Chapter 3

1071 Words
Leonil POV Naalipungatan ako dahil sa sakit na naman ng ulo ko dahil sa hangover. Pasalamat ako kay Jared ,sa isang linggong pagiinom ko at paglalasing ay lagi niya akong iniuuwi dito sa bahay. Baka kung hindi dahil sa kaniya ay nagkada bangas bangas na ang gwapo long mukha at katawan pati na siguro kotse ko. Babangon na sana ako para maligo, ngunit napabalik akong muli sa pagkakahiga dahil sa tindi ng sakit ng ulo ko. "grabe, Lindsey wala ka na nga sa buhay ko, pinapahirapan mo pa din ako. "pagmamaktol ko sa sarili ko. Dapat anak ko na lang iisipin ko,kung paano ko siya mababawe Pero bakit ganon wala akong maisip na kahit anong paraan.Kung tutuusin ay napakadali lamang na ipaglaban ang anak ko dahil mapera na ako. "Mahal, ang tagal mong hindi nagpaparamdam sa akin? May problema ba tayo? "text ko Kay Lindsey. Limang buwan na kasi siya di nagparamdam sa akin. Madalas ko siyang itext at tawagan ngunit ni minsan ay hindi niya Man lang ako sinagot. Isang beses sinubukan ko siyang puntahan sa kanila ngunit di ko Man lang siya nakita doon. Ang sabi ng Nanay niya ay nagboarding house na lang daw ito para di na maguwian sa kanila kasi masyadong malayo. Tinanong ko naman kung saan ito nagboboard ngunit mahigpit na bilin daw ni Lindsey ay wag sasabihin lalo na Kung ako ang naghahanap. Ibig sabihin lang nun iniiwasan niya ako, di na niya ako Mahal, tama di ba. "Wala na ba talaga akong halaga sayo? "Sobra na pagtatampo ko sayo alam mo ba, abot na hanggang langit kasi ni minsan di ka na nagparamdam sa akin. "pangalawang text ko sa kaniya. Totoong tampong tampo na ako sa kaniya dahil sa ginagawa niyang pagbabalewala sakin. Iniwan niya na lang ako basta basta ,ni hindi ko nga alam na wala na pala siya sa kanila ..Samantalang dati kahit anong bagay ang nangyayari sa kaniya sinasabi niya sa akin. "Sana man lang sinabi mo ng ayaw mo na sa akin, na di mo na ako mahal. Hindi yung basta basta ka na lang nang iiwan kasi umaasa pa ako sayong meron pa tayo. "pangatlong text ko sa kaniya. Umaasa ako baka busy lang talaga siya pero mali eh halatang halata na ang pag iwas niya sakin. Walong buwan na din yun, patapos na din siya 2nd year niya, masyadong matagal din yung pangbabalewala niya sakin. Beep!! Beep!! Tunog ng aking cellphone. Nagmadali akong tingnan kung sino ang nagtxt, umaasang si Lindsey yun. From Lindsey. Isang himala. Kaagad kong inopen ang mensahe at binasa. "Sorry kung wala tayong personal na closure. Pero tinatapos ko na ang sa atin. May boyfriend na ako, si Frank isang engineer. "laman ng mensahe galing kay Lindsey. Alam ko na naman na tapos na para kay Lindsey ang lahat pero sobrang sakit pa din..Ang bilis naman niyang nakapagpalit ng boyfriend.Ipinamukha niya pa sakin na wala siguro akong mararating o pangarap dahil sa engineer ang pinili niya. Masyado namang mataas ang pangarap niya, at nagawa niya akong iwan para doon. "Leonil,bangon na ikaw. Heto pinagluto kita ng sabaw. Kumain ka muna para makainom ka ng gamot para sa hangover mo. "panggigising ni mama sa akin. Napapitlag naman ako bigla dahil sa panaginip ko, akala ko kasalukuyang nangyayari iyon .Totoong nangyari iyong panaginip ko .Matagal na iyon pero sariwa pa din sakin ang sakit na dulot noon sa puso ko. Si Lindsey ang nagiisang babae na minahal ko at talagang sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino, kaya sobrang sakit sakin. Bumangon ako at pinilit na kumain at uminom ng gamot. "anak, magpapakasira ka ba dahil sa asawa mo.? Bumangon ka, lumaban ka para sa anak mo. Hindi yung nagpapakalasing ka. Isang linggo ka na di pumapasok. Tumawag na yung secretary mo dami mo na daw meetings na nakansel. Anak, baka yan ang magpabagsak sayo,sa laki ng hirap at pagtitiis ang ginawa mo, maabot mo lang ang meron ka ngayon. "mahabang litanya ni mama. "ma, iwan niyo muna ako, last na to .Bukas bawe na ako, di ko lang talaga Kaya ngayon. "sagot ko na lang kay mama "anak, ginigising lang kita sa katotohanan, sa totoong buhay. Wag kang magpakasira. Kung gusto mo sila ulit bumalik dito gumawa ka ng paraan. "baling niya ulit sa akin. "sige na Ma, iwan niyo na ako, pakiusap. "pakiusap ko Kay mama .Alam ko kasi madami pang litanya si mama, ayaw ko na muna makarinig ng kahit na ano. Gusto Kong matulog, pakiramdan ko pagod na pagod ako. "OK sige anak,pagbibigyan kita basta bukas magsisimula ka muli. "sabi ni mama habang palabas na siya ng kwarto ko. Pumikit akong muli at at pinilit na makatulog. Kailangan kong bumawe ng lakas,para harapin muli ang buhay. Nakatulog naman ako siguro ng mga 30 minutos. Nag-iba na pakiramdam ko. Bumangon na ako at naligo. Kailangan ko magpapawis, kaya napagpasyahan ko muna mag gym. Isang oras din ako nag gym. Pagkatapos ay nagjogging naman ako sa buong village. Takbo lang ako ng takbo, hindi ako nakakaramdam ng pagod. Randam na ramdam ko ang tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. "Mahal, ang sarap sa feeling na nagjojogging tayong dalawa tapos magkahawak kamay na ganito ."nakangiting sabi ko kay Lindsey.Andito kasi kami sa park, na kagaya ng Quezon City memorial circle.Nag-aya kasi siya magjogging kasi daw ang taba na niya. Tingin ko naman hindi pa siya mataba, imagine niyo ang katawan ni Liza Soberano mataba na ba yun. "Sana lagi tayong ganito,masaya na magkasama. "nakangiti niya namang sabi sakin sabay yakap sa aking mga braso. Dahil sa alaalang yun, naupo muna ako sa isang bench sa may ilalim ng maraming puno. Bigla ako nakaramdam ng pagod at uhaw. Nagpalinga linga ako upang maghanap ng mabilhan ng tubig ngunit wala pang dumadaan. Ang nandoon lamang ay ang magtitinda ng mga kwek-kwek, fishball ,kikiam at kung ano ano pa, puro juice o palamig lang naman ang inumin. Naalala ko na naman si Lindsey. "Mahal, ang takaw mo naman 50 pesos na naubos mong kwek -kwek at kikiam. "pagpupuna ko kay Lindsey. Ditong dito din iyon sa pwestong ito.Dito kasi kami nagdadate dati, parang Luneta Park naman ang Style nito. Mahilig kasi siya sa mga streetfoods ,ganon ang bonding namin dati. Naiintindihan niya kasi ako dati na wala akong panglibre sa Kanya sa mga restaurants,kaya madalas sa ganitong park siya magyaya. Sana nanatili kaming ganoon.Sana masaya kami ngayon. Panghihinayang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD