Lindsey POV
Naabutan ko si nanay na nagliligpit na ng mga plato sa kusina.Kakatapos lamang nilang kumain lahat, ako na lang di kumakain kasi pinakain ko muna mga anak ko pagkatapos ay binihisan. Mas gusto ko kasi na ako magpakain sa mga anak ko pag nasa bahay na ako.
Kumuha ako ng pagkain at nagsimula na ding kumain. Nakakapagod din ang maghapon sa grocery store, ang daming mamimili.
"anak,kamusta pala sa palengke. "tanong ni mama habang papalapit sakin. Kakatapos niya lang maghugas ng plato, ginawa niya pang pamunasan ng kamay ang apron niya.
"naku Nay! Kailangan ko agahan bukas ang pagpunta sa palengke para makapaginventory muna bago magbukas ,pamihado madami ng wala sa store natin. Ang dami tao kanina sa palengke at namimili.
"meron talagang araw anak na madaming tao at namimili, lalo na kapag may mga Fiesta,pasko naku kailangan magdagdag tayo ng tao na makakasama mo pag ganong araw at baka ikaw mabudol budol pa sa kadamihan ng tao. "sabi ni Nanay. At saka anak, madami din talaga namimili sa atin kasi mura ang paninda natin kesa katabi nating store.
"opo nga Nay, daming namumurahan sa paninda natin, lagi nilang sabi babalik daw ulit sila at sa store na natin mamimili.
"mabuti naman anak at nawiwili ka na sa store natin. "medyo pasigaw na sabi ni mama papunta kasi siya sa sala. Nilakasan siguro ang boses at baka di ko marinig.
"abah kailangan nay, di ako dapat magpatumpik tumpik ngayon. "sagot ko kay nanay. Medyo nilakasan ko din ang boses ko kasi nasa sala pa din siya. Ewan ko ba kay nanay, naguusap pa kami palayas layas. Isinubo ko na ang huling kutsara ng pagkain na nasa aking plato at uminom ng tubig. Titindig na sana ako ng bumalik si nanay na may dalang sobre, di ko alam kung ano yun, bill siguro.
"tama anak, panindigan mo ng maayos ang mga anak mo. Wag ka ng muling gagawa ng ikakasira mo lalo na ng mga anak mo, dahil sila na ngayon ang tunay mong kayamanan. "paliwanag ni mama. Sang-ayon naman ako sa kaniya. Mahal na mahal ko ang mga anak ko, at sila ngayon nagpapasaya sakin kaya Gagawin ko ang lahat maibigay ko lang pangangailangan nila. Hindi man buong pamilya kami, dahil wala daddy nila, ipaparamdam ko sa kanilang ako lang sapat na kasama sina Nanay.
"pangako nay, hindi na... Tanging kung anong makakapagpasaya sa mga anak ko, sa inyo ang aking gagawin. Kaya sana suportahan at tulungan niyo pa din po ako sa laban ko. "medyo nangingilid na ang luha ko, pero pinipigilan ko na bumagsak iyon. Madami na akong nailuha sa piling ni Leonil, tama na muna ngayon lalo nat di ko na naman siya kapiling.
"oo naman, syempre andito lang kami pati Papa mo. Kahit hindi toong nag-iimik ang Papa mo, mahal ka nun "sabi ni mama. "Heto nga pala anak, letter para sayo. Di ko binuksan yan, ikaw na magbukas. "dagdag ni mama, sabay abot sa akin ng sobre.
Kinuha ko ang sobre at inopen.
Subpoena....
Pinapapaattend ako sa hearing sa korte, dahil umaapila si Leonil ng custodiya para kay Anzon.
Sinabi ko kay nanay ang laman ng liham.
"anak, alam mo na mangyayari iyan,kaya dapat handa ka sa pagharap sa kaniya ."sabi ni nanay
"Nay, kaya ko ba?"pagaaalangan ko
"syempre naman anak, anak mo ang ipaglalaban mo. "pagpapalakas ni nanay. "Gawin mo ang nararapat, kaya mong buhayin silang dalawa kaya ipaglaban MO. "paliwanag niya pa
Hindi na ako makasalita dahil sa sari saring emosyon at alalahanin na nasa isip. Paano kung matalo ako, malalayo sa akin ang anak ko.
"anak, malakas ang laban mo kahit may pera si Leonil. Ayon sa batas, ang batang walang pitong taong gulang ay dapat nasa pangangalaga ng ina. Nagkakaroon ng mga ganiyan apila apila kapag may nakita silang butas sa kabilang parte ,lalo na kung hindi mapapangalagaan ng kabilang parte ang bata, pero sa case mo naman ay wala silang makikitang butas o ikakasira mo dahil nagsisikap ka para sa anak mo.Gets mo ba? "mahabang paliwanag ni Nanay
Tumango na lamang ako bilang sang -ayon sa kaniya. Kailangan kong ipanalo ang labang to para sa aming magiina.
"anak, isipin mo kung paano muling bumalik o pumasok si Leonil sa buhay mo at kung paano at bakit ka nagplano na umuwi dito satin. "pagpapaalala ni Nanay. "sige na anak, alam kung sobra kang pagod ngayong maghapon tapos dumagdag pa iyan. Magpahinga ka na pagkatapos mo dito, sisilipin ko lang kung mahimbing na ang mga bata at matutulog na din ako. "pagpapaalam ni Nanay
Tumango na lang ako bilang tugon kasi wala akong maisip na mga sasabihin o itugon. Gusto ko muna pagisipan ang aking mga gagawin. Pumasok na si nanay sa kwarto at naiwan ako mag-isa. Hinugasan ko na muna ang aking pinagkainan bago nagpasyang maglinis ng aking katawan.
Habang naliligo ako, napatigil ako at naisip ko kung paano nga ba kaming muli nagkatagpo ng landas at naging mag-asawa pa.
Nagbabantay ako ng sasakyan, pauwi na ako galing sa mall,subalit may napansin akong lalaki na sakay sa kotse na titig na titig sa akin. Nakipagtitigan ako sa kaniya kasi di ko agad siya makilala. Ilang segundo din iyon, at nung mamukhaan ko si Leonil pala. Nagiwas ako bigla,ngunit laking gulat after ilang segundo nasa harap ko na siya.
"Lindsey???? Ikaw ba yan? "medyo nakangiti na nagtataka siguro bat ganon hitsura ko.
"ha.... Ah.. Oo ako nga... "medyo nabubulol pa ako. Ang gwapo niya ngayon as in gwapo at ang linis linis tingnan, parang araw araw ata ito sa parlor.
"ahmm ginagawa mo dito? "nacucurious niyang tanong
"nagbabantay akong jeep,galing akong mall. "sagot ko na lang
"shopping? Mag-isa ka Lang? "tanong niya ulit.
"namili ako para sa anak ko. Oo magisa lang ako. "isang tanong isang sagot ko.
"may anak ka na??? "medyo napalakas niyang tanong. Napalinga naman ako sa lakas ng boses, tiningnan ko ang mga taong napatingin samin.
"sorry"dispensa niya.
"OK lang... "tugon ko. "Wala pa akong anak, heto pinagbubuntis ko pa lang siya. "sagot ko naman sa tanong niya.
"may asawa ka na? "tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko,kung aaminin ko ba ang totoo. Saktong may dadaang jeep, pinara ko agad at nagpaalam na lang ako sa kaniya at Di ko na sinagot tanong niya.
"ahm Leonil, una na ako ha may jeep na. "paalam ko. Tumango naman siya.
Pagkauwi ko ng bahay.Wala akong gagawin. Kasi dapat rest day namin ngayon so dahil wala nga akong time mamili pag monday to Saturday ay ginamit ko ang rest day.
Nagfacebook ako.At nakita ko na nagfriend request sakin si Leonil Guile .Kaagad agad..Napapailing kong wika.
Inignore ko lang siya. Hindi dahil sa ayaw ko sa Kanya kundi dahil nahihiya ako sa kaniya.
May pinadala pa siya message sakin.
"accept mo ako " sabi niya.
Di ko nireplayan.
Madaming beses siya nagpadala ng messages simula nun pero di ko talaga siya nirereplayan.
Hanggang sa nanganak na ako patuloy pa din siya sa pagmemessage ,laging nangungumusta. Dalawang beses o tatlo pa atang beses nagyaya siya lumabas pero dinislike ko iyon.
Hindi ko alam kung bakit siya nagmemessage.Alam niya daw wala pa ako asawa kaya replayan ko naman daw siya. Di ko alam paano niya nalaman iyon.