KUMAKABOG ANG AKING DIBDIB, nanlalamig ang mga kamay habang nakahawak sa manibela maging sa pagmamaniobra ay nanginginig ang aking tuhod. Nililingon ang bawat paligid at nagbabakasakaling mamataan ang binata hanggang sa mapadaan sa tapat ng Young at Love Cafe', halos huminto ang pag-inog ng mundo nang makita ang pamilyar na bulto ng binata. Mayroon itong kausap na isa pang lalaki ngunit hindi mamukhaan kung sino. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi kaagad naikabig ang sasakyan rason upang malampasan ng tingin ang mga ito. "s**t! Dumb!" naihampas ang manibela sapagkat hindi maaaring umabante dahil ang naturang kalye ay one-way dahilan upang kinakailangang umikot sa kabila para lamang makaparada sa tapat ng naturang coffeeshop. "Tsk! The hell of this turbulent scene, ugh!" Mabili

