Naka birthday leave ngayon si Kathleen pero pumunta pa din siya ng opisina para imbitahin ang kaniyang mga katrabaho sa department.
"Engr.Kath ,Happy Birthday ."bati ng isa niyang katrabaho
"salamat ...mamaya ha sa bahay..punta kayong lahat..."anyaya ni Kathleen.
Binati pa siya ng lahat ng kanyang mga katrabaho.
"salamat sa inyong lahat..asahan ko kayo mamaya..yun na lang blowout ko kaya pumunta kayo...ang hindi pupunta mapapaglamangan..."sabi ni Kathleen.
"ano bang atin mamaya Engr."curious na tanong ng isa.
"alak...yun naman ang gusto niyo eh.."biro nito.
"ay Engr.Ako ay hindi.....pagkain ang akin."sabi ng isa na medyo may pagkachubby.
Nagkatawanan ang lahat sa pagsingit ng isa.Kasi naman mahilig talagang kumain ang isang iyon.
"syempre hindi naman mawawala ang pagkain.Lumuwas pa galing Batangas ang aking mga pinakamamahal na magulang para ipagluto ako sa aking kaarawan."
"talaga...nakakatuwa naman sila..."sabi ng isa.
"oo..kaya wag kayong mawawala mamaya.."sabi niya.
"sige na....aalis na ako kita kits everyone later ."paalam ni Kathleen.
Lumabas na siya ng building.Magaabang na sana siya ng taxi ng may humintong kotse sa harap niya.
"Topher..bat andito ka?nasa condo na sina tatay ?"tanong ni Kathleen.
Nagfile din kasi ng leave si Topher kasi tutulong daw siya sa mga magulang ni Kathleen sa pagluluto.Ipinasundo pa ni Kathleen ang mga magulang niya sa terminal.
"oo nasa condo na nga ,,sabi ko feel at home muna sila.maya sila magluto kasi maaga pa.Sabi ko sunduin lang kita."sabi nito.
Sumakay na si Kathleen,pero hindi pa din pinaandar ni Topher ang sasakyan.
"ang bilis mo ah..."sagot ni Kathleen.
"eh kasi nga susunduin pa kita."
"oh siya ano..tara na...baka mainip pa sila sa condo."sabi nito at ikinaBit niya ang seatbelt niya."miss ko na din sila ."excited niyang sabi.
Si Topher naman ay may kinuha sa backseat.
"Kathleen,happy birthday..."sabi nito.At iniabot niya ang bouquet ng bulaklak at may kasama pang paperbag of chocolates.
Inabot iyon ni Kathleen at mukhang nasurprise.
"nasurprised ka ?"tanong ni Topher.
"hmmmm."tumango siya."tuwing birthday ko nung nasa batangas pa ako,lagi kang may paganito..tapos kanina magkasama na tayo wala kang binigay ,kaya akala ko wala..."natatawa niyang sabi...
"maari ga naman yun...Gusto ko mapasaya kita."
"salamat Topher....maraming salamat...hindi lang dito sa mga ito...kundi sa lahat ng mga ginawa mo para sa akin..napakabuti mo.."sincere niyang sabi.
"wala yun Kathleen,,,mahalaga ka sakin at gusto ko maramdaman mo yun.."
"ramdam ko yun Topher kaya maraming salamat.
Hinawakan lang ni Topher ang kamay ni Kathleen at pinisil iyon.
"ano tara na ,may daanan pa tayo..."pagkuway sabi ni Topher.
"Ha...san pa tayo pupunta?I thought were going home...."
"wow....nageenglish na ikaw ha..porket birthday mo...."natatawang sabi ni Topher.
"maiba naman ""biro ni Kathleen."masama bang magenglish...Feeling ko nga hindi ako magna cumlaude dahil hindi ko masyado gamit ang english ko sa piling clients lang ."
"hindi naman masama...dapat ginagamit mo nga para nasasanay ka..."
"sabagay...san punta natin ...ikaw ha kung ano ano pa yang pakulo mo.."
"basta malapit na.."
Pumasok sila sa isang mall.Nagtungo sila sa isang bilihan shop na bilihan ng mga alahas.
"Ms. yung pinareserved ni Christopher Mariano."sabi ni Topher sa saleslady.
Inassist naman agad siya ng saleslady.Si Kathleen ay nakaupo sa isang waiting chair doon,at hinayaan niya lang si Topher sa ginagawa.
Namg makabayad na si Topher ay lumabas na sila at dumeretso na sa sasakyan.
At kagaya kanina hindi muna sila umandar.Kinuha ni Topher sa bulsa ang box.Iniabot niya iyon kay Kathleen.Hindi pa nga agad ito tanggapin.
"Topher......sobra..."hindi na siya pinatapos ni Topher.Itinutop ni Topher ang kanyang hintuturo sa labi ni Kathleen.
"shhhh......halika isuot ko sayo...masaya akong gawin to Kathleen kaya hayaan mo lang sana ako."sabi nito.
Wala ng nagawa si Kathleen.Isinuot sa kanya ni Topher ang isang silver na kwintas.
"salamat Topher.Sobra sobra na ang mga bagay na binibigay mo sa akin.Hindi mo naman kailangang gawin pa ang mga iyan."pagpapasalamat ni Kathleen sa lalaki.
"walang anuman....Basta para sayo Masaya akong gawin at ibigay sayo ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo..So ano Let's go!!"Yaya na ni Alvin kay Kathleen.
Nang makarating sila ng condo ay naguumpisa ng maghiwa hiwa ng panlahok sa lulutuin ang mga magulang ni Kathleen.Kasama din si Margaret at Lexi.Si Lexi ay tumutulong din sa ginagawa ng magulang niya.Si Margaret naman ay nanonood lang sa kanila.
"ate......"sigaw at salubong ni Margaret."ate happy birthday.
"ate Kathleen,happy birthday."tuwang bati din ni Lexi.
"Anak...maligayang kaarawan sayo..."bati din ng kaniyang ama at ina.
"salamat ho ...salamat at kayong apat ay pumunta.Masaya na ako ngayon...kahit wala ng handa..."
"ngeks...ate dami dami mo ng pinamili oh..."sabay turo sa mga nakakalat na lutuin sa mesa.
"maaga kaming namalengke ni Topher ,gawa ng ipapasundo ko nga kayo..pupunta dito mga katrabaho ko kaya magluluto tayo ng kaunti."
Nagsimula na sila sa pagluluto.Ilang putahe din ang lulutuin nila.Medyo masikip sa condo ni Kathleen kung darating lahat ng katrabaho ni Kathleen kaya maookopa din nila ang hallway.Ipinagpaalam nila yun sa maintenance ng condo at pumayag naman.Magagamit din ang unit ni Topher kung sakali na magkainuman,at sigurado na pala yun.
"Kathleen ,si Alvin ga nagpunta dito o nagkita ga kayo?"tanong ni Aling Mona.
"Ho....."medyo nagulat si Kathleen sa tanong ng ina.Napatingin siya kay Topher ng makahulugan.Hindi niya inaaasahan na itatanong iyon ng kaniyang ina.
"ay paano anak..nagpunta nung kamakailan sa bahay,tinatanong ang address mo dito at siya daw ay paluwas na nga dito..baka daw madalaw ka niya."singit ni Mang Amado.
"ah..ah..hindi ho...wala na akong balita sa kanya.Simula nung dito na ako sa Manila,nakalimutan niya na ata ako.."pagsisinungalin ni Kathleen.Ibig sabihin hindi nabalita talaga sa Batangas ang nangyari.
"ah ganon ga...parang ngayon ang sabi ay dito na daw sa Maynila nagaaral."sabi ni Aling Mona.
"baka nga...bat hindi na nadaan dun sa ating tapat.."si Mang Amado.
Pahapon na din ng matapos ang pagluluto at pagliligpit.Naglagay na sila ng table at mga upuan sa hallway.
Nagpadeliver pa sila ng iba pang pagkain para pandagdag kung sakaling madaming dumating.
Si Topher naman ay bumili ng mga alak.Nairaos Naman ng maayos ang kaarawan ni Kathleen at naging masaya naman ito dahil kumpleto ang kaniyang pamilya pati mga kaibigan sa trabaho.
Naalala ni Kathleen ang sinabi ng ama na dumaan daw sa bahay namin sa Batangas si Alvin.Ibig sabihin nakalaya na ito at wala siyang kaalam alam doon.