LTSLG finale

3804 Words
Chapter fnale Lumipas ang ilang araw at nanatili si Arjay sa bahay ng mga Alcantara dahil sa utos na rin ng kanyang ninong at pakiusap ng mag asawa sa kanya. Habang si Sofia naman ay nagkukulong pa rin sa kanyang kwarto at ayaw pa rin nitong lumabas ng silid. Nakikita lang ni Arjay ang dalaga kapag papasok si Luisa sa kwarto nito at iiwan na bukas ang pinto na nasa labas siya at oobserbahan lang niya si Sofia. Araw araw naman din ay umaalis si Arjay sa umaga at babalik naman sa gabi. Dahil iyon ang gusto ng ginang na hindi niya din kase matanggihan. Siguro ay sabik din siya sa ina kaya ganoon na lang ang respeto niya sa ina ni Sofia. Natutuwa raw kase sa kanya ang ginang dahil magmula ng dumating si Arjay at kinausap si Sofia ay may pagbabago na sa dalaga. Ang sabi ng mommy ni Sofia ay hindi na nakikitang umiiyak ang anak. Nauubos na rin nito ang dinadala niyang pagkain para rito. Madalas na rin hanapin nito ang ama sa tuwing papasok si Luisa sa silid ni Sofia na dati naman ay hindi nito ginagawa magmula ng mabulag ito. Isang gabi pagkatapos na maghapunan nila Arjay, Manuel at Luisa ay naisipang mag ayang mag inom ng alak si Manuel na hindi naman tinanggihan ni Arjay. Makwento na si Manuel ng tamaan na ito ng espiritu ng alak. Proud na proud sa anak nya si Manuel lahat na ata ng pangyayare sa buhay ng anak mula pagkabata ay sinabi na sa kanya. Nalaman nyang mahilig si Sofia sa mga hayop, at marunong tumugtog ng piano, violin at guitar. Nag aral din ng ballet nung bata pa at masarap din daw magluto ang anak na minana nito sa kanyang asawa at marunong din mag bake at gumawa ng mga cookies dahil isang patisserie chef pala si Sofia. At owner ito ng isang Coffee and bake shop sa manila na imina manage ng co owner ni Sofia ngayon na ikinahanga ni Arjay sa dalaga. Lahat ng iyon ay narinig din ni Sofia sa kanyang silid dahil nasa itaas lang ang kwarto niya at nasa ibabang tapat lang nag iinuman ang dalawang lalaki at dahil bukas ng bahagya ang kanyang bintana sa silid ay malinaw niyang naririnig ang lahat. Natutuwang naiiyak siya sa mga idinadaldal ng kanyang Daddy hanggang sa narinig niyang may tumugtog ng gitara at kumanta ng kanta ng bandang parokya. Tama na yan inuman na. Hoy pare ko'y tumagay ka Nananabik na lalamunan Naghihintay nag aabang May mag jojoke sabay kampay Biglang inom sabay dighay Kwentuhan na walang saysay Tawanan na walang humpay. Alam ni Sofia na si Arjay ang nag play ng guitar at kumakanta na sinabayan pa ng kanyang ama dahil hindi naman marunong ang ama niyang mag gitara. Naluluha siyang natatawa sa naririnig at yon ang naabutan ni Luisa ng puntahan nito ang anak sa kwarto upang tignan kung natutulog na ba. Hindi na tumuloy si Luisang pumasok ng silid ng anak. Tumigil na lamang siya sa likod ng pintuan at nagagalak sa nakita niya kay Sofia. Kinabukasan maagang gumising si Arjay upang mag jogging sana nang sa pagbukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay nakita niya si Sofia na nasa labas na ng silid nito at nakahawak na sa railings ng hagdan at pilit na iginagabay ang kanyang mga kamay at dahan dahan na i ihahakbang ang paa. Hinayaan ni Arjay si Sofia at pinagmasdan lang niya ang dalaga. Nasa hagdan na si Sofia ng dahan dahan umupo ang dalaga at paupo itong bumaba ng hagdanan na ikinangiti ni Arjay pero sumunod na rin siya sa dalaga ng walang ingay na ginagawa. Nang makababa na nang hagdan si Sofia ay kumapa kapa muli ang dalaga sa pader na balak atang mag tungo sa labas ng bahay ngunit nalimutan ata ni Sofia na may dapat siyang hakbangan na dalawang sementong hagdan bago makarating sa pinaka pinto ng bahay dahilan ng pagkakadulas niya ngunit mabilis na nakaalalay si Arjay kay Sofia na ikina akap ng dalaga sa katawan ni Arjay dahil sa kabiglaanan. Alam ni Sofia na hindi ang Daddy niya ang nakasalo sa kanya. Dahil sa bulto ng katawan ng nakayapos sa kanya at ang pamilyar na pabango na gamit ng lalaking nagpamulat sa kanya nung nakaraang araw. " O-okay ka lang!? " nag aalang tanong ni Arjay. Inayos niya pa sa pagkakatayo ang dalaga ng umiwas na pagkaka alalay nya si Sofia. Tumango si Sofia. " O-Oo okay lang ako! hindi naman ako nasaktan. S-Salamat. Kanina ka pa ba diyan? " ani ni Sofia na nahihiya kay Arjay. " Oo, Actually mula pa sa taas ng hagdan tinitignan lamang kita. Balak mo bang lumabas ng bahay? Sana ay hinintay mo na si Tita Luisa o kaya tinawag mo ang kasambahay. " mahinahong saad ni Arjay. " Siguradong tulog pa si Mommy at naka day off si Manang, sunday ngayon eh! Gusto ko sanang mag pa araw sa labas. P-Pwede mo ba kong dalhin sa labas kahit na saglit lang? " ani ni Sofia na halata ang pagkahiya nito sa kanya. " Sure yun lang pala! actually lalabas din ako para mag jogging. Gusto mo bang maglakad lakad na lang tayo? I ga guide kita. " alok pa ni Arjay sa dalaga. " Saka na na lang. Mauupo na lang ako sa labas at pakikinggan ang mga ibon. Hindi pa naman ata mainit sa labas at baka mamaya magising na rin si mom at hanapin ako. " sagot muli ni Sofia na nagiging at ease na sa pakikipag usap kay Arjay. Tumango si Arjay sa sinabi ng dalaga kahit hindi siya nakikita nito. Dinala niya si Sofia sa labas ng bahay at pinaupo sa may upuan na naroon. Nang makaupo na ng ayos ang dalaga ay sabay silang nag sambit ng sorry sa isa't isa. Na sabay din silang napatawa. Humingi ng tawad si Arjay kay Sofia dahil sa mga nasabi niya rito nung nakaraan na tinanggap naman ng dalaga. Humingi rin ng paumanhin si Sofia kay Arjay dahil sa hindi nito magandang pakikitungo sa lalaki nung unang araw na dumating ito sa bahay nila. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi na nag jogging pa si Arjay sinamahan na lang niya ang dalaga na magpa araw at panaka nakang sinusulyapan si Sofia. At nang tumirik na ang araw ay inaya na niya si Sofia na pumasok na sa loob dahil hindi na raw maganda sa balat ang sikat ng araw. Pagkarating nila sa sala ay pinaupo niyang muli ito sa sofa at inalok niya ng maiinom na ikinapagpasalamat ni Sofia kay Arjay. " Dito ka lang muna, pupunta ako ng kusina para gumawa ng maiinum natin. " ani ni Arjay na paalis na sana pero may naalala at inalis sa kanyang leeg ang headphone at lumapit kay Sofia. " Ito gamitin mo muna habang naghihintay. " ani pang muli ni Arjay na inilagay ang headphone niya sa magkabilaang tenga ni Sofia. " A-Ah sige lang, take your time hindi ako aalis dito. Thank you! " sagot naman ni Sofia. Nagtataka naman si Luisa ng pag bangon niya ay dumiretso na siya sa silid ng anak nya at napagtanto niyang wala ito sa loob kaya mabilis siyang lumabas at hinanap ang anak. Agad naman din niyang nakita ang hinahanap ng makarating sIya sa sala nila. Si sofia ay nakaupo sa sofa ng kanilang sala na tahimik at nakikinig ata ng music. " Sofia, bakit narito ka sino ang umalalay sayo patungo rito sa sala!? " nilapitan ni Luisa agad ang anak nya at sinuri ang bawat parte ng katawan ni Sofia. Tinatanggal naman ni Sofia ang headphone sa ulo na tinulungan na rin ni Luisa na alisin iyon sa anak. " Mom! " sambit ni Sofia. " Tita, ako po ang nagdala kay Sofia diyan. " ani ni Arjay na papalapit sa pwesto ng mag ina. Napatingin naman sa kanya ang ginang na nagtataka at hindi lubos maisip na napapayag niya si Sofia na lumabas ng kwarto nito. " Nakita ko siya kanina tita na sinusubukan na makalabas ng bahay na kinakapa ang mga pader at railings ng hagdan. Hinayaan ko lang siya nung una pero muntik ng madapa kaya inalalayan ko na. " pagkukwento nya sa nangyare kanina kaya nasa sala na ngayon si Sofia. Tumango si Luisa at bumigkas ng salitang thank you pero halos pabulong na nginitian lang ni Arjay. Atsaka ibinaling muli ni Luisa ang atensyon sa anak. " Nasaktan ka ba iha? Saan yung parte na masakit sayo? " nag aalalang tanong nito kay Sofia. " Mommy, okay lang ako hindi naman ako nasaktan. " ani ni Sofia sa ina. " Tita ito nga pala ang Juice para kay Sofia. Nakialam na ko sa kusina ninyo. Napansin kong marami namang Orange kaya yan na lang ang ginawa kong inumin para sa kanya. Maganda yang fresh orange juice sa katawan at masarap pa. " Singit sa usapan ni Arjay sa mag ina. " Ah, salamat Arjay ha!. Teka, maghahanda na muna ako ng breakfast natin. Maiwan ko na muna kayo dito ni Sofia ha. Ay, ano nga pala ang gusto nyong almusalin? " saad ni Luisa na parang natataranta pa. " Mom, easy ka lang! " nakangiting ani ni Sofia. Napatingin naman si Luisa kay Arjay dahil nakita niyang ngumiti na ang nag iisang anak. Nag thumbs up naman si Arjay kay Luisa kaya natawa naman ang ginang. " Tita, pwede ba Longsilog o kaya Hamsilog? sinangag na kanin, pritong itlog at longganisa. Binuksan ko kase ang ref ninyo at nakita kong mayron kayong stock sa ref. Nagsaing na rin po pala ako, akala ko kase mamaya pa kayo magigising. Pasensya na nakialam na po ako. Gusto ko rin po kase ipagluto sana si Sofia. " request naman ni Arjay para sa breakfast nila. " Sige ipagluluto kita ng Longsilog na gusto mo. Ikaw iha, anong gusto mong kaining almusal? " Baling ni Luisa sa anak. " Kahit ano na lang mom, pwede rin naman ang Longsilog sa akin, di po ba!? Gusto kong kumain ng marami ngayon mom. Gusto kong magpalakas para anytime handa ako sa magiging operasyon ng mga mata ko. " aning saad ni Sofia na ikinatakip ng kamay ni Luisa sa bibig dahil sa ipinabatid ni Sofia na nais na nitong makakitang muli na ikinaulap pa ng mata ng ginang. " T-Totoo ba ang narinig ko!? Magpapa opera ka na anak? " Ani ni Manuel na nagtanong na hindi makapaniwala sa sinabi ng anak. Na nasa hagdanan pala at tintignan lamang at pinakikinggan silang tatlo na nasa sala. " Kanina ka pa ba diyan mahal ko? N-narinig mo ang sinabi ng anak mo at yun din ang narinig ko kaya dapat maniwala na tayo na pumapayag na siyang mag pa opera. " naiiyak naman na saad ni Luisa sa asawa na ikinalapit nito kay Sofia at hinawakan ang magkabilang pisngi ng anak at hinagkan ang noo ni Sofia. " Thank you Sofia, thank you. Akala namin ng Dad mo matatagalan pa na mapapayag ka naming mag pa opera. " wika pa ni Luisa. Masaya namang lumapit si Manuel kay Arjay na tinapik sa ibabaw ng balikat ang binatang doctor. Natutuwa rin si Arjay sa kanyang nalaman na desisyon ni Sofia. " Ehemmm... Tita, tara na sa kusina tulungan na kitang maghanda ng almusal baka gutom na ang mag ama mo. " pagtikhim ni Arjay na ikinatingin ng asawa sa kanya at pag aaya na rin niya kay Luisa dahil gusto niyang bigyan ng privacy ang mag ama na makapag usap. " O siya sige tulungan mo na ko para mapadali ang pagluluto. Manuel samahan mo na muna rito ang anak natin. Huwag mong paiyakin yan ha! " bilin pa ni Luisa sa asawa bago sumunod kay Arjay na nauna na sa kusina. Nagdaan pa ang ilang araw at linggo na nasanay na si Sofia na laging nasa tabi niya si Arjay. Nasabi na rin ng binata na isa itong Doctor pero totoong magkaibigan ang mga ama nila noon nalaman niyang ulila na sa mga magulang si Arjay kaya pala ganoon na lang ang pagpapahalaga ng binata sa parents nya. Nararamdaman ni Sofia na nahuhulog na ang loob niya para sa binata. Kaya sinubukan niyang iwasan si Arjay na ikinapagtataka ng magulang niya lalong lalo na ni Arjay. Isang gabi na katukin ni Arjay ang kanyang silid at sinabi na gusto siyang makausap ng binata ay tumanggi siya at sinabi niyang bukas na lamang sila mag usap dahil gabi na at inaantok na siya. Hindi na pumayag at nagsawalang kibo pa ang binata. Ipinihid siya nito sa pader sa labas lang ng kanyang silid. " Ano bang problema mo Sofia? Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ko! May nagawa ba kong mali sayo, may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan, Na offend ba kita!? Tell me Sofia, hindi yung para na akong baliw sa kakaisip kung bakit lumalayo ka sa akin! " Straigt to the point ng saad ni Arjay sa dalaga dahil napipikon na siya sa ginagawa nitong pag iwas sa kanya. " Pakawalan mo ko Arjay. Walang dahilan para iwasan kita iniisip mo lang yon! " ani naman ni Sofia. " Iniisip ko lang? Damn it Sofia! Hindi ako tanga at manhid para malaman kung iniiwasan ako o hindi. Bakit ba ha!? Sabihin mo kung bakit. " halos pasigaw ng tanong ni Arjay habang ang magulang ni Sofia ay nasa labas ng pintuan ng kwarto ng mga ito at hinahayaan lang ang dalawa na mag usap. " K-kase ayokong tuluyang mahulog sayo. Ayokong mahalin ka dahil baka iwan mo rin ako tulad ng ginawa ni Carl sa akin, masasaktan lang uli ako. Paano kung hindi na talaga ako makakita pang muli? Ang daming what if na gumugulo sa isipan ko Arjay. Ayokong magustuhan mo ko o mahalin mo ko dahil naaawa ka lang sa akin. " wika ni Sofia na ikina frustrate pang lalo ni Arjay. " Ayaw mo? Habang ako gustong gusto kong mahalin ka at hindi awa ang nararamdaman ko para sayo Sofia, kundi paghanga at pagmamahal. Kaya naman kitang saluhin kung talagang nahuhulog ka na sa akin. Hindi ako katulad ng ex mo kaya wag mo kong ipares sa gagu mong ex Sofia. Mahal na kita kaya nasasaktan ako sa ginagawa mong pag iwas sa akin. Nahihirapan ang kalooban ko sa ipinaparamdam mo sa akin this past few days, alam mo ba yon ha! tapos malalaman ko ang dahilan mo. What the f*ck Sofia! " inis na saad ni Arjay. Natigilan naman ang dalaga sa pag amin ni Arjay sa nararamdaman nito para sa kanya. Habang sina Manuel at Luisa ay napapangiting nagkatitigan pa na lalo na si Luisa na kinikilig para sa dalawa. " Now answer me Sofia, hindi ka lang basta nahulog sa akin di ba? Mahal mo na rin ako, natatakot ka lang? Ngayong nasabi ko ng mahal kita tatanggapin mo ba o ire reject ang pag ibig ko sayo? " pwersahan ng tanong ni Arjay kay Sofia na natagalan sa pagsagot hanggang sa tumango ang dalaga. " What? Say it Sofia! " mahinahon ng utos ni Arjay sa kanya. " M- mahal na rin kita! " mahinang saad ni Sofia pero dinig na dinig naman ni Arjay ang ibinigkas ng dalaga. Humugot ng malalim na paghinga si Arjay at inilapit ni Arjay ang ulo ni Sofia sa kanyang dibdib. " I love you Sofia, mahal kita and thank you for trusting me. " ani ni Arjay kay Sofia na ikinayakap na ng dalaga sa kanya. " Gabi na, matulog na kayong dalawa at bukas nyo na uli pag usapan yan. By the way congrats sa inyo. Mahal ko, ipasok mo na muna si Sofia sa kwarto niya. Arjay mag uusap tayo bukas. " panira ng moment na ani ni Manuel sa kanila. Natatawang sinunod naman ni Luisa ang utos ng asawa. Si Arjay naman ay tinanguan si Manuel. " Goodnight po sa inyo, goodnight my love. " nakangiting sabi pa ni Arjay na tinanaw pa ang dalaga na akay ng ina. " Goodnight! " kinikilig namang sabi ni Sofia. " Pumasok ka na sa kwarto mo Arjay. Luisa tabihan mong matulog ang anak mo. Baka hindi yan makatulog ngayong gabi kakaisip sa nobyo nya. " panunudyo pa ni Manuel sa anak. Nailing na lang ng ulo sina Luisa at Arjay. Dalawang buwan na mula ng makilala nila Sofia at Arjay ang isat isa mag iisang buwan na rin silang magkarelasyon. Naging smooth naman ang lahat sa kanila. Sinikap din ni Arjay na hanapan si Sofia ng eye donor. Until one day may isang pasyente sa ospital nila na kritikal dahil sa pagkaka ambush rito na nalaman niyang isang police woman at nalaman niyang may donor card ito at dahil alam mg mga kapwa niya doctor na naghahanap siya ng eye donor para sa nobya niya ay agad siyang tinawagan ni Doctor Villegas para papaghandain si Sofia sa agarang operasyon. Nang araw ding iyon ay na operahan sa mata si Sofia. Alam ni Arjay na successful ang operasyon na ginawa niya para sa nobya kaya wala siyang kaba na nararamdaman katulad ng mga magulang ni Sofia. Naghintay lamang sila ng ilang araw upang tanggalin ang benda nito sa mata. At sa paglipas ng mga araw ay dumating ang takdang oras na muling makakakita ang dalaga. Nasa loob na ng private room ng ospital ang lahat ng gustong maka saksi sa pag tanggal ng benda sa mata ni Sofia. Dahan dahan na inaalis ni Arjay ang benda hanggang sa matapos. " Wag mo munang imumulat ang iyong mga mata. Relax ka lang Sofia, okay now dahan dahan mong idilat ang yong mga mata. " utos ni Arjay sa nobya. " Okay, May naaaninag ka na ba? " tanong ni Arjay. Muling pumikit si Sofia at dahan dahan muling iminulat ang kanyang mata. Tumingin si Sofia sa mga magulang. " Mom, Dad. nakikita ko na kayo uli. " naiiyak na saad ni Sofia na ikinaiyak na ni Luisa. Tumingin si Manuel kay Arjay at tahimik na nagpasalamat sa binata. Bumaling ng tingin si Sofia sa doctor na nasa tabi nila na alam niyang ang nobyo iyon. Ngumiti siya kay Arjay at pabulong na nag thank you. Nagbalik ngiti naman sa kanya ang binata na hinayaan ang mga magulang ni Sofia na asikasuhin na muna ang anak. " Dad, sino po sila? " tanong ni Sofia ng mapansin ang dalawang tao sa loob ng silid niya na ang isa ay lumuluha pa. " Sila ang mga magulang ng naging eye donor mo anak. Sina Mr. Rolando at Myrna Suarez. Ang anak nila ang nagbigay sayo ng panibagong mata upang makakita kang muli Sofia. " pahayag ni Luisa sa kanya. " Iha, pwede ba kitang yakapin? " hiling ng babaeng umiiyak ng makalapit na ang mga ito sa kanya. Tumango naman siya at ng yakapin siya ng ginang ay may naramdaman siyang kakaiba pumikit siya at mahigpit na yumakap din dito. Naluluha rin si Rolando na makita si Sofia na pinagmamasdan ang asawa na yakap yakap ng dalaga. " Nawalan man ng buhay ang anak namin na si Lynette, kahit man lang parte ng pagkatao ng anak namin ay alam namin na nandito pa rin sya at nakikita kami. Alagaan mo sana ang mga mata ng anak namin Sofia. " ani ni Rolando sa kanya na ikinangiti ng dalaga at ng bumitiw sa pagkakayakap si Mrs. Suarez nagpaunlak na rin ng yakap si Sofia kay Mr. Suarez. " Thank you po! Pangako aalagaan ko po ang mga mata ng anak ninyo. Salamat din po sa kanya. " taos pusong pasasalamat ni Sofia sa mag asawa.Na nakangiting pinagmamasdan ang kanyang mga mata. " Dahil sayo iha para ko na ring nakikita si Lynette sa iyong mga mata. " ani pa ni Mrs. Suarez. " Tara na Myrna may dadaanan pa tayo! Paano mauna na kami at maiwan na namin kayo rito. Minsan ay dadalaw kami sa bahay nyo upang kumustahin si Sofia, Manuel. " saad ni Rolando bago pa lumabas ang mag asawa na inihatid naman ni Manuel sa labas ng silid ng anak. Sumunod na rin ang nurse at ang ina ni Sofia sa paglabas kaya naiwan silang dalawa ni Arjay. " Finally, nasolo na rin kita! " nakangiting wika ni Arjay na nakatitig kay Sofia. napatingin naman ang dalaga sa kasintahan. " Nakikita na kita Arjay. Ang gwapo mo pala! Alam kong gwapo ka dahil mga bata pa lang tayo noon gwapo ka na eh! Pero mas gumwapo ka pa ngayon. " masayang ani ni Sofia sa nobyo na tinabihan siya sa kama niya at niyakap ang dalaga. " Im happy for you my love, sobrang saya ko talaga dahil nakikita mo na ko. Pwede na tayong magpakasal! " wika ni Arjay na ikinahampas ni Sofia sa braso ng nobyo. " Puro ka biro! " ang sabi ni Sofia. Tumayo si Arjay sa harap ni Sofia at may kinuha sa bulsa nito na isang maliit na box na kulay pula. Binuksan iyon ni Arjay at luluhod pa sana ang binata ng pigilan siya ni Sofia. " Hindi mo na kailangan lumuhod my love. " awat ni Sofia kay Arjay dahil alam na niya ang gagawin ng nobyo na ikinailing ng ulo nito sa kanya. Kaya nanatiling nakatayo na lamang si Arjay ng itanong sa kanya nito ang Will you marry me? Hindi naman nagpatumpik tumpik pa ang dalaga at sunod sunod na sinabi ang Yes. " Yes, yes, yes.. ". Sa paglipas ng panahon si Sofia at Arjay ay mag asawa na at magiging mga magulang na rin dahil nabiyayaan na rin sila ng anak. Ang mag asawang Suarez ay napalapit sa pamilya ng mga Alcantara. Nakailang punta na rin siya sa puntod ni Lynette at nakilala nya ang nobyo nito na si Patrick. Si Rodrigo naman ay naging proud muli kay Arjay at kay Arjay na niya ipinamahala ang ospital dahil nag migrate na ito sa kung nasaan ang anak nitong si Daniel na gustong makasama ang anak bago raw mahuli ang lahat sa kanilang mag ama. Naging happy and contented sa buhay si Sofia sa piling ni Arjay. Kahit na nakaranas siya ng pagsubok sa buhay at gusto ng sumuko noon. Na minsan ay naging madilim ang mundo niya pero dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ay nagkaroon siya ng liwanag. Nanatili siyang buhay dahil sa pag ibig sa kanya ng mga magulang at pag ibig sa kanya ni Arjay. Araw ng linggo at nasa loob sila ng simbahan ni Arjay upang manalangin at makinig ng misa. Napansin niya ang isang babaeng nasa harapan na bulag. Naalala niya ang sarili noong hindi pa siya uli nakakakita. Pinikit ni Sofia ang kanyang mga mata at iniusal ang pasasalamat niya para kay Lynette sa hangin. " Thank you, Lynette " Wakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD