YOU'LL BE IN MY HEART

2818 Words
YOU'LL BE IN MY HEART PART 1 Dalagita pa lamang si Elisse de Guzman ng mabatid nilang lahat na may sakit siya sa puso, na namana niya sa kanyang Lola sa ina. Pero matanda na ito ng madiagnosed na may sakit sa puso na ikinamatay nito dahil sa hindi na kakayanin pa ang operasyon. Lumalaki ang puso ng dalaga at sa paglipas ng taon ay lumala na rin ang lagay ng kalusugan niya. Na ang sabi ng doctor ay may Idiophatic Cardiomyopathy si Elisse. Nagdalaga si Elisse na sa bahay lang naglalagi. Mabilis kase siyang mapagod. Kaya home study ang naging pag aaral niya. At sa edad na bente dos ay isa na siyang computer accountant na work from home. May mga isinesend lang na data sa email niya ang company na pinagseserbisyuhan niya. Kapag need naman ang presence niya ay nakikipag meeting siya online at kung talagang kailangan na personal siyang umattend sa mga meeting ay sinasamahan naman siya ng kanyang Daddy o mommy. Malapit na kamag anak ng mommy Gina niya ang may ari ng kompanya. Alam nito ang tungkol sa kanyang sakit, kaya pabor sa kanya ang trabaho dahil sa prebilihiyong ibinibigay ng kompanya. "Hinay hinay sa trabaho Elisse, kanina ka pa riyan sa harap ng laptop mo. Nakalimutan mo ng bumaba para kumain. O heto dinalhan na kita at baka malipasan ka na ng gutom." ani ng kanyang mommy na dumiretsong umupo sa tabi nya pagkatapos na mailapag ang dala nitong tray na may kanin, ulam at isang saging pati orange juice na rin. "Thanks mom! Saglit na lang to mommy matatapos ko na to." aning turan ni Elisse sa ina. "Huwag matigas ang ulo Elisse, makakapaghintay naman yan. Sige na kumain ka na. Hindi ako lalabas hangga't hindi mo nauubos yang pagkain na dala ko." ani pa ni Gina sa anak na hinarap naman ni Elisse ang ina at nakipagtitigan sa mata ng kanyang mommy at ilang saglit pa ay napabuntong hininga na lamang dahil sa pangungulit ang ina. "Fine! Maghuhugas lang ako ng kamay." ani nya sa ina at tumayo sya upang magtungo sa banyo na nasa labas at katabi lang ng silid nya. Ang kanyang mommy naman ay hindi man lang umalis sa pagkakaupo nito at inilibot lang ang mata sa buong silid ng anak na para bang may makikita siyang bago roon o kakaiba. Gina, always make sure na naiinom ng kanyang anak ang mga gamot nito on time. " Mom, si Aldrin kumain na rin ba? Baka naman kakaasikaso mo sa akin ay si Aldrin naman ang di mo na naasikaso. " ani ni Elisse sa ina. " Ay naku! Wala ang kapatid mo nagpaalam kanina na may lakad raw sila ng mga kaibigan niya. Mag out of town raw sila. Pupunta ng Palawan mga 3 days raw sila don. Ayoko sanang payagan kaso ang Daddy nyo naman ay kinuntsaba na ata ng kapatid mo bago nagsabi sa akin kaya ayun wala akong nagawa kundi payagan na lang. " pagsisentemyento pa ni Gina sa anak. " Si Daddy? " hanap nya sa ama. " Nagpunta sa shop. Hindi nakapasok si Emma kaya walang kasama si Delia sa Laundry shop. Ang sabi ko nga ay ako na lang at siya na lang ang maiwan dito sa bahay ay ayaw naman. Yang Dad nyo hindi talaga matigil dito ng matagal sa bahay. " pahayag ng ina sa kanya na ikinangiti nya rito dahil nagsusumbong na naman sa kanya ang kanyang mommy. " Hindi nagbukas ng clinic si Dad ngayon? " pagtatakang tanong pa ni Elisse. " Hindi, wala naman daw naka booking ngayong araw kaya ang plano ng dad mo ay mag rest na muna ngayong araw at pupuntahan ang uncle Leo mo ang kaso ay tumawag si Emma at hindi raw makakapasok gawa ng tinatrangkaso. Mamaya ay pupuntahan ko sa Laundry shop andiyan naman si Marie kung may kailangan ka tawagin mo lang. Hahatiran ko ng hapunan ang Daddy mo doon. " saad naman ni Gina sa anak na ikinatango ni Elisse. Isang Veterinary Doctor ang ama ni Elisse na may sariling animal clinic si Luisito de Guzman. Ang ina naman niya ay si Gina Constantino na nag ma may ari ng dalawang Laundry shop sa bayan nila. Mayaman ang pamilya nila kaya kahit nga hindi na siya magtrabaho ay ayos lang. Pero ayaw niyang umaasa lang sa magulang gusto niya na may saysay pa rin ang buhay nya kahit na nasa loob lang sya palagi ng bahay nila. Ang pera na kinikita nya ay iniipon lang nya sa sarili niyang bank account. Hindi naman kase lingid sa kanya ang kanyang sakit. Alam niyang darating ang time na kakailanganin nyang magpa heart transplant. Ilang beses na ba siyang nagpa heart surgery upang maiwasan ang paglaki ng kanyang puso. Habang tumatagal nararamdaman niyang lumalala ang sakit niya hindi lang niya ipinapahalata sa pamilya nya dahil ayaw nyang mag alala ang mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na nahirapan na siyang huminga at sobrang sakit ng kanyang dibdib na sakto namang pumasok ng kwarto niya ang kapatid na si Aldrin. " Ate, pahiram naman ng eraser pen. " saad ni Aldrin ng makapasok na sa silid ni Elisse. Napansin ni Aldrin na parang nahihirapan ang ate Elisse niya " A- a ate Elisse. Mom, mommy si ate Elisse... " tawag ni Aldrin sa ina ng bigla na lang nawalan ng malay ang nakatatandang kapatid. Nagising si Elisse na nasa isang silid na. Alam niyang nasa ospital siya dahil sa mga aparatong nakakabit sa katawan niya. " M-mom! " tawag nya sa ina na natutulog sa kanyang tabi na nakaupo sa silya sa tabi ng kamang kinahihigaan niya na hawak ang kanyang isang kamay. " E- Elisse, thanks god nagising ka na anak! " masayang sambit ni Gina na hinaplos pa ang noo ng dalaga niya ng maalimpungatan ito. " Na-uuhaw ako mom. " ani ni Elisse na nanunuyo ang lalamunan. Kumilos naman agad si Gina at pinainom ng tubig ang anak gamit ang straw. " Anong nangyare mom? Bakit ako narito? " Hindi na niya mapigilan na hindi magtanong sa ina. " Nahimatay ka Elisse, mabuti na lang at pinuntahan ka ni Aldrin sa silid mo at ng pagpasok ko nga sa kwarto mo ay nawalan ka na ng malay. Pinag alala mo kami Elisse, buti na lang at naagapan ka. Takot na takot kami ng Daddy mo anak. " naluluhang saad ni Gina. Tahimik lang si Elisse. " Ang sabi ng doctor mo kailangang makahanap na tayo ng heart donor mo. Hindi na kaya ng gamot mo ang tuluyang paglaki ng puso mo. " Malungkot na sabi ng mommy niya na inaasahan din naman ni Elisse ang maririnig mula sa ina. Tumango lang si Elisse na para bang walang lakas na magsalita pa. Pakiramdam nya ay hapong hapo siya ng mga oras na iyon. Pumikit si Elisse at nakita ni Gina ang pagluha ng mga mata ng kanyang anak. " Elisse! " wika ni Gina na halos pabulong at pinisil ang kamay ng anak na hawak hawak niya mula kanina pa. Ilang araw ng naka confine si Elisse sa ospital ngunit walang nagbago sa sitwasyon nya. Pakiramdam pa nga nya ay para na siyang kandila na unti unting natutunaw. Hiniling niya sa mga magulang na iuwi na lang sya at doon na lamang sa bahay nila magpapagaling pero hindi pumayag ang doctor niya indicate na lumalala ng talaga ang kalagayan niya. Lumipas pa ang mga araw ay may mga ilan kamag anak na ng pamilya nila na binibisita siya sa ospital. Natutuwa naman siyang makita ang mga tito at tita nya na madalang lang nyang makasalamuha kahit noong maliit pa sya. Alam niyang gumagawa na ng paraan ang mga ito para makahanap ng heart donor nya. Dalawang linggo ang nagdaan mula ng itakbo si Ellise sa ospital pero wala pa rin silang nahahanap na puso para kay Elisse. Until one day pinatawag ang mag asawa upang makausap ng masinsinan ng doctor ni Elisse. " Tatapatin ko na po kayo Mr. And Mrs. de Guzman. Sa bawat araw ay palala ng palala ang kalagayan ng anak ninyo. Tanging Heart transplant na lamang ang makakapag survive sa kanya. Gumagawa na rin ang ospital ng aksyon upang makatulong. " pahayag ng doctor sa mag asawa na hindi na napigilan ni Gina ang umiyak ng umiyak pa. " Luis, ang anak natin. God please help us, help my daughter Elisse. Pakiusap wag mo muna siyang bawiin sa amin. Marami pa siyang gustong gawin. Diyos ko parang awa niyo na, huwag muna. " mahinang dalangin ni Gina habang umiiyak pa rin. Yakap yakap lamang ni Luis ang asawa na kahit sya ay naaawa para sa kanyang panganay na anak. Pero nawawalan na rin si Luis ng pag asa at nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang anak na hinang hina na. Tumingala si Luis at piping nagdasal " Kayo na pong bahala panginoon sa aking mahal na anak. " sabay ang pagbagsak ng luha ni Luis. Kinabukasan ay may natanggap na tawag si Luis mula sa kanyang bayaw na si Rolando ang asawa ng kanyang kapatid na si Myrna. Nasa loob sya ng silid ni Elisse nun kaya nagpaalam siya kay Gina na lalabas na muna upang sagutin ang tawag ng kanyang bayaw. Paglabas niya ng pinto at pagkasara niya atsaka lamang nya inaccept ang call. ( Rolando, bakit ka napatawag? ) ( Ipa ready mo ang operasyon ng anak mong si Elisse kuya Luis ngayon na. May heart donor na siya. May puso na para sa anak mo. ) malungkot na wika ni Rolando kay Luis na hindi naman makapaniwala ito. ( Totoo ba ang sinabi mo Rolando? Paano? Sino? Teka tama ba ang narinig ko may puso na para kay Elisse ko? ) natatarantang ani ni Luis sa kausap. Pero lubos na ang kasiyahan niya sa sinabi palang ng bayaw. ( Sige na kuya Luis, ipa opera mo na agad si Elisse. Pakiusap wag nyong sayangin ang pagkakataon na to! ) seryosong saad pa ni Rolando. ( Hello Rolando, Roando! ) tawag pa ni Luis sa kausap sa phone pero pinatayan na pala siya ng tawag nito. Tatawagan pa sana niya si Rolando ng makita nya ang doctor ni Elisse na humahangos na papalapit sa kanya. " Doc! " salubong na bati ni Luis sa manggagamot. " Tumawag ang Villaruiz Medical Center at may organ donor patient sila na mag do donate ng puso para sa anak ninyong si Elisse. Kailangan operahan agad ang anak nyo, Sir " ani ng Doctor na hinihingal pa. " Talaga Doc! Sige doc, gawin nyo ang lahat madugtungan lang ang buhay ni Elisse. Doc ipinagkakatiwala ko na sa mga kamay mo at sa nasa itaas ang buhay ng anak ko. " seryosong ani ni Luis na ikinatitig ng doctor sa mata niya at tinanguan sya. " Ill do my best Mr. de Guzman. " sagot ng doctor sa kanya. Sa Labas ng Operating Room ay hindi mapakali si Luis na balik balik ang paglalakad habang si Gina ay tahimik na nag ro rosaryo at nagdarasal. Lumipas ang mahabang oras na sa wakas ay namatay na ang red light sa labas ng pinto ng OR meaning tapos na ang operation na ginagawa sa loob. Naghintay pa ang mag asawa ng ilang minuto saka lang bumukas ang pinto at lumabas ang Doctor na nag opera kay Elisse. " The operation is succesful. Sir, maam. " nakangiting wika nito sa kanila. Bumagsak ang luha sa mga mata ni Gina ngunit sa pagkakataon na iyon ay luha ng kasiyahan. Niyakap ni Luis si Gina. At binigkas ng paulit ulit ang salitang Thank you Lord. " " Ililipat lang ng ibang room si Elisse at doon nyo na lamang siya puntahan mamaya. Mag pa assist na lang po kayo mamaya sa mga nurse na naroon. Mauna na ko Mr. And Mrs. de Guzman. " ani pa ni Doc at tuluyan ng iniwan ang mag asawa na magkahawak kamay na umupo sa waiting area. Kinabukasan ay nabalitaan nila Luis at Gina na namatay na ang pamangkin nilang si Lynette ang anak ni Myrna at Rolando. Napaisip si Luis at tinawagan ang bayaw. " Alam kong wala na si Lynette, Rolando. Napanood namin sa news na inambush ang anak ninyo. Kumusta ang kapatid ko? Alam kong nasasaktan ka ngayon sa pagkawala ng bunso nyo at nakikiramay kami ni Myrna sa inyong mag asawa. Pero gusto kong malaman Rolando kung tama ba ang hinala ko. Si Lynette ba ang organ donor ni Elisse? Kay Lynette ba ang pusong nasa katawan na ngayon ni Elisse? " tuloy tuloy na wika ni Luis. ( Totoo kuya Luis wala na si Lynette ko! Si Myrna nasa kwarto nya at nag iiyak pa rin. Hindi pa matanggap ang pagka matay ng anak namin. ) Sagot ni Rolando sa una niyang sinabi. Narinig ni Luis ang paghugot ng malalim na paghinga ni Rolando bago pa ito muling nagsalita. ( Tama ka ng hinala kuya Luis. Sa anak ko nga ang pusong na i donate kay Elisse. Si Lynette ko nga ang naging organ donor ng anak nyo. Ako ang nag suggest na kay Elisse ibigay ang puso ni Lynette. Wala na ang anak namin kuya at wala na kaming magagawa pa kundi ang tanggapin ang pangyayaring ito sa buhay namin. May concent naman ng anak ko ang pagiging organ donor nya kaya maluwag sa loob namin ang pagdedesisyon. Isa pa baka si Lynette ang naging kasangkapan ng nasa itaas para madugtungan ang buhay ng pinsan nya. " ani pa ni Rolando. " Thank you, Salamat sa inyo Rolando. Nalulungkot kami sa pagkawala ni Lynette. Bago ang libing ng pamangkin ko asahan mong darating kami diyan ni Gina upang makiramay. Naging succesful nga pala ang operasyon ni Elisse namin. Nagising na rin siya kani kanina lamang at maayos na ang lagay niya." pagpapasalamat ni Luis sa bayaw at pagbabalita na rin. ( Masaya akong malaman na naging maayos ang naging operasyon ng anak nyo. Sige na kuya mamaya na lang uli, haharapin ko lang ang mga bisita rito sa lamay. " saad ni Rolando na halata ang lungkot kahit sa boses lamang nito. Samantala sa bahay ng mga Ricaforte ay nag aalala ang ina ni Patrick dahil umuwe ang anak niyang bagsak ang balikat at parang wala sa sarili na nagtungo sa silid nito kanina na mabilis na ikinasunod naman nito sa anak at nakita ng mommy ni Patrick na namumugto ang mga mata nito na tila kakagaling lang ata sa pag iyak. May sugat at namamaga rin ang mga kamao ni Patrick na agad namang ikinakuha ng first aid kit ni Mrs. May Ann Ricaforte at nilinis ang sugat ng anak. Tinatanong nya si Patrick kung anong nangyari kahit na may idea naman na siya sa nakikita pa lang niya sa anak nakakasigurado siyang wala na ang kasintahan ni Patrick na si Lynette. Wala itong isinagot hindi rin nagsalita at ayaw mag kwento kaya hinayaan na lamang niya ito. Nang matapos ang pagbebenda sa kamay ni Patrick ay tumayo ito at tinungo ang pintuan ng silid. Binuksan ni patrick ang pinto ng kwarto at pinapalabas ang kanyang ina. Umawang ang labi ni May Ann dahil unang beses na ginawa iyon ng kanyang anak. Gusto man niya na damayan ang anak pero naisip niyang baka gusto munang mapag isa ni Patrick. Tahimik siyang tumayo at naglakad pero hindi inalis ang paningin sa mukha ni Patrick hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan at marahan na isinara ni Patrick ang pinto na narinig niyang ini lock pa nito ang doorknob. Sa loob ng silid ay nagmukmok roon si Patrick binuksan niya ang kanyang cellphone at nagtungo sa galery nito. Nag scroll siya ng mga photo nila ni Lynette at pinanood niya ang mga video ng nobya at video na magkasama sila. Hinahayaan lang ni Patrick ang paglandas ng luha sa kanyang mga pisngi. Nakasalampak siya sa sahig at nakasandal ang likod niya sa gilid ng kama niya. Kapag pumapasok sa isip ni Patrick ang sinabi ng ama ni Lynette sa kanya bago sila nag hiwalay sa ospital ng iwan siya nito roon ay gusto niyang magwala. Naalala nya ang sinabi nito na " magpakalalaki ka Patrick, hindi gugustuhin ni Lynette ang pagwawala mo diyan. Tanggapin mo na lang din na hindi na babalik pa kahit kailan sa atin ang anak ko. " " Lynette... Lynette.. Lynette.. Ahhh.. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang sakit. Ang sakit sakit! bakit Lynette, bakit mo ko iniwan!? Ahhh..." sigaw ni Patrick na ikinapagwala niyang muli. Dinig mula sa labas ng kwarto ni Patrick ang paghihinagpis niya pati ang mga nabasag na kagamitan sa loob ng silid ng binata na ikinahawak ni May Ann sa kanyang dibdib na napapaluha na rin sa awa sa anak at ng mga katulong nila na narinig pa ni Mrs. Ricaforte ang sabi ng isa na. " hala susmaryusep, dyusko po! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD