“Ang ganda-ganda n’yo po nanay.” Ngumiti ako kay Carina at marahan na pinisil ang pisnge niya. “Ikaw din naman anak napakaganda mo.” “Syempre po, anak n’yo po ako, eh.” Tugon niya kaya mas lalo akong napangiti. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop niya. Tinititigan ko si Carina habang lulan kami sa sasakyan na sinadya pa kaming ipakuha ni Carmela para daw hindi na kami mahirapan patungo sa Makiling Cathedral. Hindi nga naglaon ay nakarating na kami at umupo kami sa pinakahuling upuan sa dulo dahil iyon na lang ang bakanteng upuan. Nagsasalita na ang pari nang makaupo kami medyo nakuha pa namin ang atensyon ng ibang tao lalo na ang mga nasa hulihan marahil ay kanina pa nagsimula ang simba. Nakikinig lang ako pero ang anak ko ay inaantok at sumandal siya sa akin. Halos 10 minutes

