LOVING THE SIGHTLESS GIRL

1721 Words
Loving the sightless girl Chapter 1 Palakad lakad at pabalik balik ang ginagawa ni Rolando sa labas ng Operating Room ng ospital. Hindi mapakali at ikinabubukas sara, bukas sara ng kanyang mga ķamay at minsan ay inilalapat pa ang isang kamay na nakasara sa kanyang labi at umuusal ng "Please lord help my daughter. Save her please! save my daughter lord!. " mahinang dalangin niya ng paulit ulit. Halos isang oras din siya na ganoon at naghihintay na magbukas ang operating room. Ilang beses din na tumawag ang kanyang asawa pero hindi niya magawang sagutin ang tawag nito dahil hindi nya alam ang sasabihin sa ina ng kanyang bunsong anak. Na kung hindi siya lumabas ng sasakyan kanina para bumili ng mineral water sa isang convenient store ay baka siya rin ay nasa loob ng emergency room o baka mas malala pa nga. Ihahatid kase niya si Lynette sa presinto kung saan ang departamento ng bunso nilang anak. Naglambing ito sa kanya na magpahatid dahil tinatamad raw itong mag drive. Dahil sira ang sasakyan ni Rolando ay ang kotse ni Lynette ang ginamit nila. Nasa loob siya ng convenience store ng ratratin ng bala ang kotse na gamit nila nang apat na lalaki na naka motor at nasa loob ng kotse ang kanyang anak. Dahil dati ring pulis ay palaging may bitbit na baril si Rolando sa kanyang tagiliran. Pinaputukan niya ang isa sa apat na lalaki na tinamaan niya sa balikat. Pero mabilis na nakatakas ang mga salarin sa pag ambush sa kanyang anak. Mabilis siyang lumapit sa kotse at pagbukas niya ay nakita niyang duguan si Lynette dahil malapit naman ang ospital sa pinangyarihan ay nadala pa ang anak niya sa Operating room dahil malala ang tama nito sa ibang parte ng katawan. Pagbukas ng pintuan ay sinalubong niya agad ang doctor na kakalabas lang ng operating room. " Doc, kumusta po ang anak ko, si Lynette doc kumusta siya!? " nanginginig na tanong niya. " Sir, im sorry! ginawa po namin ang lahat ng makakaya namin para sa anak ninyo pero hindi na nakayanan pa ng katawan nya. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Marami rin siyang naging tama sa katawan. " ani ng doctor na kumausap sa ama ni SPO2 Lynette Suarez. " L-lynette, anak ko! " tanging nasambit ng ama ni Lynette na napasandal sa pader at hindi na napigilan ang pagpatak ng luha para sa anak na namayapa. Tahimik na umiyak si Rolando na panay ang suntok sa pader. Napasandal ng upo ng mapagod si Mr. Suarez at pilit na ikinakalma ang sarili sa pagkamatay ng kanyang bunso. Si Rolando Suarez ay isa ring pulis noon tulad ng kanyang anak na si Lynette. Maaga lang nakapag retired dahil sa kahilingan ng asawa. Nagpulis si Lynette na anak niya dahil bata pa lamang ang anak nya ay lagi nitong sinasabi na idol sya nito kaya paglaki raw nito ay magpupulis din na hindi naman niya tinutulan kahit na hindi pabor ang asawa nya sa pagpupulis ng anak nilang bunsong babae. Ang panganay naman nilang anak na lalaki ay isa namang sundalo na nakadestino sa Mindanao. Nasa dugo nila ang pagiging matapang kaya nalinya ang pamilya Suarez sa pagpupulis at pagsusundalo. Alam ni Mr. Suarez na sa propesyon nila bilang isang pulis ay ang isang paa ay nasa hukay na. Swertehan na lang para sa kanila ang tumanda at makapag retired ng hindi nabawian ng buhay dahil sa trabaho nila. At isa si Lynette sa mga hindi pinalad. Ngayon ang iniisip niya ay paano nya sasabihin sa asawa na wala na ang bunsong anak nila at paano tatanggapin nito ang pagkamatay ni Lynette. Napasabak si Lynette sa isang misyon nung nakaraan at dahil sa misyon na yon ay nagkaroon ng death treat ang anak nya na binalewala lang ni Lynette. Palagi nyang pinag iingat si Lynette dahil sa hindi biro ang kanilang propesyon. Pero idinadaan lang ng anak nila sa biro ang pagpapaalala niya. " Mr. Suarez, pwede ko po ba kayong makausap sa opisina ko? " ani ng doctor na lumapit sa kanya na kakalabas lang din ng operating room. Na isa rin sa nag assist sa anak nya sa loob ng OR. Tumango naman ang ama ni Lynette at sinundan na ang doctor na kumausap sa kanya kahit na nanghihina pa siya sa sinapit ng kanyang anak na babae. Pagkapasok nila sa doctors room ay pinaupo siya at may tinawagan ito sa intercom na narinig ni Rolando na pinapakuha ang medical records ng anak niya. Tahimik na naghintay sila ng ilang minuto at may pumasok sa loob ng opisina ni Dr. Villegas. " Doc, ito na po ang medical records ni Lynette Suarez. " ani ng babaeng pumasok at iniabot ang isang envelop sa doktor. " Thank you! " na inabot ng doctor ang dala ng babae at lumabas na ang babae na isinara din ang pinto pagkalabas nito. Pinasadahan pa muna ng doctor ang medical records ni Lynette at ipinakita iyon kay Mr. Suarez ng matapos basahin ang nilalaman non. " Kanina sa operating room ay nakapagsalita pa ang anak ninyo Mr. Suarez at nasabi nya sa akin na may organ donor card sya at gusto niyang idonate ang puso at mga mata niya sa taong nangangailangan. Meaning willing siyang idonate ang ilang organ nya sa mga nangagailangan na may consent na nya bago pa siya mabawian ng buhay. " paliwanag ng doktor kay Mr. Suarez na naintindihan naman nito dahil alam nya ang bagay na yon dahil kahit sya ay may organ donor card din. " Hindi mo na kailangan i explain pa sa akin yan doc, alam ko ang bagay na yan. Kung yan ang kagustuhan ni Lynette walang magiging problema sa amin ng asawa ko. Hiling ko lang doc na sana makilala ko ang pagbibigyan ng mga organ ng anak ko. " saad ni Rolando na seryosong ikinatango ng doctor. " Makakaasa ka Mr. Suarez na ipapaalam namin sa inyo kung sino ang makakatangap ng organ ng anak nyo! Thank you sir. " ani pa ni Dr. Villegas. " Napatawagan na po namin mr. Suarez ang tatanggap ng mga mata ni Lynette. Ilang oras lang ay darating na ang pamilya ng eye patient para sa surgery. Ang puso naman ni Lynette ay itatawag na sa heart donor bank. " pahayag ni Dr. Villegas. " S-sandali doc, may pamangkin kaming need ng heart transplant at naka confine sya sa hospital na malapit sa lugar namin. Pwede pa naman ata na sa pamangkin na lang namin ibigay ang puso ni Lynette ko. " bulalas na saad ni Rolando na biglang naalala ang pamangkin ni Myrna na asawa niya at ang ina ni Lynette. Dahil nung isang araw lang ay binisita pa nila si Elisse sa ospital. Ang anak ng kuya Luis ni Myrna na may Cardiomegaly. Lumalaki raw ang puso ng dalaga ang sabi ng doctor sa kanila kaya dapat ay mapalitan na agad ang puso ni Elisse dahil lumalala na ang lagay ng dalaga na kung hindi maagapan ay maaari nitong ikamatay. " Sure mr. Suarez ipapaayos ko na ang lahat ng mga need na documents para mairelease sa ospital na ito ang organ ng anak mo sir at mabilis na maideliver kung saan naka confine na ospital ang pamangkin nyo na tatanggap ng puso ni Lynette. Ipaalam mo na rin sa contact mo ang agarang operasyon upang maisaayos na rin nila doon ang mga dapat gawin. May ilang oras lang tayo Mr. Suarez. Alam kong alam mo naman ang bagay na yon. " pahayag ni Doctor Villegas. Tumango si Rolando at kahit na nanghihina ay nagawa nitong tawagan ang bayaw. Upang ipabatid na may magdodonate na ng puso para sa anak nito. Samantala lakad takbo naman ang ginagawa ni Patrick pagkarating nya sa ospital. Nagtanong agad siya sa nurse na nasa nurse station kung nasaan si Lynette Suarez na nobya nya. Na itinuro agad sa kanya ang way papunta ng operating room. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina nya kanina ng tawagan siya ng mommy nya at ibinalita nito sa kanya ang napanood nito sa news na naka headline pa. Umiiyak pa ang mommy niyang nagbabalita sa kanya dahil nakita raw nito ang itsura ng sasakyang gamit ng nobya nya na maraming tama ng baril. Na para bang wala raw balak buhayin ang kung sino man ang sakay ng kotse. Tinawagan agad nya ang cellphone ng nobya. Kahit pa nga nangangatog ang buong katawan nya pagkatapos niyang makausap ang mommy nya na sinagot naman ng kasamahang pulis ni Lynette sa departamento na may hawak ng kaso ni Lynette at napag alaman niyang dinala sa malapit na ospital ang nobya sa kung saang lugar malapit na inambush ng kalaban si Lynette. Hindi na sya nakapagpasalamat pa sa nakausap at agad niyang pinatay ang tawag. Dinampot lang nya ang susi ng kanyang sasakyan at mabilis siyang lumabas ng opisina at tinakbo ang parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya at pinatakbo ng mabilis ang kotse niya. Kesehodang habulin siya ng mga traffic enforcer ay wala na siyang pakialam ang nais lang niya ay mapuntahan ang kasintahan sa ospital. " Lynette please wag mo kong iiwan please pakiusap wag kang susuko babe! " ani ya habang nagmamaneho na para bang maririnig sya ng kasintahan. Nagdarasal siya na sana ay ligtas si Lynette at maayos lang ang lagay nito sa ospital. Humahangos siyang dumiretso sa Operating room na itinuro ng isang nurse sa kanya. Ngunit nasalubong niya ang ama ni Lynette sa hallway ng ospital na mabagal na naglalakad na parang hinang hina at bagsak ang mga balikat. " T- tito Rolando..! S-si L- lynette po kumusta po si Lynette Tito!? " kinakabahang tanong nya sa ama ng nobya nya. Dahil sa hindi maganda ang nakikita nya sa ama ni Lynette. Binalingan siya ng tingin ni Rolando at umiling ng umiling. Biglang pumatak ang luha sa mga mata nito na ikina lambot ng tuhod ni Patrick dahil kahit hindi niya narinig sa ama ni Lynette ang sagot ay halata naman sa kilos nito ang pagdadalamhati. " L-lynette...!! Lynette huhuhuhu... Bakit? bakit ka sumuko? paano na ang mga pangarap natin? paano na ko!? Lynette.. !! " hagulhol ni Patrick na ikinapagwala rin nito na nagawang isuntok ang kamao sa pader ng paulit ulit na hinayaan lang ni Rolando ang paghihinagpis ng kasintahan ng kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD