Isang linggo na ang nakalipas mula noong nadatnan ko ang nanay kong bumisita sa bahay namin. Isang linggo na ring hindi kami nagpapansinan ni Papa. Ewan ko, nasaktan lang siguro ako sa pagsigaw niya sa akin dahil ‘yon pa lang ang unang pagkakataon na nasigawan niya ako. It was harder than I thought walking around the house with me and my father without talking. Ilang beses rin akong nag-attempt na kausapin siya kaso nagba-backout din ako sa huli. And now that I can’t take it anymore, narito ako ngayon sa labas ng kwarto niya nakatayo. I sighed hard before knocking his door three times at a slow pace. “Pa, mag-usap naman tayo oh.” Mahinang saad ko habang nakadikit pa rin ang mga palad ko sa pintuan niya. Rinig ko ang tunog ng kama niya, siguro ay tumayo upang pagbuksan ako. “Pa, sorry.

