PROLOGO
I, Samantha Añorivas whom waiting for this man to accept my sincerest apologies literally strucked my ticker as hell when he brought his new woman in front of our friends. Hindi ko alam kung paano kikilos sa harap ng mga kaibigan lalo't nararamdaman nilang hindi maayos ang pangyayari.
"HI, EVERYONE. I want you to meet my girlfriend, Myla Cardenas," pagpapakilala ng binata sa grupo ngunit imbis bumati ang mga ito'y matik na naglakbay ang mga paningin nila sa gawi ko.
Hindi ipinahalatang nasasaktan kahit parang dinaanan nang pison ang puso dahil sa ginagawa ng binata. She's pretty but not beautiful as hell like me. Hindi ako patatalbog sa isip dahil tanging dito na lamang makagaganti sa nararanasang sakit dulot nang pagkakamali. Tila hindi gusto nina Jana ang presensiya ng mga kaibigan ni Tanya na hayagang nilalandi ang HOMIGEN kaya't nagpasya ang HOMIGEN GALS na humiwalay nang couch sa mga ito maliban sa bagong kaibigang si Destiny na sadyang nagpaiwan sa circle nina Lyndon kahit kung tutuusi'y out place na'ng dalaga.
Napakasakit sa'kin ang makita siyang masaya sa piling ng iba. Parang nginangatngat ang puso nang sampung mga daga dahil sa nararamdamang selos
"f**k you, Lyndon Santiago, for making me feel this way," I whispered through air.
Habang nagkakasiyahan ang ilang mga kaibigan sa naturang bar hindi mapigilang maging sentimental nang ipinakilala ng hudas ang bago raw nitong kalampungan. Bulag ba siya para hindi makitang mas maganda ako sa babaeng hinaharot niya. Kulang na lamang magtinda ng funda 'tong babae dahil sa kapal nang apog este foundation sa mukha. Myla Sardinas daw ang pangalan o kung sinuman siya hindi ko mapapalagpas ang mga pambabalewalang ginagawa ni Lyndon. He is mine, only mine, come high or hell water!
Nagkaanak na't lahat si Jana at Troy samantalang ako ni dilig o wisik nang katas ng lalaking 'to wala?! Aba masyadong nagpapakipot. Buti pa kaibigan ng kumag alam ang salitang pagsuko ng Corregidor sa Bataan ni Jana Buenaventura. Ang sarap pag-umpugin nitong dalawang hayok sa laman. Nasa kabilang couch kami dahil masyadong mataas ang ego upang maglumuhod sa lalaking walang ginawa kundi pasakitan ang isang Samantha Añorivas. Hindi pa rin yata nakakamove-on sa nangyari kaya halos ganito kasukdulan ang galit niya sa'kin? It's not my fault if I have to prioritize my life. I have to be better exclusively for his own sight and not the vulnerable lady he used to love, whom not even know how to boil an egg or cook for him before. I was a failure and no match with his capabilities. My own father likes Lyndon Santiago more than me and he became indiferrent when I tried to choose my own will especially when I left his unripened son-in-law.
"Hey girl, kung may laser lamang 'yang mata mo, kanina pa siguro natunaw 'yang dalawang unggoy sa kabila," putol ni Andy sa lalim ng iniisip ko.
"Kung puwede lamang i-utos kay Troy na isilid 'yang kaibigan niya at iregalo sayo sa birthday mo ginawa ko na, besh," susog naman ni Jana.
Marahil hindi maiwasang maging transparent sa mga kaibigan kung kaya halata sa itsura o kinikilos ang kalungkutang lumulukob sa pagkatao. I can't deny my angst towards his nasty attitude if I am with his circle.
Hindi ako kumibo at basta na lamang inagaw ang vodka'ng hawak ni Suzy. I straightly drank it up and didn't look after the people around me.
"Hey, dear, easy," inakbayan ni Susana dahil alam nitong nagpupuyos ang kalooban sa mga nakikitang sweetness sa pagitan ng mga ito.
"What do you want us to do, huh?" tanong ni Louella saka kumindat ang babae na parang may binabalak.
"What do you mean, girl?" anas ni Sophie.
"Leave it to me," she winked.
Napailing si ate Jade at Leah dahil sa binabalak ng babae ngunit wala naman sa'kin kung hindi niya pansinin. Ang tanging inaalala lamang ay nakapangako sa amang si Lyndon ang aking mapapangasawa pagdating sa panahong tapos na'ng mga dapat unahin sa buhay ngunit sa nangayayari'y tila malabong matupad sapagkat sukdulan yata ang nalikhang galit sa puso ng binata magmula nang hindi sumipot noong araw na 'yon.
Kasalukuyang nagpupulong ang mga kaibigan ngunit hindi nasa mga ito ang atensiyon. Lalo lamang nadagdagan ang isipin dahil sa nangyayaring problema sa pagitan nang isa sa mga kaibigan nilang si Xavier. Parang ang siste'y nakikisabay rin kami sa problemang barkada patungkol sa issue sa'ming dalawa ng binata. Hindi makaalis si Destiny sa couch ngunit sa pagmamasid ay nasaksihan ang pagkakagulo sa kabilang grupo dahil sa pagsusuntukan ng pinsan ni Andy at ni Xavier. Nagkagulo ang HOMIGEN maging ako'y nakiawat na'rin. Pinipilit hilahin si Destiny ngunit natatakot madamay sa dalawang nagsasapakan.
"f*****g go!" sigaw ni Lyndon nang makitang nasa malapit lamang ng dalawang binata.
"Bakit sa'kin ka nagagalit?" nakakapikon talaga.
"Who wouldn't get mad at a nosy person like you?"
"Ang kapal talaga ng mukha mo para pagsabihan ako nang ganyan!?" I was really exasperated.
"What if you'll get hurt? Edi mas lalong hindi na-solve 'yang problema sa mukha mo?" anito.
Hindi ko alam kung concern si Lyndon o talagang namimintas lamang ang lalaking kaharap.
"Walanghiya ka talaga! Anong ginawa ko sa'yo ha? Move-on din kasi! Palibhasa bitter ka dahil hindi ka sinipot noon,"
Tumalikod sa lalaki ngunit nahinto nang muling magsalita ang binata.
"I'm not really viscious, I just don't care about you anymore. I am more apprehensive about their fist if they accidentally knock you down. You know why? It's because they might get hurt if they will hit the heartless wall I've known" seryosong pahayag ng lalaki.
Naestatwa sa kinatatayuan habang nasasaksihan ang babaeng sumasalubong dito. 'that f*****g Myla Sardinas whatever Hokkaido, or f*****g ligo. I'm witnessing the most intolerable phenomenon in my whole inclusive life. Parang mas masakit pa yata 'to sa pag-retake ng exam nang tatlong beses noong college. Akala ko iyon na ang pinakamasaklap ngunit hindi pa pala, mas masakit ang masaksihan ang taong mahal na sadyang masaya sa piling ng ibang kanlungan.
I don't know how will I ever cope up with this freaking' scenario!
Imbis patuloy masaksihan ang masasakit na tagpo'y piniling umalis sa mismong lugar at hindi na nagawang magpaalam sa mga kaibigan sapagkat ayokong makadagdag sa alalahanin ng mga ito. Sapat nang iisa lamang ang nilulutas nilang suliranin.
Pagkarating sa carpark ay kaagad hinanap ang car keys at mabilis na pumasok sa loob saka pinaandar ang dalang sasakyan. Hindi mapigilang lumuha ng patugtugin ang stereo na saktong-sakto sa madalas pinatutugtog noon kapag magkasama kaming dalawa. Kaya ang naging bagsak habang nagda-drive ay bumubuo ng sariling K-Drama sa utak. Parang nanonood ng music video kung saan kaming dalawa ang bida.
"I'd rather have bad times with you than good times with someone else!" pumipiyok-piyok pa habang inaawit mag-isa ang naturang kanta.
Maya-maya'y huminto sa gilid dahil tumutulo ang sipon sa sobrang iyak at inis sa kalagayan naming dalawa. Hinampas hampas ang manibela at iniisip na si Lyndon Santiago ang nasa mismong harap.
"f*****g moron, why him?--Arggh" parang batang nagmamaktol sa hangin.
Napapitlag na lamang ng mayroong kumatok sa gilid nang sasakyan rason upang makadama ng takot sa kung sino ngunit napag-alamang guwardiya lamang pala kaya mabilis ibinaba ang bintana ng sasakyan.
"Okay ka lamang, miss?"
"Mukha ba 'kong okay ha, kuya?"
Napakamot lamang sa batok si kuyang gwardiya dahil sa inasal.
"Tell me, mukha ba 'kong okay? Hindi ako okay kuya, ikaw ba kapag nakita mong may mahal ng iba yung taong mahal mo magiging okay ka? Sumagot ka kuya!!Sagot" halos maputol ang litid sa inis at magkahalong galit.
"Huwag ho kayo sa'kin magalit Ma'am, ginagawa ko lamang ang trabaho ko. Wala ho akong kasalanan" lalong nalito ang guwardiya.
"Sorry kuya. Istorbo ka kasi sa moment ko." mabilis itinaas ang bintana saka napagtantong nakakahiya ang nagawa.
Nahilamos tuloy ang palad sa mukha dahil sa magkahalong emosyong nararamdaman. Ayokong umuwing ganito ang kalagayan dahil baka maghurumentado na naman ang ama sa madadatnang itsura kung sakali.
Biglang umilaw ang bombilya ng ideya saka kaagad kinabig ang kotse sa lugar kung saan walang masyadong may alam maliban sa lalaking itinatangi sapagkat imposibleng pupunta rin 'yon doon.
Mabilis tinahak ang daan patungo sa isang bakanteng bahay malapit sa boundary ng Alabang at Cavite. Hinanap ang susing nakalagay lamang sa ilalim ng pasong may tanim na rosas. Dati'y alaga ang mga bulaklak ngunit dahil sa mga hindi magagandang pangyayari ay nakalimutan na kung paano alagaan ang mga ito.
Pagpasok sa loob ay tila nabalik sa nakaraan kung saan kasama ang taong kasabay mong nangarap bumuo ng sariling pamilya. Matagal ding hindi tumuntong sa pamamahay na 'to kaya halos mahahalata na'ng ilang agiw sa kisame.
Umakyat sa ikalawang palapag at doon ibinagsak ang katawan sa built-in bed na sadyang nakasiksik sa isang contemporary book shelves. It was a mini-house we acquired from our first- ever joint savings account. Hindi na naituloy ang lahat dahil sa mga nangyari noon.
Kapagkadaka'y humiga ako at pinatay ang ilaw saka unti-unting pumikit hanggang sa may maramdamang mainit na mga bisig kung saan pumupulupot sa beywang na naging dahilan upang makadama ng takot at kaba. Napadilat nang wala sa oras dahil hindi malaman kung anong marapat gawin.
Am I hugging a freaking ghost? The hell with these paranormal thoughts I am thinking right now!
Dahan-dahan lamang Sam, kailangan makaisip ka ng paraan upang makatakas dito. I tried to delude that I'm wheezing while reaching any hard object.
"Kruk, kruk! ugh kruk!!" I made some flamboyant snore and aggressively stroked the hard stuff on stranger's head then unexpectedly sat up to check if I hit the exploiter beside me.
"You f*****g maniac! Akala mo makukuha mo ang juicy fruit ko, ha? Dadaan ka muna sa bangkay ko!" anas dito bago muling pinukpok ang kung sino hanggang sa sumigaw ang estranghero na ikinatigalgal ko sapagkat pamilyar ang boses nito rason upang mabilis binuhay ang lampshade.
"L-lyndon?"
"f**k! What are you doing here, huh?" habang sapo ang ulo.
"Aba malay ko sa'yo? Bakit sa'kin mo tinatanong?"
"Where's, Myla?" inis na inis ang lalaki base sa tono niya.
"Bingi ka ba? Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo atsaka hindi ako tanungan ng tindera ng mga espasol," ismid sa lalaki.
"f*****g life! Are you trying to set me up?" he muttered.
"Excuse me, Mr. Lyndon Santiago that's not my style!"
"I forgot that it wasn't your mastery, rather, it's about abandoning someone after you make them fall."
Gusto mang ipagtanggol ang sarili o ipaliwanag sa lalaking hindi ginusto ang mga nangyari ngunit mas alam sa sariling hindi rin makikinig si Lyndon dahil sarado na'ng mga matang dating nagniningnig kapag kasama ako samantala, kabaligtaran ngayon na purong galit at parang regular na nireregla sa t'wing makikita ang kagandahan ko.
Tumunog ang phone ng binata na ka'gad namang sinagot nito. Base sa itsura ng lalaki'y parang mas nadagdagan ang pagkakakunot-noo dahil sa kausap sa kabilang linya hanggang i-off ni Lyndon ang phone at bahagyang tumingin sa gawi ko.
"What the f**k did you do to the woman I love?" he looked so serious as hell.
Inay ko po!