumapit agad siya sa guard at humingi ng tulong.Tumawag naman agad ang guard sa police station. Isinalaysay niya sa guard ang nangyari ,takot na takot siya kaya panay ang iyak niya .Nakatapis pa din siya at wala na siyang pakialam kung may iba pang makakita sa kaniya ang mahalaga nakatakas siya kay Alvin. Ilang saglit lang ay may mga dumating ng police at inulit muli ni Kathleen ang pagsasalaysay. Aakyat na sana ang mga police sa itaas ng bumukas ang elevator at iluwa nun si Alvin.Itinuro agad ni Kathleen sa mga police si Alvin kaya mabilis din nila itong nahawakan at naposasan. Nanggigil sa galit si Kathleen ,lumapit siya kay Alvin at binigyan ito ng malakas na sampal. Bumukas muli ang elevator at iniluwa nun si Topher na may dalang pangsaplot.Agad niya itong isinuot kay Kathleen.. "Kathleen,im sorry..Nakatulog na ako.Nagising lang ako nung tumawag ang guard."sabi ni topher na halatang nagalala talaga sa kanya. Yumakap naman agad sa kanya si Kathleen. Si Alvin naman ay makikita sa mukha ang nagngingitngit nitong galit. Lumapit si Topher kay Alvin ay binigyan niya ito ng ilang suntok.Hindi iyon inawat ni Kathleen,hinayaan niya lang si Topher sa gawin iyon. Dahil duguan na ang mukha ni Alvin inawat na din sila ng mga police . Bumalik ulit si Topher kay Kathleen.Nakita ni Topher na may dugo si Kathleen sa labi kaya pinahid niya iyon ng kamay niya "ok ka na ba Kathleen" tanong ni Topher."Makakasama ka ba sa presinto ". Tumango si Kathleen.Dinala na sa presinto si Alvin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD