Gosh!!!!Unang halik ko yun sa labi at kay Davis ko naranasan.Napakaeksperto ng paraan ng kaniyang paghalik.Pakiramdam ko nabitin ako pero kailangan ko kontrolin ang aking sarili para hindi kami dalahin sa mas mapusok pang kahihitnatnan.Ayaw ko pa mabuntis . Pero nakonsensya din naman ako alam ko nageexpect si Davis na may mangyayari samin dahil nga pumayag ako,pero hindi ko pa pala kaya ibigay iyon ngayon sa kaniya.
Padapa siyang nakahiga sa kama .Shocks!!!!super hot!!!!Pakiramdam ko ang sarap imassage ng likod niya .Naglaway ata ako sa matambok nitong puwet.... Felicidad.....stop thinking like this!!!!!matapos mong pigilan siya na may mangyari sa inyo ....ngayon pinagpapantasyahan mo siya....Suway ko sa sarili.
Paumaga na ako pinatulog ng halik ni Davis.Nararamdaman ko pa din Kasi sa labi ko ang mga labi niya.Tapos yung kamay niya na pumasok sa ano ko...sa blouse ko tapos nagtouch sa b**bs ko ....ahhhhh...gosh!!!Di ko maexplain....Mabuti nacontrol ko pa din sarili ko kung hindi naku....Wala na Ang virginity ko....
Nagising ako dahil sa dalawang lalaki na naguusap.Pagmulat ko yung delivery boy pala at si Davis.
Bumangon na ako at tiningnan ko muna ang cellphone ko....Alas 10 na pala ng umaga..Tanghali na pala ako nagising.Habang naguusap pa ang dalawa tungkol sa order na kung ano ba yun ay dumretso na ako ng CR para maligo.
Nang matapos Naman ako ay naghahanda na ng pagkain si Davis.
"Tapos ka na pala ...Kakain na tayo."Sabi nito na akala mo ay wala nangyari kagabi.
"Sige sunod na ako diyan.Magsuklay lang ako."sabi ko.Nagpatay malisya na lang din ako.
Mabuti hindi sumama ang loob niya sa akin dahil sa nangyari kagabi.
Pagkatapos ko magsuklay pumunta na din ako sa table para makakain.Pinaglagyan ko siya ng kanin at ulam.Alam ko nakatitig siya sakin at wari koy parang may sinusuri sa akin na hindi ko alam kung ano.
"B-bakit ?"tanong ko
"Anong bakit?"
"Bakit ka nakatingin sa akin?"
"Wala .....Sorry!"
"Sorry saan?"
"Sa nangyari kagabi."
"Ok lang ..Wag mo nang isipin...Kumain na tayo."sabi ko sa kaniya at nginitian ko pa siya.
Ako ang guilty hindi dapat siya.Dapat nga ako pa magsorry sa kaniya.
"Anong gusto mong gawin ngayon?"tanong niya.
"Gawin saan?"
"Last day na natin dito sa Cebu.Saan mo gusto pumunta ?"tanong nito
"Dito na lang tayo.",sagot ko
"Wag na lumabas na tayo..Sayang ang araw natin.Wala din naman tayo gagawin dito unless......"
"Sige labas na lang tayo...",Nakangiti Kong sang-ayon sa kaniya.
Ngumiti lang ito sa akin.
Nagpunta kami sa isang massage parlor Kasi pakiramdam ko ang sakit sakit ng katawan ko dahil sa kakagala.Habang namamasyal kami magkahawak kamay kami.Malimit nasa bewang ko ang kamay niya.Paminsan minsan humahalik siya sa pisnge ko.Hinahayaan ko lang siya dahil alam kung malaya kami dito sa Cebu.
Dumayo nga pala kami ng panonood ng movie dito sa SM Cebu.Feeling ko teenager lang din ang kasama ko.Di ko nararamdaman na mas matanda ito sa akin.Sobrang napakagentleman na tao na mas ikinakilig ko iyon.
Actually hindi ko totoong naintindihan ang pinanood namin dahil hindi ako nakaconcentrate sa sobrang clingy ng kasama ko.
Humalik na ng humalik sa leeg ko .Hinimas na ng hinimas ang bewang ko .Hays!Heto na naman siya.Malapit na akong bumigay dito.Sana palagi pa din akong nasa katinuan.
Gabi na kami nakauwi ng hotel.Kumain na din kami sa labas.
Namahinga lang kami ng kunti.Dumeretso na din ako sa Cr para maligo at pagkatapos nadatnan ko na natutulog na sa sofa si Davis ng lumabas ako.
Ginising ko ito upang makapagpalit na ng damit .Ngunit si loko hinila naman kaya napadagan ako sa ibabaw niya.Ngising ngisi siya sa akin.
"Kiss me."Nakangiting pang-aasar nito sa akin.
Nginisian ko lang din siya at tinampal sa balikat.
"Hmmmm maligo ka na."sabay alis ko sa ibabaw niya.
"Wait mo ako ."Nakakalokong Sabi niya.
Inirapan ko lang siya habang naglalakad siya papuntang CR.
Humiga na ako sa kama pero hindi na ako nagtulog-tulugan hahaha
Nadatnan niya akong nagcecellphone.
Naramdaman Kong pabagsak siyang naupo sa couch.Sinilip ko ito .Prenteng nakasandal ito sa couch at nakapikit ang mga mata.Maya -maya ay nahiga na ito doon.
Hindi na ito nagsalita pa at pumikit na.Sa lagay ay doon yata ito matutulog.Sabi hintayin ko daw siya ...Nangyari kaya dun.... sa isip isip ko..Nakonsensya naman ako baka kaya di na siya tumabi sa akin Kasi di niya mapigilan sarili niya tapos di ko naman pagbigyan ..Pagbigyan ko na kaya...sa isip isip ko .
"Davis.....Wuiiiii.....Davis...."tawag ko.
"Hmmmm"
"Diyan ka matutulog?"
"Matulog ka na."
"Kung diyan ka nga matutulog ?"
Hindi na ito sumagot at narinig ko na lang ang mahinang harok nito.
Hinayaan ko na lang din siya doon kahit na nakokonsensya ako.
Kinabukasan ay flight na namin Pa Manila.Back to normal na ulit..Palihim na naman ang aming relasyon.
Inihatid ako ni Davis hanggang sa pintuan ng aming unit.
"Davis salamat ."sabi ko
"Hindi mo kailangan magpasalamat .Sana nagenjoy ka kasama ako.",
"Nag-enjoy ako sobra.Ikaw ba ?Masaya ka ba na nakasama mo ako?"
"Oo naman."maikling sagot niya.Alam ko at ramdam ko na may panghihinayang ito.
"Sorry ha"
"Saan?"
"Dahil hindi ko na natupad ang sinabi ko."
",Wag na natin pagusapan pa yun."
"Tampo ka?"
", Pumasok ka na at magpahinga ka na..Wag mo na isipin yun."
"Davis ..."
",Felicity .... Pahinga ka na...Mauna na ako."
Tumango na lang ako sa kaniya.Niyakap ko siya ng mahigpit at tumugon naman ito sa yakap ko...
"sige na ....uwi na ako....."
"I love you Davis..."
",I love you too Felicity."
Tumalikod na sakin si Davis at naglakad na paalis.
",Davis......", tawag ko
Lumingon ito sa akin.Lumakad ako papalapit sa kaniya.Ginawaran ko siya ng halik sa labi at mabilis pa sa alas kuwatro na gumanti siya sa halik ko.Naramdaman ko na naman ang pagiging ekperto niya sa paghalik .Sobrang lambot ng mga labi niya.Natutunan Kong makipagespadahan ng dila dahil sa kaniya.
Halos maubusan kami ng hininga bago naputol ang halikan namin.
"Umuwi ka na "Nakangiting Sabi ko dito.
Ngumiti din ito sa akin.
"Sige salamat ingat k ..I love you."
"Ingat ka din. Love you too."
Bago pa ito muling tumalikod ay hinila niya akong muli papalapit sa kaniya at sinakop niya muli ang aking mga labi.Napakasarap ng paraan ng paghalik niya.Naisandal niya pa ako sa pader at doon pinagsawaan ng halik sa labi.Bumaba pa iyon sa leeg ko at napapaungol na ako sa kakaibang sarap na hatid nito sa sistema ko .
"Andyan ba si Vianca?"tanong niya .
"O-o Davis.'Paungol Kong sabi.Sa lagay kung wala ay ipapasok niya na ako sa kwarto para matuloy ang hinihintay niya sa akin.
Natigil kami sa paghahalikan ng tumunog ang elevator.Mabilis kaming umayos ng pwesto bago nagkatinginan.Hindi naman siguro kami nahalata ng mga taong lumabas ng elevator.
"Umalis ka na.See you again tomorrow."sabi ko.
Parang napipilitan pang umalis si Davis.
Kinabukasan maaga na akong pumasok sa opisina.
"Good morning Sir Gab."Ito Kasi agad ang nabungaran ko pagpasok ng opisina.
"Good morning. Welcome back.Kamusta ang bakasyon sa Nueva Ecija?"
"Ok naman po,medyo bitin."sabi ko.
"Oh nasaan ang mga pasalubong namin?"
"Oh my God !!!!!"Napatutop pa ako sa aking bibig.
"Naku! Nakalimutan ko sa bahay Sir.Pwede bukas na lang.",How come nakalimutan ko na maaari nga palang mangburaot ng pasalubong ang mga katrabaho ko .Naku kung hindi maghanap pa ako mamaya sa Divisoria ng mga pagkaing galing sa Nueva Ecija.Alam ko naman may mabibili ako nun dito yun nga lang mageeffort pa ako maghanap .Syempre kailangan ay pagkain na galing sa probinsya namin para totoong umuwi ako.Magpapasama na lang ako kay Vianca mamaya.
"Sure no worries Felicity."
"Ahhh Si Sir Davis po?"pagkuway tanong ko.
"Akala namin magkasama kayong nagbakasyon kaya sabay kayo nagleave.",
",Eh di sana hindi na ako nagtanong Sir."Natatawang sagot ko dito.
",Sabagay....Nagpaextend siya ng 3 days leave pa ngayon lang ..Baka bitin pa ang bakasyon nila sa Laguna kaya humirit pa."
Taga Laguna si Pat .Ibig sabihin ay nasa byenan si Davis.Hindi man lang nagpaalam sa akin.
Nagpaextend ng bakasyon para sa kaniyang sa asawa. Ibig sabihin magkasama sila ng tatlong araw at sure ako na may mangyayari sa kanila lalo na at hindi ko ito napagbigyan....
Hays!!!!Ayan ka na naman Felicidad ...Ang overthink mo na Naman....Bawasan ang pagiisip ng kung ano-ano...Suway ko sa sarili.
Kinahapunan ay sinamahan ako ni Vianca sa Divisoria para maghanap nga ng mga pasalubong.Doon na din kami nagdinner .Naikwento ko na kay Vianca ang mga nangyari sa Cebu.
Hindi ito naniniwala na wala daw nangyari sa Amin...Pero pinanindigan ko talaga na wala Kasi wala naman talaga maliban dun sa kiss....
"Nakikita ko sarili ko sayo dati friend..Ganyan na ganyan ako.Tulad nitong pasalubong ...Naghanap talaga tayo para totoong galing ka ng Nueva ecija......",natatawang sambit nito.
"Ehhh syempre mahal ko..Masaya naman at nakasama ko siya sa Cebu."
"Mahal mo pa din kahit kasama niya pamilya niya ngayon at wala sa iyo ang oras niya?"
Napaisip ako sa sinabi nito.Oo malungkot..Pero mas malungkot pag tuluyang wala na kami sa isip isip ko
"Hindi naman ako nakikipagkumpetensya sa asawa niya.Asawa niya yun.Kuntento na ako sa oras na binibigay niya sa akin."sagot ko dito kahit sa kalooban ko kabaligtaran iyon.
Ang totoo naiinis ako dahil tatlong araw magkasama ang mag-asawa tapos hindi naman nagmemessage si Davis sa akin dahil takot mahuli ni Pat . Kailangang hintayin ko pa na siya mismo ang unang magmmessage.