Chapter 1
WARNING;:THERE ARE SOME CHAPTERS THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR AGES 18 BELOW .STRICT PARENTAL GUIDANCE IS NEEDED.THANK YOU
Lindsey POV
Anong ginagawa MO? Lalayas ka para Malaya kang makapunta sa lalaki MO." nanggigil sa galit na sigaw sakin ni Leonil.
Hindi ako sumagot at sumabay sa galit niya dahil pagod na pagod na akong makipagtalo at saluhin ang mga mapanakit niyang kamay na dumadampi sa ibat ibang parte ng aking katawan ,bagkus pinagpatuloy ko ang pagiimpake ng mga damit namin ng mga bata. Hindi ko nga akalain na aabutan niya pa ako sa bahay niya, akala ko kasi maghapon siya sa trabaho niya.Mabuti na lang at una ko ng napaalis si nanay at ang mga bata. Nakakuha kasi ako ng tyempo na makapagtxt kay nanay at magpasundo at uuwi na lang sa bahay.
"Hindi mo isasama si Anzon, dito lang siya sa bahay. "sigaw na naman niya. Hindi ko pa din siya pinapansin. Hindi niya pa kasi alam na nakaalis na si Anzon, siguro akala niya nasa kwarto niya pa ito at naglalaro. Nagmadali ako pagiimpake kasi kinakabahan ako sa galit nito, baka bigla na Lang ito makakuha ng kutsilyo at saksakin na lang ako bigla.
Lumabas siya at naririnig ko ang yabag ng mga paa niya na papunta sa kwarto ni Anzon. Kinuha ko ang pagkakataong iyon na makalabas agad ako ng kwarto namin at nagmadaling tumakbo palabas ng bahay. Dahil sigurado akong magaapoy siya sa galit kapag nalaman niya na naialis ko na si Anzon sa bahay niya. Eksaktong nasa gate na ako at naririnig ko na ang galit na galit na sigaw ni Leonil na tinatawag ang pangalan ko. Sinalubong naman agad ako ni Papa at kinuha ang mga maleta ko. Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ni Papa na owner type jeepney ,mabuti na lang at nakabalik agad siya pagkahatid kina nanay sa bahay.
"Lindsey asan si Anzon? "nagaapoy sa galit na sigaw ni Lionel ng makalabas ito ng bahay.
"Pabayaan mo na kami ng mga bata. Hindi na tayo masaya, hindi na normal ang relasyon merong tayo ng mga bata. Magkakasakitan at magkakasakitan lang tayo, kaya mabuti pang umalis na lang kami. Pinilit kong maging maayos tayo, tiniis ko ang mapanakit mong mga salita, maging ng iyong ina,pero may hangganan din pala ang lahat.Baka kapag umalis na kami sa poder mawawala na yung takot ko kapag makikita ka, takot na saktan mo ako emotionally, lalo na physically. "maluha luhang himutok ko sa kaniya.
"Wala akong pakialam kung umalis kayo ng bastarda mong anak sa labas, basta iwanan mo si Anzon. "sigaw niya.
"Hindi ko siya maaring iwanan sayo kasi masyado pa siyang bata at hindi mo siya mababantayan dahil may trabaho ka. "balik ko sa kaniya. "Tara na Papa ".bigay signal ko Kay papa. Pinaandar na naman kaagad ni Papa ang sasakyan kaya di ko na totoong narinig pa ang mga nais pang ipaglaban ni Leonil.
'Tulala ka naman diyan kaiisip sa asawa mong may sapak ." sabay batok sakin ni nanay kaya natauhan na naman ako.
"Nay naman, hindi naman iyon maaalis sakin. Saka minsan di ko pa din lubos na masisi si Leonil dahil ako pa din naman ang unang nagloko ."paliwanag ko kay nanay.
"Alam mo anak, hindi naman sa tinotolerate ko ang ginawa mo nung dalaga ka pa,pero nung pumasok ulit sa buhay mo si Leonil at bago ka niya inaya na maging asawa, kabiyak sa buhay ay tinanggap niya na ang buong pagkatao mo, maging si Thania ay tinanggap niya, tapos ngayon ganyan... Malalaman ko na sinasaktan ka.Hindi tama iyon, mabuti pang dito na kayo ng mga bata at pagsisikapan nating mamuhay ng maayos. At saka anak hindi mo siya niloko, wala kayong relasyon ni Leonil nung makipagrelasyon ka dun kay Frank. "paliwanag ni Nanay.
"Kaya sana matauhan ka na sa mga pagkakamali mo. Ayusin mo ang buhay mo para sa dalawang mong anak. Si Anzon at Thania ang iyong yaman..Ipaglaban at panindigan mo si Anzon kung sakaling kukunin sayo ni Leonil. "masinsing payo ni Nanay sakin.
"Kinakarma na siguro ako nay dahil sa ginawa kong pagkabet sa may asawa. "
"Karma man yan o ano.. Kailangan mong ipagpatuloy ang hamon ng buhay. Kayanin mo at wag mong susukuan. Dito kami Sa tabi mo, kahit nagagalit kami Sa iyo di ka namin pababayaan at titiisin. "maemosyong sabi ni nanay.
"Salamat Nay ".di ko napigilan ang mapahagulhol dahil sa grabeng pagmamahal na pinaparamdam Sa Akin ni nanay.
Nagpapasalamat ako sa Diyos, sa kabila ng mga ginawa kong kasalanan sa Kanya, binigyan niya pa din ako ng pamilyang tatanggap sa akin at magmamahal ng totoo na walang halong pagmamalupit, pagdadamot at sigurado akong totoong pagmamahal.
"Mommy, umiiyak po si Anzon. Humihingi siya sakin ng candy ay bawal naman sa kaniya kasi baka mabulunan siya. "biglang pagsingit ni Thania. Pinahid ko kaagad ang luha ko kasi ayaw ko na makikita ng mga anak ko na malungkot ako,lalo na ni Thania dahil ito ang batang madaming tanong. Alam kong di pa niya lubos na maiintindihan ang lahat.
"Sige na anak, mag ayos ka na at ng makapunta ka na store natin sa palengke, ako na bahala kay Anzon. "pagaalo ni Nanay sakin ."Thania, ubusin mo na candy mo para wala na makita si Anzon, pagkatapos ay maligo ka na ."utos ni nanay sa bata.
"opo lola ".magalang na tugon ni Thania
Sumunod naman agad si Thania kay nanay. Si nanay naman ay pinuntahan mo din kaagad ang umiiyak na si Anzon. Si Anzon ay 2 taon pa lamang kaya sobra pang iyakin kapag di naibigay ang gusto. Si Thania naman ay 5 taon na. Malimit ng mautusan ,masipag na bata at napakamaunawain.Naawa nga ako kay Thania kaya talagang pinagdesisyunan ko na umalis sa poder ni Leonil.
Nakaranas kasi na maghapon na di kumakain si Thania kasi di ito pinakain ng Leonil maging ng aking byenan nung isang beses na ikulong ako ni Leonil Sa kwarto. Iyak ako ng iyak noon nung makita ko na hinang hina ang anak ko sa gutom. Awang awa ako sa Kanya at isinumpa ko talaga na lalayas kami sa bahay na iyon. Tanggap kong pasakitan ako, bilang kapalit sa nagawa kong pagkakasala sa nakaraan pero hindi ko kayang makita na pati ang anak ko magsusuffer ng hirap at sakit.
Galit na galit ako nun kay Leonil. Pero wala lang sa kaniya ang galit ko. Mabuti na lang at nung pinakain ko si Thania, di na siya nagalit. Akala ko di na yun mangyayari. Naulit pa iyon ng ilang beses,minsan sinasaktan niya pa din si Thania.
Ang hirap alisin sa isipin ko ang mga pangyayaring iyon, ramdam na ramdam ko pa din sa sarili ko ang mga sakit na yoon pati na ang takot.
Isang linggo na ang nakalipas mula ng umalis kami sa bahay ni Leonil, akala ko susugod siya sa bahay para kunin si Anzon pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita.
Pero di pa din ako pwede magpakampante kailangan ko pa ding maging handa sa mga posibilidad na maaaring mangyari.
Nagmadali na akong magayos para makaalis na papunta sa palengke.
Si nanay at si Papa ang maiiwan sa mga bata. Di ko na pinasama si Papa para May kasama si nanay si bahay. Takot kasi ako na baka sumugod si Leonil at kunin si Anzon.
Pagkatapos ko magayos, dumeretso na ako sa palengke. Itinuon ko muna ang pagiisip ko sa pagtitinda. Grocery stores at bigasan ang negosyo ng aking pamilya. Mabuti na lang pumayag si Papa at si Nanay na dito na ako magtrabaho para may pangsuporta ako Sa dalawa kong anak.