Chapter finale
"M-manang Lilia!" tanging nasambit na lang ni Ayesha na naiiyak na sa harapan ng kaibigan ng kanyang ina.
"Pinaalalahanan kita Aye! Akala ko nakikinig ka pero binabalewala mo lang pala lahat ng paalala ko sa'yong bata ka!" disappointed na sabi sa kanya ni Manang Lilia.
"Tama ba ang hinala ko na si sir Nathan nga ang ama ng ipinagbubuntis mo?" mahinahon ng wika ni Manang Lilia sa kanya.
Tumango si Ayesha at yumakap sa matanda na humihikbi.
"Sinasabi ko na nga ba eh! may relasyon nga kayong dalawa ni sir Nathan." sabi pa nito sa kanya. Na problemado na rin sa kalagayan ni Ayesha.
"Wala po kaming relasyon ni sir Nathan, Manang Lilia! Isang beses lang po nangyare 'yon sa amin at hindi na naulit pa!" Paglilinaw n'ya kay Manang Lilia. Na hindi makapaniwala sa kanyang ipinagtapat.
"Ano! paanong nangyare na may nangyare sa inyo ng wala naman pala kayong relasyon na dalawa ni sir Nathan?" naguguluhang sambit ni manang.
"Nung nakaraan buwan manang na umuwing lasing si Sir Nathan. Lasing po siya noon at hinalikan n'ya ko, nadarang naman po ako sa halik n'ya. Alam ko naman pong mali pero hindi ko alam manang kung bakit nagawa kong ipaubaya ang sarili ko sa kanya ng gabing yun!" pag amin na ni Ayesha dahil sukol na rin naman na siya nito kaya wala ng dahilan pa para maglihim pa s'ya.
"Alam na ba ni Sir Nathan na nagdadalang tao ka? na buntis ka sa magiging anak niya sa iyo?" usisa pa ni Manang Lilia.
"Hindi po Manang, kahit po ako ngayon ko lang din nalaman na buntis ako kung hindi pa po ninyo sinabi na buntis ako hindi ko po maalala na magdadalawang buwan na po pala akong walang buwanang dalaw." aniya sa mayordoma.
"Anong plano mo? Sigurado akong kagagalitan ka ng inay mo dahil nabuntis ka ng hindi pa naikakasal. Parang hindi mo naman kilala ang ugali ng inay Sally mo Ayesha!" nangangambang wika ni Manang Lilia.
"Alam ko po yun Manang! Natatakot po akong malaman ni inay ang kalagayan ko ngayon! Manang Lilia tulungan n'yo naman po ako please! pakiusap manang. Hindi ko po alam ang gagawin ko ngayon sa totoo lang po!" iyak niyang sabi kay Manang.
"Ipaalam mo muna kay sir Nathan ang kalagayan mo Ayesha. Ano't anuman ang kalabasan ng pagpapabatid mo sa kanyang buntis ka good or bad man yan hindi kita pababayaan. Itinuring na rin kitang parang anak Ayesha. Nandiyan na yan panindigan mo na lang at sana ay magsilbing aral sa'yo ang naging kapusukan at karupukan mong bata ka! Ipagdarasal ko na sana ay panindigan ni sir Nathan ang magiging anak ninyo! " ani pang wika ni Manang Lilia sa kanya na tinapik ang kanyang mga kamay at niyakap na rin s'ya.
"Magpahinga ka na muna diyan. Mamaya magpapaalam ako kay Senyora na sasamahan kita sa doktor para makasigurado tayo kahit na malakas ang hinala ko at sure na sure akong nagdadalang tao ka ay iba pa rin kung ang doctor mismo ang magsasabi sa iyo." tumango si Ayesha kay Manang at saka lumabas na sa kwarto niya ang matanda.
Kinahapunan ay nagtungo na nga sila Ayesha at Manang Lilia sa doctor at na confirm na positive na nagdadalang tao siya at nasa pitong linggo na nga ang kanyang pinagbubuntis.
Takot at pangamba ang nadarama ni Ayesha ng mga oras na yon. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Nathan na buntis siya.
Pagbalik nila sa mansion ay nasalubong pa nila ang senyora Mildred nila at kinamusta pa ang kalusugan ni Ayesha na si Manang ang sumagot dahil hindi siya makapagsalita sa harapan ng ina ng ama ng magiging anak n'ya.
Napatingin siya kay manang ng sabihin nito na maayos naman siya at kailangan lang ng ilang araw na pahinga.
Binilinan pa s'ya ng senyora na magpahinga at wag na munang magkikilos para madali siyang lumakas. Tumango naman siya kay Mrs. Altamonte at nagpasalamat.
Pinadiretso na siya ni Manang sa kwarto n'ya na sinunod n'ya. Nakatulog siya sa pag iisip ng makarinig s'ya ng katok sa pinto.
Bumangon siya at inayos ang buhok niya atsaka niya binuksan ang pintuan.
Natigilan siya ng makitang nakatayo si Nathan sa labas ng pinto.
"Ang sabi ni Mommy may sakit ka raw! Tinanong ko si Manang kung nasaan ka at sinabi niyang narito ka. Maari bang pumasok!?" saad ni Nathan na seryoso siyang pinakakatitigan.
"Pasok ka sir Nathan! Pasensya ka na kung magulo rito!"
Naupo si Nathan sa isang kama na malapit sa kama ni Ayesha.
"May dapat raw tayong pag usapan ang sabi ni Manang! May gusto ka bang sabihin sa akin Ayesha?"
"Ummm.. S-sir Nathan a-ano po kase eh!" humugot ng malalim na paghinga si Ayesha at kinuha ang resulta ng check up niya kanina sa doctor at iniabot kay Nathan.
Nagtataka naman si Nathan pero tinanggap pa rin niya ang inabot sa kanya ng dalaga at binasa ang nakasulat roon.
" Y-your pregnant!?" masayang tanong ni Nathan na ikinalito ni Ayesha dahil sa naging reaction ng lalaki.
"H-Hindi ka galit!?" tanong ni Ayesha kay Nathan. Na halos hindi mapaniwalaan ang nakikita niyang reaction nito.
"Bakit naman ako magagalit na buntis ka!? Kung hinihiling ko na sana ay magbunga ang nangyare sa atin ng gabing yon! Thank you Ayesha pinasaya mo ko! Yes, magiging Daddy na ko. This time ako naman ang masusunod. Hayaan mo kong ipaalam kina mommy na magiging Daddy na ko at magiging asawa na kita. Hindi na ko papayag na ilihim pa natin 'to Ayesha. Dahil gusto kong ipagsigawan sa lahat na magiging tatay na ko at hindi ka maaring tumanggi dahil ngayon din ay magpapakasal tayo Ayesha!" masayang pahayag ni Nathan sa kanya.
"A-Ano!? Seryoso ka ba diyan?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Nathan.
"Siguradong sigurado Ayesha! Mahal kita Ayesha at ikaw ang gusto kong makasama sa buhay ko. Manhid ka lang kaya hindi mo mahalata na noon pa man ay gusto na kita! Magmula ng gabing yon napagtanto ko na gusto kita hanggang sa nagising na lang ako isang araw na mahal na pala kita dahil nung mga panahon na iniiwasan mo na ko nakaramdam ako ng kahungkagan na isipin ko pa lang na lalayuan mo ko sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko Ayesha. Kumukuha lang ako ng t'yempo upang makapagtapat sa iyo ng tunay kong nararamdaman. And i think, that this is the right time! I love you Ayesha Madrigal! Mahal kita!." pag amin pa ni Nathan sa kanya. Nailapat ni Ayesha ang kanan niyang kamay sa kanyang bibig sa gulat sa sinabi ng lalaking ama ng kanyang ipinagbubuntis.
"Alam kong gusto mo rin ako Ayesha at hindi mo naman maipagkakaila pa ang bagay na 'yon dahil sa iyo na rin nang galing na sa halik ko pa lang ay nadarang ka na! Narinig kong sinabi mo yon!. May patunay pa nga, Ang gabing nangyare sa atin." malamyos na saad ni Nathan sa kanya na ikinabuntong hininga ng dalaga.
"Kahit pa nga sinasabi mo na masungit ako. Alam kong attracted ka na sa akin noon pa man. Hundreds percent sure naman na rin ako sa nararamdam ko for you Ayesha. Mahal kita!" saad ni Nathan na muling sinulyapan ang sonogram result ng pagbubuntis n'ya na ngiting ngiti.
"Paano kung ayawan ako ni Senyora na makatuluyan mo? Baka hindi sila pumayag na maging asawa mo ko Nathan!?. Hindi kami mayaman katulad ninyo, kasambahay n'yo lamang ako rito sa mansyon. Hindi ako nababagay sa'yo Nathan." tanong muli ni Ayesha na punong puno ng pangamba. Dahil baka hindi siya matanggap ng parents ni Nathan dahil mahirap lang sila.
"Napag usapan ka na namin ni Mommy at hindi siya hahadlang sa atin mahal ko. Sinabi ko kay mom na gusto kita ng minsan kausapin n'ya ko tungkol sa'yo. Nahahalata n'ya raw ang mga kilos ko, hindi ko man sabihin sa kanila ay ramdam niyang may special na pagtingin ako sa'yo. Ikaw lang talaga ang manhid dahil hindi mo man lang inisip lahat ng effort na ginagawa ko para sa'yo." aning turan ni Nathan na hinawakan ang kanyang mga kamay at pinisil pisil pa nito iyon.
"Alam mo bang anak si Mommy ng isang katulong. Ang lola ko ay isa ring kasambahay noon na pinakasalan ng amo niya. Kaya may soft spot si mommy sa mga kasambahay. May pagkakataon ba na napagalitan kayo ni mom o inalipusta niya kayo dahil sa katulong lang kayo rito sa mansyon? Wala di ba!? Mabuting ina at tao si Mommy, kaya wala kang dapat na ipangamba. Si Dad naman matanda na at mahina na, kaya hindi na makikialam pa sa desisyon namin magkakapatid dahil malalaki na kami. Hindi naman na 'ko bata, Ayesha. At kung sakaling tumutol man sila sa pagmamahalan natin handa akong ipaglaban ka o iwan sila, makasama lang kita Ayesha at ang ating magiging anak." pagbibigay assurance ni Nathan sa kanya na no matter what happen ay hindi ito papayag na mawala siya at siya ang pipiliin ng lalaki kung sakali man.
Itinaas ni Nathan ang dalawang kamay ni Ayesha na mahigpit pa rin nitong hawak at itinapat sa labi nito na matagal na idinampi ang labi roon at mataimtim na pinakatitigan siya sa mata at tipid na napangitii ang dalaga.
"Tara! Magbihis ka, aalis tayo!" aya ni Nathan kay Ayesha.
"Bakit saan naman tayo pupunta!? saan mo ko dadalhin?" nagtatakang tanong ng dalaga kay Nathan.
"Sa Judge na kaibigan ni Daddy. Magpapakasal na tayo ngayon din! Wag ka mag alala pangako pakakasalan din kita sa simbahan sa ngayon sa judge na muna." pahayag ni Nathan na malawak ang ngiti.
"Sandali lang naman! Hindi naman kita tatakbuhan ah! Grabe ka naman kung magmadali Mr. Sungit." angil ni Ayesha sa binata.
Lumawak ang pagkakangiti ni Nathan at lumapit kay Ayesha at bumulong sa tainga ng dalaga.
"Hindi na 'ko makapaghintay na makatabi kang muli sa kama mahal ko!" bulong ni Nathan sa kanya na nakapagpapula ng kanyang mukha dahil biglang nag init ang magkabilaan niyang pisngi.
"Tse! Nakakainis ka Nathan.Tumigil ka nga diyan!" sabi n'ya sabay hampas sa braso nito na ikinayakap naman ni Nathan mula sa kanyang likuran at hinagkan ang balikat niya.
"Bakit pakiramdam ko parang ayaw mong magpakasal sa akin!?" may himig tampo na wika ni Nathan.
"Hindi sa ayaw Nathan. Ang bilis naman kase! Nalaman mo lang na buntis ako at magiging tatay ka na gusto mo ura -urada ay ikasal na agad tayo! Pwede bang pag isipan ko na muna!?" angal niya sa ama ng kanyang ipinagbubuntis.
"Bakit kailangan pa na pag isipan mo? Magiging magulang na nga tayo Ayesha. Okay sige, Lalabas na muna ako kapag may kailangan ka ipatawag mo na lang ako. Pag isipan mo kung gusto mo talagang pag isipan, but i can't take no for an answer Ayesha." bagsak ang balikat na sabi ni Nathan.
"Saglit lang, Nathan!" pag awat ni Ayesha sa pag alis nito.
"Gusto mo ba talagang magpakasal tayong dalawa?" nagkatitigan sila sa mata, tumango si Nathan.
"Hindi lang gusto Ayesha. Gustong gusto at siguradong sigurado ako! Ikaw ba gusto mo rin bang makasama ako for the rest of your life!? Ang maging misis ko at maging ina pa ng magiging mga anak ko?" sagot at tanong din ni Nathan sa kanya na ikinakilig niya.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Ayesha.
"Yes, gusto kong maging asawa mo ang maging misis Nathan Altamonte at maging ina pa ng magiging mga anak mo! Thank you Nathan, Mahal din kita! Hindi ko alam kung kailan pa kita minahal basta naramdaman ko na lang na mahal na kita, kahit na ang sungit sungit mo noon sa akin minahal pa rin kita. At hindi ako manhid ha! ayoko lang mag assume, hindi rin kase ako asyumera tulad ng iba." saad ni Ayesha na muling nakipagtitigan sa mga mata ni Nathan at dahan dahan na ipinaglapat nila ni Nathan ang mga labi nila na marubdob na palitan ng halik ang pinagsaluhan nila na nakita ni Manang Lilia.
"Ay pusang ng halik ng daga!" bulalas na sabi ni Manang Lilia na nagpatigil ng halikan nilang dalawa. Nahiya pa si Ayesha sa matanda dahil nakita sila nito pero mababakas ang kaligayahan sa kanyang mukha.
"Sus maryosep kayong mga kabataan. Ang pupusok ninyo. Sa susunod magsara kayo ng pinto ng walang nakakakita sa inyo." nakangiti namang wika ni Manang Lilia na sa tingin nito ay maayos na ang dalawa kaya tinalikuran na sila at iniwan. Mahina silang nagkatawanan na dalawa pagkatapos silang talikuran ni manang Lilia.
Kinaumagahan ay kinausap si Ayesha ng mommy ni Nathan dahil ipinaalam na pala nito na nagdadalang tao siya at si Nathan ang ama ng pinagbubuntis niya. Kinabahan siya nung una pero ng yakapin siya ni Mrs.Mildred Altamonte ay nawala ang pangamba n'ya at nakita niya ang genuin na saya sa mga mata ng senyora Mildred niya. Excited pa nga ito na magiging lola na sa magiging apo niya kay Nathan.
Sobrang saya ang nadarama ni Ayesha dahil lahat ay naging pabor sa kanila ni Nathan. Ang iniisip na lamang niya ay ang kanyang ina.
Nabatid ni Nathan ang iniisip niyang suliranin kaya napilit na siya ni Nathan na magpakasal na sila agad kahit sa judge na muna para paghinarap nila ang ina n'ya ay kasal na sila at hindi na masaktan si Ayesha ng kanyang ina.
Kaya ng araw din na yon ay nagpakasal nga sila ni Nathan sa judge na kilala ng pamilya ng mga ito. Naging saksi si Manang Lilia at ang kaibigan ni Nathan na si Paul sa kasal. Dahil sinadya na lang nila sa bahay ang judge na magkakasal sa kanila.
Dalawang araw pagkatapos ng kasal nila ay umuwi sila ni Nathan sa probinsya nila Ayesha at pormal na humarap si Nathan sa pamilya ng asawa na niya ngayon. Nagalit nung una ang inay Sally ni Ayesha pero tinanggap naman din agad sila dahil kasal naman na si Ayesha kay Nathan.
Ilang araw silang naglagi sa lugar nila Ayesha bago nila napapayag ang inay niya na sa manila na manirahan at doon na rin magpagamot sa sakit nitong breast cancer.
Bumili si Nathan ng bahay sa isang subdivision para sa pamilya ni Ayesha upang magkaroon ng maayos na matitirhan. Ayaw kaseng pumayag ng ina ni Ayesha na sa mansyon din ng mga Altamonte sila titira. Na naintindihan naman ni Nathan kaya para sa asawa ay ibinili n'ya ng bahay at lupa ang pamilya nito na hindi naman kalayuan sa subdivision na tinitirahan nila.
Nahihiya man si Ayesha kay Nathan ay tinanggap na rin niya ang ibinigay ng asawa para sa pamilya niya.
Pagkahatid nila ni Nathan sa ina at kapatid sa bagong nilipatang bahay sa maynila ay nag aya si Nathan na kumain na muna sila sa isang restaurant.
Pagpasok nila ay agad silang inassist ng waiter na panay ang tingin kay Ayesha.
Napansin naman ni Nathan ang panaka- nakang pagsulyap ng lalaki sa asawa n'ya.
"Stop staring at my wife, Asshole!" paasik na turan ni Nathan sa waiter.
"S-sorry sir!" hinging paumanhin ng waiter at umalis na sa pwesto nila na pinalitan ng babaeng waitress.
Nahampas ni Ayesha sa braso ang asawa pagkatalikod ng lalaki kanina pero nakasilay naman ang ngiti para kay Nathan.
Umiral na naman kase ang pagiging masungit ng kanyang asawa.
Habang kumakain sila ay panay ang pasalamat ni Ayesha kay Nathan sa ginawa nito para sa pamilya niya.
Sinabi ni Nathan na ang pamilya niya ay pamilya na rin nito na ikinaluha ni Ayesha dahil sa saya dahil sa pagiging emotional na rin niya.
Nangako pa si Nathan na tutulong sa pamilya niya at pag aaralin ang dalawa niyang kapatid.
"Salamat Nathan! Buti na lang hindi ka na masungit tulad ng dati sa akin. Pero in fairness sa akin lang yata kase sa iba ang sungit mo pa rin." nakangiti niyang wika sa asawa.
"Kahit naman masungit ako mahal mo pa rin naman ako di ba!? naging masaya ang buhay ko dahil sayo. I love you Ayesha.. Pangako na aalagaan kita kayo ni baby." malamyos na wika ng mister ni Ayesha.
"And i love you too, Nathan. Salamat sa pagmamahal mo mr. Sungit."
Wakas...