LTSLG chapter 2

1702 Words
Chapter 2 Two months Ago... " Doctor Austria, ipinatatawag po kayo ng Head ng hospital. Ang sabi po ng secretary niya ay urgent daw po. " ani ng nurse attendant na naka schedule sa kanya ng oras na yon para i assist siya. " Okay tatapusin ko lang ito then aakyat na ko sa head office pakisabi nurse Lanie. " ani ni Arjay Austria na isang ophthalmologist and eye surgeon sa Villaruiz Medical Center sa isang bayan sa Pangasinan na pagmamay ari ng kanyang ninong Rodrigo. Kakalabas lang din kase ng pasyente niya para sa eye check up ng sabihan siya nang nurse na ipinapatawag siya ng Head nila. Inayos na muna niya ang mga gamit niya at nag hugas ng kamay at saka hinubad na muna ang doctors coat na suot niya. At pagkalabas niya ay dumiretso na siya sa opisina ng kanyang ninong Rodrigo na matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang. " Doctor Austria! " bati ng secretary ng head nila sa ospital ng makita siyang papalapit. " Pinapatawag daw ako ng head doctors!. Nasa loob ba si Ninong? " Ani niyang tanong sa babae na ikinatango nito sa kanya. " Yes, Doctor Austria. Hinihintay ka nga po ni Doctor Villaruiz. " sagot ng secretary. Tatayo na sana ang secretary ng pigilan niya at ngitian. Tumango naman ito sa kanya. " Ako na! " Kumatok ng tatlong beses si Arjay at pinihit ang pintuan at isinilip ng bahagya ang ulo niya na nang makita niyang nakatingin na sa kanya si Rodrigo Villaruiz ay pumasok na siya ng tuluyan at isinara ang bahagyang nakabukas na pinto. " Whats up ninong!? " bati niya rito. " Maupo ka na muna Arjay at seryoso ang pag uusapan natin. Kaya wag mo ko ma whats up, whats up na bata ka! " istriktong saad ng ninong niya sa kanya. " Okay! tsk, why so serious Ninong? " nakangiti niyang sagot na hindi na lang pinansin ng head doctors. May inilabas na brown envelope si Rodrigo at iniabot kay Arjay. Tinanggap naman ni Arjay ang envelope at binuksan at binasa ang nakalagay doon at ng matapos niyang pasadahan ng basa ay tumingin siya sa ninong niya. " Si Sofia Alcantara ang kababata ninyo ni Daniel. Natatandaan mo pa ba siya iho? Ang anak nila Luisa at Manuel Alcantara na kaibigan namin ng ama mo na lumipat ng Manila. Medical record niya yan na ni request ni Manuel sa ospital kung saan sila na confine na mag anak. " pag i explain ni Dr. Villaruiz kay Arjay. Naaksidente sila ng parents niya last month ng patungo sila rito sa pangasinan para magbakasyon. Okay naman na ang mag asawa pero ang anak nilang si Sofia ang napuruhan dahil nabulag ito. Lumapit sa akin si Manuel kanina at gusto niyang dito na lang sa ospital natin operahan sa mata ang anak niya. And since na ikaw ang ophthalmologist na kakilala kong magaling sa larangan ng eye surgery inirecommend kita na maging doctor ng anak nilang si Sofia. " pahayag ni Rodrigo sa inaanak. Tumango tango naman si Arjay. " I remember her, dalaga pa rin pala siya! " pilyong wika ni Arjay na ikinasama ng tingin sa kanya ng ninong niya. " What!? Nabasa ko sa record niya na single siya!. " depensa nya sa sarili na ikinailing na lang ni Rodrigo. Kilala naman ni Rodrigo ang ugali ng inaanak dahil ng mamatay ang mga magulang nito ay siya na ang tumayong ama amahan ni Arjay. Na kaya nag doctor ito ay dahil din sa kanya. Nagawa niyang maimpluwensyahan ang anak ng kaibigan niya na isang businessman noon pero ang ina ni Arjay ay isa rin namang doctor, nga lamang ay Pediatrician. Hindi man niya tunay na anak si Arjay ay mahalaga ang binata sa kanya. Mas nabigyan pa nga niya ng oras at pagmamahal si Arjay kaysa sa tunay niyang anak na si Daniel na mas piniling manirahan sa ibang bansa at ibang propesyon ang tinahak gayong kilalang mga doctor ang pamilya nila at ang namayapang asawa nya ay isang nurse noon. " So tatanggapin mo ba na maging doctor ng anak ni Manuel? " seryosong tanong niya kay Arjay. " Do i still have a choice? Nairecommend mo na ko ninong ang sabi mo di ba!? Syempre ayoko namang ipahiya ka sa kaibigan mo. Pakisabi na lang kay Mr. Alcantara na puntahan na lamang nila ako sa post ko para ma check up ko ang mata ni Sofia at makita ko kung may pagbabago ba sa mata ng anak niya. " pahayag ni Arjay. Tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair si Rodrigo at nagpamulsang tinignan si Arjay sa mata. " May problema, ayaw ni Sofia na lumabas ng kwarto niya. Masyado niyang dinamdam ang pagkawala ng paningin niya. Ayaw na din daw nitong magpagamot at magpa opera pa ng mata mula ng makipaghiwalay ang boyfriend niya sa kanya ng malaman nitong nabulag si Sofia. " Pagbibigay info pa ni Rodrigo kay Arjay na nangangalit na ang panga sa naririnig. " At sinabayan pa talaga ng boyfriend niya ang pagkabulag ng dalaga ni Manuel. Ayun lalong na depress si Sofia ang sabi ni Manuel sa akin. " Pagbibigay impormasyon pang muli sa kanya ng kanyang ninong tungkol sa sitwasyon ng magiging pasyente niya. Nakaramdam ng galit si Arjay sa lalaking nang iwan kay Sofia dahil lang sa nabulag ang babae. Naikuyom nya ang kanyang kamao at umigting nga ang kanyang panga. " That bastard! Idiot. " galit na wika ni Arjay. " I know how you feel iho! ganyan din ang naramdaman ko ng sabihin sa akin ni Manuel ang dahilan kung bakit ayaw ng mag pa opera ng anak niya. " simpatya ni Rodrigo kay Arjay ng mapansin niya ang naging reaction nito. " Give me their address Ninong at ako na lang ang pupunta sa kanila para matignan ang mga mata ni Sofia. " ani ni Arjay kay Rodrigo. " Mukhang mahihirapan pa ko sa babaeng iyon na mapapayag na suriin ang mga mata niya! Sa tingin ko matigas ang ulo ni Sofia, Ninong." seryosong wika ni Arjay na umiiling iling na. Na para bang napasubo na lang din sa pagtanggap sa kaso ng pasyente niya. Lihim na napangiti si Rodrigo dahil sa isipan niya hindi siya nagkamali na sa inaanak nya ipahawak ang mga mata ng anak ni Manuel. " Okay, ill send it to your messenger later. After kong kausapin si Manuel sa phone. " sagot agad niya kay Arjay. Samantala sa bahay ng mga Alcantara ay kanina pa kinakatok ng mommy ni Sofia ang pintuan ng kanyang kwarto. Hindi rin magamitan ng duplicate key ang doorknob ng pinto dahil nagawa ni sofia na madouble lock ang pinto ng kwarto niya kahit na sa pakapa kapa lang sa pader ang nagagawa nito. " Sofia please, open the door anak! Please naman Sofia, buksan mo na 'to. Hindi ka pa kumakain mula pa kagabi anak. Magpapakamatay ka ba sa gutom? " pakiusap na ni Luisa sa anak at nag aalala na ng sobra para kay Sofia. Tinawagan na ni Luisa ang asawang si Manuel dahil hindi na niya alam ang gagawin niya kay Sofia. " I want to be alone! i dont want to eat. Leave me alone! Mom. " pa asik na ani ni Sofia sa ina. " Pero kailangan mong kumain Sofia. Pakiusap anak buksan mo na to. Nag aalala na ko ng sobra sobra para sayo!. Gusto mo bang mamatay na ako dahil sa sa pag aalala ha!? " pag da drama na ni Luisa dahil wala na siyang maisip na paraan upang buksan ni Sofia ang pintuan ng kwarto nito. Tumayo si Sofia mula sa pagkakaupo sa kanyang kama at dahan dahan na naglakad na kinapa kapa ang pader hanggang sa makarating sya sa pinto at tinanggal ang pagkakahook ng double lock sa loob ng kanyang silid. Nang bumukas ang pinto ay agad na pumasok si Luisa sa kwarto ni Sofia at yumakap sa kanyang anak at umiyak. " Sofia, anak ko! Wag mo na muling i do double lock ang pinto ng kwarto mo ha. Ikamamatay ko kung may nangyare sayo! Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay namin ng Daddy mo anak. " " Ayoko na mom! Ayoko ng mabuhay pa. Bakit kailangan na mabulag pa ko!? Bakit ako nakakaranas ng ganito? Ang sakit mommy! " hagulhol pa ni Sofia sa ina. " Malalagpasan mo rin ang pagsubok na ito Sofia, Isipin mo na lang kaming mga magulang mong nagmamahal sayo. Hindi rin naman namin kakayanin na mawala ka sa buhay namin ng Daddy mo. Alam mo naman yun! Nag iisa ka naming anak kaya kung nasasaktan ka, kami rin ng Daddy mo." ani ni Luisa sa anak na alam niyang nasasaktan dahil sa pakikipaghiwalay ng nobyo nito dahil sa pagkabulag ng anak. " Minahal ko si Carl mommy, pero bakit ganoon na lang kadali sa kanya ang iwanan ako? Nalaman lang nya na malabo na kong makakitang muli nakipag hiwalay na siya. " masama ang loob na sabi ni Sofia. Napabuntong hininga ang mommy nya at yinakap ng mahigpit sa anak. " Maaari ka pang makakita anak ang sabi ng Doctor. Magtiwala ka lang, makakahanap din kami. " ani ng mommy niya. " Hindi na mom, hindi ko na gugustuhin pang magpaopera at makakitang muli dahil narinig ko ang sinabi ni Carl. Aasa lang din tayo. Maghihintay lang din ako ng matagal at makakita man akong muli sigurado akong wala na rin akong mababalikan pang Carl, mommy. " matatag na wika ni Sofia sa ina. Napailing ng ulo ang ina ni Sofia dahil araw araw ganun na lang lagi ang usapan nila. Tuluyan ng nawalan ng pag asa ang anak nila ni Manuel na makakakita pa itong muli. Ang akala nila na makakatulong sa kanila ang nobyo ng anak na pilitin itong mag pa opera ng kausapin nila ito ng sarilinan at sinabi ang tunay na status ng mga mata ni Sofia. Naging dahilan pa pala para mas nawalan ng confident at tiwala ang anak nila dahil sa ginawang pakikipaghiwalay ni Carl kay Sofia. And the worst thing is sinabi pa nito na tanging Corneal transplant lang ang makakapagpabalik sa paningin ng anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD