Leonil POV
"Mahal, wala ka ba talaga balak na magtuloy tuloy sa college.? "tanong ni Lindsey sa akin. "Di ba pangarap mo na magbusiness ng printing press soon, total magaling ka naman sa linyang iyon. "dagdag niya pa.
"Mahal, kailangan ko muna pagtuunan ng pansin ang bukirin ni ama. Mahina na siya at sayang naman ang mga tanim kung hindi ko ipagpapatuloy ang pagsaka sa sinimulan ni ama. "paliwanag ko sa kaniya. Nakita kong medyo nalungkot ang mukha ni Lindsey. Pangarap niya kasi na ang mapapangasawa niya ay may magandang nesgosyo pagdating ng panahon. Bakas ko sa mukha niya ang lungkot dahil hindi ko kayang maibigay ang pangarap niyang iyon .
"Hmm, so paano yun mag-isa akong magkokolehiyo? "Paano ang pangarap natin na binuo natin sa loob ng halos apat na taon.? "seryosong tanong niya.
"Mahal, pangarap pa din natin yun, pipilitin nating tupadin kahit nagbubukid ako. " giit ko sa kaniya.
"Pero mahal hindi malaki ang kita sa pagbubukid,alam mo yun. Kaya nga nagkakanda utang ang pamilya mo di ba.? Dugtong na paliwanag ko
"Mahal, wag mo naman maliitin ang pagbubukid, swertehan lang iyon. Kahit saang negosyo swertehan kung papaladin ka o hindi. Nagkakautang ang pamilya ko dahil sa pagpapagamot ni ama, alam mo naman ang kalagayan niya di ba."may himig pagtatampong sagot ko .Masyado kasing mababa ang tingin niya sa aming magsasaka.
Magkabaranggay kami ni Lindsey at naging magnobya at magnobyo kami simula nung maghayskul kami. Crush na crush ko siya noong first year hayskul kaya niligawan ko siya. Hindi ko nga akalain na sasagutin niya ako, kasi malayo ang agwat ng estado ng pamumuhay namin.Sila ay may sariling negosyo na samantalang kami ay wala,ika nga ay isang kahig isang tuka.
Hindi naman sa pagmamalaki, tanging taglay na kagwapuhan lamang ang meron ako.
Magkasundo naman kami sa loob ng halos 4 na taon, nagkakatampuhan Pero normal lang naman iyon,mga tampuhan lamang sa maliliit na bagay. Sabay kaming nangangarap ng magandang buhay para sa aming dalawa.
"Mahal, hindi ko minamaliit kayong mga nagbubukid,ang sinasabi ko hindi yun ang pangarap natin. " paliwanag niya sa akin.
"Mahal, hindi ko naman din sinasabi na isusuko ko na ang pangarap natin, ang kailangan ko lang muna sa ngayon ay unahin ang bukid dahil sabi ko nga sayo sayang naman ang nagastos na sa mga tanim. "balik ko sa kaniya.
Tumungga akong muli ng alak ,hindi ko na alam kung nakailang bote na ba ako ng beer. Inip na inip na ako at sari sari na ang aking naiisip dahil sa kakahintay kay Jared, ang aking kabarkada at kumpare dahil inaanak niya si Anzon.Speaking of Anzon, isang linggo na ang nakalipas at di ko pa din siya nakikita. Miss na miss ko na ang anak ko.
"Daddy, look!!! Nagluto si Mommy ng adobo, favorite natin. Kain na tayo. "masayang sabi ni Anzon habang papasok ako ng kitchen.
"hmmm".Napadako ang tingin ko kay Lindsey at sa bastarda niya na nasa isang sulok. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako pag nakikita ko ang anak niya sa ibang lalaki,maging ang makita mismo si Lindsey ay naiinis din ako. "anak, wag na lang adobo ang kainin natin,"sabay kuha ko sa adobo at tinapon sa basurahan.
"Leonil, bat mo naman tinapon ang adobo, masarap pa naman yun at sayang, paborito ni Anzon yun eh"may himig na pagtataka at tampo na sabi ni Lindsey.
"wala kang pakialam!"sagot ko sa Kanya. "Magbihis ka, at bihisan mo din si Anzon. Sa labas ko siya pakakainin. "utos ko sa kaniya.
Hindi na siya nakipagtalo pa sa adobo na tinapon ko. Wala naman kasi siyang magagawa kasi ako ang batas sa bahay namin.
"Maari bang isama natin si Thania?"tanong na lamang niya.
"Hindi!! Dito lang siya sa bahay!! "galit na sagot ko sa kaniya. Ewan ko ba, gustong gusto ko na naaapi ang anak niyang bastarda na iyon. Kung maari nga lamang na iligaw ko na sa gubat ang batang iyon kagaya ng pusa ay ginawa ko na, baka sakaling gaganda ang ambiance ng bahay ,pero di pa naman siguro ako ganon kasama.
"Pero kawawa naman siya mag-isa lang siya dito. Hindi pa siya kumakain. "malungkot na sagot niya.
"Wala ako pakialam sa kaniya .Pag sabi Kong hindi siya kasama ay hindi siya kasama "pagmamatigas ko sa kaniya.
"OK sige, bihisan ko na lang si Anzon at siya na lamang isama mo. Dito na kami sa bahay ni Thania. Madami pa din akong gagawin dito. "sagot niya sabay hila kay Anzon papasok ng kwarto nito.
"Bro... "sabay tapik sa aking balikat ni Jared na kakarating lamang. "mukhang ang lalim ng ating iniisip ah,at mukhang nakadami ka na din ng nainom. "sabi niya.
"tsss,, ang tagal mo bro.nainip na ako sayo. "sagot ko na lang. Mas mabuti pa ata di na ito dumating eh.
"Usapan natin alas otso, alas otso pa lang oh....aga mo dito ata bro. Eh. "sabi niya habang nakatingin sa kaniyang relo.
"Nabuburyong na ako sa bahay, kaya pumunta na agad ako dito."sagot ko.
"Balita na ba bro sa inyo ni Lindsey.? "curious na tanong niya
"wala na akong pakialam sa Kanya bro. Si Anzon lang ang iniisip ko."
"Seryoso ????"hindi makapaniwalang tanong ni Jared sa akin. Pero kung si Anzon lang bakit wala akong nakikita na ginagawa mo para ipaglaban mo siya."dagdag niya.
Hindi muna ako sumagot bagkus ay sunod sunod na tumungga ng alak.
"Pinagiisipan ko pa bro ang gagawin ko. "walang emosyon na sagot ko.Sa totoo lang di ko alam kung ano ang nais kong gawin sa oras na ito. Naiinis ako, nagagalit at di ko alam kung kanino,kung kay Lindsey ba o sa sarili ko.
"ang gawin mo bro.,bawiin mo anak mo. ipaglaban mo siya at akuin mo ang responsibilidad total kayang kaya mo ibigay ang lahat ng pangangailangan ng anak mo. "suhestiyon niya. "Pero kaya mo ba alagaan ang anak mo sa kabila ng pagiging busy mo sa kompanya. "dagdag niya muli.
"Hindi ganon kadali yun,bro."sabi ko sa kaniya.
"Madali ang lahat sayo bro. Dahil may pera ka. Kaya mong daanin sa pera ang laban".seryosong sabi niya sabay tungga ng alak.
Hindi na ako sumagot bagkus tumungga ulit ako ng sunod sunod.
"Mapwera na lang, gusto mong bawiin ang mag-ina mo. Ayaw mo lang aminin kasi para ka na ding si Lindsey dati na mataas ang pride, mas masahol pa sa mataas ang pride. "natatawang sabi niya na di ko alam kung pabiro ba o hindi.
"tsssss!!! usbaw ka talaga!!! "Kahit wag na siya bumalik sa akin. "Humanap na lamang ulit siya ng lalaking mapagrarausan niya ng kaligayahan ng katawan niya. Masyado siyang naging malandi na di ko akalaing magagawa niya. "himutok ko,sabay tungga ko ulit .
Malapit na kaibigan ko si Jared at alam niya lahat sa buhay ko kaya siya lagi tinatawagan ko kapag gusto maglabas ng sama ng loob.
"Bro. alam mo ang problema sayo, hindi ka pa din kumawala diyan sa nakaraan niyo kaya hindi mawala ang problema niyo ngayon ng asawa mo. "
Napatingin ako kay Jared.Totoo naman siya ,lagi ko naaalala ang mga nangyari nung nakaraan. Ang mapait at masakit na nakaraan namin ni Lindsey. Madami kaming masasayang nakaraan na pinagsamahan ngunit mas nangingibabaw sa akin ang mga masasakit at mapapait kaya malimit ako mainis at magalit tuwing magkasama sa bahay. Napagbubuntunan ko tuloy pati anak niyang bastarda. Kung paano niya ako unti unting inalis sa buhay niya dati.
"Mahal, magkita naman tayo. "malambing na sabi ko sa kaniya habang magkausap kami sa cellphone. Hindi niya kasi ako pinapupunta sa bahay nila kahit malapit lang naman ang bahay nila at magkaranggay lang naman kami.
"Mahal, busy ako eh. May exam di ako Nagrereview ako. "pagtanggi niya.
Pangatlong beses niyang pangtanggi sa akin iyon.
Noong 1st year College niya ok pa kami. Pero nung mag 2nd year na siya at nalaman niya na di pa ako mageenrol kasi kailangan ko pa magipon ng pangpapaenrol nagbago na siya. Lagi na siya umiiwas sa akin.
Hindi niya pa din ako naintindihan sa pinagdadaanan ko,kasabay kasi nun ang pagkamatay ni ama.Kaya yung kinita sa bukid ay naipagpagamot nun ni ama at nagamit ang iba nung mamatay ito.
Hindi niya man lang nga ako pinuntahan nung mamatay si ama. Hinihintay ko siya kasi sabi niya pupunta siya pero ni anino niya di ko nakita.
Inintindi ko na lang siya at ininunawa. Exam week nila ulit yun at fieldtrip daw nila.
"tssss. "naiiling na bigkas ko ng maalala ko iyon.
Kung ano ano pang sama ng loob ang aking ipinaghimutok kay Jared. Salamat at nakikinig lang siya sa akin kahit lasing na ako.
Uminom lang ako ng uminom hanggang sa tuluyan na akong malasing at mawala sa huwisyo.