Chapter 17

1002 Words
Pagkadating sa presinto ay nandoon na din ang mga magulang Alvin.Malamang natawagan na niya ito habang on the way kami papunta roon. Bakas sa mukha ng mga magulang nito ,lalo na ng mommy niya ang pagaalala. Lumapit sa akin magulang niya."iha,alam kong hindi ka ok pero tatanungin pa din kita..kung kumusta ka?nasaktan ka ba ng anak ko ng sobra.Kailangan mo ba madala sa ospital."sabi nito. Hindi sumagot si Kathleen,"iha ,may sugat ka ipagamot natin iyan."sabi nito ng pag alalala. Hindi alam ni Kathleen ang magiging reaction.Akala niya lalapit ang mommy ni Alvin sa kanya at pagsasampalin siya o makikipagareglo . "hindi na po ok lang po ako."sabi na lang ni Kathleen. "iha ,hindi ko hihilingin sayo na makipag areglo ka sakin,at wag kang magalala hindi ko siya pipiyansahan,alam ko may dahilan ang lahat ng ito kaya nangyari."seryosong sabi niya.Tumigil sandali ito ,bago magsalita.May luhang dumaloy sa mga pisnge ng ina ni Alvin. "Hahayaan ko siya makulong kasi alam ko may matutunan siya dun.Sana dumating ang araw na mapatawad mo siya."At sunod na sunod na luha ang patuloy na pinalis ng kamay ni Mrs.San Juan. Hindi alam ni Kathleen ,kung ano ang dapat niyang maramdaman.Mas lalo siyang nagalit kay Alvin kasi hindi lang siya ang sinaktan nito kundi pati mga magulang nito. "Ma-t-tita ,"hindi malaman ni Kathleen kung ano na ba ang dapat niyang itawag dito.Naging maganda naman ang pakikitungo nila sa isat isa dati kaya pinili na lang niya ang tita."Tita, sana po wag ng makarating sa Batangas ang lahat ng ito,lalo na sa magulang ko.Magaalala po sila sakin ."pakiusap ni Kathleen. Hinawakan ng ina ni Alvin ang kamay ni Kathleen."iha,yan din sana ang ipapakiusap ko sayo,salamat at pareho tayo ng naisip.Alam ko maganda na ang relasyon nabuo ni Alvin sa Batangas at ayaw ko na masira iyon dahil sa kalokohan niya."sabi nito. Lumipas ang dalawang linggo.Medyo nakakarecover na si Kathleen sa mga nangyari.Laging kasama niya si Topher ,ito ang naging kaagapay at sandigan niya. "Topher,pwede mo ga ako samahan mamaya?"tanong ni Kathleen. "sige,saan ?"pagsang -ayon nito. "sa presinto..." "bakit ?di ba nakakulong na naman si Alvin ,di na yun makakalabas.Hindi naman daw magppyansa si Mrs.San Juan di ba?" "gusto ko lang makasigurado,magulang yun Topher,walang magulang na makakatiis sa anak." "sabagay...para kung sakali makapagpyansa makapag-apila pa tayo." Nang bandang hapon na pumunta nga ng presinto ang dalawa.Hanggang sa may labas na lang si Topher,si Kathleen na lang mag-isa ang pumasok sa loob. "San Juan may dalaw ka".sabi ng nakaassigned na pulis. Nakaupo na si Kathleen at nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa ng lumabas si Alvin. "anong ginagawa mo dito?"may bahid ng galit sa boses nito. Napaangat ang tingin ni Kathleen sa kanya.Hindi agad ito nakapagsalita.Napatitig si Kathleen sa naging hitsura ni Alvin.Malago na ang mga buhok at balbas nito.Malaki na din ang ipinayat nito.May putok pa ang ang labi niya.Malamang nakipag-away o napagtripan siya sa loob.Bakas sa mukha ni Kathleen ang pagkagulat sa naging hitsura nito. "sinisigurado ko lang na makakatulog ako ng mahimbing sa gabi ."sabi ni Kathleen. "oh ay ano...nakakatulog ka ba?"galit pa rin ang boses ni Alvin. "oo ,dahil sigurado akong makukulong ka dito hanggang sa matapos ang sistensya mo." "tssss.....wag kang pakasigurado...."mayabang na sabi ni Alvin "at sino tutulong sayo...magulang mo nga pinabayaan ka na....ibang tao pa kaya ang mag-aksaya ng oras at pera sayo..." "Siguraduhin mo talaga Kathleen na hindi ako makakalabas dito,dahil pag nagkataon na makalabas ako ,pagsisihan mo ang nakilala mo ako."galit na galit nitong sabi. Hindi napigilan ni Kathleen ang mapaiyak. Hindi niya akalain na sa isang katulad ni Alvin na muntik muntikan niya ng mahalin ay makakatanggap siya ng threat,na possible talaga niyang gawin iyon sa kanya . "magpakasaya kayo ng lalaki mo...pagsawaan mo na siya ..dahil pag nakalabas ako baka siya ang una kong mapatay."gigil na gigil pa din ito sa galit. Patuloy pa din ang pagdaloy ng mga luha ni Kathleen.Wala siyang maisip na salita para sa kaniya.Hindi niya akalain na may pagkasa demonyo pala ito. "Hindi ikaw ang Alvin na kilala ko.."kalmang sabi ni Kathleen. "well....hindi mo pa ako kilala kathleen kaya mag-ingat ka..."pananakot nito. Ayaw na ni Kathleen ,pahabain pa ang usapang iyon kasi wala ng patutunguhan. Natakot na din siya sa inasta nito.Kaya umalis na siya. Pagkalabas niya,sinalubong agad siya ni Topher. Lumapit pa sila sa pulis at may kung ano pang inayos. "Kamusta,, anong nangyari sa loob ?tanong ni Topher habang nasa biyahe na sila. "nakakatakot siya Topher.Hindi ko akalain na nakasama ko sa siya sa loob ng dalawang taon.Pinagbantaan niya ako.Siguraduhin ko daw hindi siya makakalabas ,dahil kapag nagkataon na makalabas siya ,pagsisihan ko daw nakilala ko siya.Idinamay ka din niya Topher..."Napakunot ang noo ni Topher sa narinig. "ha....bakit??tssss...hindi ako natatakot sa kanya.."confident na sabi ni Topher. "hindi ko alam ,akala niya siguro lalaki kita...pero hindi ko alam kung bakit talaga...demonyo talaga siya."naiiyak niyang sabi. "tsssss..ano naman kung lalaki mo ako..."naguguluhang tanong ni Topher."nagseselos siya ganon.?"dagdag niya. "siguro.." "hindi siya tunay na nagmamahal kung ganon Kathleen.". Naikwento na kasi ni Kathleen kay Topher ang lahat.Kung sino at paano sila nagkakakilala ni Alvin. "siguro tama ka...kasi kung tunay niya akong mahal hindi siya gagawa ng ganito sakin." "wag kang mag-alala ,ako ang poprotekta sayo sa kanya.Kaya ba nagrequest ka ng TRO kanina?"tanong ni Topher. "oo.... nagawan niya na ako ng masama..kaya posible may gawin pa ulit siya sakin kung sakali...di ga?" "oo ...tama na din yun ...para hindi siya makalapit sayo." Hindi inakala ni Kathleen na magiging ganoon ang kahihinatnan ng malalim na pagkakaibigan nila ni Alvin. Kung kailang napalapit na siya ng sobra sa binata saka niya pa nalaman ang binabalak nito.Akala niya nagpakabuti na itong tao ,iyon pala ay pakitang tao lamang .Walang pinagbago kagaya pa din ito Ng mga naririnig niyang kwento tungkol sa lalaki.Sayang lamang ang mga panahon na naging malapit ang dalaga sa kaniya .Hindi niya deserve ang pagkakaibigan na meron sila maging yung mahalagang puwang na meron sa puso ni Kathleen.Mabuti na din naman yung nalaman niya ng maaga ang tunay na motibo ni Alvin sa kaniya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD