Ilang araw ang lumipas na hindi umuwe ng mansyon si Nathan, dahil alam niyang hindi komportable si Ayesha na nakikita s'ya nito.
Nang araw na mapilayan ang katulong nila ay kinausap n'ya si Manang Lilia na wag na muna pakilusin o pagtrabahuin si Ayesha na ikinapagpasalamat naman ni Manang Lilia sa kanya ng pahanapin niya ito ng isa pang pwede nilang maging kasambahay na makakatulong sa ginang habang nagpapagaling pa ng pilay niya si Ayesha.
Nalaman din kase nila na may sakit pala si Rose, kaya si Ayesha ang naglinis ng kwarto ni Nathan na alam nilang si Rose ang nakatoka sa gawaing iyon. Sinabi rin niya kay Manang Lilia na s'ya na ang bahala na makipag usap sa kanyang mama na alam naman nila na mauunawaan ng kanyang ina dahil mabait naman ito sa kapwa.
Pumasok sa isipan ni Nathan na kung hindi n'ya pinagmadali sa paglilinis si Ayesha ay hindi naman siguro madudulas ito at mapipilayan kaya sa isang banda sa isip n'ya ay parang na guilty din s'ya sa nangyare sa babae.
Lumipas pa ang mga araw at naging maayos naman na si Ayesha. Madalang silang magkita ng kasambahay dahil hindi na siya madalas umuwi sa mansyon.
Nasa loob ng opisina niya si Nathan ng pumasok ang kuya Joshua niya na hawak ang isang white envelop at inilapag iyon sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Dinampot niya iyon at sinipat ang laman. Inisa isa niyang tignan ang papel ng mabilisan.
"May panibagong bidding tayo na sasalihan at gusto kong pag aralan mo 'yan at gawan mo ng report at isubmit mo sa akin after a week." turan ng nakatatanda niyang kapatid.
"Bakit mo na naman sa akin pinapagawa yan, may nakapending pa kong mga papers oh!. Kay Louie mo na lang iyan ipagawa, kuya Joshua." angal niya sa kapatid na ipinakita pa ang mga folders na nasa file cabinet na ipinakita ni Nathan sa kuya niya.
"May naibigay na kong project kay Louie at urgent yon! kaya hindi n'ya maasikaso 'to. Ikaw ang expert sa ganito Nathan kaya nga sa'yo ko ipinagkakatiwala 'to!" saad ng kapatid niya sa kanya.
"Fine! Ako na ang gagawa. May kailangan ka pa!?" seryoso niyang tanong.
"Tumawag si Mommy kanina, pinapauwe n'ya tayo sa sabado. Kaya kung may lakad ka icancel mo na agad!" aning utos ni Joshua sa kapatid.
"Kayo pa rin ba ni Abegail, Nathan!?" dugtong pang tanong ni Joshua.
"Matagal na kaming wala! Bakit mo naman naitanong?" walang pakundangan niyang sagot na mataman naman siyang pinakatitigan pa sa mukha ng kuya niya bago ito nagsalitang muli.
"Nakita ko kase siya sa isang restaurant na may kasamang lalaki and i think na ka date niya ang guy na 'yon. Mukhang masaya naman si Abegail na kasama yung guy at sa tingin ko ay nagkakaunawaan na sila." pagpapabatid ng kuya Joshua n'ya sa ginagawa ng kanyang ex girlfriend.
"May sasabihin ka pa ba? Aalis na muna ako. May gagawin lang akong importante sa labas." turan ni Nathan sa kuya niya.
"Wala naman na! Go, basta yang ipinapagawa ko sayo, asikasuhin mo ha!" at naglakad na palabas ng opisina n'ya si Joshua.
Tumayo sya at humarap sa glass wall na nakapamulsa ang dalawa nyang kamay.
Si Abegail Martinez ang girlfriend niya ng 2 years mahigit, na nakipag break sa kanya dahil ang sabi sa kanya ay hindi na raw ito masaya sa relasyon nila. Minahal naman niya si Abegail bilang nobya pero hindi pa siya handa na magpakasal, na palagi namang iniuungot sa kanya ng babae noon, kaya nilimitahan na niya ang pakikipagkita rito hanggang sa nakipagbreak na nga sa kanya si Abegail. Dahil sa pride bilang lalaki ipinakita n'ya na okay lang sa kanya ang pakikipaghiwalay nito sa kanya pero sa isang banda ay umaasa siya na babalikan din siya ni Abegail na baka nagtampo lang ito kaya nasabi ang bagay na iyon sa kanya.
Sa nalaman niya sa kapatid ay mukhang malabo na nga na magkabalikan pa sila ng dating nobya.
Pinatay n'ya ang computer n'ya at isinuot ang tuxedo niya sabay labas sa kanyang opisina.
"Sir, aalis na po kayo? Babalik pa po ba kayo o hindi na?" tanong ng secretary n'ya.
"Hindi na!" sagot n'ya at nagdiretso na ng lakad palabas ng kompanya.
Nagmaneho si Nathan hanggang sa makarating siya sa club na pagmamay ari ng kaibigan niyang si Paul.
"Ang aga mo ah! May problema ba?" bungad sa kanya ni Paul ng makita siya nitong nakaupo sa table na malapit lang din sa bar counter.
"Bigyan mo na muna ako ng whiskey, bago mo ko interview-in Paul." paasik niyang saad sa kaibigan.
"Ang init ng ulo mo, Nathan!" wika ni Paul.
"Bryan, isang bote nga ng whiskey rito." utos ni Paul sa waiter na namataan nito.
"Oh ayan na ang whiskey mo! Anong nangyare bakit gusto mong magpakalango sa alak ngayon?" curious na tanong ni Paul sa kanya.
Tahimik at nakipagtitigan lang muna siya sa kaibigan at nagsalin ng alak sa baso na inisang lagok muna bago naglabas ng sama ng loob sa kaibigan.
Sinabi ni Nathan kay Paul ang nalaman niya sa kuya Joshua niya. "Mahal mo pa ba o baka naman kaya ka nagkakaganyan dahil pakiramdam mo natapakan ang p*********i mo!? Kase kung mahal mo talaga si Abegail hindi mo matitiis na magkahiwalay kayo ng ilang buwan pare!?pinagdaanan ko na yan dati diba! hindi ko kaya na mawala sa tabi ko si Clarisse kaya ng magkaayos kami ay inaya ko na agad ng kasal." pagpapaintindi ni Paul sa tunay niyang nararamdaman ngayon dahil hindi niya nakikita sa kaibigan na mahal talaga nito si Abegail.
"Hindi ko alam Paul, pakiramdam ko lang niloko ako ni Abegail at pinaglalaruan. Alam kong ako lang ang minahal niya. She broke up with me,yes! but i know na hindi magtatagal ay babalikan din n'ya ko."
"Pride at ego nga lang yan Nathan, hindi pa yan tunay na pagmamahal, Kase kung mahal mo siya hindi ka dapat dito nagpunta, dapat sa bahay nila. Alam mo naman kung saan siya nakatira di ba!" nakatingin lang sa mata ni Paul si Nathan at tahimik na nag iisip.
"Hindi mo pa nakikilala ang babaeng aalipin sayo pagdating sa pag ibig. Diyan ka na nga muna at maghinay hinay ka sa pag inom magdadrive ka pa pauwe." pagkokomento ni Paul sa kanya.
"Maybe you'll right Paul, Hindi ko lang siguro matanggap na mabilis niya kong mapapalitan dahil matagal din naman ang naging relasyon namin, thanks pare. Ubusin ko lang ito then uuwi na ko!
Ilang oras pang nanatili sa club si Nathan hanggang sa maubos na niya ang isang bote ng whiskey at nakainom pa sya ng limang bote ng beer.
"Ipapahatid na kita Nathan lasing ka na, baka mapaano ka pa sa sa pagdadrive mo." ani ni Paul na tinawag ang isang waiter nila na alam n'yang marunong magdrive ng kotse.
"Pakihatid mo si Nathan sa address na ito at mag taxi ka na lang pabalik kapag naihatid mo na s'ya." utos at bilin ni Paul sa waiter nya.
Nang makarating sa address na ibinigay ni Paul ang inutusan niyang waiter ay agad na nag doorbell ito. Si mang Jun ang nagbukas ng gate at dahil gabi na at tulog na ang ilan sa loob ng bahay pero si Ayesha ay gising pa ng mga oras na yun kaya sa kanya nagpatulong si Mang Jun na dalhin si Nathan sa kwarto nito.
Iniwan ni Mang Jun sa kanya si Nathan dahil kailangan daw nitong bumalik sa pwesto nito sa gate at baka may dumating. Kaya walang nagawa si Ayesha kundi asikasuhin si Nathan na mag isa.
"Kase naman iinom inom di naman pala kaya ang magpakalasing. Badtrip ka talagang sungit ka.eh!" pagkausap ni Ayesha kay Nathan na akala niya ay hindi na siya maririnig nito dahil akala niya ay tulog na nga ito.
"Shinong mashunget ha!?" sagot ni Nathan sa kanya na lasing na lasing na parang nakatulog na ata dahil bigla na na naman tumahimik.
"Ikaw! Wala naman ibang masungit at suplado rito kundi ikaw lang. Pero in fairness ang cute mo talaga sa malapitan Sir Nathan lalo na kapag tulog ang gwapo mo pala talaga!" wika ni Ayesha sa tapat ng mukha ni Nathan na biglang dumilat at hinalikan ang labi niya nanlaki ang mga mata ni Ayesha sa ginagawang paghalik ni Nathan sa labi n'ya hanggang sa tumugon na siya sa halik ng binata at tuluyan na siyang nadarang hanggang sa maibigay n'ya na ang iniingatan niyang p********e rito. Habang magkaisa ang kanilang katawan ay narinig nya ang sinabi nito sa kanya na I like you. Tuluyang nakatulog si Nathan pagkatapos ng kanilang pagniniig.
Nawala na ang iniingatang p********e ni Ayesha kaya sinisi niya ang sarili dahil naging marupok sya sa halik lang ni Nathan sa kanya.
"Nakakahiya ang nangyare! Anong gagawin ko ngayon? sana hindi maalala ni Sir Nathan ang namagitan sa amin paggising n'ya. Ano ba kase itong nagawa ko!? ang tanga mo Ayesha, ang tanga tanga mo talaga!" aniya sa sarili.
Inayos niya ang sarili atsaka s'ya lumabas na ng kwarto ni Nathan.
Hindi rin agad nakatulog magdamag si Ayesha dahil sa iniisip n'ya ang maaring mangyare pag nagising na si Nathan. Panay ang hiling niya na wala sanang maalala ang kanilang senyorito.
Nagising si Nathan kinabukasan na tanghali na dahil wala naman pasok sa opisina ay hindi na siya pinagising ng kanyang ina ng malaman nitong umuwe ng lasing si Nathan.
"Ang sakit ng ulo ko!" iminulat n'ya ang mata at tinignan ang paligid ng kwarto at napagtanto niyang nasa kwarto niya s'ya sa mansyon.
Pumikit siyang muli at pinilit alalahanin ang nangyari kagabi dahil hindi niya matandaan kung paano siya nakauwe sa mansyon nila.
Hanggang sa may pumasok na imahe ng babae sa isipan n'ya na may nakaniig s'ya kagabi. Pero malabo sa ala ala niya ang mukha nito. Umayos siya ng upo sa kama at hinawi niya ang comforter na nakatakip sa katawan niya. Wala siyang ni isang saplot sa katawan at napansin niya ang bahid ng dugo sa kobre kama, kaya nakakasigurado na siya sa saril na may nakasiping nga siya bago s'ya tuluyang nakatulog at birhen pa niyang nakuha ang babaeng kasama niya kagabi.
Pinipilit ni Nathan isipin kung sino ang babae pero wala talaga siyang matandaan na may babae siyang nakausap man lang kagabi sa bar. Walang pumapasok sa isipan niya dahil ang huling natatandaan niya ay ang pag iinom niya sa bar ng kaibigan. Bumangon na siya at naligo at nang makarating s'ya sa sala ay naabutan n'ya ang ina na nagbabasa ng magazine.
"Good morning Nathan, nalasing ka kagabi. Sinabi sa akin ni mang Jun na hindi ka na nakapag drive sa sobrang kalasingan, kaya inihatid ka na lang ng waiter ng kaibigan mong si Paul na pakilala raw kay mang Jun nung lalaki. May problema ka ba Nathan, kaya ka nagpapakalasing ng ganon? " bati at usisa ng kanyang ina.
"Wala Mom! nagkasiyahan lang kami nila Paul kagabi sa club, dahil din siguro sa pagod kaya nalasing agad ako!" alibay niya sa ina kaya hindi na siya kinulit pa.
"Okay! Malapit ng mag lunch time gusto mo na bang kumain? Magpapahanda na ko ng food sa dining o magkakape ka na lang muna?" tanong ng ina sa kanya.
"Coffee na lang muna mom.Thanks!" wika nya.
"Rose, pakigawa naman ng kape ang sir Nathan mo, please!" utos ng mommy ni Nathan sa kasambahay.
"Sige po Senyora!" sagot naman ni Rose.
"Sandali lang mom, pupuntahan ko lang si Mang Jun, may gusto lang akong itanong sa kanya." ani ni Nathan sa ina na tumango naman at tinanaw ang anak na naglalakad na papunta sa may gate.
"Mang Jun, magandang umaga ho!" pagbati niya.
"Sir Nathan magandang umaga din ho. May kailangan po ba kayo!?" nagtatakang tanong ni Mang Jun dahil sa paglapit sa kanya ni Nathan.
"Mang Jun ang sabi ni Mom inihatid ako kagabi ng isang lalaki dito! Wala ba akong kasamang babae na pumasok sa bahay kagabi?" Tanong ni Nathan kay Mang Jun.
"Wala pong babae sir Nathan, baka pong sinasabi ninyong babae ay si Ayesha kagabi. Nagpatulong po kase ako sa kanya kagabi na asikasuhin kayo pero kailangan kong bumalik agad dito dahil walang magbabantay sa gate. Iniwan ko po kayo sa kanya kagabi sir Nathan."
"Bakit natanong n'yo, sir? wala po ba kayong matandaan sa nangyare kagabi!? Sabagay nalasing ata kayo ng husto." ani naman ni Mang Jun at tumangu tango si Nathan na sinulyapan ang bahay nila.
"Sige Mang Jun, salamat!" naglakad na siya pabalik sa loob ng bahay. Sigurado na siyang si Ayesha ang babaeng nakatalik niya kagabi. Napangiti siya sa nalaman at wala siyang naramdaman na bigat sa loob bagkus ay nakakaramdam pa siya ng kasiyahan sa kanyang kalooban.
Nagtatanghalian sina Ayesha, Rose, Beth at Manang Lilia ng pumasok sa kusina si Nathan.
"Sir Nathan, may kailangan po ba kayo?" ani ni Lilia ng makita ang senyorito nila sa bungad ng pinto ng kusina.
"Ah yes! Gusto ko sana papalitan ang bedsheet ng kama ko Manang Lilia. Pero ang gusto kong mag linis ng kwarto ko ay si Ayesha." wika ni Nathan.
Napaubo si Ayesha sa narinig na sinabi ni Nathan kay Manang Lilia. " T-teka, ba-bakit ako hindi ko pa tapos ang labahin ko! Si Rose na lang Manang Lilia." angal ni Ayesha.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Manang.
"Ah sige sir Nathan, pasusunurin ko na lang sa kwarto mo itong si Ayesha para maglinis doon." nakangiting wika ni Manang Lilia kay Nathan.
"Salamat manang!" seryosong ani ni Nathan at pinasadahan pa ng tingin ni Nathan si Ayesha bago ito lumabas sa kusina.
Nagkatinginan naman sila sa inaasta ni Nathan.
"Bilisan mong kumain diyan Ayesha at umakyat ka agad sa kwarto ni sir Nathan." utos pa sa kanya ng mayordoma.
Huminga ng malalim si Ayesha at tinapos na ang pagkain na nasa plato niya. Inayos niya ang sarili atsaka lumabas ng banyo nila at tinungo na ang silid ni Nathan na pinagpapawisan ang palad dahil sa nerbiyos. Hindi lang siya nagpahalata kanina sa kusina dahil baka magtanong pa sa kanya ang mga kasama.
Kumatok siya sa pinto at agad naman nagbukas. "M-maglilinis na ko ng silid n'yo S-sir Nathan." pahayag niya sa lalaking nakatayo sa harap n'ya na nakapamulsa pa.
Nang lapitan niya ang kama ay nakita niya ang bahid ng dugo sa bed sheet. Nanlaki ang mata n'ya at umiwas siya ng tingin kay Nathan.
"Nakikita mo ba ang matsa ng dugo mo sa kama ko Ayesha? Tanda na ako ang nakauna sayo." tanong ni Nathan sa kanya na ikinainit ng pisngi niya. Hindi s'ya makaharap sa lalaki. Ang bilis ng t***k ng puso niya.
"N-naaalala mo!?" sambit na tanong ni Ayesha.
"Lahat Ayesha, lahat!" sagot ni Nathan sa kanya. Pero ang totoo ay wala pa rin siyang matandaan kung paano niya nagawang makipagtalik kay Ayesha kagabi gayong lasing siya. Lihim na napangiti si Nathan sa pagsisinungaling niya sa dalaga.
"Sir Nathan please, sa atin na lang dalawa ang nangyare lasing ka kagabi at nadarang lang ako sa halik mo kaya nangyare ang di dapat mangyare sa ating dalawa!" napakagat labi si Ayesha sa lumabas sa kanyang bibig.
"Sh*t Ayesha ang tanga mo talaga ba't yun ang sinabi mo?" piping sabi niya sa sarili.
"Gusto mong ilihim ang naganap sa atin kagabi? Hindi ka ba hihingi ng kapalit man lang? Hindi mo ba naisip na baka mabuntis kita?" Nagtatakang tanong ni Nathan dahil kakaiba para sa kanya ang dalaga.
"Yes sir Nathan, ilihim na lang natin 'to ayoko makarating sa pamilya ko to! siguradong sasabihin ni manang Lilia kay inay kapag nalaman ni Manang to!. May kasalanan din ako kaya hindi ako hihingi ng kapalit sa nawalang virginity ko. Hindi naman siguro ako mabubuntis kung isang beses lang nangyare! Sir Nathan please pakiusap sa ating dalawa na lang ito."
"Ako naman ang agrabyado rito dahil ako ang babae pero iba ang sitwasyon na 'to pagkakamali ko rin kaya okay lang! Magpapaalam na ko mamaya kay Manang Lilia magsasabi na rin ako sa Mommy mo na babalik na ko sa probinsya namin. Pangako sir Nathan kakalimutan ko ang nangyare sa atin kagabi" Pagmamatigas ni Ayesha na ilihim ang namagitan sa kanila.
Umigting ang panga ni Nathan at kumuyom ang kanyang kamay sa sinabi ni Ayesha. Hindi niya nagustuhan ang idea na aalis ang babae sa mansyon nila.
"Okay sige hindi ko sa sabihin kina Manang Lilia at kay Mom kung yun talaga ang gusto mo Ayesha, in two condition!"
"Anong kondisyon, sir Nathan?"
"Hindi ka aalis ng mansion, mananatili ka rito sa bahay at ikaw na ang maglilinis ng silid ko."
"Pero sir Nathan!?" angil ni Ayesha.
"No but's, Ayesha!. Okay lang sa akin na malaman nila mommy at manang Lilia." ani ni Nathan sa kanya.
"Nagbibiro ka ba sir Nathan? Pabor nga sa'yo ang hinihiling ko, pero bakit parang wala ka man lang pakialam kung malaman nila?. Kung ikaw walang pakialam, sa akin big deal yon sir! kaya pakiusap ayokong may makaalam ha! Sige payag na ko sa kondisyon mo." mahabang litanya pa niya kay Nathan na tipid na napangiti.
Walang nagawa si Ayesha kundi sumunod na lang sa nais ni Nathan.
Sa opisina ni Nathan ay hindi niya inaasahan na bibisitahin siya ng ex girlfriend niyang si Abegail.
"Sir Nathan, narito po si ms. Abegail. Papasukin ko po ba?" tanong ng secretary niya mula sa intercom. Natigilan si Nathan sa nalaman at hindi agad nakasagot. "Sir Nathan?" bigkas ng kanyang secretary. "Let her in!" utos ni Nathan.
Kumatok ng isang beses ang babae sa pinto at iniawang ang pintuan ng opisina ni Nathan at pinapasok na si Abegail sa loob.
Tumayo si Nathan mula sa pagkakaupo mula sa kanyang swivel chair at sinalubong si Abegail pagkatapos siyang batiin nito. Nag beso sa kanya ang dalaga at itinuro niya ang couch upang makaupo ang bisita nya.
Tinitignan niya lang si Abegail, kinakapa sa puso n'ya kung may nararamdaman pa ba siya para sa babae. Pero hindi na katulad ng dati ang nararamdaman n'ya kay Abegail wala na ang excitement feeling, kapag nakikita o nakakasama n'ya ang babae. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang imahe ni Ayesha, pagdilat niya ay napasmirk siya.
"Hindi mo man lang ba ko na miss, Nathan?" panimulang wika ni Abegail na tanong sa kanya.
"Dapat pa bang mamiss kita? Let me remind you Abegail ikaw ang nag initiate ng break up at hindi ako, remember?" Seryosong turan ni Nathan. Na ipinamulsa pa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
Pumalatak si Abegail. "Tsk, akala ko kapag hiniwalayan kita ay hahabulin mo ako at maiisipan mong alukin na ko ng kasal. But i guess na nagkamali ako. Umasa ako sa wala at mali rin siguro na nagpunta pa ko rito para i save ang relasyon natin." aning wika ni Abegail na tumayo na sa pagkakaupo.
Tahimik lang si Nathan at wala man lang naging reaction sa sinabi ng ex girlfriend.
"Goodbye Nathan." pamamaalam ni Abegail kahit na masama ang loob kay Nathan.
"Goodbye Abegail." maluwag sa puso niyang pamamaalam sa dating nobya.
Napagtanto ni Nathan na tama ang kanyang kaibigan na ego at pride lang ang naramdaman niya ng malaman niyang nakikipagmabutihan na sa iba ang ex niya at wala naman na talaga siyang nararamdaman pa para kay Abegail.
Kung mayron man nilalaman ang puso niya ngayon sigurado siyang si Ayesha na yon. Dahil hindi na nawala sa isipan niya ang babaeng una pa lang niyang nakita ay nagustuhan na niya ito hindi lang niya binigyang pansin noon. Lalo na ng malaman niya na si Ayesha ang babaeng birhen na nakapiling niya ng isang gabi sa kanyang silid. Wala yatang oras na hindi siya napapangiti sa tuwing maaalala niya ang babae.
Sa nakalipas na isang buwan na hindi na si Ayesha sinusungitan ni Nathan. Kapag dumarating ito sa mansion na hindi agad nakikita ang dalaga ay pinupuntahan nito si Ayesha kung nasaan ang kasambahay, na napupuna na ng mga kasamahan ni Ayesha lalo na ni Manang Lilia.
"Umamin ka nga Aye! nililigawan ka ba ni sir Nathan o kayo na bang dalawa?" tanong ni Manang sa kanya na senigundahan naman ni Rose.
"Ou nga Aye, matagal ko na kayong napapansin ni Sir Nathan. Ayoko lang pangunahan ka pero ngayong si Manang na ang nag open ng usapin, sasabihin ko na rin ang napapansin ko. Dati madalang umuwe rito si sir sa mansion. Madalas may bitbit na pasalubong para sa atin na hindi naman niya ginagawa noon. Hindi na rin nagsusungit, nga lang di ko pa rin nakikitang nakangiti. Ikaw na rin ang gustong maglinis ng silid niya. Umamin ka nililigawan ka ni sir Nathan noh!?" panunukso pang saad ni Rose.
"Aye, hindi sa kinokontra ko ang pakikipaglapit mo kay sir Nathan, pero alam mo naman na mahirap lang tayo at mayaman sila. Narito ka para makatulong sa inay mo at hindi para pumag-ibig. Baka mamaya n'yan matulad ka sa iba na kapag nakuha ka na ay para ka na lang basahan na itatapon. Hindi ko sinasabi na ganon si Sir Nathan ha! mabait si Senyora kaya siguro naman napalaki niya ng maayos ang mga anak n'ya. Pero iba pa rin ang estado ng buhay nila sa ating mahihirap." paalala sa kanya ni Manang Lilia.
"Iiwasan ko na lamang po si sir Nathan, Manang." aniya rito na nakatungo ang ulo dahil sa nahihiya siya sa dalawa.
"O siya sige tapusin n'yo na mga trabaho ninyo at ng maaga tayo makapagpahinga." saad na lang ni Manang at iniwan na sila sa kusina.
Ganoon nga ang ginawa ni Ayesha palagi niyang inaabala sa trabaho ang sarili kapag nasa mansion si Nathan naglilinis siya ng kwarto ng binata kapag nakaalis na ito kahit ang mga tawag at text nito sa kanya na pangungumusta ay iniignore na rin yan.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lang sumama ang pakiramdam niya panay na ang pagduduwal n'ya at hinang hina na siya.
Nang obserbahan siya ni Manang Lilia at pinulsuhan s'ya nito ay pagalit itong nagtanong sa kanya.
"Sinong ama ng pinagbubuntis mo Ayesha? Si sir Nathan ba? May nangyare sa inyo ni sir Nathan?" tanong ni Manang na hindi na nagpatumpik tumpik dahil sigurado siya na buntis si Ayesha at si Nathan ang ama.
"M-Manang Lilia!"