Chapter 19

1002 Words
Akala ni Kathleen tapos na ang selebrasyon ng kaniyang kaarawan ,iyon pala ay hindi pa.Nagyaya ng isang romantic dinner date si Topher kay Kathleen,at syempre pinaunlakan niya iyon. "Ano ka ga naman Topher,pwede namang sa turo turo na lang tayo kumain.Sanay pa naman din ako sa mga ganon kahit sumusweldo na ako ng maayos ayos no.."sabi ni Kathleen. "minsan lang naman ,,,kaw naman...at saka gusto ko pa ding bawiin yung halos tatlong taon kong di kita nayaya nung nasa batangas ka pa."seryosong sabi niya. "dalawang taon ng lampas tayong magkasama dito at bawing bawi ka na ,,ano ka ba?"sabi ni Kathleen pagkatapos nguyain ang isinubo niyang pagkain. "at bale limang taon na akong nanliligaw sayo...baka naman..."hindi na itinuloy ni Topher dahil alam na naman ni Kathleen ang ibig niyang sabihin. "kumain ka na... tapusin mo na yan na makauwi na tayo.."pagiiba ni Kathleen. Natawa na lang si Topher,sanay na siya sa mga ganon ni Kathleen.Ilang beses na kasi siyang naglakas loob na tanungin ito ng tungkol doon at laging iba ang sagot niya. Mahal na mahal niya ito,kaya kahit maghintay pa siya ng gaano katagal ay ayos lamang sa kaniya. Kontento na muna siya sa lagi niya itong nakakasama at minamahal kahit walang kapalit. Ng matapos na sila ng dinner ay umuwi na sila.Tahimik lang sila sa elevator habang paakyat sila sa unit nila. Ng nakalabas na sila ng elevator,mabilis na hinawakan ni Kathleen sa kamay si Topher.Niyakap niya ito ng mahigpit.Si Topher naman ay hindi alam kung ano ang irereaction sa ginawa nito.Mas nagulat pa si Topher ng halikan siya ni Kathleen sa labi niya ng mabilis. " bye loves ,"at mabilis itong pumasok sa loob ng unit niya. Gulat pa din si Topher sa ginawa ni Kathleen.Kung may ilang minuto din siyang nasa hallway.Napasandal pa siya sa pader habang nakangiti. Si Kathleen naman ay nakasandal sa saradong pinto ng unit niya at inalala ang paghalik niya kay Topher. Masaya siyang kasama ito,at sa tinagal tagal ng panliligaw nito,nahulog na din ang loob niya dito .Kaya siguro tama lang na sagutin niya na ito. Nakarinig si Kathleen ng katok sa labas ng pinto niya.Bumilis ang t***k ng puso niya,alam niyang si Topher iyon at lilinawin nito ang nangyari. Binuksan niya iyon ng dahan dahan ,at nakita niya si Topher doon na malaki ang ngisi. Medyo nakaramdam tuloy siya ng akwardness.Hindi niya tuloy alam kung papasukin niya ito o hindi. "pwedeng diyan muna ako?"nakangiting tanong ni Topher. Hindi na naman naghintay pa si Topher ng pagsang-ayon ni Kathleen at dumeretso na siya sa sofa at naupo. Si Kathleen naman ay isinara na muli ang pinto at sumunod na din kay Topher. Nagbukas ng tv si Topher at nanood.Si Kathleen naman ay umupo na lang na medyo malayo layo kay Topher at nakinood na din. Nagpapakiramdaman lang sila kung sino ang unang magsasalita. Panay ang sulyap nila sa isa't isa kapag hindi nakatingin ang isa.Ganon lang sila,,siguro mga isang oras din iyon. "g-gusto mong kape?"tanong na lang ni Kathleen.Ang tahimik kasi nila.Medyo nakaramdam din ata si Topher ng pagkaawkward kaya hindi din toong makasalita. "a-ako na magtitimpla,gusto mo din ?"pagkukusa ni Topher ,at tumayo na siya papunta sa kitchen. "hindi na...sayo na lang ...."sagot ni Kathleen. Ng makabalik si Topher ,dala na niya ang tasa ng kape.Inilapag niya iyon sa center table.Umupo na siya malapit na kay Kathleen. Tahimik na naman silang nanood muli ng tv.Napansin ni Kathleen na titig na titig sa kanya si Topher. "Yung kape mo malamig na."natatawang sabi ni Kathleen at inihampas pa sa mukha nito ang unan. "aray..."natatawang sabi niya kahit hindi naman talaga siya nasaktan. "feeling mo naman masakit yun." "t-tayo na ba?"pagkuway naisatinig ni Topher. "kailangan mo pa ga ng oo ?tanong ni Kathleen. "gusto ko lang marinig,kung ok sayo...kung hindi naman ok lang...sapat na sakin...alam kong tayo na..."nakangiti niyang sabi. Tumayo si Kathleen."oo...tayo na...at mahal kita..."medyo kinikilig niyang sabi at lumakad na papunta sa kwarto. Hinabol siya ni Topher at hinawakan sa kamay. "oh san ka na naman?"natatawang tanong niya. "umupo ka dun,,,kukuha akong towel at maglilinis na ako.Gusto ko ng tumulog.Umuwi ka na kaya.."natatawang sabi ni Kathleen. Bumalik na naman si Topher sa pagkakaupo.Si Kathleen naman ay pumasok na sa kwarto. Makatapos ang ilang minuto bumalik na ulit si Kathleen.Nakabihis na siya ng pantulog. "hindi ka pa uuwi ,?"tanong ni Kathleen. "ayaw mo na ako dito??...magaling pa nung hindi pa tayo at inaabot ako dito kahit madaling araw..." "so gusto mong bawiin ko..." "hindi syempre....."kunwari ay natakot siya.. Lumapit si Topher kay Kathleen at niyakap ito ng mahigpit.Gumanti naman si Kathleen sa yakap na yun. "i love you loves".sabi ni Topher habang magkayakap sila."Alam mo hindi ako makakatulog ngayon dahil sa saya ko.."bulong pa nito sa kanya. Kumalas naman sa pagkakayakap si Kathleen. "ang OA mo ha..11pm na uwi ka na..tulog na ako."pagtataboy ni Kathleen. "gusto pa kitang kasama eh.."paglalambing nito "may bukas pa ha...cge na umuwi ka na ..."taboy pa din nito. Tumayo na si Topher at hinila ding patayo si Kathleen..Niyakap niya muli ito. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisnge at inilapat ang mga labi niya sa labi ni Kathleen.Masuyong halik ang ibinigay niya dito at ginantihan nman nito ang halik na yoon. Kumalas din naman agad sa halikan iyon si Topher. Lumakad na ito sa may pinto at binuksan iyon. "goodnight loves..i love you...lock the door ."paalam nito. "goodnight too...ilove you too."sabi niya . Pagkaalis ni Topher inilock na niya ang pinto at nagtungo na sa kwarto niya. Pinilit niyang makatulog ngunit di sya makatulog.Masayang masaya ang puso niya ngayon.Alam ni Kathleen na magiging masaya siya sa piling ni Topher na ngayon ay kasintahan na niya.Napatunayan na Naman niya ang kabutihan loob na mayroon ang lalaki kaya hindi niya pinagsisihan na sagutin ito.Si Topher ang uri ng taong mapagbigay at hindi nanghihingi ng anumang kapalit.Ang pagiging mabuting kaibigan nito ay napatunayan niya sa loob ng ilang taon na nakasama niya ito.Ngayon magkasintahan na sila ay kapwa nagbubunyi sa kasiyahan ang kanilang mga puso.Umaapaw na pagibig ang meron sa kanilang dalawa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD